Para Sa'yo

Para Sa'yo

"Manong! Pwede po bang paki bilis?! Malalate na po kasi ako eh!" sabi mo habang tinatapik ang balikat ni manong driver

"Binibilisan ko na. Sandali na lang, miss" mahinahong sagot ni manong driver

*Ano ba yan?! Baka hindi ko na maabutan ang aking bebe Hae!!! Hindi yun maaari!!!!!!!! Ang bagal bagal naman kasi nitong si manong eh! Haaayyy.... Sana maabutan ko pa sya kahit yung likod na lang nya na papaalis na ang makita ko, at least maipagmamalaki ko na nakita ko sa personal ang likuran ni LEE DONGHAE!!! hehehe* sabi mo sa isip mo

Andito na po tayo." sabi ni manong driver

"Eto po oh!" sabi mo habang inaabot ang pera at sabay labas ng taxi

Lalakad ka na sana papasok ng Trinoma nang biglang....

"Miss, sandali! Yung sukli mo!" sigaw ni manong driver

"Keep the change na lang po!" sigaw mo sabay karipas ng takbo papasok ng Trinoma

*Akala ko naman, hindi na niya ibabalik! Masyadong matapat si manong~ Naku! Dapat may honesty award si manong! LOL Anyaway, eto na! DIZZZZZ IZZZZZ ITTTTTT!!!! Bebe Hae magkikita na rin tayo* sabi mo sa isip mo

"Ella! Ikaw ba yan?!" sigaw ng isang babae sabay lapit sa'yo

"Yana? Oo, ako 'to! Ano bang akala mo sa akin, MULTO???" tanong mo sa kaibigan mong Siwon biased naman

"Haaayyyyy.... Naku! Ba't ngayon ka lang?! Kung kailan naman na tapos yung event, saka ka naman dumating!" pagalit sa'yo ng bestfriend mo

*Oh No!!! Kaya pala andami kong nakasalubong na nagtitilian~ Kala ko naman they're making way for me dahil ako ang asawa ng pinagpapantasyahan nilang si Lee Donghae!!!! KAINIS!!!!!!!!!!!!!!!!* naiinis mong inisip

"Hoy! Ano nangyari sa'yo? Ok ka lang ba?" tanong ni Yana

"Huh? Wala, ok lang ako." sagot mo habang nakatitig sa stage kung saan tumungtong ang bebe mo

"Weh?! Hindi ka ok eh!" sabi ng engot mong kaibigan

"Alam mo naman pala eh! Nagtatanong ka pa! Ang engot mo talaga kung minsan!" sambit mo habang nakatitig pa rin sa stage

"Eto naman! Alam mo, mas ok na ngang hindi mo sila naabutan eh!" sabi ng bespren mong makulit

"ANO?! At ngayon ikinatutuwa mo pa na hindi ko sila naabutan? Minsan talaga hindi ko alam kung bestfriend ba kita eh~" sabi mo habang nag-iisip kung bakit sya natutuwa

"Haaayyyy.... hindi naman sa ganun! Kasi baka nasa presinto ka na ngayon! Dahil alam kong mapapaay mo yung mga babaeng super FC sa bebe mo! Lalo na si ateng nakapink!" sagot ng bespren mo sabay flip ng hair

"Ateng nakapink?! Who da hell???" tanong mo na may bahid ng selos

*Sino 'tong ateng nakapink na 'to?! Ayus ayusin niya ang sarili niya at baka mapatay ko talaga sya!!! Huhuntingin ko talaga sya!* kumukulo ang dugo mo habang iniisip ito

"Si ateng nakapink lang naman ang nagrequest na magpapicture kasama si Hae oppa. Ang pose daw dapat nila eh parang hahalikan sya ni Hae oppa sa cheeks! Kalerky si ate!!!" sabi ni bespren sabay flip ng hair with matching paypay sa sarili

"ANO?! Tama ba ang narinig ko?! Paki ulit nga!!!" sigaw mo, halatang galit na

"SI ATENG NAKAPINK LANG NAMAN ANG NAGREQUEST NA MAGPAPICTURE-------" hindi mo na pinatapos si bespren Yana at binatukan mo na ito

"Aray! Ano nanaman ang kasalanan ko sa'yo?" tanong ni Yana habang hinihimas ang kaniyang batok

"Kasi naman eh! Uulitin mo pa eh alam mo na ngang BV na ako!" sagot mo habang naka 'sorry' face ka sa kanya

"Sorry naman. Sinusunod ko lang naman ang sinabi mo eh." sagot nya habang tuloy pa rin sya sa paghimas sa kaniyang batok

Makalipas ang ilang minutong pag-uusap nyo ng bespren mong si Yana, ay nagpasiya na siyang umuwi. Samantalang ikaw, nagpaiwan muna dahil syempre, sayang din ang pinamasahe mo papunta doon. Napag-isipan mong magwindow shopping na lang.

*Haaayyyyy..... Kung gagastos pa ako ngayon, baka wala na akong pera para sa SS5! Kailangan ko pang mag-ipon para sa SS5!!! Tapos may mga album launching pa?! Ay naku! Bankrupt na ako nito!!! Hirap talagang maging fan!!!* sabi mo sa isip mo habang nakatitig sa isang picture ng MOA Arena

Makalipas ang ilang oras ay umalis ka na rin sa Trinoma

"Para po!" sabi mo kay mamang driver ng jeep

Sa totoo lang, hindi mo rin alam kung bakit ka nakarating at pumara sa tapat ng Manila Bay kung ang bahay mo naman ay sa kabilang dako ng Pilipinas?! Pero syempre, wala ka nang magagawa kasi pumara ka na. Kaya bumaba ka na lang at naglakad papunt a sa isang bakanteng bench.

*Haaayyyy.... sayang naman yung pinamasahe ko! Hindi naman dito ang daan pauwi sa amin!!! Buhay nga naman oh! Susulitin ko na nga lang ang pagpunta ko dito. Dahil maganda ang sunset, maganda ring magsenti mode ngayon. Hindi ko a naman makita ang pinakamamahal kong si LEE DONGHAE?!!!! Siya nga ang dahilan kung bakit wala akong naging boyfriend simula noong November 6,2006!!!! Ganun ako kaloyal~ Magsasalubong din ang landas natin, Lee Donghae... maghintay ka lang~* sabi mo habang nakatitig sa Mr.Simple album mo na Dongahe cover

Matapos mong mag-emote, nilagay mo na yung album sa tabi mo sabay labas ng cellphone at earphones at saka patugtog ng kantang 'Y' ng Super Junior. At dahil biniyayaan ka ni Lord ng magandang boses, syempre sinabayan mo yung kanta. Wala ka nang pakialam sa mga taong tumitingin sa'yo~ Basta ang alam mo, nalulungkot ka sa hindi nyo pagkikita ni Donghae

 

Meanwhile...

"Ganda ng sunset!" sambit ni Dongahe habang nakaturo sa sunset

"Mas maganda dyan yung girl na nakita ko kanina!" sagot ni Siwon habang nagdadaydream

"Sus! Kanina mo pa sya pinagpapantasyahan ah! Baliktad na ata ang mundo ngayon, ang idol na ang nagpapantasya sa kaniyang fan!" biro ni Donghae habang tuloy pa rin sa paglalakad

"Ingit ka lang! Sa dami kasi ng nagpapicture sa'yo, wala kang nagustuhan!" pang-aasar ni Siwon

"Hindi naman sa walang maganda sa kanila. Lahat sila magaganda pero hindi ko naramdaman yung 'dugeun dugeun' ng pusdo ko eh." malungkot na sagot ni Donghae

"Sus! ok lang yan! baka wala dito sa Pilipinas ang kapalaran mo. Basta ako, parang nakita ko na yung akin." sabi ni Siwon sabay akbay kay Donghae

"Paano ka nakakasiguro na sya na nga yun?" tanong ni Donghae

"Kasi mutual ang feelings namin. Ako kasi ang bias nya~ Which means ako ang gusto nya among all the 15 memebers of Super Junior!" proud na proud na sabi ni Siwon

"Sus! Porket bias na, mahal na agad? Hindi ba pwedeng favorite muna???" tanong ng loko lokong si Donghae

"Manahimik ka na nga lang dyan kung magpapaka nega ka lang!!! Inggit ka lang kasi eh!" naiiritang sabi ni Siwon

"Whoooshooo!!!! Ako, maiingit?! TSK! Dyan ka nagkakamaling kabayo ka! Maraming magaganda at mababait na ELFishes diyan na naghihintay sa akin!!!" proud na sabi ni Donghae

"Kabayo?! Loko ka talaga kahit kailang malansang isda ka!!!! Talagang------" hindi pa tapos manemron si Siwon at ito'y pinatahimik na ni Dongahe

"Shhhh!!!!" utos ni Dongahe habang naka 'hush' sign

"Engot ka talaga! Tingin mo----" sigaw ng nagwawalang kabayo este Siwon pala

"Shhhhh!!!! Manahimik ka nga muna!!! Di mo ba naririnig yun?" tanong ng naiiritang isang si Donghae

"Huh? Ano yun?" tanong ni Siwon, halatang walang kamaly malay

"May naririnig akong kumakanta ng 'Y'" sagot ni Donghae habang hinahanap kung saan nanggagaling yung boses

"O? Wala naman akong marinig eh. Baka guni-guni mo lang yun!" sambit ni Siwon

"Meron!!! Makinig ka kasing mabuti! Hindi yung puro ka na lang pagpapantasya diyan sa sinasabi mong 'the one'" pang-aasar ni Donghae

"Eh wala talaga akong naririrnig eh! Pero, maganda ba ang boses?" tanong ni Ma Siwon

"Tingin mo? Pgtitityagaan ko kayang hanapin kung hindi?! Mag-isip ka nga! kala ko ba matalino ka?" bwisit na bwisit na sagot ni Donghae

"Naririnig ko na!" natutuwang sabi ni Siwon

"O?! buti naman!!! Dali tulungan mo akong hanapin kung sino sya! Dali!!!"excited na excited na sabi ni Donghae

"Ayun O! Galing dun sa babaeng nakagreen!" sabi ni Siwon habang nakaturo sa'yo

"Lapit tayo,dali!!! Ang ganda ng boses nya~ Parang anghel!" tuwang tuwang sinabi ni Donghae sabay takbo sa likod mo

"Dorawa jul neorul wihae..." pagkanta mo nung last line

*Haayyy... padilim na, uuwi na ako! At least medyo ok na pakiramdam ko. Kaya ko 'to, ELLA HWAITING!!! Magkikita rin tayo Donghae oppa, magtitiwala lang ako~* sabi mo sa isip mo

Tumayo ka na at sabay lingon sa likod mo para umalis na

*Weird... Kala ko may audience ako kanina sa likod ko!!! Guni-guni ko lang pala yun! Nababaliw na talaga ako dahil sa'yo LEE DONGHAE!!!!* sabi mo sa isip mo sabay para ng taxi

"Sabi sa'yo mabuting umalis na tayo dun eh! Kung hindi, buking na tayo niyan" bulong ni Siwon

"Ang ganda niya! Kung gaano kaganda ang boses nya, ganun din sya kaganda~"sabi ni Donghae habang iniimagine ang mukha mong pagkaganda ganda

"Ano ba yang pinagsasasabi mo?! Sus! porket ELFish lang sya eh..."pang-aasar ni Siwon at hindi na lamang ito pinansin ni Donghae

"May naiwan sya O!"  sambit ni Siwon sabay turo sa isang bagay na naiwan mo sa may bench na inupuan mo

Lumapit ang SiHae at nakita nila ang Mr.Simple album mong Donghae cover

"ELFish nga siya!" sabi ni Siwon

"Sayang naman 'to! Dapat ko 'tong ibalik sa kanya!" sabi ni Donghae sabay tingin sa direksyon na pinuntahan mo

"Paano mo yan ibabalik kung hindi mo naman sya kilala? At isa pa, wala na sya." sabi ng negang si Siwon

"Basta kailangan ko 'tong maibalik sa kanya, gagawa at gagawa ako ng paraan. At para na rin makilala ko sya~"pursigidong sabi ni Donghae

 

Pagdating ng SiHae sa hotel nila~

"ANO?!" sigaw ng manager nila

"Sige na hyung!!! Pumayag ka na!" pagmamakaawa ni Donghae

"Ok ka lang ba, Donghae? Pinapacancel mo lahat ng schedules nyo simula bukas hanggang Sunday? Baka nakakalimutan mong after nun eh may one week vacation kayo. Kailan nyo maaasikaso yung mga schedules nyo na icacancel kung after next week, bugbog nanaman kayo sa trabaho?" tanong ng manager nilang mukhang aatakihin na sa puso

"Hyung, ok lang ako! At sa susunod na lang natin isipin kung paano natin yan gagawan ng paraan. At isa pa, hindi lang naman ako ang may gusto niyan eh, gusto din ni Siwon!" nagbabakasakaling pumayag na ang manager nila

"Huh? Oy, wala-----" poprotesta na sana si kabayo nang sikuin ito ni isda

"Alam ko namang gusto mo uli makita yung 'the one' mo kaya pumayag ka na!" pagbabantang bulong ni Donghae, napaisip tuloy si Siwon

"Siwon, totoo bang gusto mo ring ipacancel lahat ng schedules nyo mula bukas hanggang linggo dahil gusto nyo pa ng isang fanmeet sa sabado?" tanong ni manager

"Uhmmm..... Opo. Nag-enjoy po talaga kami sa fanmeet kanina!" sagot ni Siwon habang nakangiti

"Sige, give me 3 valid reasons bakit kailangan ko kayong pagbigyan sa hiling nyo!" hamon ni manager

"Una, super duper extra mega kaming nag-enjoy kanina at siguradong ganun din ang ELFs. Pangalawa, weekday ngayon. Malamang maraming gustong makapunta pero hindi makapunta dahil busy sila sa school at work nila. Pag inulit uli yung fanmeet sa sabado, mas malaki ang chance na mameet namin lahat ng ELFs, as in lahat!" pagrarason ni Donghae (A/N: Yiiiiieeee!!!! purisigido talaga si Dodong na mameet ka!!!! CHOS!!! <---- mga kamag-anak ni Kyu!!! *croo* *croo* loljk sorry corny!!! Bye~)

"Dalawa lang yung binigay mong rason." striktong sabi ni manager

"Pangatlo, makikita nyo uli yung host nung event! kala nyo di ko alam na may gusto kayo sa kanya ha?" dagdag ni Siwon na nagpablush ka manager (A/N: bumablush si manager ha!!!! hahaha may lovestory din pala dito si manager? loljk =)))) Bye~)

"Huh? Ehh... Paano nyo nalaman?" tanong ni manager habang nagbublush

"So totoo nga, hyung?" pang-aasar ni Siwon

"Huh? hindi ah!!! Sino naman nagsabi niyan sa'yo?" nagpapalusot pa si manager

"ahahahahaha huli na kayo, hyung!!! Gusto nyo pala si noona ha?! Yiee in loe si hyung! Dali na pumayag na kayo! Makikita nyo uli si noona~" pang-aasar din ni Donghae

*Mukhang konti na lang at mapapapayag ko na rin sya! YESSSS!!!!!! Thank you, Siwon!!! Habang buhay kong tatanawin itong utang na loob ko sa'yo!!!* masayang sabi ni Donghae sa isip niya

"O sige na nga! Pero ngayon lang 'to ha?!" bumigay na rin si manager

"YEHEY!!!!!" tuwang tuwang sigaw ng 2 gwapong nilalang

 

Makalipas ang ilang minuto....

"Nakausap ko na uli si Mr. ben Chan at pumayag sya! Actually, natutuwa pa nga sya na nag-enjoy kayo!" pagbibigay impormasyon ni manager

"Paki sabi na lang po, maraming salamat!" nakangiting sabi ni Dongahe sabay takbo sa kwarto nila ni Siwon

"Hay naku! Yung isda talaga na yun!" sabi ni Siwon sabay sunod kay Donghae

"Haayyy...Kala nila tanga ako? Alam ko namang may napupusuan na sila doon eh~ Haayyy.... mga batang toh! Btw, ano na nga name nung host na girl?" sabi ni manager sa sarili niya habang iniisip ang name ni ate host

 

Nung gabing iyon, pagud na pagod kang dumating sa bahay kaya ang gusto mo na lang eh ang MATULOG!

"Ate! Pahiram naman ako nung Mr.Simple album mo! Palit tayo ng pictures~ Bigay ko sa'yo yung Hae pic ko tapos bigay mo sa akin yung Kyu pic mo." sabi ni Stella, nakababatang kapatid mong Kyu biased naman

"Ha? Eto oh!" sabi mo sabay abot ng kaliwang kamay mo

"Ano yan, ate?" tanong ni Stella

"Huh? Eh di yung album ko!" sagot mo

"Wala naman eh!" naiiritan sabi ni Stella sabay kamot sa ulo

"HUH?! Hawak ko lang yun kanina!!!! Hala! Saan ko na yun na--- OH MY GOSH!!!!!!! Naiwan ko sya dun sa bench sa may Manila Bay!!!" sigaw mo habang nalilito kung anong gagawin

"Ano?! Ate,balikan natin!!!!" sabi ng kapatid mong mas nag-aalala sa album kesa sa kaligtasan mong aalis

"Huh? sige! Ako na lang babalik kasi dagdag ka lang sa pamasahe~" sabi mo sabay takbo palabas ng bahay

 

Pagdating mo sa Manila Bay~

"Saan na nga ba ako naupo? Ah doon!!" tanong mo sa sarili mo sabay takbo sa bench

"Hala!!! Asan na yun?! Dito ko lang nilapag yun!!!" nagpapanick ka na habang sumusilip sa silong ng bench

"Miss, anong hinahanap mo dyan?" tanong ng isang matandang tindera

"Album po! Yung ganito kalaki?" sabi mo habang pinapakita kung gaano ito kalaki

"Ah!!! yung naiwan dyan na parang chopping board ang laki?" tanong uli ni manang

"Opo!! yun nga po!!! Naitago nyo po ba?" tanong mo

" Hindi eh. May 2 lalaki kasing lumapit dito at kinuha yun. Kuknin ko sana kaso naunahan nila ako. Pasensya ka na, miss." sabi ni manang

"Ah ganun po ba? Ano pong itsura nila?" tanong mo uli

"Yung isa, matangkad. yung isa naman, mas maliit sa kanya. Pero hindi ko na nakita mukha nila kasi madilim na rin nun."sagot ni manang 

"Ah... sige po, maraming salamat!" sabi mo at umalis na si manang

*Baka fanboys sila tapos ipopost nila sa SJ United kung may nawalan b ng Mr.Simple album sa isang bench sa Manila Bay? Sana tama ang naiisip ko~* sabi mo sabay sakay ng taxi

 

SABADO~

"KYAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!!!!!" sigaw ng mga ELFs nang sabihin na pumila na sila para sa mga magpapasign at magpapapicture

"Grabe!!! Di hamak mas maraming tao ngayon kesa noong 15. Bait talaga ng SiHae!" sabi ng bespren mong nakapila sa line ni Siwon

"Ang gwapo niya!" sabi mo habang inaadmire ang gwapitong mukha ni Donghae

"Sino? Si Siwon? Sus! Matagal na!!!" confident na confident na sabi ng kaibigan mo

"Gaga! Si Donghae ang sinasabi ko!" di ka na nakapagpigil at binatukan mo na ang bespren mo

"Aray! Ang engot mo talaga kahit kailan!!!" sabi ni Yan habang inaayos yung buhok niya

"Kung engot ako, ano ka pa kaya?" pang-aasar mo

"Tumigil ka na nga!!! Malapit na ako sa bebe ko! Kailangan ko nang mag ready~" sabi ng bespren mo sabay ayos ng damit at kung anu-ano pa

"Nang makita mong magkaharap na ang bespren mong si Yana at ang bias nitong si Siwon, nakita mo ang itsura ng bespren mong malapit nang himatayin

"Mrs. Lee Donghae, ma message ka!" tunong ng cellphone at pinagtinginan ka ng mga tao dahil sa personalized mong message tone

From: Choi Yana

Alam mo ba, tinanong ni Siwon yung pangalan nung nasa harap ko?!

To: Lee Ella

 

To: Lee Ella

Ano naman ngayon? Anong meron sa pangalan nung nasa harap mo?

From: Choi Yana

 

From: Choi Yana

Kasi nung ako na yung magpapapirma at picture, sabi ni Siwon sa akin, "Yana!!! You're Yana, right?" Shet!!!! Naaalala pa niya ako!!! Nakakaloka~ Alam mo ba muntik na akong himatayin? hahaha ^  ^

To: Lee Ella

 

From: Lee Ella

O? Swerte mo naman! Hahahaha pansin ko nga~ Sasaluhin na sana kita pero naisip ko, bakit hindi na lang si Siwon oppa? Tutal sya naman nasa harap mo eh~ :">

To: Choi Yana

 

At dahil diyan sa reply mo na yan, nakita mo ang bespren mong ngumiti at nagblush

"Thank You, oppa!" sabi ng nasa harap mo sabay alis

*OMO!!! This is it!!!!* sabi mo sa utak mo

"Annyeonghaseyo!" bati mo, feeling Koreana ba? loljk =)))

Nagulat ka nang lumingon si Donghae sa'yo at ganito ang expression ng mukha niya --------> O________________O

*Hala!!! May dumi ba ako sa mukha? O sadyang nagulat lang siya sa kapangitan ko?* tanong mo sa sarili mo

"Ah... Neh.... A-anny-ong!" bati ni Donghae na parang naiihi na di mo maintindihan ang itsura

Iniabot mo ang SFS mong album at pinirmahan niya ito

"Pwede po bang magpapicture?" nahihiya mong tanong

"Oo naman!!! Halika dito sa tabi ko!" sabi niya habang hinihila ka sa tabi niya

*HOY, LEE DONGHAE!!!! Anong kalokohan 'to? Pakiramdam ko lalabas na puso ko sa lakas at bilis ng tibok nito!!! Wag mo akong paasahin, Lee Donghae!!! Masasaktan lang ako!* sabi mo sa sarili mo

"1...2...3! *click*" bilang ng bespren mong photographer

""Thank you po, Donghae-ssi! Nice meeting you~" sabi mo sabay kuha sa SFS album mo at paalis ka na nang...

"OH MY!!!"  "Anong meron?"  "Gusto ba sya ni oppa?"   "Bakit daw?" sabay sabay na tanon ng ELFs

Paano ba naman sila hindi magtatanong ng ganun, hilain ka ba naman ni LEE DONGHAE pabalik?! Sige nga?!!! Keri mo??? =)))

"Uhmmm..... Bakit po, Donghae-ssi?" tanong mo,kinakabahan ka kasi baka himatayin ka na in any minute

"I do believe that this belongs to you" sabi niya sabay abot ng Mr.Simple album mo

Binuklat mo ito upang makasiguro na sa'yo nga ito. At nakita mo ang nilagay mong nakakahiyang pangalan~

THIS PROPERTY BELONGS TO: MRS. LEE DONGHAE a.k.a me, ELLA

Nahiya ka naman sa sinulat mo lalo na't nakita din yun ni Donghae at ng mga nakapilang ELFs

"Thank you po!" sabi mo sabay takbo sa bespren mong kilig na kilig sa napanood nya

 

Dumating ka sa bahay nyo mag-11 na dahil namili ka pa ng mga kailangan nyo ng bestfriend mo para sa one week trip nyo sa Puerto Princesa kinabukasan~

"Ate! Tulungan na kita diyan!" sabi ng kapatid mo habang kinukuha ang ibang supot sa kamay mo

"ThanKYU!" inemphasize mo talaga yung word na 'KYU' para marinig nya

"Hehehe~ Musta yung fanmeet, ate?"tanong ni Stella

"Ayun! Nameet ko din ang bebe Hae ko! Alam mo ba sya nagbalik nitong Mr.Simple album ko?" kwento mo sa kapatid mo

"O? Paano nya nalaman na sa'yo yun?" tanong ni sister Stella

"Yun na nga hindi ko alam eh! At eto pa, nakakahiya kasi nabasa nya yung nilagay nating names para sa albums natin! kahiya talaga!!!" sabi mo sabay takip sa mukha mo

"Tingin nga ako nung album na ibinalik nya sa'yo." sabi ni Stella at iniabot mo sa kanya ang album at saka ka tumuloy sa pag-aayos ng gamit para bukas

"OH MA GASH!!!!!!!!!!!!!! Totoo nga yung mga napapanood ko sa mga korean dramas!!!" sigaw ng kapatid mo

"Ano naman yang pinagsasasabi mo? ahh... yung signature ni bebe Hae?Sus! May ganun ba sa mga korean dramas? Ang alam ko walang autograpg chu chu sa k.dramas eh." sabi mo habang tuloy pa rin sa pag-aayos

"Ate, pumunta ka?!" tanong ni Stellana parang nasa kabilang bundok ka

"Saan? at paki hinaan nga yang boses mo!Magising mo pa sila mama at papa eh!" sabi mo habang nag-iimpake ng mga damit mo

"Dito oh! Don't tell me hindi?! Mapapatay talaga kita!!!" sigaw ng kapatid mo

"Hinaan mo nga yang boses mo! At wala na akong iba pang pinuntahan maliban sa fanmeet at sa grocery store!" sigaw mo pabalik

"HALA!!! Papatayin kita!!!! May saltik ka ba, ate?@" mas malakas na sigaw ng kapatid mo

"Ano?! Ako may-----" hindi ka pa tapos ng may isampal na post it ang kapatid mo sa'yo

Binasa mo ito at nanlaki ang mga mata mo dahil sa nabasa mo

Annyeong Ella,

Uhmmm........ Pwede ka bang maimbitahang kumain ng dinner mamayang 8? After nitong fanmeet? Magkita tayo sa backstage. Sa ibang lugar kasi tayo kakain eh~ Wag kang mag-alala, ihahatid kita sa bahay nyo. Ituro mo na lang yung daan. Hehe Maghihintay ako~

                                                                                                                                                                                                  Love,

                                                                                                                                                                                                 Donghae

                                                                            

"********************asdfghjkl************asdfghjkl*********toootttttt**********asdfghjkl******!!!!!!!!!" nasigaw mo na siguro lahat ng murang alam mo

"Hala! Baka hini pa sya kumakain, ate!!!!! Ang tanga tanga mo naman kasi, ate!!!" sigaw ng kapatid mo

"Oo nga eh!!!! Arggghhhhhhhhh!!!! Wait lang! Tinawag mo ba akong tanga? Loko kang bata ka ah! Hoy! mas matanda pa rin ako kesa sa'yo!!!" sigaw mo sabay batok at pingot sa tenga nya

 

Kinabukasan~ 

Pagkarating nyo sa airport~

"Uy! Hatid muna natin ang SiHae!!!" sigaw mo

"ha? Eh anong oras ba ang flight nila?" tanong ni Yana

"Same din sa flight natin, 9!" sagot mo habang palingun-lingon

" Ano? Pwede ba kahit tingin o silip na lang kasi baka malate tayo eh?" tanong ni Yana

"Oo! Basta makita ako ni Donghae oppa!" sagot mo

Palakad na kayo papuntang international gates nang may makasalubong kayong grupo ng mg ELFs, sinundan niyo ito at nakita ang SiHae

"Oppa!!! Saranghae, Donghae oppa!!!" sigaw ng fans

"Oppa!!!  Bisita kayo ulit!!!" sigaw uli ng mga fans

"SS5 MANILA!!!" paulit- ulit nilang sigaw

"Oppa!!! Donghae Oppa!!! Sorry!!! Oppa!!!" sigaw mo habang kumakaway sa kanya

"OPPPPPPPPPPPPPPPPPPPAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!!!!" sigaw ng mga fans ng kumaway ang SiHae bago pumasok sa gate

"Hindi ka pa rin napansin ni Donghae kay kinapalan mo ang mukha mo at....

"ELLA! Hoy, Ella!!!! Anong ginagawa mo?! Ella! Bumalik ka nga dito!!! Ella!!!!  Naku!!!! Mapapatay talaga kitang babae ka!!!" sigaw ni Yana nang iwan mo sa kanya ang mga bagahe mo sabay talon sa mga rehas na nakaharang sa harap nyo at habol sa SiHae

"Oppa! Donghae Oppa! Sorry~ Lingunin mo naman ako! Kahit isang beses lang! Please..." sigaw mo habang tuloy sa pagtakbo

"Miss, bawal po kayo dito! Trespassing po iyan!!! Miss, bumalik po kayo dun sa labas!!!" sigaw ng isang guard na humahabol sa'yo

"Oppa! Pansinin mo naman ako!!! Please~" sigaw mo nang walang pakialam sa mga taong nakatingin at tumatawag sa'yo

Kahit gaano pa kalakas ang boses mo sa kakasigaw, hindi ka pa rin maririnig ni Donghae dahil nakasaksak pala ang earphones nya sa kanyang tenga.

"Oppa!" iyak mo nang tumigil ka sa tulay kung saan deretso na ito sa eroplano

"Ella!!! Salamat naman at tumigil ka na rin! Ano bang nakain mo at nagkakaganyan ka ngayon?" nag-aalalang tanong ni Yana sa'yo

Hindi mo na napigilan at umiyak ka na lamang at yumakap kay Yana

"Ok lang yan! Andito naman ako, bespren!" mahinahon na sabi ni Yana sabay masahe sa likod mo

"Mam! Kailangan nyo na pong bumalik sa----" sabi ng nung guard na humahabol sa inyo kaso may nagsalitang babae

"Ako nang bahal sa kanila, kuya! Maraming salamat sa mahusay mong pagtatrabaho! Maaari ka nang bumalik sa trabaho mo~" sabi nung babae

"Thank You, miss!" sabi ni Yana

"Wala po iyon, mam!" sabi niya habang nakangiti

"Uhmm... Miss, pwede ba kami ditong dumaan papuntang domestic? Nakakahiya kasi kung lalabas pa kami para lang pumunta sa domestic?" tanong ni Yana habang inaayos ang bag nya

"Dito na po yung domestic!" sabi nung babae

"Huh? Sigurado ka? Baka nawawala ka ha? Ang pagkakaalam ko, international 'to" hindi makapaniwalang sabi ni Yana

Nag-excuse si ate, at nagatanong sa isang guard na nakastand by lang

"Mam, dito po talaga ang domestic!" sabi ulit nung babae

"HALA?! Eh papuntang South Korea yung dalawang gwapitong hinabol ko eh!" nalilitong sabi mo

"Baka po pinadaan lang ang SiHae dito kasi super daming fans ang nakabantay sa may international gates" sabi ni ate

"Siguro nga~ WAIT LANG! Paano mo nalaman na SiHae yun? ELF ka noh?" tanong mo

"Opo! Teukie biased po~" masayang sagot ni ateng ELF

"OMO! Kaya mo siguro kami tinulungan noh?" tanong ng kaibigan mong makapal ang mukha

"Hahaha opo!" nakasmile na sabi ni ate

"Ayyy!!!! Nakakatuwa naman at dito pa tayo nagkatagpo tagpo! Btw, ano name mo, ate?" tanong ng FC mong kaibigan

"Angel po!" sagot nya

"Wow naman! Angel~ Bagay na bagay ka kay Teukie oppa ah!!!" natutuwa mong sinabi

" Hahaha thank you po!" nakangiting sagot ni Angel habang nagbublush

Makalipas ang ilang minutong pagkukwentuhan, ay inihatid na kayo ni Angel sa inyong upuan sa eroplano.

Nagsimula nang gumalaw ang eroplano at nagsimula na rin yung mga announcement chu chu about sa safety blah blah! Pagkatapos manahimik nung nagsasalita, ay sinimulan mo na ring ikuwento kay Yana ang natanggap mong sulat mula kay Donghae

"ANO?! Ba't mo ginawa yun?!" pasigaw niyang tanong sa'yo

"Shhh!!!! Ang ingay mo!" sabi mo sabay takip sa bibig niya

"Seryoso ka ba? Hindi mo siya sinipot? Bakit, ella?! Bakit?!" nanghihinayang niyang tanong sa'yo

"Eh hindi ko nakita yung note eh~ Kaya ko nga siya hinabol kanina di ba?" nanghihinayang mo ring sagot

A/N: Halu?! Sino ba namang hindi manghihinayang dun?!

"Ok lang yan, bespren! Bibigyan ka uli ni Lord ng chance. At pag natanggap mo yun, wag mo nang sayangin!" advice sa'yo ni Yana with matching pat sa balikat mo

Through out the whole trip, natulog at nagtawanan lang kayong magkaibigan

"Ella... Malapit na tayo~ Gising ka na" ginigising ka na ni Yana pero hindi ka pa rin nagigising kaya bilang isang mabait na bestfriend, naisipan ni Yana na ibaba na yung mga gamit niyong nakalagay sa may shelf

"Aray!" sigaw ni Yana pagkatpos niyang ma-out balance

"Haaayyyy Naku! Pag minamalas ka nga naman! Hindi mo na nga magising ang magaling mong kaibigan, pinanganak ka pang maliit!!!" sabi niya sa sarili niya habang sinusubukang kunin uli ang inyong mga gamit

"Miss, ako na lang!" sabi ng isang lalaki sabay hakot ng gamit niyo mula sa shelf

"Naku! Maraming salamat! Napakabait mo~ Thank You ulit!" sabi ni Yana sabay tingin sa lalaki

"Wala yun--- Yana?!" biglaang tanong nung lalaki

"Huh? Ako nga. Sino k---- OMO!!! SIWON OPPA???!!!" pasigaw na tanong ni Yana at kaaagad na tinakpan ni Siwon ang kaniyang bibig

"Anong ginagawa mo dito?" bulong ni Yana kay Siwon

"Magbabakasyon!" masayang sagot ni Siwon

"Paano yung schedules niyo?" tanong uli ni Yan

"1 linggo ang binigay sa amin na bakasyon kaya wala kaming schedules this whole week!" sagot nya habang nakangiti

*SUSME!!! Magtigil ka nga diyang kabayo ka este CHOI SIWON pala!!! Huwag kang nagpapaasa ha?! Mahirap umasa sa wala~* sabi ni Yana sa sarili niya

"ahhh... kayo lang ba ni Hae oppa ang may bakasyon?" tanong ni Yana

"Hindi! Magiging unfair yun sa mga kapatid ko! Pasikreto nga silang pupunta dito para magbakasyon kaming magkakasama" sabi ni Siwon na may kasamang kindat 

"Ano?! Seryoso ba yan?" tanong ni Yana

"Oo! Wala ka bang tiwala sa pinakamamahal mong oppa?" tanong ni Siwon habang nakapout

"Naku! Tiwalang tiwala noh~ Wait nga lang! Ano?! Pinakamamahal?! Hala saan mo naman napulot yun?" tanong ni Yana na halatang kinakabahan

"Nagdeny pa sya~ Wag ka nang mag-alala kasi mutual naman ang feeling eh~" sabi ni Siwon at namula na parang strawberry ang mukha ni Yana

"Hala! Anong nakain mo at----" hindi pa tapos magsalita si Yana at *BOOM* hinalikan na ito ni Siwon 

"Ano? Hindi ka pa rin ba naniniwala?!" tanong ni Siwon habang naka 'smirk'

Makalipas ang ilang minuto...

"Ella, gising ka na~ Andito na tayo~ Kailangan na nating bumaba" narinig mong may nang gigising sa'yo habang tinatapik ang flawless mong braso

"Huh?! Andito na tayo?" tanong mo habang nagsestretch

"Ay! Di nakikinig?! Ano bang sabi ko? Paalis pa lang tayo? Sige, magseseat belt na uli ako! Ang kulitttttttttttt!!!!" sabi nito sabay kamot sa ulo

"Aba! At pinipilosopo mo na ako ngayon ha?! Humanda ka sa akin YANA RAMOS!!!" sigaw mo sabay harap sa katabi mo O____O

"BEBE HAE?! Ay este YEOBO pala!!! Ay, tanga! DONGHAE OPPA?!" sigaw mo sabay face palm sa sarili

"Hahaha anong tawag mo sa akin? Bebe Hae? Yeobo? hahaha ang cutie naman!" pang-aasar sa'yo ni Donghae

"Manahimik ka na nga lang dyan!" sabi mo sabay ayos sa hand bag mo

"Hahaha ang cute kaya! Bebe Hae~ Yeobo~ Peros seryoso, ang cute! Talaga ngang mahal mo ako! tuloy pa rin si isda sa pangungutya sa'yo

"Mahal?! How sure are you?" tanong mo sa kanya

"115% sure!!!" confident na sabi nito

"Kapal!!! Si Kyuhyun kaya ang mahal ko!" biglaan mong nasabi

"OUCH!!! Sakit naman nun~ Tumagos sa puso!" sambit nito

*Oh my!!! Bakit ngayon nyo pa ako pinahiya?! Bakit???!!! At tumigil ka na ngang isda ka!!! hiyang hiya na nga ako, mas pahihiyain mo pa ako! Anong klaseng asawa ka?! Ay, sorry! hanggang pangarap lang pala yun~ *erase, erase* Mahirap nang umasa, Donghae, mahirap...*

"Alis nga dyan! Kukunin ko pa ang mga bagahe ko!" sabi mo sabay tulak sa nakaharang niyang paa

"Naibaba na ni Siwon kanina! Kaso dahil gusto kong ako ang magbaba, ibinalik ko sya sa taas saka ko ibinaba uli! Kay in short, NAIBABA KO NA" sabi niya with his famous smile that can kill anybody

"Ahhh.... Ganun ba? Thank you~" sabi mo habang pinipigilan ang tawa mo dahil sa ka-engotan nya

"Sus! Wala yun!!!" sagot nya

"Asan nga pala si Yana? Nakita mo ba yung bestfriend kong nakaupo dyan sa kinauupuan mo ngayon?" tanong mo

"Ahhh... Yanz? Magkasama sila ni Siwon eh~" sagot nya

"Close na kayo? Asan na sila?" tanong mo habang nagmamasid sa paligid mo

"Oo naman, close na close na kami~ Wala na! Bumaba na sila kanina pa~ Ikaw kasi ang hirap gisingin! Wag kang mag-alala, parehas naman tayo ng hotel na tutuluyan eh~ Makikita mo rin doon yung bestfriend mo!" pagpapaliwanag ni Hae oppa

"Anong hirap gisingin ka dyan? Nagising kaya ako agad!" protesta mo

"Hindi kaya! Nakalimang beses mahigit na siguro kitang sinubukang gisingin pero wapakels pa rin! Sabi ko nga sa sarili ko, hahalikan kita pag hindi ka pa gumising eh!" sabi niya at nangamatis naman ang mukha mo

"Hahalikan?! Sus! hanggang panaginip na lang yun!!!" sabi mo

"Hanggang panaginip? So, mahal mo nga ako? Sabi ko na eh! Ako talaga ang mahal mo eh~" proud na proud niyang sinabi

"Uy! Hindi ah~" sabi mo sabay bitbit ng bags mo

"Sus! Don't be a denial queen!" pang-aasar nya sa'yo

"Tse! Bahala ka na nga diyan!" sabi mo sabay alis

*Grabe!!! Hiyang hiya na talaga ako! Hindi lang sa kanya, kundi sa sarili ko na din!!! Hindi ko na alam ang pinagsasasabi ko!!! Galit na talaga ako sa'yo LEE DONGHAE!!! Dahil sa'yo nagiging baliw na ako sa lahat ng bagay!!!!* sabi mo sa sarili mo habang hinihila ang maleta mo

"Ella! Hintayin mo ako!!!" sigaw ni Donghae pero hindi ka lumingon

"Ella!" tawag niya uli pero snob ka  pa rin

"Galit ka ba? Sorry na~" nalulungkot niyang sabi at nilingon mo sya

Hindi mo rin alam kung anong meron pero tinalikuran mo sya at nagsimulang maglakad uli

*Tignan ng natin hanggang saan ang kaya ng pasensya mo~* sabi mo habang ngumingisi ngisi

"Uhmm... Hello? Hello? Mic test~" narinig mo ang boses nya mula sa speaker at napalingon ka sa kanya

"ELLA!!! Ay sorry mali pala! Bebe Ella~ Yeobo~ Sorry na! Patawarin mo na ang bebe mo! Please, sorry na~ hindi ko naman talaga gustong asarin ka eh! Sadyang napakacute mo lang pag naaasar ka! Kaya, please... Forgive me~" sabi ni Donghae sa mic habang nakatitig sa mga mata mo

Sooner or later, nilapitan ka nya sabay yakap ng mahigpit

"Sorry na~" bulong nya sa'yo

"Sa totoo lang hindi mo alam kung anong dapat mong maramdaman sa mga oras na iyon

"Hindi mo kailangang magsorry dahil wala ka namang kasalanan eh! Sa totoo lang, ako dapat ang magsorry sa hindi pagsipot sa'yo kahapon. Sorry talaga, oppa!" nalulungkot mong sabi

"Ok lang yun! Basta ang mahalaga nakakain ka ng hapunan. Nakakain ka ba?" tanong niya 

"Oo, oppa! ikaw ba, nakakain?" sagot mo habang nakayakap pa rin

"Sa totoo lang hindi. Hindi ko kasi alam kung kumain ka na o hindi kaya napag-isipan ko na wag na lang din kumain in case hindi ka pa kumakain para may karamay ang sikmura mo. Pero sapat na sa akin na malaman na nakakain ka at nakarating ka sa bahay nyo ng maayos." masayang sagot nya sa'yo

"Ano?! Kumain ka na lang sana! Sorry talaga, oppa~" naiiyak mong sabi

"Sus! Wala yun~ Hindi ko naman ikamamatay yun eh! Ok lang sa akin yun~ Sulit naman lahat ng yun eh, kasi nakita kita uli!" sabi nya sa'yo at namula ka parang pulang sili

"Ipangako mo sa akin na lagi kang kakain ng marami!" sabi mo habang nakapinky swear

"Opo! Alam ko namang bubusugin mo na ako sa pagmamahal mo eh!" nakangiti niyang sinabi

"Sus! Nambola pa ang----" bago ka pa matapos ay may malalambot nang mga labing dumapo sa iyong mga labi

"Oppa, mahal na mahal kita!" sabi mo sabay yakap uli ng napakahigpit

"Bebe Ella, Yeobo, mas mahal kita~ At seryoso ako pag sinabi ko yun~" sabi ni Donghae at sabay kayong lumabas ng airport nang may matatamis na ngiting nakapinta sa inyong mga mukha

 

Boys are like stars, there are hundreds of them. But only one can make your dreams come true, and that's the one who will fall for YOU~

 

 

THE END.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Hello mga Kababayan!!!! Sorry super haba~ ^ ___ ^

Anyway, sana nag-enjoy at nagustuhan nyo 'tong oneshot fic ko na ito!

COMMENTS,SUGGESTIONS AND DISCRIMINATIONS ARE FULLY AND WHOLEHEARTEDLY ACCEPTED!!!

Tomorrow's the BIG DAY mga kababayan!!! I hope all of us would enjoy~ KITA KITS NA LANG!!! :D

                                                                                                                                                                                                           

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
HaneulJung
#1
SO DELUSIONAL AHAHAHAHAH
SuJulover101 #2
Chapter 1: grabe pag nangyari sakin to' pakamatay na. =(( :)
HaeSun #3
Chapter 1: Opps.. Pagnamatay ako ha.. Ikaw bayad.. :DD Nagvisit sla dt2..

Kso.. Nde naabutan.. :DD

Galing aa..~!!

Love THIS..!!^^
star070187
#4
Chapter 1: Wagaaas!!! Sa wakas, hindi ako ngiisang ngdaydream sa pgvisit ng SiHae dito!!! Wagas din ang tawa ko dito... I love it!!! Hihihihi ^^
mermaid_monkey13 #5
Chapter 1: nakakatuwa naman ung story
InkedNote
#6
I clicked on the story because my name came up... but sadly, i could not understand your language! :( ahahaha!
brighterdaysahead #7
OH EEM. Sobrang kinikilig ako habang nagbababsa. Pwede ba tong mangyari sa real life?

Siwon-biased ako kaya ini-imagine ko na ako si Yana. Pero kinikilig rin ako kay Donghae. Ang ganda ng sinulat mo te!

Daebak :)
melovesbias
#8
OMEHGAD UNNIEEE!!
Mahal talaga kitaaa!!ANG GALING MOXD
DABEST!!!
gamgorgeous
#9
SHOCKING TO THE RIBS, KILIG TO THE BONES!!! Sobra humor mo 'te, as expected sa mga pilipinos, lalo na sa mga ELFS!!! LOVE THIS