fin.

Hindi Mo To Matitikman

Tahimik na nililipat ni Baekhyun ang mga channel sa kanilang telebisyon sa kanilang apartment. Medyo nababanas na rin siya dahil sa dinami dami ng channel, wala siyang mapanuod ni isa. Wala man lang magandang palabas.

"Chanyeol!" tawag ni Baekhyun, dahil kailangan niya talaga ng kasama ngayon (Kasama nga ba? Baka kalaro.) at sobrang na-uurat na talaga siya. Ngunit walang lumalabas mula sa kanilang kwarto. Tinry niya pang tawagin muli si Chanyeol. "Hoy! Dobi! Dito ka nga!"

Pero wala talaga. Napamura nalang si Baekhyun sa kanyang sarili dahil wala na nga siyang kalaro—Este—kasama, wala pa siyang mapanuod na channel.

Nangangawit na ang kamay ni Baekhyun sa kakapindot sa remote control nang mapahinto siya sa isang Channel. Cinema One.

D'Anothers, nakalagay sa title screen, Starring Vhong Navarro. "Vhong Navarro?" tanong ni Baekhyun sa kanyang sarili, pero alam niya naman na nagmumukha siyang tanga dahil wala naman siyang kausap, "Huh, yun yung nabugbog diba?"

Ayaw talaga ni Baekhyun sa mga tagalog na pelikula (kabaliktaran ni Chanyeol, na sobrang kinahihiligan ang mga iyon) dahil sa tingin niya, korni ang mga ito. Okay, medyo judgemental, pero yun talaga ang laging isinasaisip ni Baekhyun.

Kaya lang sobrang desperado na si Baekhyun kaya wala na siyang choice kung hindi ito ay panuorin.

Medyo matagal na ang pelikulang ito, nararamdaman ni Baekhyun, dahil hindi ito kasing HD ng mga nakikita niyang pinapanuod ni Chanyeol. Pero tinuloy niya parin ang pagpapanuod.

Mga nagdaang 30 minutos sa pelikula, nagugustuhan na ito ni Baekhyun. Kasi nakakatawa at nakakaaliw, kahit Horror ang tema nito. Inisip ni Baekhyun na kung sana sinamahan niya ang kanyang nobyo na sa pinapanuod nitong mga tagalog na pelikula. Hindi na siya tatawa nang ganto kalakas. Dahil masasanay na siya.

Sobrang tutok na tutok si Baekhyun sa kanyang pinapanuod nang hindi niya mamalayan na si Chanyeol ay nasa likod niya na.

"Baekkie!" sabi ni Chanyeol, habang tinatapik ang mga balikat ni Baekhyun. "Baekkie andito nako! Nakatulog ako, sorry ah!"

"Eh," lang ang nasabi ni Baekhyun nang umusog siya papalapit sa telebisyon. Ayaw niya nang maalis ang kanyang mga mata sa kanyang pinapanuod. "Dun ka na, busy ako."

"Baekhyun!" sabi ni Chanyeol, naririnig ni Baekhyun ang pout sa kanyang mga salita. "Sorry na kasi. Andito nako oh!"

"Tse," sabi ni Baekhyun, pabiro at sabay baling sa mga braso ni Chanyeol na nakapatong sa kanyang mga balikat. "Ngayon nakahanap nako ng pinapanuod eh. Bye Yeol, alis na. Tsupe!"

Kumunot lalo ang mga kilay ni Chanyeol. Tinignan niya kung ano ang pinapanuod ni Baekhyun. Napa-wow siya sa kanyang sarili dahil isa itong himala, na nanunuod si Baekhyun ng mga tagalog na pelikula. Nakilala ni Chanyeol ang palabas sa telebisyon. D'Anothers.

Isa ito sa mga pelikula na patagong pinanuod ni Chanyeol. Matagal na tong pelikula na to, pinanuod niya to nung pagka-release pa lamang pero natatandaan niya pa kung ano ang nangyari at kung ano ang storya na to.

At nagkaroon siya ng mahiwagang bumbilya sa ibabaw ng kanyang ulo.

Bumalik si Chanyeol sa kanyang kwarto, napangiti naman si Baekhyun dahil sa wakas wala nang nanggugulo sa kanya. Makakapanuod na siya nang payapa.

May narinig siyang kalampagan ng mga drawer at cabinet sa loob ng kanilang kwarto. May hinahanap nanaman siguro si Chanyeol, Isip-isip ni Baekhyun, Ang burara kasi eh.

Lumipas ang marami pang minutos nang patapos na ang pelikula. Hindi parin lumalabas sa kwarto si Chanyeol, inisip ni Baekhyun na baka nakatulog nanaman ito. Sobrang pagod kasi sa mga schedules. Pupuntahan niya na sana ito at magsosorry, pero patapos na ang pelikula kaya susubaybayan niya na.

Napaka-catchy ng theme song nito. Ay yay yay, ay yay yay yay, napapakanta na tuloy si Baekhyun. Ang closing sequence nito ay sila Vhong Navarro at Toni Gonzaga na nagsasayaw sa isang makulay na background, na maraming back-up dancers. Nakangiti lang si Baekhyun habang nanunuod.

Hanggang sa narinig niyang bumukas ang pinto ng kanilang kwarto at may narinig nanaman siyang ay yay yay, pero sa pagkakataong ito isang malalim na boses na ang kumakanta nito.

Ay yay yay! Ay yay yay yay yay!

Shet.

Nakita niya nalang si Chanyeol na naka-all white, subalit suot niya parin ang kanyang puting pajamas na may itim na polka dots. Suot niya rin ang kanyang bunny slippers. Walang nakasuot sa itaas na bahagi ng kanyang katawan maliban sa isang white na sweater (na nakabukas) at ilang mga puting kwintas na bigay ng kanyang mga fans.

Sa kanyang ulo, nakapatong ang isang puting fedora na regalo sa kanya ni Baekhyun noong birthday niya last year.

May bigote rin siya, na hindi halatang peke dahil maganda naman ang pagkakaguhit nito. Parang pang-professional. Kuhang kuha ang bigote ni Vhong Navarro sa pelikula. Natuwa si Baekhyun dahil bagay kay Chanyeol ito (pero sa tingin ni Chanyeol hindi na kapag nalaman niya kung ano yung ginamit na pang-guhit dito.)

Naglalakad si Chanyeol patungo sa direksyon ni Baekhyun habang kumakanta,

Pag ang puso ko ay nagmahal
Garantisado na magtatagal
Pero kung ito’y masasakal
Hindi mo ‘to matitikman


Gusto nang magpakamatay ni Baekhyun ngayon kasi sa isang iglap, napag-isip isip niya na mali yata ang desisyon niyang mahalin ang lalaking ito. Nagpipigil siya ng kanyang tawa pero kahit korny, natatawa parin siya. Ewan. Ganun ba pag inlove?

Habang nang-eentertain si Chanyeol, may pakindat-kindat pa siyang nalalaman. Seryoso, gusto nang tumalon ni Baekhyun sa bangin.
"Chanyeol—" sinimulan niya, pero natawa siya bigla at nilagay ni Chanyeol ang isang daliri niya sa kanyang mga labi sabay kindat.
"Tangina Chanyeol tama na oh my—" hindi nanaman siya nakapagtapos ng kanyang sasabihin dahil—

Kung katawan ko lang ang habol n’yo
Na kung gumiling pa’y lumiliko
Masusunod pa rin ang puso ko
Ang puso na Don Romantiko


Nilawakan ni Chanyeol ang kanyang nakabukas na sweater habang kinakanta niya ang mga linyang ito. Habang gumigiling. Medyo nagulat at napatitig nalang si Baekhyun kasi wow, biglang nawala ang mga baby fats ni Chanyeol. Medyo halata na ang outline ng katawan niya, medyo mas lalo naging papa. Hindi nga siguro masamang desisyon to.

Medyo lumambot na rin ang katawan ni Chanyeol. Narealize ni Baekhyun na andami nang nagbago sa kanyang kasintahan, pero hindi niya napapansin kasi palagi nalang itong wala.

Kakisigan ko’y hindi biro
Parang langit na nga yata ako
Kung ako ay lolokohin n’yo
Hindi mo ‘to matitikman


Sa puntong ito nasa sahig na kakatawa si Baekhyun. Sauladong-saulado ni Chanyeol ang kanta at sa kanyang laking gulat, hindi pa ito sintunado. Nawala na rin ang serious at seductive expression ni Chanyeol at napalitan na rin ito ng tuwa na nakikita rin sa mukha ni Baekhyun.

"Park Chanyeol," sabi ni Baekhyun, halos hindi na makahinga sa kakatawa habang hinahampas ang kanyang kanang kamay sa sahig at nakapatong ang kanyang kaliwa sa kanyang tiyan, "Isa kang, HAHAHAHA malaking HAHAHAHA puta HAHAHAHA!"

Nakitawa na rin sa kanya si Chanyeol at tinulungan siyang tumayo. Tapos na ang kanta at walang naririnig ngayon sa kanilang apartment kundi ang pinagsamang tunog ng kanilang katuwaan.

"Nakakahiya yun, ugh," banggit ni Chanyeol, bigla lang siyang nahimasmasan sa kanyang ginawang katarantaduhan. Tinawanan lang siya lalo ni Baekhyun at naglagay ng isang halik sa kanyang pisngi. "Okay lang, at least nagpapakagago ka para sakin."

Hinubad ni Chanyeol ang kanyang fedora at nilagay ito sa ulo ni Baekhyun. Ngumiti si Baekhyun sa kanya sabay pinatong ang kanyang ulo sa balikat ni Chanyeol. "Sorry sa kanina ah. Di mo ako pinupuntahan eh," bulong ni Baekhyun, tila ba'y nanlalambing ng kanyang kasintahan.

"Nakatulog nga ako diba?"

"Tsaka ang pogi ni Vhong doon babe. Sorry."

Nagulat nang pabiro si Chanyeol at para bang na-intriga sa sinabi ng kanyang nobyo. Tumawa lang si Baekhyun.

"Pero siyempre, mas pogi ka. Heh. I love you!"

+

(Naiwan si Chanyeol sa sala habang pumunta si Baekhyun sa kanilang kwarto para magbihis, nang biglang maalala ni Chanyeol ang isang bagay na alam niyang magiging rason upang gulpihin siya ni Baekhyun.

Pipigilan niya sana kaya lang too late, sumabog na ang bulkan.

"OY PARK CHANYEOL!" sigaw ni Baekhyun, boses mas matining pa kaysa doon sa nakakainis na Aling Luhan na tindera sa tapat ng kanilang tirahan, "PUTA YUNG EYELINER KO!"

Wala nalang nagawa si Chanyeol kundi isara ang kanyang mga mata.)

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
ZZZZZZEY #1
Chapter 1: Hahahahahahahahaha kainis, don romantico chanyeol. Eto yung mga fanfic na pang 2 pm ng hapon hahahaha. Bwiset galing hahahahaha
hyun
#2
Chapter 1: BAT BA NGAYON KO LANG NAKITA TO LT HAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAAHAHHATANGINA
kevgyuri
#3
wagas tawa ko dito..XD
AchiFigDre
#4
Chapter 1: Jongina tong story na to dami kong tawa. Huta! I can imagine Yeol dancing Don't Romantiko. OMG! Best. Crack. Ever.
Senpai-nim
#5
Chapter 1: PUTANGINA PUTANGINA NATATAWA AKO GAGO AHHAHAHAHAHAHAHA
hyerim16 #6
Chapter 1: Tangina ayoko na HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA I can imagine chanyeol dancing to don romantiko (?) with all those props and make up and everything
YoeSoo
#7
Chapter 1: bwahahaha! Huta! naiimagine ko! Leshe plan! Ang sakit na ng tiyan ko kakatawa! Bwahahaha! Tapos yung last part,Aling Luhan!? Bwahahahaha!
kernstinfinite
#8
Chapter 1: Tangina iniimagine ko ni Chanyeol, mala-Vhong siguro puta ang gwapo hahaha sht yari ako kay Baek lol
seoppie_143
#9
Chapter 1: tahahahahaha~~SHET !! dami kong tawa dito !! hahaha~~~xDD nice story author !!^_^