Beach? "Sorry" sa buhanginan?

Husband ko na, Teacher ko pa?

 

 

 

 

Sino ba si Duq? gusto niyo malaman? Tignan niyo muna ung nasa ibaba... Siya un. >////<

 

 

 

Siya ang aking nakababatang kapatid. Nasa highschool na siya ngayon at isa siyang sweet na lalaki. Ang dami ding nagkakagusto sa kanya pero hindi ko malaman kung bakit ayaw niya sa kanila. Ang alam ko is heartthrob siya sa school nila pati narin ung kapatid ni Sunbae na si Timothy.

 

 

 

 

May gusto nga dun ung best friend ko eh, si Mhemey. Kasing age ko lang siya pero hindi ko alam kung bakit ang lakas ng tama niya sa kapatid ko kahit na madami ding nanliligaw sa kanya. Ewan ko ba... Baka hinihintay lang nila ang isa't isa. Ay, may ganun?

 

 

 

 

Itetxt ko pa nga pala siya. Sabi niya kasi itxt ko lang daw siya kapag nakausap ko si Duq o basta kahit na anong may kinalaman sa kanya, sabihin ko daw sa kanya.

 

 

 

To: Bhesie (0916xxxxxxx) 

Bhesie, tumawag sakin ung Duq mo, sabi niya namimiss niya na daw ako. Awwwww... Ang sweet niya diba??? Wahahaha~ BTW, pupunta pala kami sa bahay bukas gusto mong sumama?

 

 

 

 

"Talaga? tumawag sayo si Duq ko para sabihin na namimiss ka na niya? Nang iinggit ka ba teh? Well, if yes, tumawa ka na kasi naiinggit na talaga ako. Daig niyo pa ang mag boyfriend sa kasweetan niyong dalawa. Anyway, about dun sa bukas, kailan ba ako hindi sumama? Syempre sasama ako! NAsan ka ba ha?" relpy sakin ni Bhesie.

 

 

 

 

 

Hindi ko muna siya sinagot kasi feeling ko inaantok na ko kaya natulog muna ako. ANg haba kasi ng biyahe eh...Hindi ko rin naman alam kun saan kami pupunta kaya matutuog nalang muna ako.

 

 

"Pabin, patulog muna ah..."

 

 

 

 

"Sige, pero bawal tulo laway..."

 

 

 

 

Mhemey's POv

 

 

 

 

Hiiieeee! AKo nga pala si Mhemey Cara Neheras, super best friend ko si Mato at super crush ko naman ung kapatid niya na si Duq. Magkakilala na kami ni Bhesie eversince grade school at hanggang ngayon na college na kami, hindi parin kami mapaghiwalay. Buti nga siya may asawa na kahit na never pa siyang nagkaboyfriend before, eh ako? Hindi pa ako nagkakaboyfriend kasi hiniintay ko pa si Duq kaya lang never pa kaming nagkausap ng matino. 'Hi' lang tas awkward na...

 

 

Incoming 3rd year college student na ko and i'm 17 years old din. Fresh pa ako... ^^ At first, nagulat din ako na ikakasal na pala si Bhesie nung 2nd year highschool palang kami at nung una kong nakita ung lalaking pakakasalan niya na si Pabin. Gwapo siya, infairness naman sa kanya kaya lang ang ayaw ko lang sa kanya is lagi siyang nagsusungit na parang babaeng may red days araw araw. Minsan naman maloko, pinag titripan kami ng asawa niya. Nakakainis siya! Hindi ko nga alam kung pano natagalan ni Bhesie ung taong un eh tsaka hindi ko naman sila nakikitang nagdedate or something like that.

 

 

May iba naman talaga akong gusto para sa best friend ko at alam kong gusto nila ang isa't isa kaya lang dumating ung si Pabin kaya hindi na sila nagkatuluyan. Siya si Vex Andrew Fortre, klasmate namin siya ni bhesie nung highschool kami dati. Lagi silang tinutukso noon pero hindi naman sila naging 'sila' kasi kailangang umiwas ni Bhesie kasi nga nag asawa na siya. Ewan ko ba dun sa babaeng un, hindi ko naman siya nakikitang masaya kasama ni Pabin ni minsan eh...

 

 

Ay, mag nagtxt pala...

 

From: Bhesie (0916xxxxxxx) 

Bhesie, tumawag sakin ung Duq mo, sabi niya namimiss niya na daw ako. Awwwww... Ang sweet niya diba??? Wahahaha~ BTW, pupunta pala kami sa bahay bukas gusto mong sumama?

 

 

"Talaga? tumawag sayo si Duq ko para sabihin na namimiss ka na niya? Nang iinggit ka ba teh? Well, if yes, tumawa ka na kasi naiinggit na talaga ako. Daig niyo pa ang mag boyfriend sa kasweetan niyong dalawa. Anyway, about dun sa bukas, kailan ba ako hindi sumama? Syempre sasama ako! NAsan ka ba ha?" relpy ko sa kanya tas hindi na siya nagreply ulet. Nasan nga kaya ung babaitang un? sino naman ung kasama niya?

 

 

 

Habang naghihintay ako ng reply niya, nag fb muna ako. Syempre, ano pa bang gagawin ko? Tititigan ko lang ung profile ni Duq hanggang sa matunaw na ung laptop ko... ^^

 

 

Then suddenly may sumulpot na pictures sa news feed ko...

 

 

Sino to? si Bhesie?

 

 

Nakita ko kasi ung mga pictures ni Bhesie na natutulog sa kotse. Inupload siya ni Pabin at nakalagay sa status niya na...

 

 

 

"I'm with her!!! happiest day!" yan ung nakalagay sa status niya after niya iupload ung album niya na un tas tinignan ko ung time... Tuesday, 2:19 pm. tas tumingin ako sa orasan ko, 2:20 ng tuesday ng hapon. Ibig sabihin, magkasama sila ngayon ni Bhesie?

 

 

 

tas may nagtxt ulet sakin...

 

 

From: Bhesie (0916xxxxxxx) 

Bhesie, sorry ah hndi ako nakapag reply sayo kanina. Nakatulog kasi ako eh, kasama ko ngayon si Pabin tsaka nasa beach kami ngayon, hindi ko nga alam kung bakit eh...

 

 

 

Wow ah, himala. Nagdate sila ngayon, ano kayang nakain nung mga yon? Nevermind na nga lang... Basta ako, tatambayan ko nalang ung FB ni Duq edi naging masaya pa ko?

 

 

Mato's POv

 

 

Pagkagising ko, naririnig ko nalang na may alon. Yung parang alon sa dagat? tas tinignan ko si Pabin, nakahiga lang siya dun sa upuan niya tas nakapikit. Nung bumangon ako, nakita ko ung dagat tas ung kotse ni Pabin, nakapark sa may mga buhanginan. Dito kaya yung gusto niyang puntahan namin? Malamang... bakit pa kami huminto dito kung hindi naman kami dito pupunta diba?

 

 

Bakit kaya kami nandito? ANo namang gagawin namin dito? Hindi naman kami pwedeng mag swimming kasi hindi naman niya sinabi na dito pala kami pupunta.

 

 

"Bakit dito?" sabi ko.

 

 

"Hhhhmmmm??? bakit dito? para marelax ka naman... Bakit ayaw mo ba dito?" sabi ni Pabin sabay dilat at tingin sakin.

 

 

"Hindi, gustong gusto ko nga eh... Salamat." sabi ko tas bumaba ako ng kotse at naglakad lakad sa buhangin ng nakapaa.

 

 

"Teka, san ka pupunta?" tanong ni Pabin.

 

 

"Bakit ka pa nandito kung hindi mo naman eenjoyin ang buhangin at ang tubig? Tara, sama ka sakin..." tas binuksan ko ung pinto ng kotse niya tas hinila ko siya palabas.

 

 

"Teka.... eh..."

 

 

"Wag ka nang maarte... Magpaa ka na, masarap naman sa paa ung buhangin eh. wwwhhhhhhooooohhhhhhooo!!!" tumakbo ako palayo ng onti sa kanya. ANg ganda kasi ng view, nakakabusog ng mata. O_O

 

 

 

after ng ilang minutes kong pagtakbo, hingal na hingal na ko kaya lumapit ako kay Pabin para humingi ng tubig.

 

 

"Eh wala akong dalang tubig eh, bat kasi tumakbo ka pa?" sabi ni Pabin.

 

 

"Nyek, bakit wala kang dala? Wala bang nagtitinda dito?"

 

 

 

"Meron..."

 

 

"Oh, meron naman pala eh. Dali na, bili mo na ko..."

 

 

"Ano ka? ikaw bumili mag isa, ikaw na uuhaw eh..." tas naglakad siya pabalik sa kotse niya.

 

 

I feel very upset, insulted and irritated that time so, naglakad nalang ako papunta sa sinabi niyang direksyon at ako nalang ang bumili ng tubig para sa sarili ko. Ako naman daw ang nauuhaw diba? edi ako bumili...

 

 

Nakakaasar kasi hindi man lang niya ako sinundan o sinamahan. Pinuntahan ko talaga ung sinasabi niyang tindahan at nakabili talaga ako ng tubig. Isang wilkins na malaki na ung binili ko para pag mauuhaw ule ako, hindi na ko babalik pa. Medyo malayo din kasi...

 

 

 

Nung nasa malayo pa ko, tanaw ko na si PAbin at may hawak siyang stick na kahoy tas parang may sinusulat siya sa buhangin. Binagalan ko lang mag lakad kasi mabigat ung dala kong tubig. Nung medyo malapit na ko, tumitingin lang ako kay Pabin. Ang galing kasi eh... Parang picture sa isang frame ung tinitignan ko. Nakatayo at nakasandal siya sa tabi ng kotse niya tas nakatingin siya sa dagat at tamang tama pa ung ilaw sa kanya.

 

 

Ang galing... Parang ang sarap tuloy picturan kaya binaba ko muna ung dala kong tubig tas kinuha ko ung cellphone ko sa bulsa ko, nung pipindutin ko na ung capture, bigla siyang tumingin sakin kaya mas lalong gumanda ung kinalabasan. Wow... pwede palang maging model tong asawa ko eh.

 

 

Tinignan niya ako pero hindi ko lang siya pinansin. Tinuloy ko nalang ung pagbuhat at paglakad ko hanggang sa makaabot ako sa gitna. Napansin kong may nakasulat sa mga buhangin na nakasalubong ko, lumapit pa ako ng onti para malaman kung ano ung mga nakasulat.

 

 

 

"Sorry"

 

 

 

Isang malaking 'sorry' ung nakasulat sa buhanginan. Binaba ko muna ung dala kong tubig tas tumingin ako kay Pabin.

 

"Ano to?" tanong ko habang nakaturo dun sa ginawa niya.

 

 

"Bulag ka ba? Edi 'sorry'! I just want to apologize for being rude to you kanina, dapat hindi ko ginawa un... I know i made you feel upset and irritated so I'm sorry." sabi niya habang lumalapit sakin.

 

 

Nagagalit ako ngayon... Kasi kapag nag iinarte siya at nagsusungit nakakainis siya pero kapag naman nagsosorry na siya, hindi ko siya matanggihan. >.<

 

 

"Oo na, sige na. Apology accepted, basta kunin mo na tong binili kong tubig tas umalis na tayo..."

 

 

"Ha? hindi pa tayo pwedeng umalis kasi may dala akong mga pagkain..." tas mabilis niyang kinuha ung tubig at kinuha ung mga bagay na nasa loob ng likod ng kotse niya. May nilabas siyang folding table and chair tas inayos niya.

 

 

"Ano ba yang ginagawa mo ha?" tanong ko habang papalapit ako. then nakita ko nalang na nilabas niya ung isang basket na parang pampicnik.

 

 

"Mag pipicnik tayo, hindi ba halata? Tara na, upo ka na..."

 

 

"Wow... ikaw lahat gumawa neto? Ang daming pagkain! Ang galing mo, Pabin... Daebak!"

 

 

"Ha? Ano ung daebak?" tanong niya sabay kamot ng ulo.

 

 

 

"The best. Tinuro un sakin ni Christine-sunbae..."

 

 

"Ah... ahaha, expected ko na talaga na mamamangha ka sa ginawa ko. Wahaha!!! Naega jeil jal naga!"

 

 

"HA? eh ano naman un?"

 

 

"I am the best! Akala mo ikaw lang marunong mag korean ah... hehe." tas umupo na siya at kumain na kami.

 

 

Habang nag eenjoy ako sa pag kain, nakatingin lang sakin si Pabin habang kumakain din siya. SObrang enjoy ko kasi rinig mo na ung alon ng dagat tas ang sarap pa sa pakiramdam nung simoy ng hangin tas ang sarap pa ng kinakain mo at higit sa lahat, guwapo pa ung kasama mo... chos! XD

 

 

"Ay, saan mo nga pala balak magtrabaho? Magtiteacher ka diba?"

 

 

"Oo, pero hindi pa ako inaasign ng agency kung saan akong school ilalagay eh..."

 

 

"Ah... Bakit ba gusto mong maging teacher? Eh ang dami pa namang ibang trabaho jan na mas babagay sayo..."

 

 

"Eh bakit pa ako nag aral ng education kung hindi ako mag titeacher diba? Tsaka i want to socialize with students and i want to be the center of attention sa pagitan ng maraming tao."

 

 

"Eh pano un? Sabi ng DepEd, bawal na daw mag sungit ung mga teacher eh. Pano ka?"

 

 

 

"Oo nga eh, i can't live a day without being masunget for just once pero siguro naman pwede kahit paminsan minsan lang diba? Tsaka kung mababait naman ung mga studyante ko edi hindi ako magsusunget diba?"

 

 

"Ok, bahala ka... Gwapo ka naman eh, maiintindihan ka naman siguro nila kapag nagsungit ka. Grabe ka pa naman magsungit, nakakairita, nakakaupset at higit sa lahat, nakakainsulto..." biglang nasamid si Pabin sa mga sinabi ko.

 

 

"(cough)(cough) ganun ba ung naramdaman mo kanina? Parang may pinanghuhugutan ka kasi eh..."

 

 

"Nako, kung alam mo lang... Higit pa dun ung naramdaman ko. Pero if you try to lengthen your patience at wag munang mainis, you're relationship between people will be good. Sa mga parents ka lang naman natin mabait eh, tas pagdating sakin, nag aapoy ka na sa sobrang pagkasunget mo. Pasalamat ka, gwapo ka..."

 

 

 

"Hehe, yun lang naman ung alas ko sa mga iniinis ko eh... Ung kagwapuhan ko." sabay hawak sa mukha niya.

 

 

"Ah... May bago akong nalaman sayo ah. Hindi ka lang pala masunget, mayabang ka rin pala. OK, ikaw na." tas nilagyan ko sya ng icing sa mukha kasi may binili din siyang cake kanina.

 

 

 

"Ahhhhh!!! MAto! LAgot ka sakin!!!" tas kumuha din siya ng icing at nilagay sa mukha ko.

 

 

 

"Ahhhhhh!!! Nakakainis ka! Akala mo uurungan kita ah..." tas tumakbo na siya palayo sakin ako naman hinabol ko siya. Nalagyan ko ulet siya ng icing kaya siya naman ang manghahabol. naenjoy ko ung mga oras na un kasi ngayon lang kami nagbonding ng ganun. Naghahabulan sa tabing dagat... >////////<

 

 

"Huli ka!" tas niyakap ako ni Pabin para pigilan akong makawala. We are both laughing and enjoying on what we're doing. Ang sarap kasi sa pakiramdam, para akong naging bata ule...

 

 

then dumating kami sa point na... nagkatinginan kaming dalawa. Sobrang lapit ng mukha namin sa isat isa, i can ever fell his breath na. I feel like kissing him sa hindi ko malamang dahilan. Lumalapit na ung mukha niya sakin kaya nilalapit ko na rin ung mukha ko sa kanya then...

 

 

 

 

We kissed.

 

 

 

And to tell you the truth, that was my first kiss ever. Hindi ko alam kung bakit ko to ginagawa, basta nalang gumalaw ung katawan ko eh... Iniwanan na ung utak ko.

 

 

 

Nung natauhan nako, dumilat ako, humiwalay ako at tinulak ko siya palayo.

 

 

"Bakit? What's wrong?" tanong ni Pabin. Aba... mukhang nasarapan ang loko ah.

 

 

 

"We can't do this... Kahit na mag asawa tayo pero kung wala naman tayong nararamdaman para sa isa't isa, hindi parin natin pwedeng gawin un, tsaka..."

 

 

"Huh? Tsaka ano?"

 

 

"F-first K-kiss ko kasi un eh..." sabi ko habang nakayuko at hinahawakan ko ung labi ko.

 

 

 

"Ahahahahahaha!!! First kiss?! AHahahahahahah!!! Parehas pala tayo... AKo din eh, first ko palang ung kanina. Tara na... ligpit na tayo tska maghilamos na tayo ng mukha. Ang lagkit na ng mukha natin eh... tas uwi na tayo, madidilim na eh..." sabi niya habang papunta siya sa may dagat.

 

 

Anong gagawin niya? Ipanghihilamos niya ung tubig dagat?

 

 

"Eto nalang ung gawin nating panghilamos imbes na tubig jan sa dagat..." tas nilapit ko sa kanya ung tubig na binili ko kanina. Tinaob ko un ung kaunti tas pinanghilamos ko na, edi tapos ang problema!

 

 

Pagkatapos maghilamos ni Pabin, niligpit na namin ung kinainan namin tsaka ung lamesa at upuan tas sumakay na kami sa kotse tas umuwi na.

 

 

Habang nasa daan kami, sinabi ko sa kanya na pupunta kami sa bahay nila Mama para dumalaw at isasama namin si Bhesie.

 

 

"Uy Pabin, pupunta nga pala tayo kila MAma bukas kasi namimiss na daw ako ng kapatid ko eh... tsaka isasama din natin si Bhesie para naman pasalubong ako kay Duq."

 

 

"Ahhh... Ok, sige pero gusto ba talaga ng best friend mo si BAta (Duq)?"

 

 

"Oo noh pero ewan ko dun kung anong nagustuhan niya sa kapatid ko eh mas matanda siya kaysa kay DUq pero isang taon lang naman ang tanda nila sa isa't isa kaya pwede na rin..."

 

 

"Ahahaha... ang complicated talaga ng buhay ng tao noh? teka, medyo malapit na magpasukan ah, nakaenroll ka na ba?"

 

 

"Ha? Eh... hindi pa nga eh, samahan mo naman ako oh."

 

 

"Sasamahan pa kita? Ano ka ba? BAta? Kaya mo na yan... Malaki ka na."

 

 

"Ehhhhhh.... Basta sasamahan mo ko. Mas masarap kayang pumunta sa school kapag may kasama, pls?" tas nagpacute na ko habang nakatngin sa kanya.

 

 

"S-sige na nga... Basta wag ka na ulit mag aeaegyo ah. nakakasuka eh... Wahahah!"

 

 

"Ang sama sama mo talaga!!!"

 

 

"Yeah, i know, right? haha."

 

 

"Bukas na pala tayo magpaenroll pagkagaling natin kila Mama ha?"

 

 

"Oo, sige."

 

 

tas aun, nakauwi na kami. tinulungan ko siyang magbuhat ng mga ginamit namin kanina tas nagsipasok na kami sa mga kwarto namin para magpahinga.

 

 

"Goodnyt, Hon." sabi niya bago siya pumasok sa kwarto niya.

 

 

"Diba sabi ko sayo na wag mo na akong tawaging Hon? Ang kulit mo talaga... haha. Goodnyt din sayo..." tas pumasok na ko sa kwarto ko.

 

 

Bago ako matulog, inupload ko muna ung mga kinuhanan kong pictures kasama na ung nasa kotse si Pabin tsaka ung ginawa niya 'sorry' sa buhanginan.

 

 

"Bonding with Mr. Sungeett" yan ung nilagay kong title ng album ko. Masasabi kong isa ito sa mga best day ko kasi nakabond ko siya for the first tym and it wasn't that bad at all.

 

 

Tinag ko rin siya sa mga inupload ko tas tinignan ko ung profile niya. And guess what? He got some uploaded pictures of me too. Nakita ko sa wall niya na may pictures ko rin siya na inupload niya lang ka--

 

 

Kanina?!

 

 

Kinunan niya ako kanina ng hindi ko alam? Well, ganun din naman ung ginawa ko sa kanya kanina pero hindi naman siya tulog nun ah...

 

 

At nakalagay sa status niya after nyang upload un is...

 

 

 

"I'm with her!!! happiest day!"

 

 

0////////////////////////////0!!!

 

 

 

Bigla ko tuloy naalala yung kiss namin kanina at hanggang ngayon, ramdam ko parin ung labi niya sa labi ko. WWAAAAAAAHHH!!! Ano ba to??? Bumibilis ung tibok ng puso ko everytime na maaalala ko ung mga ginawa namin kanina. Tas niyakap pa niya ako and we're chasing each other happily. PAra kaming isang masayang mag asawa na nagpakasal dahil sa mahal namin ang isa't isa at hindi arranged marriage.

 

 

Ayoko ng ganito!!! >.<

 

 

Pinatay ko na ung laptop ko at natulog na pero sa sobrang hindi ako makatulog sa kakaisip kay Pabin. Dati naman hindi ko siya iniisip ng ganito pero bat ngayon siya nalang ung nilalabas ng utak ko? 1:30 na ng madaling araw pero hindi parin ako makatulog kaya lumabas muna ako para uminom ng tubig para kumalma kalma naman ako.

 

 

Pagkabukas ko ng pinto, bumaba na ko para kumuha ng bottled water sa ref tas nung babalik na ko...

 

 

 

aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

------------------------------------------------------------------------------------------

 

 

 

Ano kaya ung 'aaaaaaahhhhhh!' na un?

 

 

 

 

Ito na ba ang simula ng love story nila?

 

 

 

 

Ang sweet ni Pabin!!! >////<

 

 

 

Pero masungit din... >.<

 

 

 

Thanks for reading!

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet