Park Ji Soon And Jung Il Woo, A Friend or A Traitor
Couple Necklace
Si Park Ji Soon ay matalik na kaibigan ni Seung Jo. Si Ji Soon ay napakatalentong tao at matalino gayundin ay napakaganda niyang bata. Maraming tao ang humaha sa kanya gayun pa man ay isang tao lang ang gusto niyang makapansin sa kanya at iyon ay si Seung Jo sapagkat may lihim siyang pagtingin dito.
Nakakaramdam na ng pagtatampo si Ji Soon kay Seung Jo sapagkat tuwing dinadalaw niya ito sa kanilang bahay ay madalas ay wala ito, kung na roon naman ay madalas ay tulog ito kaya't madalas ay mas pinipili na lang niya na umuwi ng hindi ito nakakausap. Nang hapon na iyon ay nakikinig si Ji Soon ng musika sa kanyang gadget ng mapansin niya na may tumatawag sa kanyang cellphone kaya nagmadali siyang sagutin ito lalo na ng malaman niya na si Seung Jo pala ang tumatawag sa kanya. Nang sagutin niya ito ay may sinabi si Seung Jo na ayaw niyang paniwalaa@n dahil napakasakit sa kanyang tanggapin ang mga nalaman.
BSJ: Hey! Kamusta? ang tagal na natin hindi nag-usap.
PJS: Oo nga, pero tingin mo kaninong kasalanan kaya iyon? ( may pagkasarkasiko ang tono )
BSJ: HEH, sorry na alam ko naman kasalanan ko, masyado lang talaga akong abala nitong mga nakaraang araw.
PSJ: Teka nga muna, anu nga bang pinagkakaabalahan mo at wala kang oras na makipagkita sa akin?
BSJ: Tingin mo, anu iyon pinagkakaabalahan ko?
PSJ: Aba! malay ko sa iyo, anu nga ba kasi iyon?
BSJ: May kasintahan na ako ngayon!
PJS: Masaya ako para sayo pero ok lang ba kung malaman ko kung sino ang k
Comments