Ang Kasagutan

Sitio Wawa
Please Subscribe to read the full chapter
=Trigger warning violence=

 

 

Khio's Pov

 

 

Isang buwan mahigit na halos ang nakara-raan simula ng madulas sina lolo Poldo at lola Perla tungkol sa ginawa noon ni lolo Pedro sa asawa ni Aling Rosita. Ngunit pagkatapos ay wala na akong narinig na paliwanag mula sa kanila. Gustuhin ko man magtanong ay tila ini-iba na nila ang usapan, hindi na din ako nag-pumilit pa, ewan ba, parang natatakot din kasi ako sa pwedeng kong malaman.

 

 

Kaya isina-walang bahala ko na lang. 

 

 

"Welcome home hon! I cooked something for you, tinuruan ako ni lola Perla na magluto ng favourite mo na sinampalukang manok." 

 

 

Napangiti ako ng salubungin ako ng halik at yakap ni Allison, kahit pagod sa trabaho, pakiramdam ko ay lahat ng iyon ay nawawala kapag umu-uwi ako ng bahay. Hindi pa din ako makapaniwala na asawa ko na sya, na ilang buwan na lang, dalawa na silang sasalubong sa akin ng anak namin pag-uwi ko ng bahay. 

 

 

"Masarap ba?" excited na tanong ni Allison sa akin ng i-patikim nya ang luto nyang sinampalukang manok.

 

 

"Buti na lang talaga asawa na kita, ang sarap! Salamat babe, I love you." lambing ko sa kanya bago ko sya halikan sa labi. 

 

 

Narinig ko pa ang mahinang tawa nya ng mag-hiwalay kami, kaya pagkatapos ay niyakap ko sya, dahil eto talaga ang paborito kong gawin, ang magpa-lambing sa misis ko. 

 

 

"Bolera, I love you too, I'm so happy na nagustuhan mo, ang hirap kaya mag-squished ng sampalok." birong reklamo ni Allison kaya parehong kaming natawa. Nakita ko din kasi yung salaan sa lababo na may laman ng sapal ng pinigang sampalok. 

 

 

Mabuti na lang din at kahit laki sa yaman ang asawa ko, ay hilig nya ang pag-luluto. Busog lusog naman talaga ako araw-araw sa masa-sarap nyang putahe.

 

 

"At kamusta naman ang baby natin? Hello baby, kamusta ka? Namiss mo ba si mommy? Nag-behave ka ba kay mama mo?" yumuko naman ako para itapat ang tenga ko sa may kalakihan ng tiyan ni Allison.

 

 

Magwa-walong buwan na din kasi ang anak namin. At talaga naman sobrang excited na kami na lumabas sya. 

 

 

Hinaplos ko ito pa-ikot at naramdaman ko ang malakas na pag-sipa ni baby malapit sa pusod ni Allison kaya hinalikan ko ang parteng iyon ng tiyan nya ng paulit-ulit. Todo sipa ang baby namin, nakakatuwa, parang naririnig nya ako. 

 

 

"Yes hon, kung nai-isip mo na naririnig ka ni baby, nandoon ka pa lang sa may pintuan kanina, sumisipa na agad ang anak mo." tila nabasa ata ng asawa ko ang ini-isip ko, kaya sinagot na nya ako. 

 

 

Lalong lumawak ang ngiti ko sa nalaman ko, mamaya nga ay magbo-bonding kami bago matulog. Ku-kwentuhan ko ang baby namin, para makilala nya ako lalo. 

 

 

"Let's eat na hon, I'm hungry na din talaga." yaya ni Allison sa akin kaya inalalayan ko na syang maupo, at ako naman ang mag-hahain ng hapunan namin. 

 

 

"Babe? Kapag nagugutom ka na at wala pa ako, kumain ka na agad, okay lang sa akin, bawal ka malipasan ng gutom." paalala ko sa asawa ko habang nagsa-sandok ako ng kanin sa rice cooker para ilagay sa bandehado.

 

 

"I can't eat alone, ang lungkot kaya, tsaka kapag kumain ako, aantukin na ako, I want to wait for you hon, I missed you..." 

 

 

Napangiti ako, dahil kahit naka-talikod ako ay nai-imagine ko ang itsura nya, napaka-cute kaya ng asawa ko, kahit ilang taon na kaming magkarelasyon at asawa ko na sya ngayon, pakiramdam ko ay yung kilig ko sa tuwing naglalambing sya, ay kapareho lang din ng kilig na naramdaman ko noong panahon na bago pa lang kami.

 

 

Kaya naman agad akong lumingon sa kanya, bitbit ang bandehado ng kanin na i-pinatong ko sa lamesa, ay binigyan ko sya muli ng matamis na halik sa labi na tuwang-tuwa naman nyang tinanggap. 

 

 

"Na-miss din kita sobra, hayaan mo babe, bukas weekend na, gusto mo ba mag-gala tayo sa bayan?" tanong ko sa kanya.

 

 

Mabilis naman na tumango si Allison kaya binigyan ko ulit sya ng mabilis na halik sa labi at noo nya.

 

 

Kahit pa sabihin na nasa probinsya kami, ay tuwing day-off ko sa munisipyo na napasukan ko dito, eh lumalabas pa din kami ni Allison. Hindi naman daw sya nabo-bored sa bahay dahil homebody naman talaga ang asawa ko, pero gusto ko pa din na kahit pa-paano ay ma-iba naman ang paligid nya, at maka-pagpahinga sya sa pagluluto dahil sa labas na din kami kuma-kain.

 

 

Kakatapos lang namin mag-hapunan ng maya-maya lang ay may narinig kami na kumatok sa pintuan namin. Pagbukas ko nga ay si lola Perla ang nakita ko kaya agad ko syang pina-pasok sa loob. Kasunod nya si lolo Poldo na palinga-linga sa paligid bago din ito pumasok sa bahay, sukbit nito ang itak sa kanyang bewang na lagi nyang dala. Gabi na din kasi at mag-aalas syete na, kaya alerto na si lolo Pedro sa paligid. 

 

 

Nag-mano kami mag-asawa sa matatanda, si lolo Poldo ay naupo malapit sa may pinto ng bahay, habang si lola Perla naman ay niyaya na si Allison na pumasok sa kwarto namin, para masimulan na nyang hilutin ang asawa ko. 

 

 

Isang kamadrona si lola Perla, sya lang ang nag-iisang nagpapa-anak dito sa Sitio Wawa, kaya naman mabenta talaga sya dahil maraming mag-anak ang mga tao dito. Akala mo nga'y nasa unang panahon pa ang pamumuhay dito, hindi na-baba sa lima ang mga bata sa isang pamilya. 

 

 

Isa din manghi-hilot si lola sa mga buntis at bagong panganak, kahit yung may mga pilay at sakit ay kaya nya din hilutin. Magaling na manghi-hilot si lola dahil minana pa daw nya iyon sa kanilang ninuno. Hindi din sya nagpapa-bayad sa panghi-hilot dahil mawawalan daw ng bisa ang kakayahan nya kapag ganoon. Tama na yung donasyon na langis, sapat na daw iyon bilang kapalit sa pag-tulong nya.

 

 

Nang maka-pasok sa kwarto ay tinulungan ko nang mag-hubad ng damit si Allison na naka-upo na ngayon sa kama, pagkatapos ay na-upo na ako malapit sa bintana. Si lolo ang bantay sa may pinto at ako naman ay sa may bintana dito sa kwarto namin. Kapag ganito daw kasi ay sinu-sundan ng aswang si lola, dahil alam nito na kung hindi magpapa-anak ay maghi-hilot ito ng buntis.

 

 

Kaya ngayon nga ay ang ginamit ni lola na langis ay yung may dasal, para kahit pa-paano ay hindi kami puntahan ng aswang. 

 

 

Pina-nuod ko lang na hilutin ni lola si Allison na nakahiga sa kama namin. Pina-ikot-ikot ni lola ang kamay nya sa pag-hilot sa tiyan ng asawa ko ng makita kong kumunot ang noo nya. Nag-alala ako dahil kinapa-kapa pa ito ni lola, lalo na sa may bandang puson ni Allison.

 

 

"Lola, may problema po ba?" kina-kabahang tanong ko, lumapit na din ako sa tabi ni Allison na tila nag-alala din kaya napa-hawak ito sa tiyan nya. Ang isang kamay naman nya ay marahan kong hinawakan, habang naka-tingin lang kami sa patuloy na paghihilot ni lola, pa-ikot iyon sa tiyan ni Allison. 

 

 

"Suhi ang bata, ikaw ba ineng ay naka-tihaya kung matulog? Suhi ang posisyon ng anak nyo." kunot noong tanong ni lola kay Allison. 

 

 

"M-minsan po..ah-!" napa-kapit ng mahigpit ang asawa ko sa kamay ko, napa-pikit sya ng madiin at dumaing ng paulit-ulit na hilutin ni lola ang gilid ng tiyan nya. 

 

 

"L-lola..." nanlalamig ang kamay ko na tawag kay lola Perla.

 

 

"Ayos lang ba sa inyo na i-kutin ko ang posisyon ng bata? Ligtas naman ito at normal ng ginagawa, lalo na't unang beses mo mag-buntis iha, baka ika'y mahirapan sa iyong panganganak." dagdag pa ni lola kaya nag-aalala na nagka-tinginan kaming mag-asawa. 

 

 

Hindi agad kami naka-sagot, dahil first time namin at natatakot kami sa pwedeng mangyari sa anak namin. 

 

 

"Pero subukan muna natin ang ibang paraan, Allison, kapag ika'y matutulog, tumagilid ka sa kaliwa at lagyan mo ng unan ang pagitan ng iyong mga binti. Sa ganoon daw ay maaring magpalit pa ang posisyon ang bata, magwa-walong buwan pa lang naman, sa ikalawang linggo ay titingnan ulit natin. Dahil kung hindi magba-bago ay wala tayong magagawa kung hindi i-kutin ang posisyon ng bata para hindi ka mahirapan sa panganganak."

 

 

"Opo lola." sang-ayon naman agad ni Allison, tumango na din ako dahil may tiwala naman ako kay lola. 

 

 

Sa i-kalawa pa kasi ang check-up ulit ng asawa ko, at eto nga't nauna pa si lola na malaman na suhi ang anak namin. Sana lang ay maging effective ang pina-pagawa ni lola, nag-aalala din kasi ako para kay Allison at sa anak namin. 

 

 

Natapos naman agad ni lola hilutin ang asawa ko, i-dinamay na din nya ang paa, braso at ulo nito dahil alam daw ni lola ang ngalay at pagod lalo't malaki na daw ang bata sa sinapupunan ni Allison. Nagpa-salamat naman kami mag-asawa sa matanda, pagkatapos ay tinulungan ko na syang bihisan.

 

 

At nang tyempong tatayo na sana para lumabas ng kwarto si Lola, ay narinig naman namin ang isang malakas na kalabog sa bu-bungan ng bahay namin, mismong sa tapat pa ng bubong sa kwarto iyon nang-galing, para bang may bumagsak na malaking bagay doon at pagkatapos ay ang pagpa-gaspas ng pak-pak kasabay ng malakas na hangin. 

 

 

"Khio!" tili ni Allison.

 

 

Kaya agad ko syang niyakap, sinigurado ko na nasa kanya ang pangontra at sa sobrang taranta ko nga ay pati ang buntot ng pagi na nasa bintana ay na-abot ko din para itabi sa asawa ko. 

 

 

"Walanghiyang babae, ang paghi-higante talaga ang nais." bulong ni lola Perla habang palinga-linga sa paligid at bubong ng kwarto namin. 

 

 

Niyakap ko si Allison na naka-pikit ng madiin at naka-siksik sa dibdib ko, hinila ko din ang kumot na nasa paanan ng kama at ginamit iyon para i-pang-kumot sa kanya, lalo na sa may bandang tiyan nya. Hindi ko alam kung makaka-tulong ba ang ginawa ko, pero sa sobrang takot ay kung ano na lang ang mahila ko para ma-protektahan ang mag-ina ko. 

 

 

"PUTANG INA MO ROSITA! AKO ANG HARAPIN MONG DEMONYO KA! HUWAG MONG IDAMAY ANG WALANG MUANG NA BATA! TARANTADO KA PAPATAYIN KITA!" 

 

 

Narinig kong sigaw ni lolo Poldo sa may sala, pa-pasok ng kwarto namin, hawak nya ang itak at karet ni lolo Pedro na paulit-ulit nyang pinagka-kaskas na parang hina-hasa, habang puro mura na lang ang lumalabas sa kanya bibig.

 

 

Pinagmu-mura nya yung aswang sa bubungan namin, dahilan para mas lalong lumakas pa ang kalampagan doon. Kita sa repleksyon sa bintana namin ang dahon ng mga puno na hina-hangin dahil sa pagpagas-pas ng pakpak nito. May naririnig na din kami na parang kuma-kalmot sa yero ng bubungan namin kaya naman hindi na naka-pagpigil si lolo Poldo. 

 

 

Kinuha ni lolo iyong buntot ng pagi na lagi nyan

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Bibbibs #1
Miss ko na po yung mahinhin na Allison :((
Ardem_Joseph23
14 streak #2
Bakit horror tag.
ryujinie__
696 streak #3
Congrats pi! 🥳 Promoteed
ROYAL_LOCKSMITH #4
Chapter 2: May araw ka rin rosita. Mangyayari sayo kung ano man ang nangyari sa asawa mo.

Ingat kayo khio at Allison. Pati na rin sila Lola Perla at Lolo poldo.
ROYAL_LOCKSMITH #5
Chapter 1: Scarry naman. Sana maging safe si Allison at yung baby. Protect them at all cause khio.



Nakakamiss pala talaga yung bulol na khio. Yung "relax" talaga yung nag dala eh. Yeyax lang.
wintoool #6
Chapter 2: "PUTANG INA MO ROSITA! AKO ANG HARAPIN MONG DEMONYO KA! HUWAG MONG IDAMAY ANG WALANG MUANG NA BATA!TARANTADO KA PAPATAYIN KITA!" (2)
wintoool #7
hoooo grabe ang happenings
taytaysbetty
#8
Chapter 2: GUSTO PA NAMIN MAKILALA ANG APO (Kasi Titas kami ni Khio huhu!) NAMIN KAY KHIO, ROSITA! UMAYOS KA KUNG AYAW MONG DANASIN ANG NANGYARI SA ASAWA MO! 😤
kwinminjeong
#9
Chapter 2: Waaaahh may ud pa bertday gift sakin ni tor mwehehe eme! Pero gague talagang rosita ay fidel baliw baliwan dapat kayo nalang nagpatayan mag asawa eh, nandadamay pa amp sana mangyari rin kay rosita ang sinapit ng kanyang asawa pls 🤞🏻para ligtas na ang alli at khio, lolo poldo at lola perla pati narin ang baby nila 🙏🏻
_ManobanL
#10
Chapter 2: bonak na rosita yan budburan ko yan ng asin eh 😤😤😤