The Traitor And Friend Meet Part 2
Couple NecklacePagkatapos na ipakilala ng apat sa isa't-isa ay nagkukwentuhan sila tungkol sa mga hilig nila. Habang nakikinig na pag-isip ni Il Woo ng may pagkakapareho sila ng hilig ni Ji Soon, dahil dito mas lalo siyang naging interisado sa babae. Kaya tinanung niya ito ng mga personal na tanung.
JIW: Ok lang ba kung tanungin kita ng mga personal na tanung?
PJS: ?? Ah, ok lang naman . '_'
JIW: Kung ganun meron ka na bang nobyo?
PJS: Wala pa naman
JIW: Pero may na gugustuhan ka na ba?
Dahil sa tanung na iyon ni Il Woo ay tumingin agad si Ji Soon sa gawi kung na saan si Seung Jo na kasalukuyang nakikipagkukwentuhan kay Ha Ni. Nakita iyon ni Il Woo kaya't alam na niya ang magiging sagot ni Ji Soon.
PJS: Oo, meron na nga akong na gugustuhan.
JIW: Hiling ko lang na sana kung mahal mo talaga ang taong iyon ay pabayaan mo na lang siyang maghing masaya sa piling ng taong mahal niya dahil kung hindi mo iyon gagawin, sa huli ay ikaw pa rin ang masasaktan. ( pabulong na tugon ni Il Woo kay Ji Soon.)
Dahil sa sinabing iyon ni Il Woo ay na gawa niyang makuha ang atensiyon ni Ji Soon.
JIW: At binabalaan kita, hindi kita mapapatawad sa oras na sinira mo ang relasyon ng dalawang nasa harapan natin, kahit pa interesado ako sayo. ( muling pabulong na tugon nito.)
Nakaramdam ng gulat at takot si Ji Soon at mababakasan ito sa kanyang mukha. Pero hindi ito sapat para itigil ni Ji Soon ang plano niya
Comments