Wag Mo Akong Bitinin

Wag Mo Akong Bitinin [tagalog oneshot]
Wag mo Akong
 
bitinin
 

“Myungsoo! Myungsoo! Myungsoooo~!” pilit na ginigising ni Reinalyn si Myungsoo. Sila ay mag-live in partner. Si Myungsoo ay isang tindero at may-ari ng instrument store habang si Reinalyn ay isang musician. Nagkakilala sila nang bumili si Reinalyn ng pluck sa tindahan ni Myungsoo. Na-love at first sight si Myungsoo sa kanya at agad niligawan. Inabot ng isang taon bago niya nakuha ang matamis niyang oo. Ganda niya no?

Nung second anniversary nila, inalok ni Myungsoo si Reinalyn na magsama na sila sa iisang bahay at hindi bubong. Inabot ng fourth anniversary nila bago niya napapayag ang babae. Pumayag lamang siya dahil binenta na niya ang kanyang condo unit sa Makati. Sosyal.

Ngayon, dalawang taon na silang nagsasama. Ang nakakagulat, wala pang nangyayaring rated SPG sa dalawa. Marahil sila ay parehong abala sa kanilang mga trabaho. Ngunit pag matutulog ay magkatabi naman sila.

Araw-araw ganun ang buhay nila: gising, kain, trabaho, kain, uwi, kain, tulog.

Pero ngayong araw, ginigising ni Reinalyn si Myungsoo dahil may gusting bumili ng nag-iisang grand piano na secondhand – kaya di na siya ganun ka-grand – sa halagang P5.123450 M.

“Huh? Ano siya baliw? Display lang yun dahil sira.”

“Sira ka pala eh! Yamaha grand piano LANG naman yung sirang pianong nakadisplay dun. Ewan ko ba sa inyong mga Koreano!” Biglang umalis si Reinalyn para magluto ng bacon at itlog. Breakfast time.

Ayaw sabihin ni Myungsoo kay Reinalyn na kaya ayaw niyang ibenta yun dahil may taguan ng pagkain ang pianong iyon at dapat P6.789 M ang ibayad ng bibili dahil dun.

Simula nang makilala ni Myungsoo si Reinalyn, nawala ang kanyang pagiging mahiyain at ang pagkaadik niya sa selca AT HINDI SELFIE. Ginamit niya pa ang hidden singing talent niya mapa-oo lang siya. Maraing nagbago sa buhay niya simula nang makilala niya si Reinalyn.

Habang nagluluto si Reinalyn ng ramyeon, may dalawang brasong yumakap sa kanya mula sa likod. Narinig ng kanyang tenga ang malamig at amoy panis na laway na “I love you” ni Myungsoo.

“Toothbrush ka muna. Kundi di kita bibigyan ng kiss!” utos ni Reinalyn kay Myungsoo habang pinapatay ang gas range.

Dahil mukhang kiss si Myungsoo, agad-agad siyang pumunta sa banyo, nagsepilyo, naghilamos ng mukha at kinuhaan ng picture ang sarili gamit ang Samsung S4. May sponsor. XD

Paglabas ni Myungsoo, agad niyang tinadtad ng kiss si Reinalyn sa magkabilang pisngi. Take note: wala pa silang kiss sa lips. Lupit men.

“Maka-kiss ka wagas. Kumain ka na muna mabuti pa. Tas mamaya pag-usapan natin yung sa grand piano.”

Biglang nag-pout (dahil di ko alam ang Tagalog nun) si Myungsoo. Mukha siyang masarap gahasain.

Pagkatapos kumain ay hinugasan ni Myungsoo ang mga pinagkainan at pinaglutuan. Agad siyang naligo pagkatapos. Mahilig siyang makigamit ng shampoo ni Reinalyn. Kaya nag-aaway sila sa twing tapos na ang isang maligo. Hilig nilang mag-away sa walang kwentang bagay, tulad ng isang normal na magnobyo/nobya.

“MYUNGSOO! INUBOS MO NANAMAN YUNG DOVE SHAMPOO KO! SABI KO CLEAR YONG SAYO! MAG-EENDORSE KA BA???”

“Mainit siguro ulo niyan kasi meron… Japan nanaman…” bulong ni Myungsoo habang nagbibihis. Sa mga oras na ito, naliligo si Reinalyn. Paborito niya ang Kojic Acid soap. Na paboritong tunawin ni Myungsoo.

 

Pumunta na sila sa instrument shop para pag-usapan ang ukol sa piano.

Myungsoo: Ayokong ibenta yan.
Reinalyn: Ginagamit mo ba?
Myungsoo: Hinde.
Reinalyn: Ibenta mo na!
Myungsoo: Ayoko. Kahit si John Lloyd Cruz o Solenn Heussaff pa ang bumili.
Reinalyn: Eh kung si Anne Curtis?
Myungsoo: HINDI! May musical talent ba yun?
Reinalyn: Mm…change topic. Eh kung ako yung bibili?
Myungsoo: Mabibili mo ba?
Reinalyn: Oo! Baka musician ako. Music producer din ako!
Myungsoo: Ng Chicser?
Reinalyn: Sapak, u want?
Myungsoo: Kiss na lang.
Reinalyn: Mukha kang kiss. Adik.
Myungsoo: Sayo.

Palapit nang palapit si Myungsoo kay Reinalyn hanggang sa ma-corner siya. Nasa likuran niya ang piano. Humawak si Myungsoo sa bewang si Reinalyn at inaakyat siya sa ibabaw ng grand piano. Humiga siya. Sumunod si Myungsoo at pwinesto ang sarili sa gitna ng kanyang mga hita. Palapit na nang palapit ang mga labi nilang dalawa.

.
 
AUTHOR'S NOTE
Yehet! may sosyal na layout na tayo. umaansenso shet i kenot. XD
 
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
infiniteSJbap
#1
Chapter 1: super bitin author-nim!
prettylily #2
shet nabiin ako sobraa!
glittery_sparkles
#3
Shet! Bitin na bitin ako te! Hehe