Kwento ni Ms. Hopeless Romantic

Description

isa ka bang desperada?? taong pinanganak ng walang kapreha? a total loner, at tatandang dalaga?! hah! wag kang panghinaan ng loob, malay mo matulad ka kay Ms. Hopeless Romantic, makita mo narin ang prince charming mo... ^_^ 

Foreword

Naniniwala ka ba sa sa “DESTINY”?

            Eh sa mga katagang “MEANT TO BE”?

            Natry nyo na bng mag-abang mag-alasdose ng gabi para magdasal ng Hail Mary ng sampung beses at tingnan sa mata ang picture ng taong mahal nyo?

            Eh sundin yung “nine love tips” sa pelikulang Crazy Little Thing Called Love?

            Eh lhat na ata ng uri ng panggagayuma ginawa ko na… hindi pa rin umeepekto… hindi nya pa rin ako pinapansin… bumili na nga rin ako ng libro ni sir Ramon na “Bakit Hindi Ako Crush ng Crush Ko” kung sakasakali mang may kapareho ako ng sitwasyon pero sa kasamaang palad…. Wala.

            Lingo-linggo na kong nagsisimba…

            Ubos na lahat ng barya sa bulsa ko kawiwish sa wishing well…

            Pero anong napala ko? Wala!! 

            Ni isang beses… hindi nya akong nagawang lingunin…

            Kaya kayo na may magandang loob na nagsimulang basahin ang walang kwentang kwento ng buhay pag-ibig ko (kung meron man), maraming salamat… at naawa kayo saken…

            Good luck na lng saken…

            Basahin nyo nlng ang mga kagagahang pinaggagawa ko dahil sa PAGKADESPERADA KO, MAHALIN LANG AKO NG TAONG MAHAL KO!!!! MWAHAHAAHAA!!!!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet