SEE YOU AROUND NGA...
See you around nga ba?
"Uy~ UYYY~ Nakikinig ka ba?" Tinanong ko si Joan. Wala nanaman sya sa sarili nya.
"Ha? Oo. Okay lang ako," sabi nya sabay tungo.
"Sabi ko kung nakikinig ka ba. Ang sagot mo, 'Okay lang ako.' TINATANONG?"
Tsk. Si Danny nanaman ang nasa isip nitong mokong na to. Nakakainis kasi tong si Danny, eh. Lecheng SEE YOU AROUND yan. Ayan naiiyak nanaman si Joan.
"Na-kwento ko na ba sayo yung unang beses na nagkita kami?" Tinanong nya sabay upo sa isang bench.
"Ha? Pano nga ba?" Umupo naman ako. "Sa dami ng kwento mo, nakalimutan ko na ata." Tsk. Sinong niloko ko? Eh sa lahat ng madaming kwentong yun, kalahati tungkol sa Danny.
"Nung Third year tayo nun. First day of school, naalala mo na?"
"Ah, oo. Matagal na rin pala. Di ko makakalimutan yung araw na yun," Sabi ko sabay tawa. "Di ko akalaing mapapagalitan ako sa first day of school dahil lang sa tinaguan mo ako." Napailing tuloy ako. Naalala ko pati yung mukha ni Ms. Razon habang nag lintanya sya ng rules and regulations sa school.
"Hindi ko naman kasi sinabing humabol ka eh. Pinagalitan ka tuloy for unruly behavior," sabi ni Joan sabay tawa.
"Sira ka talaga," sabi ko sabay batok sa ulo nya. "Dahil sayo nasira agad yung malinis kong record."
"Eh, nagsorry naman na ako ah."
"Oo nga. Sinabi ko bang hindi?"
"Ay nako," napabuntong hininga sya. "Pero kung hindi dahil sayo, hindi ko sya ma-mmeet." Ayan. Nagsisimula nanaman.
"Oo na. Kung hindi dahil sa akin, hindi mo sya makakasalubong, hindi mo malalaman pangalan nya, at higit sa lahat, hindi kayo magkakakilala." Dirediretso kong sagot, "Ano tama ba?"
"Justine naman eh~" Malamya nyang hinampas yung braso ko. Sabi ko na nga ba, iiyak nanaman sya.
"Okay lang, iiyak mo lang. Di rin naman kita mapipigilan," sabi ko habang pinapatahan sya. Yun lang naman magagawa ko eh.
Ba't ba kasi naghihintay sya hanggang ngayon.
*FLASHBACK*
"Yieee~" Ang masaya kong pang-aasar kay Joan. May post it kasing naka-dikit sa may locker nya. Sigurado galing kay Danny yun. Si Mr. Post-It ng school.
"Ano ba, pang-asar ka nanaman." Sabi nya sabay hampas ng isang libro sa braso ko.
"Aray, kung makahampas ka naman," hinimas ko yung kanang braso ko. Ay nako, basta pag kinikilig, wag na wag lalapit kay Joan. Ba't ba lagi kong nakakalimutan yun.
"Ang sweet nyaaa~" Oo na, sweet na. Alam ng lahat yun. Sino pa ba ang mas ssweet sa Post-It couple ng school? Jusme.
"Teka, 1st year anniversary nyo ngayon dba?" Tsk, lumayo na ako ng kaunti at baka mahampas nanaman ako.
"Eto oh, sinulat nya sa post-it." Okay, false alarm. Akala ko manghahampas nanaman, eh. Lumapit ako para tignan yung nakasulat.
Joan! Isang taon na tayo~ hehe ^^ I LOVE YOU!
Meet you later sa may park ng 4pm, okay lang ba?
I have a surprise for you. ^^v
Ayun. Kaya nainlove tong si Joan dahil sa mga surprise-surprise ni Danny. Eh, hello? Nung naging kami ni Chesca, halos magpakamatay sa inggit si Joan. Sabi niya ba't ko daw sya inunahan magka-lovelife. Ay ewan. Akala ko nga tatandang dalaga 'to dahil sa kasungitan. Ewan ko ba pano nagkagusto si Danny sa kanya. Mabait naman sya minsan, pero madalas may topak. Ayun naman si Danny. Si Mr. Perfect, ayon kay Joan. May itsura, matalino, mayaman - kaso marami ring may-ayaw sa ugali nya. Labo ah. Magsama silang dalawa.
Teka, ba't ko nga ba kinukwento ang point of view ko.
"At tatayo ka lang jan? 5 minutes to 4 na kaya," sabi ko sabay taas ng isang kilay. Tatakbo na yan in 5.. 4.. 3... 2...
"Oh, talaga?" Sabi nya sabay kuha ng relos kong black, "OH MY GOSH!"
"Aray, bumili ka nga ng sarili mong relo." Parang simula grade school wala kang relo, ah. Natawa tuloy ako.
"Justine, halika na~~!" Sabay hila sa kamay ko. Teka, ba't kasama ako??!
-SA MAY PARK 4:15 PM-
"Ano ba, ba't pati ako hinila mo." Grabe ah. Tinalo pa ata namin si Road Runner sa bilis ng takbo ni Joan. "Yung rebonded mong buhok, nasisira." Nagawa ko pang mang-asar.
"Shut-up nga, tignan mo oh~"
Tingin naman ako. WAW. Yung mukha ko literal na *O*. Feel ko pwde nang pasukin ng langaw yung bibig ko, anytime. Naglakad si Joan papunta dun sa may swing.
Ganyan kapag rich kid ang jowa mo, eh. Bongga kung makapag-surprise. May malaking "Happy First Year Anniversary" na banner, tas yung dalawang swing, may design na parang sa fairytale. Nakaupo si Danny dun sa right swing na may PRINCE at ayun naman si Joan na halos mamatay na sa kilig sa PRINCESS swing. Tae. Para naman akong audience dito na nanunuod ng nilalangaw na concert. Sana pala nagdala na rin ako ng popcorn. Joke lang.
At kaysa naman makaistorbo pa ako, nagpunta na lang ako sa likod ng isang puno at nakinig sa usapan nila.
"Happy first year anniversary, Joan Lim!" Sabi ni Danny sabay abot ng isang maliit na box.
"Aw, ang sweet mo naman Danny," reply ni Joan pagkakuha ng regalo. Wala lang. TInitigan lang nya. If I know, naiihi na yan sa kilig.
"Hindi mo pa bubuksan?" Tanong ni Danny. Oo nga naman.
"Eto na, bubuksan na," sabi ni Joan. Tsk. Corny ng dalawang to. Nanuod lang ako habang dahan-dahang pinunit ni Joan yung pink na gift wrapper. Ayun. Nanlaki ang mata ko sa regalo ni Danny. Si Joan naman lalong nawala ang mata sa sobrang ngiti.
"You like it?" Tanong ni Danny.
"Aw, thank you~~" Yakap naman si Joan. Amoy pawis ka, oy. Lakas ng loob mong yumakap ah.
"Isuot ko sayo, give me your hand." Abot naman si Joan ng kamay nya.
"Nakwento kasi dati sa akin ni Justine na never ka nagkarelo. He's tired of you pulling his hand each time you needed it," explain ni Danny habang sinuot yung gold watch kay Joan. Naku, patay ako kay Joan bukas. Dapat pala hindi ako nagkkwento sa Danielle na to, eh.
"Ah, ganun ba? Sira talaga yung Justine na yun," sabi ni Joan sabay nagsimula na nyang itulak yung sarili nya sa swing.
"Ah, Joan?" Tanong ni Danny. Teka, ba't parang kinakabahan ako. Seryoso kasi mukha ni Danny, eh.
"Yes, my prince?" Sagot naman ni Joan. Landi mo, oy.
"Tingin mo ba we'll always be like this forever?"
"Ha? Oo naman..." Pangiting sabi ni Joan. "Pareho na nga tayo ng surname, eh. Marriage certificate na lang ang kulang," habol pa nya.
"Alam mo ba, pangarap kong sumakay ng jeep kasama mo..." Sana lang hindi sya corny noh. Pangarap nyang sumakay ng jeep. WAW.
"Yun lang? Edi sumakay tayo mamaya," smile naman si Joan.
"Di lang yun..." Nagswing na rin si Danny. Ang sweet ng itsura nila. Kita ko sa mata ni Danny na mahal talaga nga yung kaibigan ko.
"Eh ano?"
"Pangarap kong sumakay ng jeep, tas iabot yung bayad sa driver, sabay sabi ng 'Manong. Bayad ho, dalawang senior'," reply ni Danny.
"Aw, ang corny mo."
"Ow," napaaray si Danny. Ano pa nga ba. Sabi ko sa inyo nanghahampas yung kaibigan ko eh.
"Kaso..." Nagiba na ang mood ng mukha ni Danny.
"Kaso ano?"
"Mukhang malabo atang mangyari yun," sabi nya sabay tigil sa pag-swing.
"Ha, bakit?" Ramdam ko, kinakabahan na si Joan. Napatigil na rin sya sa pag-swing.
"Gusto ni mommy na sa States ko ituloy ang studies ko," ang malungkot na sabi ni Danny. "May relatives daw kami dun na pwde kong tirhan while I'm taking up medicine."
"Teka, wait," napatayo si Joan. "Joke ba 'to? Wala namang ganyanan oh. Akala ko ba mag-UUP tayo."
"I'm sorry, Joan," tumayo na rin si Danny at niyakap ang kaibigan ko.
"Hindi, sabihin mo sa akin na biro lang to," Lumuha na si Joan. "Danny naman eh."
"I'm so sorry," inulit pa ni Danny. Akala ko ba hindi sasaktan ni Danny si Joan? Loko to, ah. Pag hindi nya binawi yung sinabi nya, ako mismo sasapak sa kanya para kay Joan.
"Ano ba. Tell me you're joking."
"Babalik ako, pangako yan," hinigpitan pa ni Danny ang yakap sa bes ko.
*END OF FLASHBACK*
Ayun. Alam nyo na siguro kung saan nauwi yun. Hinatid namin si Danny sa airport after one week at natapos na lang ang lahat sa sikat nyang "SEE YOU AROUND." Pero 'see you around' nga ba? 3 years nang naghihintay si Joan. Eto naman ako, ang ever supportive bestfriend nya. Ayun, nagbreak na kami ni Chesca pero si Danny, 'no-show' parin.
"Sabi nya babalik sya," sabi ni Joan sa akin habang sinandal yung ulo nya sa balikat ko.
"Babalik yun," yun na lang ang nasabi ko. Tsk. Kawawa naman 'tong kaibigan ko.
"Lecheng SEE YOU AROUND yan eh," sabi ni Joan sabay tingin sa relos na bigay ni Danny. "Mag-ffour pm na, dapat 4 years na kami ngayon."
"Oo, alam ko. Every year tayong nagpupunta dito sa park dahil lang jan sa anniversary nyo," sagot ko kay Joan.
"Justine~" iyak ni Joan.
"Oh?"
"Miss ko na sya~" sabay hagulgol pa nya.
Hindi na ako umimik dahil alam kong kelangan nya ng maiiyakan. Ayun. Inabot ko na lang yung panyo ko para naman hindi yung t-shirt ko yung nababasa no. Ilang minuto pa at may kamay na nagdikit ng post-it sa balikat ni Joan. Kinuha ni Joan yung post-it at sabay naming nabasa ito.
Miss na rin kita. <3
Napaupo si Joan.
"Danny?" Sabi nya sabay lingon sa taong nagdikit nung post-it. Tumingin na rin ako kasi para namang may multong biglang nagparamdam sa aming dalawa. Si Danny lang naman ang kilala kong mahilig sa post-its.
"Happy 4th anniversary, Joan."
Si Danny nga.
"Danny?" Inulit pa ni Joan.
"Miss na kita, payakap naman oh," biro ni Danny kay Joan na naluluha nanaman.
Tumayo si Joan at pinuntahan si Danny. Matagal rin silang nagyakap. Para bang mga bata na ngayon lang ulit nakauwi at nakahanap ng makakasama.
"I miss you," sabi ni Joan. "Akala ko hindi ka na babalik."
"See you around nga, diba?" Hinawakan ni Danny ang pisngi ng bestfriend ko...
Ayun. Alam nyo na kung saan nauwi yung hawak na yun. AND THEY LIVED HAPPILY EVER AFTER.
- Justine, ang bestfriend ni Joan Lim.
Comments