Chapter One- Ang Pagpapalayas

Pwede Bang

Chapter One - Ang pagpapalayas

 

 

 

"Ilang ulit ba namin sabihin sayo na huwag kana makikipag away?"-Dad.

 

 

"Princess, Please naman pakinggan mo kami. Yun lang ang hiling namin sana naman masunod mo"-Mom.

 

 

"Hindi na ata yan titino isabelle. Kailangan na ata natin siya ipadala sa cebu para tumino"-Dad.

 

 


"WHAT? Ayoko dun sa cebu. Ano papatirahin niyo ako dun sa bahay ni tita anna?"-i said.

 

 

Kadiri kaya dun yung bahay nila tita anna. Yung huling punta namin kasi doon nung christmas, Yung bahay kasi ni tita anna parang bahay kubo. tapos kapag gusto mo maligo dun ka sa ilog. Malinis naman ang ilog sa kanila pero yuck baka nga magsakit ako dun.

 

 

 

"Yes, Sa tita anna mo ikaw titira."-Dad.

 

 

"Paano yung pag-aaral ko?"

 



"May pampublikong paaralan doon. Doon nalang kita papaaralin. Malay mo tumino ka"-Dad.

 

 


"Mom"

 

 

"Sorry princess. wala na ako magagawa pa dun. Tsaka para saiyo din naman to eh."-Mom.

 

 


"Uggghh!! I hate you all"-i said.

 

 

 

Umalis na ako sa harap nila. Na kita kong papaiyak na si mommy. Dumiretso na agad ako sa kwarto ko at humiga sa kama ko.

 

 


Gusto na nila ako paalisin dito sa bahay dahil pasaway akong anak. Gusto na nila ako paalisin dito sa bahay dahil ako. Hindi ko naman kasalanan na maging ganon ako ah?

 

 

 

tsaka sila rin naman ang may kasalanan kung bakit ako naging ganto. Mas pinili nilang makasama ang trabaho nila kesa sa akin. Oo nga isa lang akongg anak. Pero ni minsan hindi ko sila nakasama sa hapagkainan.

 

 

 

Simula palang bata pa ako palagi nalang Work, Work,Work. Kaya ako naging ganto nag-babakasakaling pansinin nila ako. Oo nga pinansin nila ako pero galit ang nakuha ko hindi pag-mamahal.

 

 

 

Kung gusto talaga nila ako umalis na dito sa bahay nito, Sige papayag na ako. Yun naman ang ikakasaya nila eh. Mas mabuti ng umalis na ako dito. Pumunta ako sa sala at na kita ko sila na naka upo sa upuan.

 

 

 

"Sige, Papayag na ako. Gusto ko ngayong gabi ako aalis"

 

 


"Princess"-Mom.

 

 


"Don't call me princess"

 

 



"Talia"-dad.

 

 


"Good. From now on call me Talia. Bakit? Wala na kayong pakialam sa akin diba? Kaya talia nalang. Don't worry, Iisipin ko nalang na mahal niyo ako kahit hindi naman."

 

 


"Hindi totoo yan princess"-mom.

 

 


"Stop calling me princess. Diba DAD may private jet kayo? Yun nalang ang sasakyanin ko."

 

 

 

Tumango nalang siya. See? Hindi man lang ako pinigilang umalis. Ni hindi nga sinabi sa akin na nag-loloko lang sila kanina sa sinabi nila. Pero hindi eh.

 

 

 


"Mag-impake kana. mamayang 7 ang alis mo"-dad.

 

 



Umalis na ako sa harap nila ulit. Pumasok na ako sa kwarto ko. Kinuha ko lahat-lahat ng gamit ko as in lahat. Kahit kumot, unan, Bed sheets, Kurtina etc. Lahat kinuha ko.

 

 

 


Pinapalayas na kasi nila ako kaya dadalhin ko lahat. Mga 15 na maleta ang dala ko. Tinawag ko ang 10 katulong para buhatin nila ito papunta sa baba. Bumaba na din ako at punta sa sala at umupo.

 

 

 

"Bakit ang dami mong dadalhin?"-Dad.

 

 

 

"Bakit? Akala ko ba pinapalayas niyo na ako?"

 

 

 

"Hindi ka namin pinapalayas princess. Pasamantala lang muna ang pag-tira mo doon"-Mom.

 

 

 

"Drop the princess. Pasamantala? Duh, Parang pinalayas ninyo na din ako."

 

 

 

"Princess"-mom.

 

 

 

"I said drop the princess."

 

 


Pagkasabi ko nun pumunta na ako sa pintuan. hindi ko na nasasara nag-salita si dad.

 

 


"Hindi kaba magpapaalam saamin?"-dad.

 

 



"For what? Wala naring kwenta kung magpapaalam pa ako sainyo. Sa katulong nalang ako magpapaalam atleast kahit katulong sila pinipigilan nila ako kanina. Eh kayo? Kayo pa nga nag-sabi na lumayas ako dito."

 

 


Bumukas ang pintuan at pumasok at 10 katulong na tinulongan ako. Yes! Totoo na pinigilan nila ako. Alam nilang mabait ako at hindi ako katulad ng iniisip ng mga magulang ko.

 

 

 

"Bye sainyong sampong katulong"

 

 


pagkasabi ko nun lumabas na ako ng pintuan. Sa paglabas ko ng pintuan at pag-sara nito lumabas ang mga luha ko.

 

 



Unang pahina palang ng storya ko madrama na. Ito naman ang gusto nila kaya susundin ko. Baka kapag sinunod ko ito baka pansinin na nila. mahal ko ang magulang ko at alam iyon ng panginoon (Drama).

 

 

 

May gusto pa akong sabihin sa kanila. Hindi pa naman ako nakakalayo sa pintuan eh. Pinunasan ko ang mga luha ko at bumalik ako sa loob. Na kita kong niyayakap ni dad si mom dahil umiiyak siya. Umiiyak siya dahil aalis na ako?

 

 

 


"Princess"-mom/dad.

 

 

 

"Mom, dad"

 

 


"A-ano yun princess"-mom.

 

 

 

"Pwede bang.....

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 


....wag niyong putulin ang credit card ko."

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet