Chapter Two- Tita Anna

Pwede Bang

Chapter Two - Tita Anna

 

 

 

Andito na ako ngayon sa airport ng cebu. Yung tungkol sa Credit card?

 


*FlashBack*

 

 



"Pwede bang....Wag niyong putulin ang credit card ko."

 

 

"Huh?"-mom/dad.

 



"Duh, Sabi ko huwag niyong putulin ang credit card ko. Don't worry hindi ko gagastusin ng bongga yang perang ibibigay niyo."

 

 


"Hindi pwede"-dad

 

 


"WHAT?"

 

 


"I said NO."-Dad.

 

 


"MOM?"

 

 

 

"Dad, Sige na payagan mo na siya please"-mom.

 

 

 

"Alright Alright"-Dad

 

 



"Good. I have to go, Bye~"

 

 


*End of Flashback*

 

 


Oh! Diba may Credit card na ako kahit pang pulubi ang pupuntahan ko. Maiingit lang sila saakin dun.

 

 


"Talia? Hija? Ikaw bayan?"

 

 

Lumingon ako sa nag-salita. Si Tita anna pala. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa.

 

 


"WOW"

 

 


Yun lang ang na sabi ko. Bakit? Ganon paden kasi siya manamit -__- Yung parang basahan ang damit yuck.

 

 


"Ah..Eh...Maganda ba ang suot ko?"-Tita anna.

 

 


"Super! Pwede na yan ipang-laban fashion doon sa paris"

 

 


"Talaga?"-Tita anna.

 

 

Ayy! Naniwala? Grabe na talaga ang panahon ngayon. Utuin mo lang ng unti maniniwala na agad. Paano naman mananalo yang damit na yan? Ipang-laban siguro sa mga basahan pwede pa.

 

 

 

"Tara na. Para makakain kana"-Tita anna.

 

 

 

"Sa labas nalang tayo kumain."

 

 

 

"Nako, wala akong dalang pera para pang-kain eh"-tita anna.

 

 

 

"Don't worry, Libre kita"

 

 

 

"Talaga? Nako, Salamat ah. Doon tayo sa tabi-tabi."-Tita anna. Tapos hinila ako.

 

 

 

"Wait! Anong tabi-tabi? Don't tell me-"

 

 

 

"Oo, Doon tayo sa pangmahirap na pagkain"-tita anna.

 

 

 


"No..!! Ayoko"

 

 

 

 

"Sige na. Masarap naman dun eh"-tita anna. Tapos nag-Puppy Eyes pa. *O*

 

 

 

Alam niyo ba ang salitang KADIRI? Siya yun eh. Yuck, ang tanda-tanda na nag-puppy eyes pa.

 

 

 

 

"Fine"

 

 

 

Pumunta muna kami sa bahay nila. Dahil yung 15 kung maleta dala-dala ko parin. Pag-daing sa bahay nila.

 

 

 

"WOW"

 

 


Yan ang nasabi ko. Bakit? Hindi na bahay kubo ang bahay nila kundi semento na. Pag-pasok ko dun color white ang pintura.

 

 



"Pagpasensyahan mo na ang bahay ko ah. Ito lang naka ng pera ko eh. Wag ka mag-alala pang dalawahang tao lang tong bahay. kaya kasya tayo."-Tita anna.

 

 

 

Itinuro niya sa akin ang kwarto ko. Pag-bukas ko dun. Pwedeng pang-dalawahang tao ang kwarto ko. Maganda naman. Buti nalang dala ko lahat ng gamit ko para pagandahin itong kwarto ko.

 

 

 


Sinimulan ko na ang pag-aayos ng kwarto ko. Simple lang muna ang gagawin ko. Tsaka wala pa naman ako nabibili bukas pa ako bibili.

 

 

 


Nang matapos ko na ayosin ang kwarto ko. Pumunta na kami ni tita anna sa sinasabi niyang tabi-tabi. pag-dating namin doon ang daming tao. sa gilid ng kalsada sila nag-titinda.

 

 

 

"Safe ba jan?"

 

 


"Oo naman. Palagi ako dito eh."-Tita anna.

 

 


Umorder si tita anna ng adobo. Merun pala sila tinitinda ditong adobo? Favorite ko kasi yung adobo ^_^

 

 

 

Nang matapos na kami kumain kumuha ako sa wallet ng 1000. binigay ko sa tindira.

 

 

 


"Nako te, wala kaming barya"-tindera.

 

 


"Keep the change nalang"

 

 

 

"P-po? T-talaga?"-Tindera.

 

 

 

"Oo"

 

 

 


Sabi ko sa kanya with fake smile. Ganto ba talaga ang mga mahihirap? Tss. umalis na kami doon sa tindahan. Habang nag-lalakad kami nag-salita si tita anna.

 

 

 


"sa susunod talia magpabarya kana. Baka maubos ang pera mo"-Tita.

 

 

 

Hindi ko nalang siya pinansin. Dahil kung papansinin ko siya hahaba lang ang usapan.

 

 

 

"Ayy! Teka punta muna tayo kela Aling Tasing"-Tita anna. Tumango nalang ako.

 

 

 

Habang nag-lalakad kami papunta sa bahay daw ni aling tasing, Ang daming tumitingin sa akin. Ngayon lang ba sila nakakita ng maganda?

 

 

 

Pag-dating namin doon sa bahay ni aling tasing. Nag-paiwan nalanga ko dito sa labas ayoko pumasok sa bahay kubo no. Baka bumigay pa yan.

 

 


Habang nasa labas ako nag lakad-lakad nalang muna ako. Ayoko kasi doon lang sa harap ng bahay kubo na yun baka pagkamalan pa akong guard.

 

 

 


Habang nag-lalakad ako dito. na kita kong nahulog nung lalaki yung wallet niya. Pinulot ko ito at sinundan ko siya.

 

 


"Manong"

 

 


Pero hindi siya lumingon. Tumakbo nalang ako para maabutan ko siya. Nang maabotan ko na siya pumunta ako sa harap niya.

 

 


"Manong naiwan mo tong wallet niyo"

 

 

Tinignan ko yung lalaki pero hindi ko makita dahil sa dilim. Nakatingin lang sa akin yung lalaki. Wala ba siyang balak kunin tong wallet?

 

 

 


Kinuha ko ang kamay niya at nilagay doon ang wallet niya. Pagkalagay ko nun. Bumalik na ako sa bahay ni aling tasing.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet