Meet me and Mr. Sungeet

Husband ko na, Teacher ko pa?

 

Para makarelate po kayo sa ibang mga characters na sinasabi dito, paki basa nalang po yung isa ko pang story. Haha. Promote din po ito :)) 

http://www.wattpad.com/story/1086223-forcedly-married-finished

 

Baka kasi maguluhan kayo. :)) Thanks.

 

 

 

--

 

 

 

 

 

Mato's POv

 

 

 

==~~Alarmalarmalarm~~==

 

 

hhhhhhmmmmmmmmm??? Umaga na ba agad? Ahhhhh!!! Hindi pa ko nakaktulog ng maayos! Teka, parang may katabi ata ako ah...

 

 

"Aaaaaaahhhhhhh!!!" sigaw ko pagdilat ko ng mga mata ko.

 

 

"Tsk. Ang ingay mo naman eh..." sabi nung katabi ko.

 

 

"Eh bat kasi nandito ka na naman? diba pinagsabihan na kita na wag ka nang pupunta dito pag gabi para matulog? ang kulit kulit mo... umalis ka na nga, mag aayos nako. Papasok pako eh..."

 

 

 

"ehhhhh... Hindi ka ba pwedeng mag absent nalang? Namiss kaya kita..." sabi niya tas niyakap niya ako at hinila pahiga.

 

 

 

"Eh! Hindi pwede kasi may exam kami ngayon, finals na kaya noh! at next month, wala ng pasok. And i really need to pass this test. Sige na, lumipat ka na sa kwarto mo, dun ka nalang matulog ulet." tas tinulak ko na siya paalis sa kama ko.

 

 

"Ang mean mo, kaya mahal kita eh... Sige, ako muna maghahanda ng breakfast para sayo..."

 

 

 

"Ok, bahala ka. Basta ba sasarapan mo eh..." tas pumunta na ko sa CR para maligo.

 

 

 

Eto na... Mag papakilala na nga ako diba??? Atat lang teh? XD

 

 

Ako nga pala si Mato Yuri Lasales este Roblez na pala pero sa school, Lasales parin ung gamit kong surname. I'm 17 years of age. Actually, kakabirthday ko nga lang eh tas nag aaral ako sa Philips Christian University, PCU for short. Malaking school un pero hindi kasing laki ng Louis Christian Academy. Gusto ko nga sanang mag aral dun kasi nandun ung crush ko; si Zyren Kyung kaya lang hindi kaya nila Mama, masyadong mataas ung tuition fee nila dun kaya sa PCU nalang nila ako inenroll. I'm a 2nd year college student at malapit nang magbakasyon!!!

 

 

 

Ayyy, nakalimutan ko nga palang sabihin sa inyo na kasal na ko, 4 years na. Bale 13 years old ako kinasal at sobrang ayaw ko pa talaga nun. Kung si Christine nga pinakasal nung 16 siya tas ako 13? Grabehan lang teh? Lahat ng pagmamakaawa na pwedeng gawin, ginawa na ng mga magulang ko para mapapayag lang ako. Pinagkasundo kasi kami ng mga magulang namin simula nung ipinanganak ako. Nakakainis diba? Sila ung pumili ng magiging asawa ko imbes na ako... Nakakatampo. Mamaya, magpapakilala siya sa inyo, wait lang kayo okay? Tsaka ung asawa ko nga pala, masungit un. Ang sungit sungit. Marami nang nagrereklamo tungkol sa kasungitan niya pero hindi siya affected. Wala siyang pakels sa mga reklamo nila... Pero mabait naman siya eh kapag tulog nga lang. >.<

 

 

Hindi nga, promise, mabait talaga un pero minsan sinusungitan din ako nun pero mild lang. XD

 

 

AYan, tapos na ko maligo kaya magbibihis na ko. I super like my uniform and i feel very comfortable and confident when i'm wearing it. Nasa ibaba ung itsura nun, okay diba?

                                      ||

                                      ||

                                      ||

                                      \/

 

 

Tapos na rin ako magbihis kaya mag aayos nako ng buhok. suklay suklay everywhere na...

 

 

 

"Mato... baby? Kain ka na." sabi ni Asawa ko tas nilapitan niya ako.

 

 

"Oo, sige. baba na tayo."

 

 

tas pagkababa ko, nakaayos lahat mula sa plato hanggang sa baso tas mukhang masarap pa ung ulam.

 

 

"Sige na, kain ka na... Maliligo lang ako."

 

 

"Oh, hindi ka sasabay sakin?"

 

 

"Hindi na, tapos na ko eh..." tas umakyat na siya. Mukhang masarap ung niluto niya, matikman nga...

 

 

 

Pabin's POv

 

 

Hello, ako ung sinasabi ni Hon na asawa niya. Ako si Pabin Tristan Roblez, 19 years old nako at Dean's Lister ako. ^^ Next month, magtatapos nako at magtatrabaho na at to tell you the truth, napakasungit ko kaya! Masungit ako sa mga hindi ko masyadong kakilala, kagaya mo...

 

 

Marami ding nagsasabi na dapat baguhin ko daw ung pagkamasungit ko kasi hindi daw bagay sa kagwapuhan ko... (I'm just telling a fact!) Masungit na talaga ako since nung bata pa pero ang hindi ko talaga maintindihan is kapag si Hon na ung kausap o kasama ko, bigla bigla nalang akong bumabait. Wala kaming special relationship ni Hon, basta tanggap na namin na mag asawa kami pero hanggang dun lang un. We never treated each other as special or hindi kami masyadong nag iiskinship. Basta parang magkaibigan lang kami, no special treatment. Ganun?

 

 

I wanna be a teacher or professor someday at dahil nga puro esudyante na ang magiging mga kaharap ko, bawal na magsungit. aaaaaaaawwwwwwwwww... Favorite ko pa namang mag sungit pero pwede naman siguro kahit minsan lang diba? ^O^

 

 

Pagkagraduate ko, maghahanap na agad ako ng trabaho at kahit "mayaman" kami, gusto kong ako na ang sumuporta sa asawa ko at sa magiging mga anak namin ni HOn. 4 years na kaming kasal bale 15 years old palang ako nun. Dati ayoko naman din talagang magpakasal sa kanya pero wala na akong nagawa at hindi ko naman pinagsisisihan ung pagpapakasal ko sa kanya kasi ok naman ang relationship namin ngayon, hindi nga lang sa way na gusto ko. >.<

 

 

 

Ako nalang ung nagluto kasi alam kong pagod at napuyat siya sa kakareview para sa exam nila ngayon. Kaya rin ako nalate ng uwi kagabi kasi kinausap ako ng may ari ng school na balak kong magtrabaho para sa susunod na school year.

 

 

Naligo na ko at nag ayos para sa school ko din pero hinahatid ko muna si Hon bago ako pumasok kasi maaga ng 1 hour ung pasok nila kaysa sa kin.

 

 

"Pabin, ready na? Tara na, para maaga akong makapasok kasi magrereview pa ako sa school eh..."

 

 

"Oh sige, let's go? lock mo ung pinto ah..." sabi ko habang papunta sa car ko.

 

Kami lang kasing dalawa ung nandun sa bahay kahit na medyo malaki, wala kaming kasambahay kasi ayaw nila Mama. Gusto daw nilang matuto kami na maging independent pero kapag naman kailangan namin ng onting money pang emergency, binibigyan naman nila ko agad agad.

 

 

"Oh, wow... Pinaayos mo? Mas lalong gumanda kaysa dati." sabi ni Hon habang sumasakay siya. tas biglang lumabas ung nakakairitang kapitbahay namin na si Ate Mara Romualdez.

 

 

Teacher siya sa malaking school sa Valenzuela, ung LCA at kamalas malasan lang na nagaganap sa buhay ko is kapitbahay ko siya ng mahigit isang taon na at kahit alam niyang may asawa na ko, patuloy pa rin niya akong ginugulo at kinukulit na pumunta daw sa bahay niya o kaya naman ihatid ko daw siya sa trabaho niya. ANo siya? Boss? Si Mato Yuri Lasales-Roblez lang ang BOSS ng buhay ko...

 

 

"HI, Pab. Pwede mo ba akong ihatid sa work ko saglit? sa LCA? wala kasi akong maparang taxi eh..." sabi niya tas lumapit siya sakin sa driver's seat pero ako naman lumalayo kasi naiirita talaga ako sa kanya. ANg kulit kulit kasi eh...

 

 

"Ah Ate, baka po pwedeng maghanap nalang kayo ng ibang mapagsasabayan niyo kasi baka malate pa ako sa school ko eh..." sabi ni Hon kay Ate Mara.

 

 

"Eh pano kung ayaw ko? At tsaka sino ka ba para pagbawalan ako?"

 

 

Biglang kumulo ung dugo ko sa sinabing yun ni Ate Mara sa honey ko. Ako lang ang pwedeng magsungit sa kanya!!!

 

 

"Ate, maghanap ka nalang ng iba ha? Can't you see na may ihahatid pa ako na mas importante pa kaysa sa makipagkulitan sayo? And how many times do i have to tell you Ate na, i'm already married..."

 

 

 

"Bakit naman kasi lahat ng gwapo sa mundo na nagugustuhan ko, may asawa na? Una si Zyren, may asawa na rin tas ikaw naman ngayon? Langyang buhay naman talaga to oh..."

 

 

"Ano? si Zyren? may asawa na din siya?" biglang sabat ni Hon.

 

 

"Che! Maghahanap na ko ng ibang masasabayan pero hindi parin kita titigilan, Pab." tas umalis na siya at naglakad palayo samin. AKo naman, nag drive na ko papunta sa PCU.

 

 

"Sige, Pabin... Salamat sa paghatid mo sakin ha. Susunduin mo ba ako o magcocommute nalang ako?"

 

 

"Mag commute ka nalang... Maaga ka uuwi diba? regular ung sched ko ngayon eh. Sorry ah."

 

 

"OK lang un, basta wag masyadong magsusungit ah..."

 

 

"Ayoko nga, magsusungit ako kung kailan ko gusto... jk. sige, bye." tas umalis na ko. Sa College for Education ako nag aaral at dun, talagang kilala ako as "The Ill-tempered charismatic Man". Kasi dun, sungit talaga kung sungit. Hindi ako nauubusan ng mga sungit lines na pwede kong isagot pero pag kay Hon na, nabablanko ung isip ko.

 

 

Sana makapasa siya sa final exam niya... I hope that she'll do well.

 

 

==After a month==

 

 

Mato's POV

 

 

"Congratulations, Pabin! Graduate ka na!" bati ko kay Pabin. Gumraduate na kasi siya ng -laude sa school nila. Grabe diba? -laude? Talino shet. >.<

 

 

 

"So, saan tayo magcecelebrate?" tanong ko.

 

 

"Kahit saan basta sa gusto mo..."

 

 

"Okey, sabi mo yan ah... Gusto ko sa Yakimix. OK lang ba?"

 

 

"Sige, malakas ka naman kumain eh... diba?"

 

 

"Ang sama mo... Tara na nga, Mama. Unahan na natin yan."

 

 

Aun, pumunta na kami sa SM north edsa para kumain sa Yakimix. HIndi talaga ako kumain ng agahan tsaka tanghalian kasi alam kong mabubusog na talaga ako sa Yakimix palang.

 

 

Then habang kumakain kami, may nakita akong dalawang pamilyar na mga mukha.

 

 

"Sunbae!" tawag ko. namukhaan ko na kasi sila ung senior ko sa school ko dati, sila Chieni Lee at Kevin Kim. Napatingin sila sakin nung tinawag ko sila.

 

 

"Mato?! Ikaw na ba yan?! ANg laki mo na!" sabi ni Sunbae tas lumapit siya sakin para yumakap.

 

 

"Oh, sino naman sila?" tanong ni Pabin sakin.

 

 

"Hubae, sino ba yang masungit na kasama mo? Gwapo siya ah... Mukha nga lang masungit." Bulong sakin ni Sunbae habang nakatingin siya kay Pabin.

 

 

"Ah, asawa ko kasi siya..." bulong ko.

 

 

O_O <---- ganyan ung itsura niya sa sinabi ko.

 

 

"Pati ikaw, kinasal ka na rin? Una si Bhes tas ikaw naman ngayon? Bakit ngayon ko lang nalaman?"

 

 

"Eh kasi gagraduate na kayo nun nung ikakasal na ko. 13 palang ako kinasal eh..." tas pinalapit niya si Kevin samin.

 

 

"Munch, kasal na pala tong Hubae natin eh... Inunahan pa talaga tayo at 4 years na daw silang kasal nung lalaki."

 

 

"Eh arranged marriage lang naman kasi kami eh..."

 

 

"Aba... Lahat na ata ng nagpapakasal ngayon arranged na eh. Ano bayan!!! Nakakainggit kayo!!!"

 

 

 

"Kanino nga pala kinasal si Christine-sunbae?" tanong ko.

 

 

 

"Kay Zyren Justine Kyung... Ano nga palang pangalan ng asawa mo?" nagulat ako sa sinabi niya. Si Zyren? crush ko pa naman siya... >.< Wahaha~ yaan mo na, bagay naman sila ni Sunbae eh... Hinila ko si Pabin tas pinakilala ko sa kanila.

 

 

"Siya nga pala si Pabin Tristan Roblez, asawa ko. Pabin, sila ung mga seniors ko nung highschool ako." tas biglang ngumiti si Pabin from being ill-tempered.

 

 

"Ah, hello. Sorry sa ginawa ko kanina..."

 

 

"Sige, sunbae. Una na kami kakain pa kasi kami eh, gumraduate na siya ng college kaya dapat magsaya kasi may katulong na ko sa bahay... Wahahaha."

 

 

 

"Ikaw talaga... okay, i'll support you on that. Iinvite din kita kapag ikakasal na kami ni Munch, diba munch?" sabi ni sunbae tas tumingin siya kay Kevin. Ngumiti lang sa kanya si Kevin tas umalis na sila.

 

 

"Byebye..." sabi ko tas tumingin ako kay Pabin.

 

 

"Oh ano? tara na, kain na tayo... Treat ko."

 

 

Tas aun kumain na kami, grabe sobrang nakakabusog talaga! feeling ko lalagpas na ung mga kinain ko sa tyan ko eh...

 

 

"Oh busog ka na? Kain ka pa... ginusto mo yan eh."

 

 

"Hmp! Ikaw talaga kahit kailan wala kang pakielam sakin eh noh? Ang sama mo... tara na nga uwi na tayo, sobrang busog na ko eh..." tas hinila ko na siya palabas. Habang naglalakad kami papunta sa kotse niya, ung picture nga pala nasa Photo.

 

 

AUn, during our vacation days, nasa bahay lang kami, minsan lang kami lumabas kapag may family dinner tsaka pag maggogroceries. We never did "dates" since nung kinasal kami kasi hindi naman namin tinitreat ang isa't isa na mag asawa talaga. Wala lang... BAsta mag asawa lang kami tapos. Then one day, bigla niya nalang akong inayang lumabas...

 

 

"Hon, labas tayo gusto mo?" Tama. Hon ang tawag niya sakin pero nothing special ang ibig sabihin nun. Nasanay lang siyang tawagin akong ganun at nasanay narin akong tawagin ng ganun.

 

 

 

"Ha? eh kasi..." sabay kamot ko ng ulo.

 

 

"Ayaw mo? Eh di wag..." tas lumabas na siya ng kwarto ko pero hinawakan ko ung damit niya.

 

 

"S-sige... labas tayo, boring na rin kasi dito sa loob ng kwarto ko eh. Teka lang, mag aayos lang ako ha?" tas pumasok na ko sa loob para maligo at mag ayos.

 

 

After 35 minutes, natapos rin akong mag ayos and everythang. 20 minutes akong naligo tas 15 minutes lang akong nag ayos. First time niya akong inaya na lumabas kaya dapat sulitin ko na, hindi naman kasi mabait sa babae yan eh... Pag nasa mood lang.

 

 

tas tinext niya ako...

 

 

From: PabinSUNGITristan 

Oy, nasang lupalop ng banyo ka na ba? Baka naman nalunod ka na sa bowl jan? Ang bagal mo kaya... Kanina pa ko naghihintay dito sa labas mula nung sinabi mong sasama ka, naiinip na ko... Bilisan mo na.

 

 

"Oo, eto na nga diba, palabas na? Ang arte mo ah, mag iintay lang ng ilang minuto eh... sungeet. >.<" reply ko sa kanya tas binuksan ko na ung pinto at nilock.

 

 

"Buti naman nakasurvive ka... Sakay na." sabi niya tas nauna na siyang sumakay, hindi man lang ako pinagbuksan ng pinto?

 

 

"Hindi mo man lang ako pinag buksan ng pinto? AKala ko ba gentleman ka ha?" sabi ko habang sumasakay.

 

 

"May kamay ka naman para magbukas ng pinto diba? So, hindi mo na ko kailangan para buksan pa un para sayo. kaya mo naman eh..." tas nagdrive na siya.

 

 

"Eh, san ba tayo pupunta?"

 

 

"Basta, wag nang matanong. You'll know when we get there..."

 

 

In the middle of our biyahe, may tumatawag pala sakin...

 

 

Calling cuteDuq...

 

 

Si Duq... Bakit kaya siya tumatawag?

 

 

MAto: Hello? Duq? bakit? 

Duq: Ate, nasan ka ba? Pwede ba tayong magkita? 

Mato: Ah, eh, hindi eh... Umalis kasi kami ni Pabin ngayon. 

Duq: Nyek, bakit ganun nalang siya palagi? Kapag gusto kitang makita, nilalayo ka niya sakin... Namimiss lang naman kita eh, masama ba un? 

Mato: Duq, bukas nalang ako pupunta jan sa bahay okay? Malayo na kasi kami jan ngayon kaya hindi na kami pwedeng bumalik.

 

 

"Mato, sino yan? Si Duqbata? Pakausap nga..."

 

 

Mato: Duq, sabi ni Pabin gusto ka daw niya makausap... (tas tinapat ko ung cp ko sa tenga ni Pabin habang nagdadrive sya.

 

 

"Oy, bata! Long time no talk na ah... Namimiss mo na ba ung ate mo? Sorry ah, hindi ko siya pwedeng ibigay sayo ngayon eh, may pupuntahan kami. Kinulit kasi ako ng ate mo na magdate daw kami--" tas binalik ko na sa tenga ko ung phone.

 

 

Mato: Duq, wag ka maniniwala sa kuya Pabin mo ah... Nagsisinungaling lang un, hindi ko naman talaga siya kinulit eh. Bukas, promise ko sayo pupuntahan ko kayo jan nila Mama. okay? Sige na, bye... 

Duq: Promise yan ate ah... sige, bye bye din. muah!

 

 

 

 

 

 

then he hung up. Sino ba si Duq? gusto niyo malaman?

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

yoko nga... :P

 

 

 

 

 

 

 

 

jk. Malalaman niyo sa susunod na chapter neto...

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

-----------------------------------------------------------------------------------------

 

 

 

 

Laging out of mind ung ulo ko ngayon kasi tinatamad na ko, ayaw pang makisama ng utak ko sakin tas tinatamad ulit ako. XD

 

 

 

Alam niyo ba daily chores ko?

 

Pagkagising ko sa umaga, kakain tas maghihintay ng tanghali, kakain na naman tas hihintayin kong matapos gumamit ng laptop ung kapatid ko kasi wala akong sarili computer na may internet. Tas kapag nakapag UD nako at tapos na kong gumamit, pagdating ng hapon hanggang 1 ng madaling araw gumagawa parin ako ng UD. Ganon ako kaadik gumawa ng UD pero minsan walang lumalabas sa isip ko na mga scenarios and everything kaya ang kalalabasan non, tatamarin akong gumawa. Even sa Cp ko gumagawa ako ng UD sa notes...

 

 

 

Sana maganda ang kalabasan ng bago kong story na to... SAna maganda din ang reflect nito sa inyo. Maraming maraming salamat sa lahat ng bumabasa at nagsusuporta sa FM ko at sana ganun din ang gawin niyo sa Hkn,Tkp ko.

 

 

 

 

Vote, comment and become a fan!

 

 

 

 

Thanks for reading!

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet