Love you, Bhe.

Relax, Luhan

 

RELAX KA LANG!
 
 
Nagkakagulo na sa loob ng apartment ni Luhan. Ilang sandali na lang ay parating na si Minseok.
 
"Bilisan mo nang ikabit yan dyan!" sigaw ni Luhan kay Zitao na nagkakabit ng malaking banner sa pader.
 
"Wufan, hindi mo pa ba tapos hanginan yang mga lobo?! Jongdae, tumigil ka muna sa paglalaro at tumulong ka muna! Andami-daming gagawin oh!"
 
Habang hindi matigil ang bibig ni Luhan sa pagsasalita, sumingit naman si itong si Yixing. "Saan nga ba nakalagay yung mga prutas na binili ko kanina--"
 
"YIXING AYAN SA TABI MO!"
 
Tila sasabog na si Luhan sa pag-aalala na nahaluan pa ng matinding kaba.Ngayon kasi ang araw na magpropropose si Luhan kay Minseok.
 
Tumayo si Wufan mula sa sahig at lumapit kay Luhan. Tinapik nya ang nakatatanda sa likod. "Kalma, ge. Kalma."
 
"Oo nga, umiinit ulo mo pag natataranta ka eh," pagsang-ayon ni Zitao na kakamot-kamot pa sa ulo nya dahil medyo naiinis na rin sya sa kakautos ni Luhan.
 
Hinila ni Jongdae si Luhan sa sofa at pinaupo doon. "Malayo pa si Minseok hyung. Nasa NLEX pa raw di ba? Mamaya pa 'yun darating. Marami pa tayong oras."
 
"Eto mansanas," sabi ni Yixing, sabay pasak ng prutas sa bibig ni Luhan na magsasalita na sana.
 
"Kelan pa nya sinabing nasa NLEX lang sya? Kanina pa yun! Paano kung nasa exit na sya? Paano kung malapit na sya? Paano kung--"
 
"Mansanas pa, ge." Ipinakagat ulit ni Yixing ang prutas kay Luhan para matigil na ito. "Relax ka lang ha. Kaming bahala dito."
 
"Magpapogi ka na lang lalo at intindihin mo na lang yung mga sasabihin mo," payo ni Wufan. "Yung mga na-practice nating linya mo! Baka makalimutan mo pa yung mga tinuro kong banat sa'yo."
 
"Tsaka yung singsing, ge."
 
"Yung singsing, OO NGA!" Nagsimula na namang mag-panic si Luhan. "Saan ko nilagay? AHDAJSDKGKHF"
 
Sa pagkakataong iyon, lahat na nagkagulo. Hindi pwedeng mawala ang singsing.
 
Naibalibag ni Luhan ang mansanas at sa pagtayo nya mula sa sofa, ibinaliktad ni Zitao ang lahat ng cushions nito. Nagpagapang-gapang naman sa sahig si Yixing, naghahanap sa mga ilalim at mga sulok habang hinawi naman ni Wufan lahat ng maaring hawiin upang hanapin ang singsing. Si Jongdae? Ayun, tumitili nang matinis at tumatakbo paikot-ikot sa sala."NASAAN NAAAA??"
 
"WAIT!" sigaw ni Luhan, hinihingal. "Kalma. Nasa bulsa ko pala."
 
Napa-facepalm na lang silang lahat at ipinagpatuloy ang pagkakabit ng mga design.
 
Nang matapos sila (dahil hindi naman ganoon karami ang dapat ihanda), maganda na ang buong sala. May malaking banner kung saan nakasulat ang mga katagang MINSEOK, WILL YOU MARRY ME? habang punung-puno naman ng mga makukulay na lobo ang kisame. Sa mababang coffee table naman nakapatong ang mga pagkain, iba't ibang klase ng prutas, fried chicken, mashed potato at sweets na pawang mga paborito ni Minseok. May red wine pa.
 
"So, asan na raw si Minseok ge?" tanong ni Yixing.
 
Dali-daling tinawagan ni Luhan si Minseok at inilagay ito sa loudspeaker.
 
"Minseokkieeee~" masiglang banat ni Luhan nang sagutin ni Minseok ang tawag. "San ka na bhe?"
 
"Luhannieee~" sagot ni Minseok sa kabilang dulo ng linya subalit iba ang tono ng boses nya kumpara sa boses ni Luhan. "Luhannieeee~ Bhe, I'm sorry di ako nakakarating today."
 
"........."
 
Dahan-dahang napaluhod si Luhan. "Bhe, b-bakit?"
 
"Bumalik ako sa office, naiwan ko yung laptop ko tapos tumawag si Daddy, huwag na raw akong dumaan dyan sa inyo kasi gabing-gabi na and ayoko namang mag-alala sila ni Mommy... Sorry, bhe."
 
"H-ha? O-okay lang, bhe. Bukas na lang?" Parang natutunaw na ice cream si Luhan.
 
"Sorry talaga, bhe..."
 
"Okay lang, bhe. Love you."
 
Tulala si Luhan. Gusto namang matawa ng apat sa kinahinatnan ng kaibigan pero nasa teritoryo pa sila nito kaya mamaya na lang siguro.
 
"Okay lang yan, pare," sabi ni Wufan pero medyo nangingiti ito. Lumilitaw na ang dimple ni Yixing at uubo-ubo na si Zitao para kunyari hindi sya natatawa. Tahimik nang tumatawa si Jongdae sa likod.
 
"Zitao, bili ka ng Red Horse, isang case."
 
 
 
 
 
 

 
Author's note:
 
IDK what happened here lels. Hindi ko mawari kung er ako o angsty writer keke. Patawarin ang fail kong comedy kasi I'm so serious yeah. First time kong magsulat ng for my lovely XiuHan and in Tagalog too. ^^
 
Pakibisita naman daw ito, nangungulila sya.
 
AND PLEASE SUSBCRIBE AND COMMENT, MGA KABABAYAN! :3
 
Ingat po sa paghagupit ni Bagyong Yolanda. Everyone be safe!
 
 
TheDarkLordInHiding, now signing off. ^^
 
 
 
 
 
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
TheDarkLordInHiding
[Relax, Luhan] SEQUEL! Yay~ :D

Comments

You must be logged in to comment
shuoxians
#1
Ang cute mataranta ni Luhan. Para siyang may kiti kiti sa pwet. Hahahaha. Buti di na sapak ng EXO-M itong si pareng Luhan. XD Kaso beyen baket di dumating si Minseok. Awtsu :(

Natuwa ako sa story mo t3h, ge punta na ko sa sequel. :“>
raineeestarr
#2
HAHAHHA XD Natawa ko sa title ng Chap1. Love you, bhe XD
cutterpillow
#3
Chapter 1: Ahahaha. Kawawa naman si luhan. Tsk :)) pero eh, bhe, na alala ko MHL :))
itsmissy
#4
At last! I found someone who loves XiuHan as much as I do! Ah, sooo cute. LH: Wait, kalma. Nasa bulsa ko pala xD Please visit my story if you have time. Here's the link: https://www.asianfanfics.com/story/view/557674/my-superwoman-exo-exok-exom-xiumin-baozi THANK YOU! :)
SungminAhhh11 #5
Chapter 2: Haha. Sequel pala ha?! XD
dafujoshi
#6
Chapter 1: Hahahahahaha isang case para sa mahaba habang inuman! Punta ka na lang kasi sabahay nila, dun ka mag propose! Ahhahaha
Iamnotamazed
#7
Chapter 1: OH MY GOD ANG SAKIT NG TYAN KO KAKATAWA JUSKO.
"Mansanas pa, ge." AHAHAHHAHA YIXING
"Baka makalimutan mo pa yung mga tinuro kong banat sa'yo" VERY VERY WUFAN HAHAHAHA
"Kalma nasa bulsa ko pala" KAKALTUKAN KO 'TONG SI LUHAN EH AHAHAHAHA
"Zitao, bili ka red horse, isang case." THE BEST 'TO AHAHAHA ito ang isa sa mga fics na nakapagtawa sakin ng sobra sobra talaga ;w; kawawa naman si Lu Han ahahah next time na lang.
SungminAhhh11 #8
Sequel naman diyan! XD