Chapter 1: Dead Stars

Bago Mahuli Ang Lahat

 

 

Lahat ng tao’y abala, nakikipagtawanan, chismisan, kamustahan at yung iba’y nakikipagplastikan. Mapapansin mo na puro mayayaman ang bisita sa okasyong ito. Mula sa elegante nilang mga damit at naglalakihan at nagkikislapang mga alahas, hanggang sa mga agaw eksena nilang hair dress.

 

Who would have thought that I’ll be standing here inside this venue, waiting for the one who truly holds my heart? I feel so out of place. Unang una, hindi ako mayaman pero hindi rin mahirap kumbaga average lang. Pangalawa, wala pa siya. Pangatlo, ako lang ata ang taong hindi masaya sa pagtitipong ito.

 

Paano naman ako sasaya kung alam kong sa pagtatapos ng araw na ito, may magbabago. Pagbabagong mahirap tanggapin pero kailangan. Parang binaliktad ang mundo ko ng 360 degrees sa pagbabagong mangyayari. Ayokong matapos ang araw na ito.

 

Nagsalita na ang host ng party na ito. Anong okasyon? Despedida party lang naman ni Gerald. Ang saya no?

 

“Let us all welcome…the man who is the reason why we are celebrating tonight. None other than…Mr. Gerald Anderson.”

 

Palakpakan ang lahat. Bumababa siya sa stairs, grabe ang gwapo niya in a white tux. Ang laki ng ngiti ng Chow chow ko. I ginala niya ang mata niya sa mga tao hanggang sa nahagip ng mata niya ang mga mata ko, nginitian ko siya. Feeling ko matutunaw ako sa titig niya. Naabot niya na ang pinakahuling hakbang at tinungo ang pwesto kung nasaan ako at inilahad ang kamay niya sa harapan ko.

 

Ngumiti ako at kinuha ang nakalahad niyang kamay. Sabay kaming pumunta sa harapan kasama ni Tito at Tita. Oo, kilala ako ng nanay at tatay niya. Ang bait kaya nila! Kahit mayaman sila, grabe saludo ako sa pagka-down to earth nila. May pinagmahanan ang Chow chow ko!

 

The party, so far is going smooth. Hindi ako hinayaan ni Gerald mag-isa, sinasama niya ako kung saan siya pupunta. Pinapakilala sa mga tao at sinasali sa mga usapan nila. If ever he needs to leave me, binibilin niya ako kay Tita or sa kapatid niya. Nakakahiya nga eh.

 

Nagulat nalang ako na tinawag yung pangalan ko....

 

"Ms. Kim Chiu..."

 

I never thought I’d sing in front of a crowd a huge crowd and puro elites pa, nakakakaba tuloy. Kakanta ako, Tita asked me if I can render a song for her son. Grabe, biglaan! I am not prepared. Pero nakakahiya namang tumangi. At isa pa, sabi ni Tita na “Special Number” daw yun. Pag ako ba nagkalat sa stage, special pa rin yun? Shocks. Buti na lang natuto akong mag-piano dahil sa Music subject namin. Tamang tama naman na may piano sila.

 

Sinimulan ko nang tipahin ang bawat nota ng kanta. Yung tibok ng puso ko, ang bilis. Parang first time ko ata tong gagawin sa kanya. Sing him a song.

 

Breathe Again ni Sara Bareilles ang napili kong kantahin. These days, yan ang pinapakinggan ko. Pang-senti yung song pero nagandahan talaga ako at the same time na nalungkot.

 

Car is parked, bags are packed, but what kind of heart doesn't look back
At the comfortable glow from the porch, the one I will still call yours?
All those words came undone and now I'm not the only one
Facing the ghosts that decide if the fire inside still burns

All I have, all I need, he's the air I would kill to breathe
Holds my love in his hands, still I'm searching for something
Out of breath, I am left hoping someday I'll breathe again
I'll breathe again

Open up next to you and my secrets become your truth
And the distance between that was sheltering me comes in full view
Hang my head, break my heart built from all I have torn apart
And my burden to bear is a love I can't carry anymore

All I have, all I need, he's the air I would kill to breathe
Holds my love in his hands, still I'm searching for something
Out of breath, I am left hoping someday I'll breathe again

It hurts to be here
I only wanted love from you
It hurts to be here
What am I gonna do?

All I have, all I need, he's the air I would kill to breathe
Holds my love in his hands, still I'm searching
All I have, all I need, he's the air I would kill to breathe
Holds my love in his hands, still I'm searching for something
Out of breath, I am left hoping someday I'll breathe again
I'll breathe again

 

Sa pagtatapos ng kanta, tumingin ako sa kanya. Nakangiti siya at para bang proud na proud, ang sarap sa pakiramdam. Pero nalungkot ako nang maisip ko na, I will not be seeing those smiles more often. Lalo na’t aalis siya.

 

Tumayo ako at nagbow habang ang mga tao naman ay nagpalakpakan pa. Nakita ko siyang may hawak na bouquet ng pulang rosas.

 

“You did great Meow Meow! Thanks for that.” Sambit niya sabay halik sa aking pisngi. Aw, sweet kisses. I’ll definitely miss those. Nginitian ko siya at tinanggap ang rosas na bigay niya ay ginantihan ng akap. Akap na mahigpit, pinaramdam ko na sa akap na yun ang pagmamahal ko sa kanya, yung para bang ayoko na siyang pakawalan at forever nalang kaming magakapan.

 

Pero syempre hindi naman maari yun, lalo na’t nasa harapan pa kami ng mga bisita niya. Nauna akong kumalas sa akap na iyon. I mouthed “I love you” and smiled at him while I hold on to his hand.

 

Nag-speech pa siya, nagbigay ng  pasasalamat sa lahat ng taong dumalo at sana daw sa pagpasok niya sa isang bahagi pa ng buhay niya ay patuloy siyang suportahan ng mga taong malapit at mahal niya.

 

Matapos nito ay pwede na daw sumayaw ang gustong sumayaw. Marami nang tao sa dance floor, lahat sila may grace kung kumilos. Oh baka naman, kunwari ay mahinhin ngunit sa totoo ay hindi naman. Ang mga mayayaman, although I do not want to generalize, kumikilos sila ayon sa social status nila. Minsan kahit di nila gustuhin ang isang bagay, kailangan nila itong gawin dahil sa yun ang itinakda at inaasahan na ng maraming tao na dapat ganun ang ikilos nila. Pero di ko nilalahat ah. Meron pa ring iba na natural na sa kanila ang ganun at kahit na mas nakakaangat sila, may busilak pa rin silang kalooban.

 

We’ve stayed at our table, doing nothing. Hawak ko ang kamay niya at hawak niya din ang sa akin. Pinaglalaruan ko nga yun eh, ang lambot at ang kinis niya. I find that sweet, yung hawak niyo lang kamay ng isa’t isa, walang nagsasalita pero alam niyo sa sarili niyo na mahal niyo ang isa’t isa.

 

After a while, tumugtog yung isang kantang importante sa amin. All About Us ng He Is We.

 

“May I dance with you my princess?” Inilahad niya ang kamay niya sa akin.

 

“It’s my pleasure, my prince.”

 

Pumunta kami sa gitna mismo ng dance floor. Inilagay niya ang dalawa niyang kamay sa bewang ko habang ikinawit ko naman ang aking mga kamay sa batok niya. I remember that particular feeling when we danced to the same song on our Prom. Same song and same feelings. Ang magical talaga ng mga nangyayari lalo na yung mga kasama ko siya.

 

“I love you Kimberly Sue Yap Chiu, you’re my one and only Meow Meow.” Bigla na lang sinabi ni Gerald.

 

“I love you too Chow Chow.” Ani ko at tska hinawakan ang magkabilang pisngi niya at pinagpatuloy ang sasabihin ko. “Whatever happens, you know I love you very…very…very very much. At kahit malayo tayo sa isa’t isa, you’re still the one who holds my heart.” Niyakap ko ulit siya ng mas mahigpit at mas matagal ngayon while swaying to the beat of the music.

 

Lumalalim na ang gabi at paunti na rin ng paunti ang oras na kasama ko siya. Kung may pause lang sa totoong buhay pinindot ko nay un kaya lang, wala. Let’s accept the fact that this day, our last day will end. At sa pagtatapos nito, parang nararamdaman ko na may iba pang matatapos.

 

“Tita, Tito mauna na po ako. Gabi na rin po kasi baka hinahanap na rin po ako sa bahay.” Paalam ko sa mga magulang niya.

 

“Ay sige iha, salamat pala ah. Sa susunod ulit. Ikaw, young man…ihati mo na tong magandang binibini na to” Sabi nito saka ako bineso.

 

“Kim, ikamusta mo na lang ako sa itay mo ah.” Bilin naman ng Tito Eric niya na tatay ni Gerald.

 

“Ay sure po. Salamat po pala sa pagimbita.”

 

“Oo nga pala, baka gusto mong sumama bukas sa paghatid kay Gerald sa airport?” Tanong nito sa kanya.

 

“Ah, hindi na ho. May…may…inuutos po kasi si nanay sa akin, eh…importante po. Sorry po.” Nagaalangang sagot nito.

 

Sumakay na kami ng sasakyan ni Gerald, ihahatid niya na ako pauwi sa amin. Ngunit nagtaka ako ng ibang daan ang tinatahan ng kotse niya.

 

“Wait, akala ko…iuuwi mo na ako?” Nagtatakang tanong ko.

 

“Eh gusto pa kitang makasama eh. Pleaseeee…kahit one hour lang? Sige na…” Pagmamakaawa nito sa dalaga.

 

“Eh sige na nga…saan mo ba ako dadalhin?” Makulit na tanong nito.

 

“Secret…”

 

Tumagal ng beinte minutos ang biyahe namin at nakita ko na lang nang ipinarada niya ang kotse sa…bahay nila? Wait, ‘bat naman niya ako dadalhin sa bahay nila? Bumaba na ako ng kotse niya matapos niya akong pagbuksan ng pinto.

 

“Bat mo naman ako dinala dito sa bahay niyo?”

 

“Eh syempre dito…tahimik, tayong dalawa lang…maliban sa maids.” Sagot nito ng may ngiti sa kanya labi.

 

Bakit ganon, parang ang creepy ng ngiti niya. Something is really bothering me. I think there’s something that he is not telling me.

 

Dinala niya ako sa may garden nila, specifically sa tapat ng isang puno. Pagtingin ko sa taas, nakita ko yung tree house nila. Makakalimutin na nga siguro ako. Nadala at naipakita yung tree house sa akin eh. Pinauna niya ako umakyat at kasunod ko siya.

 

Pagdating namin sa loob, tumingin tingin ako sa paligid ng tree house nang mahagip ng mga mata ko ang larawang nakalagay sa ibabaw ng isang side table. Napangiti ako, paano ba naman kasi…picture namin yun eh. Ang ganda ng kuha kahit stolen yun.

 

 Tumayo siya sa gitna ng tree house at tumingala.

 

“Halika dito…” Tawag niya sa akin.

 

Tinignan ko ang tinitignan niya. Ang ganda. Stars. Parang kumukitikutitap sa madilim na langit.

 

“Ang ganda ng mga butuin no?” Inosente kong tanong sa kanya.

 

“Oo nga e.” Sagot niya ng nakatingin sa akin. Nagririgodon naman ang puso ko dahil doon at di lang yun pumula pa ng husto ang pisngi ko. Para namang di pa ako sanay sa kanya. Lagi naman siyang sweet e.

 

 

 

“Anong ginagawa mo?” Tanong ni Gerald na katabi ko ngayon. Nakahiga na kasi kami habang nakatingala sa kalangitan.

 

Anong ginagawa ko? Nagte-trace ng mga stars. Tinetrace ko yung pangalan ko, pangalan niya at ang salitang FOREVER. Forever na malabo na atang mangyari pa.

 

“Ito? Tinetrace ko ang pangalan natin. Pero sa tingin ko marami sa mga butuin sa langit ang patay na.” Tugon ko sa kanya ng may halong kuryusidad ang huli kong pahayag.

 

“Anong patay na butuin?”
 

“Dead Stars. Kahit patay na sila, nakikita pa rin ang liwanag nila mula sa malayo pero ang totoo…wala na silang pinoproduce na liwanag.” Paliwanag ko sa kanya na halata namang naguguluhan pa rin.

 

“He had been seeing the light of dead stars, long extinguished, yet seemingly still in their appointed places in the heavens. Favorite line ko yan from a short story. Minsan kasi…there are things that are great at some point pero…it will end up, vanishing its importance. Kumbaga nonexistent na siya. Wala na siyang kwenta although nandyan pa rin siya.” Mahaba kong sabi sa kanya. Nadala ata ako ng aking mga emosyon. Parang ang lalim nun ah.

 

“Ang sad naman nun.” Kinuha niya ang kamay ko at hinigpitan ang pagkakahawak niya rito. Ayaw na halos bumitiw.

 

Ayokong humatong sa puntong maging dead star din ako sa buhay niya at ganun din siya sa buhay ko. Sana naman huwag. Siguro naman magkikita pa kami diba? Di pa ito ang huli. Although alam ko…alam ko sa puso ko na mahihirapan ako.

 

Ayokong makita ang liwanag ng isang dead star. Dead stars that keep on shining. You once thought that it was real but in the present…it is nothing but an illusion.

 

 

 

Ang gabing yun na ang huli. Huling paguusap at pagkikita dahil matapos noon ay nagtungo na siya sa Maynila upang magkolehiyo.

 

Noong gabi ring yun, kahit masakit, kahit mahirap at kahit iba ang isinisigaw ng damdamin ko…nagkaroon ako ng lakas ng loob para tapusin na ang kung ano mang mayroon sa amin. Ayaw kong matali siya sa relasyon namin gayong napakalayo naman namin sa isa’t isa. Hindi natin alam ang mangyayari. Maraming magiging bagong mukha ang papasok sa buhay niya.

 

At aminin natin na long distance relationships don’t last.

 

Kaya mabuti nang tapusin na hangga’t maaga. Hanggang di pa niya ako nasasaktan at di ko siya nasasaktan.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
KG4life #1
Yay!!! Yumgirl, I read the prologue and chapter 1...super duper nice. I hope you would be able to keep updating more chapters and more frequently :) Thanks! ;)
athenskg #2
Chapter 2: hello yumgirl, nice story, thanks for the update, more soon :)
KG4life #3
Chapter 1: Oppsss...it is kinda late now...I'll read this fanfic tomorrow morning :) Keep updating and btw, I find this Kimerald fanfic interesting :)
yumgirl #4
@KGSolidKimerald and @TheArvie99
Thanks for the comments:) I really appreciate it.
I'll try to update regularly!:D
TheArvie99 #5
Chapter 1: interesting story :) .... ano kaya mga wish nila .... update ka lagi ha ... thank you ...