TWO

IS IT WORTH THE SACRIFICE?

Mula ng mawala siya, mas nagkaron na ng oras sakin si Kris. Mas mabait narin siya sakin kesa nuon, pero alam ko namang di parin nya ako tanggap bilang mapapangasawa nya. Di man nya sabihin, pero nararamdaman ko naman.

 

Sa tuwing hindi siya busy sa company, niyayaya ko siya mamasyal.

Lahat na ata ng paraan para mapasaya siya, nagawa ko na.

Pero di ko parin magawang pasayahin siya tulad ng pagpapasaya sakanya ni Eunmi.

Minsan nga naiisip ko, sana... AKO NALANG SIYA.

-

Isang araw, nakaupo ako sa park, ng may isang babaeng lumapit sakin.

"Bakit ka malungkot?" Tanong nya...

"Ah.wala po. Nahihirapan lang ako sa sitwasyon ko.."

"Pwede mo ba ikwento sakin kung bakit? Baka matulungan kita.."

"May mahal kasi ako... Kaso may mahal siyang iba. Kahit wala na yung mahal niya, hindi parin nya ako magawang mahalin. Ang masakit pa don, lagi ko siyang nakikitang malungkot..."

"Gusto mo ba siyang mapasaya? Pero may kapalit."

-

Pumayag ako sa alok niya.

 

 

 

*Kinabukasan*

 

Paggising ko,ibang iba ang pakiramdam. Parang may nangyari na hindi ko maintindihan.

Nang mapatingin ko sa kalendaryo, may napansin ako...

JAN.05,2012

Isang linggo bago mamatay si Eunmi.

Tama nga ang hinala ko. Bumalik lahat sa nakaraan....

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet