PROLOGUE: Wish on the Bridge

Bago Mahuli Ang Lahat

Tatlong buwan nalang.

 

Talong buwan at wala na.

 

Anong gagawin mo kapag alam mong ang oras mo kasama ang taong mahal mo ay malapit nang magwakas? Para kang may hour glass, kitang kita mo ang agos ng buhangin. Na bawat segundo, minuto at oras na kasama mo siya, nababawasan ang buhangin at malapit nang mag-times up.

 

 Wala ka na namang magagawa eh kundi ang sulitin ang mga oras na kasama mo siya. Iparamdam sa kaniya na mahal na mahal mo siya hanggat nandyan pa siya dahil pag-umalis na siya, hindi natin alam kung kelan natin ulit sila makikita o baka hindi na kayo ulit magkita. Mas maganda nang gawin mo na ang dapat mong gawin, sabihin ang dapat sabihin para sa huli, wala kang pagsisisihan.

 

“Hoy! Tulala ka na naman diyan.” Gulat ng lalaki saking likod. Kilalang kilala ko ang boses nay un, isang tao lang ang nagmamay-ari nun. Si Gerald Anderson, galing siya sa isang sikat na pamilya dito sa aming probinsya. Mayaman ang pamilya niya, may-ari sila ng mga resort at nasa linya ng pulitiko ang kanyang ama. At syempre, boyfriend ko siya…sa ngayon.

 

“Wala…nagmumuni muni lang.” Sagot ko sa kanya. Niyakap niya ako patalikod at pinatong ang baba niya sa balikat ko habang hawak niya ang kamay ko. Para bang ang mga kamay niya ay gawa lamang sa mga kamay ko. Kumbaga sa ingles, it fits perfectly. And everytime his fingers intertwined with mine, I feel his warm hands and the electricity that it always brought that greatly affects me.

 

Binalot kami ng katahimikan. Ito yung isa sa mga bagay na gusto ko kapag magkasama kami. Kaya naming tumahimik lang nang walang ginagawa, parang ayos na sa amin ang malaman na nandyan ang presensiya ng isa’t isa. Siguro pinakikiramdaman namin ang isa’t isa, alam ko nahahalata niya na din ang pagiging tahimik ko these past few days. Nag-iisip kasi ako ng isang bagay na magagawa ko para sakanya na magiging memorable at unforgettable. Hinalikan niya ang likod ng kamay ko na hawak niya at pagkatapos ay hinalikan din niya ang pisngi ko.

 

“I think I know what’s going on through that mind of yours.”

“Sige nga…ano?” Napataas pa ang kilay ko habang nagtatanong.

 

“Oh…nevermind. Basta ayokong iniisip mo yan ngayon, okay? Gusto ko magsaya lang tayo.” Abot tengang ngiti niya sa akin. Kala mo pang-endorser ng Colgate o Close-up man lang tong lalaking to sa puti ng ngipin eh.

 

“Eh sige na nga. Hmmm…can I have coin?”

 

“At para saan ang piso?”

 

“Magwi-wish…tutal nandito tayo sa special place natin eh. I’ll make a wish on this bridge, malay mo it’ll come true!” Nandito kami sa gitna ng bridge, part siya ng plaza. May fountain din, playground at mga gazebo. Inabutan niya ako ng piso at kinuha ko ito.

 

Pumikit ako at tahimik na humiling. Pero ang hirap palang hilingin ang isang bagay na alam mong mahalaga sa taong mahal mo. Parang magiging selfish ka kung sasabihin mo sa kanya ang gusto mong mangyari. Siguro tama na rin to, yung sakin na lang kung ano mang hilingin ko. Kung magkatotoo man, salamat at kung hindi, alam kong mas may magandang plano pa para samin. Matapos ay ihinagis ko na ang piso sa tubig.

 

“So anong winish ng Meow meow ko?” Malambing na tanong sa akin ng kasintahan ko. Tinawag niya akong Meow meow, naglalabing nga! Hindi naman ako mahilig sa pusa kaya ganun ang tawag niya sa akin. Naalala ko pa noon, hinihintay ko siya sa bench sa school at may dumaang pusa at nag-meow meow, eh nagulat ako at sakto namang dumating siya at nakita ang eksenang yun! Kaya ayun inasar ba naman ako hanggang sa nakasanayan niya nang itawag yun sakin. But really, hindi naman ako naasar nun eh, nakyutan lang ako sa kanya.

 

“Eh…bat ko naman sasabihin sayo? Baka mamaya hindi na magkatotoo ang wish ko, Chow chow.” Hinawakan ko ang pisngi niya at pinanggigilan iyon.

 

“Awww…ikaw talaga, type na type mo yang pisngi ko. Kung ayaw mo sabihin sakin yung wish mo, magwi-wish na lang din ako.” Nakangiti niyang ipinakita sakin ang kumikinang pang piso mula sa kanyang bulsa.

 

Ipinikit niya ang mga mata niya at tumahimik ng ilang minuto. At habang ginagawa niya yun, nagkaroon naman ako ng pagkakataong pag-masdan na naman ang napaka-gwapo niyang mukha. Baka ito na ang huling pagkakataon ko para kabisaduhin ang napaka-amo niyang mukha. Ngunit sa gitna ng aking pagmamasid, bigla biyang binuksan ang kanyang mga mata. Nahuli niya na naman akong nakatingin sa kanya, nakakahiya talaga. Iniwas ko ang aking tingin at ibinaling ang aking mga mata sa tubig.

 

“Sus…nahiya pa ang Meow meow ko! Ito oh…” Kinuha niya ang kamay ko at ibigay sa akin ang kanina niya pang hawak na piso.

 

“Para saan naman to? Eh tapos na ako mag-wish ah.”

 

“Gusto ko, ikaw ang magtapon ng pisong yan sa tubig. Kahit na wish ko ang nilalaman ng pisong yan, gusto ko ikaw ang gumawa ng paraan para matupad ang wish ko.”

 

Na-curious naman din ako sa wish niya pero kahit na ganoon, kinuha ko ang piso, hinalikan at ihinulog sa tubig. Kung ano man ang winish niya, alam ko may kinalaman ako doon. Kahit na curious ako sa kung anong hiniling niya, ibibigay ko na yun sa kanya.

 

Not all our wishes will come true. May ibang madaling dumadating sayo, yung iba naman na-delay lang ng konti o baka na-traffic pero dadating pa rin siya at may iba naman na sa sobrang tagal, hindi na nakapaghintay at may iba ring naghihintay pa rin kahit na imposible nang magkatotoo ang wish nila.

 

Ano kayang kahihinatnan ng wish ko at ng wish niya sa tulay na to?

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
KG4life #1
Yay!!! Yumgirl, I read the prologue and chapter 1...super duper nice. I hope you would be able to keep updating more chapters and more frequently :) Thanks! ;)
athenskg #2
Chapter 2: hello yumgirl, nice story, thanks for the update, more soon :)
KG4life #3
Chapter 1: Oppsss...it is kinda late now...I'll read this fanfic tomorrow morning :) Keep updating and btw, I find this Kimerald fanfic interesting :)
yumgirl #4
@KGSolidKimerald and @TheArvie99
Thanks for the comments:) I really appreciate it.
I'll try to update regularly!:D
TheArvie99 #5
Chapter 1: interesting story :) .... ano kaya mga wish nila .... update ka lagi ha ... thank you ...