Pasulyap-sulyap

Ang bias kong bakla

 

 

 “Ba’t ka nakasimangot?” Tanong ng lalaki na umupo katabi ni Yenne.

Nabigla ang dalaga nang nakita niya kung sino ang umupo sa tabi niya. “Yi Fan, anong ginagawa mo dito?”

“Early morning jog, ikaw?”

“Ganun din. Eh di ba malayo ito sa dorm ninyo?” Tanong ni Yenne na habang tinignan ang suot ng binata at awtomatik na tinaasan niya ito ng kilay. “Nakamaong ka na nagjojogging?”

“Bakit? Di ba pwede? This is my style.” Pahambog na sabi nito na tinawanan ni Yenne. “Ayan, tumawa ka na.”

“Bakit? Bawal bang magmukmok?” Tanong ni Yenne.

“Di naman, pero sobrang seryoso mo lang. Ano bang nangyayari sa buhay mo at ganyan ka nalang  kaseryoso?” Tanong ni Yi Fan na agad naman nginitian ni Yenne.

“Wala, inisip ko lang si ate kambal.”

“Si Miss Jaemin? Bakit naman Miss Yenne? May nangyari ba sa ate mo?”

“Wala naman. Inisip ko lang yung love life niya.”

“Balita ko niligawan siya ni Umin hyung nung college sila.” Tumango lang si Yenne, “pero nabusted lang siya.”

“Di naman kasalanan ni ate kaya naging ganun yun. Fate is testing her.” Bugtonghingang sinabi ni Yenne. “Sana maging okay na siya.”

Tahimik lang si Yenne na nakatingin sa paligid habang si Yi Fan naman ay nakatitig lang kay Yenne. Dito niya napansin ng mas maayos ang features ng dalaga na di unti-unti niyang naappreciate. Agad siyang tumayo at nilahad ang kamay nito. “Tara.”

“Tara saan?” Tanong ni Yenne habang tinignan si Yi Fan at ang kamay nito.

“May nakita akong malapit na kainan dito, gutom ako.”

 

 

“Mauubos mo yan?” Tanong ni Yenne habang tinitignan ang inorder ni Yi Fan pang-almusal.

“Sinong may sabi ako lang ang kakain?” Natatawang sabi ni Yi Fan at naglagay ng pagkain sa plato ni Yenne.

“What are you doing?” Nagulat si Yenne sa simpleng ginawa ng binata.

“I’m serving you food Ms. Lee.” Nakangisi lang si Yi Fan.

“You don’t need to do that. May mga kamay ako at kaya ko naman.” Sabi nito at agad na huminto si YiFan.

“Sungit mo naman, ang aga aga pa para magsungit.” Ngumiti lang si Yifan at tsaka patuloy sa paglagay ng pagkain sa plato ng dalaga.

Pinabayaan lang ito ni Yenne at pinagmasdan lang ang paligid. Habang tumitingin-tingin ay nadapo ang mga mata nito sa singsing ng binata na nakalagay sa pinky finger nito. Tinititigan lang nito ang singsing at tsaka iniisip kung san niya ito nakita. ‘Basta sa dinner kagabi, may nakita akong ganyan rin.’

“Tungkol na naman yan sa ate mo?” Tanong ng binata sa kanya.

“Huh?” Agad napatingin si Yenne sa binata, “may sinasabi ka?”

“Sabi ko kumain ka na pero parang nagspa-space out ka na naman.”

Ngumiti na napailing lang si Yenne tapos tinignan ulit ang singsing ni Kris. “Pinagmamasdan ko kasi yang singsing mo. Iniisip ko kung ‘san ko yan nakita pero di ko maalala.”

Umupo naman ng maayos si Kris at tinignan ang singsing sa pinky fingers. “Baka may kapareha lang ako ng ganito.”

“Yun nga rin iniisip ko,” sagot ni Yenne, magsasalita na sana si Kris nang tumunog ang cellphone ni Yenne. “Wait lang ah..”

“Sige, sagutin mo lang yan.”

“Yoboseyo? Oh LuHan napatawag ka? Ngayon? Oh sige, text mo lang sa akin kung san tayo magkikita. Sige bye!” Ngising sagot ni Yenne at binaba ang phone.

“Magkikita kayo ni LuHan-ge?” Tanong ni Kris at tumango lang si Yenne.

“Biglang nag-aya, day off ko naman so okay lang.” Sagot ni Yenne at patuloy sa pagkain.

“Nililigawan ka ba talaga ni LuHan?” Tanong bigla ni Kris.

‘Dapat di maputol ang cover ko’, nasa isip ni Yenne at tumango ito habang sumusubo ng pagkain. “Bakit?” Di kayo naniniwala?”

“Di naman, pero kasi…”

“Kasi ano?”

‘Sasabihin ko ba o hindi?’ Tanong sa isip ni Kris at umiling nalang, “wala naman. Di lang kami sanay.”

“Ahh…” Tumango lang si Yenne at nagpatuloy sa pagkain.

 

________________________________________________

“Are you okay?” Tanong ni Haneul kay Taemin habang nasa van sila papuntang university. Siya ay pinaghintulutan magdrive at dalhin ang isa sa mga vans para gamitin pangcommute nila mag-pipinsan papunta at pabalik ng university.

“Okay lang noona.” Sagot ni Taemin na nakaupo sa likod lang ng ate niya. Dahil sa tanong ni Haneul ay napatingin ang magpipinsan kay Taemin.

“You’re saying you’re okay but obviously di naman.” Sabi ni Naru na katabi ni Taemin. “May problema ba oppa?”

“You know you can always tell us your problems.” Pampalubag loob ni Nijin habang nakikinig ng music sa mp3 niya.

“Mahirap lang talaga kasi ligawan si Yumi.” Napakamot ng buhok si Taemin. First time niyang manligaw at nawalan agad ng pag-asa dahil sa usapan nito ng kuya ni Yumi. “Ayaw pumayag ni Kris hyung na ligawan ko siya.”

“Ay naku kuya! Ay naku talaga! Edi dapat magdiwang ka niyan.” Sagot ni Sungjee habang inaayos ang box na dala.

“Dapat ba? Eh kitang busted na nga si kuya.” Tanong ni Naru.

“Ano ka ba, diyan masusubukan kung gaano ka seryoso at sincere si kuya kay Yumi.” Sagot ni Sungjee. “Dapat lang patunayan mo,”

“Pero teka nga, seryoso ka na talaga diyan at di lang yan kung-anong stunt na ginawa mo kagaya nung isang araw sa cafeteria?” Tanong ni Haneul na nakatingin pa rin sa daan.

“Syempre naman noona! Seryosong seryoso ako kay Yumi!” Sagot agad ni Taemin na kinabigla nila, “Kung di lang dumating yung asungot na yun di ko masasabi yung ganun. Upakan ko ‘yun kung bubuntutan pa niya si Yumi ko!”

Tinitigan siya ng matagal ng mga pinsan nito mismo ang Ate Haneul niya ay biglang napahinto sa pagamaneho at tumingin sa kanya. “Ano? Bakit kayo nakatingin sa akin?”

 

 

“NAAAAAKS! BINATA  NA TALAGA ANG BUNSO KO!” sigaw ni Haneul at ginulo ang buhok ng kapatid.

“Straight from the heart yun ah!” Kutya ni Sungjee sa kanya. “Sige ‘insan, pag maging kayo ni Yumi, sagot ko ang cake sa first weeksary niyo.”

“Ikaw rin sa amin ni Jong in ah?” Ngising sabi ni Naru at agad clingy sa pinsan.

“Kung lumevel up na kami ni Kookie ko tsaka kita gagawan.” Ngising sagot ni Sungjee sa dalaga.

“Paano naman sa akin?” Tanong ni Nijin.

“Mamili ka muna sa dalawa kung sino gusto mo at pag-iisipan ko.” Hirit ni Sungjee sa nakakatanda.

“Dapat pa bang itanong yun?” Ngising sabi ni Nijin.

 

 

Nang nakarating sa university ay agad nagsibabaan mula sa van ang mga ito at iniwan naman ni Sungjee ang box na kanina pa niya kandog.

“Ate Haneul, text kita mamaya kung kukunin ko na ang box ah.” Tugon ni Sungjee sa nakakatanda na tinanguan naman.

“Haneul, drop mo ko sa company nila lolo ah?” Paalala ni Nijin habang inaayos ang sarili.

“Ano ba oras ng shift mo?” Tanong ni Haneul sa kanya na kabababa lang sa sasakyan.

“1pm pa naman. Sinabi ko na rin kanila Tita Jaemin na 9pm ako makakauwi eh, baka siya susundo sa akin o di kaya pahatid ako sa driver ni lolo.” Sagot naman ni Nijin.

 

“Good Morning mga noona!” Masiglang bati ni Jong In na nakangisi sa harap nila. “Good Morning Naru! Sabay na tayo pumasok?”

“Sige na, alis na kami at baka makadistorbo kami sa ligawan session niyo.” Ngising sabi ni Sungjee sabay hila kay Taemin.

Namula naman ng bahagya si Naru dahil sa pagbati ng binata. Di lang yan eh dahil din sa ngiti na pinapakita ng binata sa kanya. ‘Control Naru’, bulong nito sa sarili at poker face ang pinakita kay Jong In.

“Good Morning.” Bati ni Naru sa kanya at nagsimula na maglakad pero hinila ito pabalik ni Jong In. “Bakit?”

Agad na kinuha ni Jong In ang mga gamit nito sabay ngisi, “ako na magdala nito para sa iyo.” Kinuha naman nito ang kamay niya sabay hila papasok sa school.

 

 

“Pwede ihinto mo ang pagtitig sa akin?” Sambit ni Naru sa binata. Simula pa kasi kaninang umaga ay laging tinitignan ito ni Jong In.

“Sorry, ang ganda mo lang kasi.” Sagot ni Jong In tsaka nagsimula sa activity na pinapagawa nila. Kama-kailan lang eh torpe ang binatang ito pero simula nung dinner na ginanap sa tahanan ng mga Song-Lee ay agad nabuhayan ang katawang lupa niya lalong lalo na kuha nito ang basbas mula sa ama ng dalaga. Nahihiya pa rin naman talaga siya pero feeling niya worthy naman ang pinaggagawa niya kasi mas open na ang feelings nito sa dalaga di kagaya noon na tinatago lang niya.

Nang matapos ang klase nila sa kanilang major subject ay nagsilabasan na rin ang dalawa para pumunta sa kani-kanilang mga klase.

“You don’t need to carry my bag, di naman tayo classmates sa fourth period.” Sabi ni Naru na akmang kukunin na sana ang gamit mula sa binata.

“Alam ko, free period ko na. Gusto lang naman kitang ihatid, di ba pwede yun?” Tanong ni Jong In sa kanya.

“Kai, you don’t need---”

“Jong In, not Kai.”

“Jong In,” salita ulit ni Naru at kinuha agad ang bag. “I need to go.” Sabi nito at agad na lumabas ng pintuan.

Agad naman ito hinabol ng binata at kinuha ulit ang mga gamit niya, “Sabi ko, ihahatid kita.”

“Bakit mo ba kasi ito ginagawa?”

“Diba malinaw na simula kagabi na liligawan kita?”

“O…oo..” Nahihiyang pagtango ng dalaga. Di pa rin ito makapaniwala na pinahintulutan ito ng ama na ligawan siya.

“Kaya ngayon ginagawa ko ito di lang dahil sa effort bilang manliligaw mo kundi gusto rin ito gawin sa iyo.” Paliwanag ni Jong In.

 

Nang makarating ang dalawa na sa chem lab ay naabutan nila si Yumi at Taemin sa labas ni pintuan.

“’Zup hyung!” Bati ni Jong In na makikipaghigh-five sana pero tinignan lang ito ni Taemin. Nakasandal ang binata sa  may dingding habang si Yumi naman ay nakatingin lang sa pintuan.

‘LQ agad?’ nasa isip nang dalawa nang nagtinginan pero nang makita na nakahawak si Taemin sa kamay ni Yumi ay parehong nakangisi nang malaki ang NaKai.

“Sige Ka---,” tinignan lang ito ng masama ni Kai, “este Jong In pala, kunin ko na gamit ko. Papasok nako sa loob.” Agad kinuha ni Naru ang mga gamit mula kay Jong In.

“Sige, hintayin lang kita after class.” Yun at kumaway ito kanila Taemin at umalis.

“Uhhmmm, Sige Yumi, kuya, una na ako sa loob.” Yun lang ang sabi ni Naru at dali-daling pumasok sa loob.

________________________________________________

*earlier*

“Yumi!” Tawag ni Taemin nang nakita si Yumi papasok ng University.

Nang nakita ni Yumi na papalapit ang binata ay agad itong nagpaalam sa kapatid. “Mauuna na ako sa iyo Yunhee, gagawa pa ako ng assignment. kita tayo mamayang lunch time.”

“Huh? Pero…” Di pa nakapagsalita si Yunhee ay agad na umalis si Yumi.

“Yumi, san papunta ate mo?” Tanong ni Taemin nang naabutan si Yunhee.

“Gagawa daw ng assignment oppa.” Sagot ni Yunhee at nagexcuse na mauna.

 

“Yumi!” Tawag ni Taemin nang naabutan si Yumi sa hallway.

“T…Taemin,” halatang gulat pero pinatili nitong di halata sa kinikilos niya, “May kailangan ka?”

Ngumiti si Taemin habang tinitignan ang dalaga, “wala naman. Hatid na kita sa room mo?” Akmang kukunin na sana ni Taemin ang mga gamit nito pero lumayo agad si Yumi.

“Anong ginagawa mo?” Tanong ni Yumi nang nakalayo ng dalawang hakbang mula sa binata.

“Tutulungan ka sa---,” bago pa matapos sa pagsasalita si Taemin ay agad na nag-ring ang bell dahilan para makatakas si Yumi.

“Sige Taemin, nagbell na. Una na ako.” Agad na kumaripas ng takbo si Yumi para di na ito mahabol ni Taemin.

 

*Present time*

Kasalukuyang nakaupo si Yumi habang nagbabasa ng paperback book habang hinihintay magbell at dumating ang kanilang teacher. Ilang ulit na siya nasa page 43 ng libro at nakadikit sa first line ng libro dahil ang utak nito ay wala naman sa binabasa. Iniisip kasi niya yung usapan nila ng kuya niya nung nakaraang araw sa bahay nila.

 

“Ano itong nalaman kong may boyfriend ka daw sa school?” Tanong ni Kris kay Yumi habang nasa kusina sila ng bahay.

“Minsan ka nga lang umuwi, yan pa ang itatanong sa akin.” Sagot ni Yumi habang hinahandaan nito ang kuya ng makakain. “Wala man lang hi,hello kuya?”

“I already greet you earlier now answer my question.” Sabi ni Kris na di inaalis ang mata sa nakakabatang kapatid.

“He’s just a friend. He just did that to protect me from my stalker.” Natawa naman si Yumi, “pwede ba kuya? Wag maging nega at paranoid? Tatanda ka ng maaga niyan.”

“I want you to stay away from that guy.”

“Seriously kuya? Kaibigan ko lang yung tao!”

“Kung kaibigan ka niya bakit niya pinakilala ang sarili niya na boyfriend ka niya dun sa lalaki?”

“Kasi nga stalker!”

“Starting today, you are not allowed to talk to him.”

“But kuya!”

“No buts Wu Yumi!”

 

Napabugtong hininga lang ang dalaga sa alitan na ginawa nila ng kuya Yifan niya. Babalik na sana ito sa pagbabasa nang tapikin siya sa balikat.

“Yumi, may naghahanap sa iyo sa labas.” Tawag sa kanya ng isa niyang kaklase na agad naman nitong pinuntahan.

Mismo paglabas niya sa pintuan ay nakita niyang nakasandal si Taemin sa gilid. Tinignan lang ito ng dalaga at akmang papasok n asana ay hinawakan ito sa braso.

“Iniiwasan mo ba ako?” Tanong ni Taemin kay Yumi pero di sumagot ang dalaga. “Sagutin mo naman ako Yumi.”

“Sorry Taemin pero I think it is best na di na tayo makipag-usap sa isa’t isa.” Yun lang ang sinabi ni Yumi na nakatingin sa kabilang banda.

“Dahil  ba ito sa kuya mo?” Tanong ni Taemin na agad na nakuha ang atensyon ni Yumi.

“Paano---,”

“Nagkipag-usap ako sa kuya mo kahapon. Humingi ako ng permiso na ligawan ka.” Pahayag ni Taemin sa kanya, “ayaw nga niya pero gagawin ko ang lahat para pumayag lang ang kuya mo Yumi,”

“Di mo sana ginawa iyon Taemin, mahirap kumbinsihin si kuya.” Napayuko si Yumi habang dahan-dahan naman dumulas papunta sa kamay nito ang kamay ni Taemin.

“Dapat kong gawin yun Yumi kasi seryoso akong liligawan kita.” Nakangiti na sabi ni Taemin habang nakatingin sa kanya, “kahit ilang beses pa akong bustedin ng kuya mo sa panliligaw sa iyo, titiisin ko.”

“Bakit di mo nalang gayahin yung iba na tinatago ang relasyon sa mga magulang at mga tao? Bakit di mo yun gawin.”

“You’re not someone na pwede lang itago Yumi. At sabi nga nila daddy, kung importante sayo ang tao, kahit alam kong wala akong pag-asa lalo na sa kuya mo dapat ko pa rin ipakita na seryoso ako sa babaeng minamahal sa pamamagitan ng paghingi ng permiso at maging matiyaga sa kung ano man ang ipapagawa sa akin kung ang kapalit ay ang matamis mong oo.”

 

________________________________________________

“Di ka ba papasok?” Tanong ni Minho nang nakarating sila apartment ng binata.

“Ano ka ba, para tayong mag-asawa nyan eh. Matulog ka na tapos mamayang 2pm sunduin mo ako sa bahay. Manonood ako ng game niyo.” Utos ni Ahra sa boyfriend nito.

Hinalikan ni Minho si Ahra sa lips nito na agad kinagulat ng dalaga. “Ano yun?”

“Bawal ba? Boyfriend mo na ako.” Ngising sabi ni Minho sa dalaga.

“Walang hiya ka!” sabay sapak ni Ahra sa binata. “Pwede sa susunod warningan mo ako? Di ako ready!”

“Asus! Ready man o hindi, gusto mo naman.” Sabay kindat ni Minho at nagnakaw ulit ng halik sa labi at bumaba sa sasakyan. “Iuwi mo na yang sasakyan sa bahay nyo, dadaanan naman kita mamaya.”

 

Mag-aalas dos na ng hapon nang nagising si Ahra. Sarap na sarap sa tulog ang dalaga at naisipan pang gumulong-gulong sa kama. Nahinto lang ito nang nagring ang cellphone niya. Agad naman niya itong kinuha mula sa mesa at sinagot.

“Hello?” Antok na antok niyang sinagot.

“Love, malapit na ako. Ready ka na?”

“Anong ready?” Tanong ni Ahra at tinignan ang caller. Nanlaki ang mga mata nito nang nakita niya ang oras mula sa phone at agad na nag-end ng call. Dali-dali itong kumuha ng tuwalya at pumasok sa banyo.

 

“Honey, nandito si Minho hinihintay ka.” Nakangising sabi ni Mrs.Kim nang pumasok si Ahra sa kusina.

“Kanina ka pa?” Tanong ni Ahra nang binuksan ang ref para kumuha ng maiinom.

“Ten minutes.” Nakangising sagot ni Minho, “Nakalimutan mo noh?”

“Hindi ah! Ito naman!” Sagot ni Ahra at uminom ng juice, “kagigising ko lang kasi. Sorry!”

“Okay lang.” Pag-uunawa ni Minho.

“Buti at nandito ako sa bahay or else mamumuti ang mata ni Minho kakahintay sa iyo.” Sabi ni mama nito at agad naman napasimangot si Ahra.

“Mama naman!”

“Oh sya, umalis na kayo at baka malalate kayo sa game nila Minho.” Hinatid ni Mrs. Kim ang dalawa sa pintuan at tsaka nagpaalam.

 

Halos mangangalahati na ang stadium nang dumating sila Ahra at Minho. Agad naman hinatid ni Minho si Ahra sa kanyang upuan bago ito pumunta sa locker room kung saan naghihintay ang kanyang team.

“Oh Choi, buti nandito ka na.” Tawag ng coach kay Minho at lumapit ito sa kanya.

“Sinundo ko pa kasi girlfriend ko coach.” Sagot ni Minho na agad nagchange ng jersey.

“Okay lang yan, wala pa naman yung iba.” Sabi naman ng coach. “May 30 minutes pa bago calltime.”

“Coach, bago magbihis pwede ba puntahan ko ulit ang girlfriend ko?” Tanong ni Minho na agad naman pinayagan ng coach.

Papunta na sana ng bench si Minho nang nagtext si Ahra sa kanya.

               

From: Love

     Msg: Love, punta muna ako sa loob. Ginugutom ako eh.

Agad namang pinuntahan ni Minho ang food stall ng stadium at nakita si Ahra na kumukuha ng order.

“Ano, yung pinakamalaking lalagyan ng coke, tapos isang footlong na hotdog na nasa bun, magkano lahat ate?” Tanong ni Ahra tapos agad nagbayad at kinuha ang order. Nang lumingon ay tyempong tumitingin si Minho na nakangisi.

“Akala ko ba nagwawarm-up na kayo?” Tanong ni Ahra nang nakalapit si Minho sa kanya.

“May less than 30 minutes pa bago call-time eh.” Sagot ni Minho at kumagat sa pagkain ni Ahra.

“Akin yan! Gutom ako!” Sabay palo sa kamay ni Minho nang akmang kakain ulit mula sa pagkain.

“Asus! Eto naman, para nakikikain lang.” Sabay pout ni Minho.

“Ai nako Engineer Choi! Wag mo akong dadaanin sa mga ganyan! Gutom ako!” Sabay lamon sa sariling pagkain.

“Di ka pa ba babalik? Baka maubusan ka ng upuan sa front row?” Tanong ni Minho sa kanya.

“Pabalik na. Bumili lang ako ng pagkain. Di nako nakakain sa bahay kasi dumating ka na.” Sagot ni Ahra

“Hatid na kita.”

“Wag na, baka tinatawag na kayo. Kita na tayo pagkatapos ng game.”

 

Nang nakabalik sa upuan ay may tumabi naman sa kanyang grupo ng lalaki na nakashades at hoodie. Tinignan ito saglit ni Ahra dahil sa weird na fashion sense, ‘Ang init-init tapos ang kakapal ng hoodie,’. Di nalang ito pinansin ni Ahra at tumingin na sa field kung saan nagwawarm-up na ang mga players ng magkabilang kampo. Nang magsimula ay todo cheer naman ito lalo na kung ang nakakagoal ay si Minho, what is! Supportive girlfriend eh!

“Go Team China!” Sigaw ng nasa katabi niya pero di niya rin ito pinansin. Nang nakagoal yung kasama nila Minho ay todo cheer pa rin ang mga katabi “Go Team Korea!”

Ayaw pansinin ni Ahra ang mga katabi nito pero nalilito siya kung sino ba talaga ang mga manok nang mga ito sa dalawang team.

“Go Lulu-gege!”

“Go Umin hyung!”

Parehong sigaw nung mga katabi. Nang nakagoal ulit si Minho ay tumayo ito para icheer ang boyfriend. “GO ENGINEER CHOI!”

“Wow! Ang lakas mong makasigaw!” Komento nung katabi niya na agad napalingon si Ahra at tinaasan ng kilay.

“Ay hyung! Maganda siya!” Sagot nung nakakabata pero di pinansin ito ni Ahra at bumalik sa pagkakaupo sabay lamon sa natitirang pagkain niya.

 

Natapos na ang first half at nagchange home ang mga players habang si Ahra at tinatapos ang pagkain. Nang kakainin na niya ang huling piraso ng pagkain nito ay may kamay naman na nagpakita sa harap niya.

“Hi, ako nga pala si Jongdae.” Pakilala nung isa sa mga nakashade na nakahoodie sa kanya pero tinignan lang ito ni Ahra at nagtaas ng kilay, ‘ito yung nagkomento sa malakas kong sigaw kanina ah.’ Nasa isip ni Ahra at uminom ng inumin nito.

Si Chen na naglakas loob na magpakilala sa magandang binibini ay nakafeel ng hiya nang di man lang pinansin ang kamay nito ng dalaga. Napansin ito ni Sehun at kinuha ang kamay nung dalaga at pinag-handshake sa kamay ni Chen tapos nakipag-handshake rin ito sa dalaga nang inalis niya ang kamay ni Chen mula nito.

“Hi noonang maganda! Ako nga pala si Sehun.” Ngising sabi ni Sehun sabay alis ng shades sa kanya. Agad namang lumaki ang mata ni Ahra nang napansin sinong nakikipag-handshake sa kanya.

“Pamilyar ka.” Yun lang sinabi nito habang iniisip kung sino siya at saan niya narinig ang pangalan nito. “Kaso nakalimutan ko kung saan ko narinig ang pangalan mo.”

“Eh ako?” Ngising sabi ni Chen nang inalis ang shades, “pamilyar rin ba?”

“Ikaw si Chen ng Ex-,” bago pa natapos si Ahra sa pagsasalita ay tinakpan ni Sehun ang bibig ni Ahra para di nito masigaw sa buong madla.

“Ngayon kilala mo na kami!” Ngising sabi ni Sehun. “Ano nga pala pangalan mo noona?”

“Ahra. Kim Ahra.”Sagot ni Ahra sabay inom nito ng inumim. “Bakit kayo nandito?”

“Nanonood ng laro nila hyung.” Sagot ni Sehun at tumingin ulit sa laro. Si Ahra naman ay bumalik sa panonood pwera lang kay Jongdae na nakatingin pa rin kay Ahra.

 

Nanalo ang Team Korea, tinanghal MVP si Minho na ikinatuwa naman ni Ahra. Napansin ni Jongdae ang ngiti ni Ahra na agad namang napangiti siya nang sa kanya.

“Ang saya-saya mo ah!” Paninimula ni Chen.

“Syempre, panalo Korea eh!” Natutuwang sagot ni Ahra at tumingin sa kanila. “Teka, kanino ba kayo nag-checheer? Sa China o Korea?”

“Both.” Sagot ni Chen sa kanya, “nasa China si LuHan hyung tapos nasa Korea si Xiumin hyung.”

“Ah.” Yung lang at tsaka sabay-sabay na silang nagsilabasan.

Nang nasa labas na ay nagpaalam na sila Sehun dahil nakarating na ang kanilang van si Ahra naman busy sa pagtetext.

“Alis na kami Ahra noona,” nakangiting sabi ni Chen sa dalaga.

“Ah, sige. Ingat kayo,” Pamamaalam ni Ahra sa kanya at nang sadya nang papasok ay binalikan niya ito. “May naiwan ka?”

“Ano lang, baka ikaw lang mag-isa umuwi gusto mong idaan ka na namin?” Tanong ni Chen.

“Ah, it’s okay. I’m waiting for my boyfriend. Malapit na rin siyang matapos.” Sagot ni Ahra at ngumiti kay Chen, “salamat sa invitation Jongdae.”

“Ah ganun ba? Sige.” Yun lang at pumasok na siya sa loob.

 

“Hyung? Ba’t ka nagkamukmok?” Tanong ni Sehun sa nakakatanda.

“May boyfriend na pala siya.” Malungkot na sabi ni Chen.

“Yan kasi napapala mo, di mo man lang tinanong yung crush mo kung may boyfriend na siya o wala.” Natatawang sabi ni Luhan sa kaibigan.

“Bakit? Ikaw? Alam mo?” Tanong naman nit okay Sehun.

“Halata kaya, yung pagsigaw niya ng Engineer Choi dun sa striker.” Natawang sabi ni Sehun. “I’m not Oh Sehun for nothing baby!”

 

____________________________________________

 

Katatapos lang ng last subject ni Sungjee sa morning session nito nang tinawag siya ni Jungkook na nakaupo sa silyang malapit sa pintuan.

“Sungjee noona!” Pasigaw na tawag ni Jungkook.

“Anong kailangan mo kapirasong pastry ka?” Tanong ni Sungjee nang nakalapit.

“Hinahanap ka ni Kris Sunbae.” Nakangising sabi nito at tsaka naman nagpakita si Kris na nakashades at all-black na damit.

‘Ang aura! Shems! Someone save me from the hotness of this man!’ nasa isip ni Sungjee na agad na tumingin kay Jungkook.

“Pay up pastry.”  Nakangising sabi ni Sungjee at binukas ang palad sa harap ni Jungkook.

“Mamaya, treat kita ng lunch.” Sabi ni Jungkook at agad na tumayo at nakisabay sa paglakad  nila Sungjee at Kris.

 

“Here is your order.” Sabay abot ni Sungjee sa box of cupcakes kay Kris. Agad naman nagbayad ang binata at kinuha ang box ng cupcakes.

“Tawag ulit ako for another batch ah.” Nakangising sabi ni Kris at nagpaalam.

Sinundan nila Jungkook at Sungjee ng tingin si Kris at nang nakalayo ay agad na sinandal nito ang balikat sa kaibigan habang si Sungjee naman ay kumukulo ang sa loob dahil sa labis na pagfafangirling.

OHEMGEETOTHEPOWEROFGEEGEEGEEGEEBABYBABY! SINANDAL NI KOOKIE ANG BRASO NYA SA BALIKAT  KO! A MUST POST! NASAN ANG CELLPHONE KO? NOW WAIT! DI DAPAT KASI BAKA MAY MAKAKITA SA AKING ARMY, THIS IS SOOOOO…’

“Say kimchi!”

“huh?”

*click*

“Naman noona! Smile ka naman paminsan-minsan!” Simangot ni Jungkook habang nakatingin sa phone nito samantalang si Sungjee..

“Anong nangyari?” Tanong ni Sungjee tapos tumingin kay Jungkook. “Anong nandyan?” Akmang titingin sana siya sa kung ano man ang nasa phone nang tinawagan siya ni Shiwon.

 

“An---,”

“OHMAYGAD ATE SUNGJEE! I SOOOO HATE YOUUUUUUUUUUUUUUU!” sigaw ni Shiwon mula sa kabilang linya.

“HOY BATA KA! ANO BANG GINAWA KO SAYO AT MAY PA-HATE YOU HATE YOU KA DYAN?”

“WAG KA NANG MAG-MAANGMAANGAN PA SONG SUNGJEE! BISTADO KA NA! LEGIT NA LEGIT YUNG PICTURE NIYO NUNG KOOKIE DOUGH MO!”

“Anong picture? Bahala ka na nga diyan!”

“HOY ATE SUNGJEE! DI PA TAYO TAPOS! HUMANDA KA---,”

Agad na pinatay ni Sungjee ang cellphone at tinapik si Jungkook para pumasok pabalik ng school.

“Hoy naglalakad na pastry, balik na tayo sa loob. Manlilibre ka pa ng lunch.”

“Noona! Maraming naglike sa post ko!” Sabay pakita ng picture nila na kinunan bago lang. Nanlaki ang mga mata ni Sungjee at napanganga sa nakitang litrato. Isa lang ang sigurado niya.

.

.

.

.

.

 

 

“Patay ako kay tito.”

_______________________________________________

 

“Bakit tayo nandito?” Tanong ni Yenne nang nakarating siya sa tagpuan nila ni Luhan. Almost 6pm na at parang atat na atat si LUhan. “Okay ka lang?”

“Magkikita kasi sina RiSeu at Myungsoo ngayon dito.” Sabi ni Luhan na napakamot sa ulo. Tinignan niya si Yenne at naka-thumbs up sa suot ng dalaga na blue jeans, purple blouse at white blazer. “Simple ka lang tignan pero maganda ka pa rin.”

“Di ko alam kung nang-ookray ka o compliment yun.” Sabi ni Yenne na napatawa naman si Luhan. “Alam ba ni Riseu na nandito tayo?”

“Oo, actually double date ‘toh.” Sabi ni Luhan at inakbayan si Yenne. “Tara na sa loob.”

 

“Wala pa ba si RiSeu?” Tanong ni Myungsoo habang nakaupo sa may table na nireserve nila.

“Katetext na malapit na daw. Galing pa kasi pa ata sa university.” Sagot ni Luhan at pinakilala si Yenne. “Tsaka nga pala, Myunsoo, this is Lee Yenne. Yenne, si Kim Myungsoo.”

“Hi!” Inabot ni Myungsoo ang kamay nito kay Yenne para makapag-shake hands. Tinanggap naman ito ng dalaga na nakangiti naman. “So, ikaw ata yung nakwento ni Luhan hyung na nililigawan niya.”

“Ako nga.” Sagot ni Yenne at umupo na. “Ang pogi mo pala talaga sa personal.”

“Salamat.” Agad na nagblush si Myungsoo sa sinabi. “Ikaw rin, maganda ka.”

Ngumiti lang si Yenne at lahat ng atensyon nila ay napunta sa pinto nang narinig nila itong nagbell.

Naka-simple baby pink dress lang si Riseu ng pumasok with matching wedge kasi feel niya na maliit siya ngayong gabi, given na matatangkad ang mga kasama niya. All eyes were on her kasi kahit sa simpleng damit ay mas umaarangkada naman ang natural nyang kagandahan na di hamak pang-model ang beauty. Nang napatingin si Riseu sa center table ay kitang-kita kung gaano kalaki ang nganga nila Myungsoo at Luhan sa kanya, si Yenne ay nakangiti dahil nga sa nagagandahan siya sa dalaga. Tila feel ni Ineng ang kagandahan niya at nag-flip pa ng hair bago umarangkada sa paglakad. May feeling pa-slow motion pa ang bawat hakbang at parang nasa runway dahil sa mata na nakatingin. Perfect na sana ang lahat nang…

 

 

 

 

 

 

*BOOGSH*

 

“EUNJONG! EUNHEE! HOW MANY TIMES TO I NEED TO TELL YOU TWO NOT TO PLAY NEAR THE RECEPTION AREA OF THE RESTAURANT!”  Tawag ng galit na nanay mula sa isa sa mga table.

Napa-face palm nalang sina Luhan, Myungsoo at Yenne sa sinapit ng dalaga. Di nila alam kung matatawa sila o mananahimik nalang sa gitna.

Samantala ay may isang cute na batang lalaki na tumulong sa pagtayo ni Riseu mula sa pagkakadapa. Nang inangat nito ang tingin ay tila napakagat labi siya sa cute na knight-in-shining-armor niya.

“I’m sorry for the my brother and sister’s silly prank miss.” Sabi ng batang lalaki. Napansin niya may nagpagpag sa damit niya at may batang babae na nag-aayos ng damit niya.

“Kuya Ace, is this okay already?” Tanong nung batang babae sa mini-knight-in-shining armor nito. Tumango naman yung Ace at tinapik ang batang babae.

“Very good Jaeril.” Sabi nito at tumingin kay Riseu at binigyan ng bulaklak. “Our apologies again to you, my lady.” Tsaka naman umalis yung dalawa.

 

Nang naglakad patungo sa lamesa ay tila kilig ang naipinta sa mukha ni Yenne. “Ang cute nung dalawa ah, nakakanose-bleed kung makapag-english!”

“Sorry kung natagalan ako.” Sabi ni RiSeu. Agad namang tumayo si Myungsoo para alalayan si RiSeu sap pag-upo.

“Kamusta naman ang binti mo?” Tanong ni Luhan sa kanya.

“Okay lang naman.” Yun lang sng sinagot nito at dali-daling umaya sa pagkain dahil alam nitong pinagtatawan pa rin siya sa epic fail entrance niya sa restaurant.

 

 

Habang kumakain ay nag-uusap sina RiSeu at Yenne tungkol sa kung anong makabuluhang bagay katulad ng pag-aaral, trabaho ni Yenne at ang kakulitan ni Chanyeol sa set nung photoshoot nila. Di rin maiwasan ang bangayang RiSeu at Luhan kaya mas lively ang hapunan nila. Matapos ang pagkain ay nag-excuse ang dalawang dalaga para pumunta ng washroom.

 

“So, anong nagustuhan mo kay Luhan?” Simpleng tanong ni RiSeu sa kanya.

“Mabait siya at masayahin.” Sagot ni Yenne sa kanya. “Ang close niyo pala noh? Nakakainggit.”

“Ano ka ba, wala yun. Si Luhan oppa kasi parang kapatid ko lang iyon kaya wag mong bigyang malisya ang mga bagay-bagay.” Pag-rereason-out ni RiSeu habang nag-apply ng eyeliner sa mata.

“RiSeu, ano… pwede bang magtanong?” Tumingin si Yenne sa kanya habang inaayos ang buhok. “Promise lang walang change of heart na mangyayari.”

“Anong pinagsasabi mong change of heart tita?” Nakatawang sabi ni RiSeu nang natapos itong maglagay ng eyeliner.

“Promise mo lang na hindi iiba ang tingin m okay Luhan kung magkataon.”

“Alam mo, kaysa yan ang isipin mo tanungin mo nalang ako. Ano ba yun?”

“Anong gagawin mo kung niligawan ka ni Luhan?”

 

 

Samantalang kanila Luhan at Myungsoo naman…

“Hyung, pwede humingi ng pabor?” Tanong ni Myungsoo na mukhang nag-aalinlangan sa hihinging pabor.

“Ano yun?” Tanong ni Luhan sa kanya.

“Pwede mo ba akong ilakad sa pangliligaw kay RiSeu?”

 

Tila nabuhusan ng malamig na tubig si Luhan sa narinig niya at parang huminto ang oras sa tanong ni Myungsoo sa kanya.

“Gusto mo si RiSeu?” Tanong ni Luhan kay Myungsoo na tilang may alanganin.

“Oo hyung. Matagal na.”

 

‘Akong nauna kay RiSeu, sa akin lang siya! Di ako papayag! Hindi pwede! Hinding hindi pwede!’ Sigaw ni Luhan sa utak niya. Di ito papayag sa gusto ng nakakabata pero tila trinaydor siya ng bibig niya.

 

“Oo naman.”

 

______________________________

Chapter 13 updated :)

 

Subscribe. Comment. Upvote!

 

<3 missdauxian

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
uikaxxlockheart
#1
Chapter 16: Nag-backread dahil naaliw!
uikaxxlockheart
#2
Chapter 15: Iisipin ko na birthday gift mo ito saken 'te
uikaxxlockheart
#3
Chapter 15: Wait lang shemay nagbabanyo pa ako emerged ate!!!!! You updated! Hart hart
uikaxxlockheart
#4
Nami-miss ko to. :(
uikaxxlockheart
#5
Chapter 14: Why am I shipping the maknae line with Yunhee? /facepalm.

Pero HeeMyeon talaga.O(∩_∩)O

Eh tapos authentic HunHan! *^o^*

Yaaay napasaya ako ng chap na to. The best!
RiCa1826 #6
Chapter 14: Ang cute ni Yunhee. HAHAHAHA sarap sapakin xD
tapos kinilig ako ng slight nung pinaligiran siya ng maknae line. Wala lang kasi ang cute nung maknae line ang sarap nilang i-squish

Bet ko din yung tandem ng Yunhee+Maknae line since si Yunhee halos kasing edad lang nila, para lang silang magbabarkada at magakakapatid na nagbabangayan lol

Shiwon and Hanbyul why. HAHAHA. gamitin ba naman si Yunhee. pero okay lang keribels naman xD

TaoRis. Alam na this! XDDD
uikaxxlockheart
#7
Chapter 13: okay masungit talaga si Yenne. :))) Bara lang ng bara.

"ano bang nangayari sa buhay mo at ganyan ka nalang kaseryoso?" ---hahahaha madalas itanong to sa akin. :)))))

Pero 2min shipper ako huhuhu.

Shetttttt! may date ang LuYenne :))) <3 <3

Munggago ni Yi Fan lol. selos?

Kamusta ang MiMin. :)))) *eeeh di ako makapag-spazz gawa may YumiXing feels ako.* :))))

Meeeehhhh yung NaKai ang lande ples. :))))


Wuhuuuuuu ChenRa! ChenRa! ChenRa na yan!!!!! *_*

KookJee <3 <3 <3
Paninininini
#8
Chapter 13: love triangle na ituuu
heyitsbabyjoojoo
#9
Chapter 13: ATE APRIL I LOVE YOU!!! Kookie wag na taung mag pa ligoy ligoy pa please tau na oh ahahahahaha cge na!! Legit na eh!! Pede na!


Ahjumma haba ng hair mo sinasabi ko sau!
NaKai♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥ 5ever!

Pastry pa tawagan nmn ptfffahajsgajfoa!!! Kahit kanino na sa Kris oh basta akin c Jungkook mamahalin kita ng lubusan ate april!
bananamilk23
#10
Chapter 13: te, bukas na ako magcocomment... di ko pa nababasa ng buo eh... hehehehehe