Ang pagsisimula

Sitio Wawa
Please Subscribe to read the full chapter

 

Magka-hawak ang kamay na nakatayo sa harapan ng isang simpleng bahay kubo ang bagong mag-asawa na sina Khio at Allison. Magka-halong saya, excitement at kaba ang kanilang nararamdaman sa mga oras na ito. Dahil nga, ito na ang unang araw na masasabi nilang, bubuo na talaga sila ng sariling pamilya, malayo sa lugar at pamumuhay na kanilang kinalakihan at naka-sanayan.

 

 

"Pasensya ka na babe, eto pa lang ang kaya ko maibigay sayo sa ngayon.." ani Khio na marahang pinisil ang kamay ni Allison sa tabi nya. "Hayaan mo, kapag naka-pagtrabaho na ulit ako, pangako, magpapa-gawa tayo ng mas maayos dito." dadag pa nya sabay halik sa kamay ng asawa. 

 

 

Naka-ngiting tumingala sa kanya si Allison, at sa kabila ng bigat na nararamdaman dahil nga hindi nya nabigyan ng magandang bahay ang kanyang asawa, ay napangiti na din si Khio. Dahil nakita nya sa mga mata at mukha ni Allison ang saya kahit pa, alam nyang malaking pag-aadjust ang gagawin nito sa bagong buhay na papasukin nila. 

 

 

"Ano ba sinasabi mo dyan, hon? I am more than happy and grateful for all of this, thank you baby, I know na malaking responsibility ang pinasok natin, pero okay lang, ang importante mag-kasama na tayo, hindi mo kami pinabayaan ng magiging baby natin, at ipinaglaban mo kami para mabuo tayo... I love you so much, Khio.." 

 

 

"Mahal kita, mahal na mahal ko kayo ng baby natin, Alli..." 

 

 

Muntik ng maluha si Khio ng yakapin sya ng tuluyan ni Allison, bigla tuloy bumalik sa ala-ala nya ang mga panahon na nagka-layo sila dahil nga, ayaw sa kanya ng pamilya nito. Mabuti na lang, at sinunod nya ang kanyang puso, at hindi ang takot sa mga maaaring gawin ng magulang ng nobya nya sa kanya. 

 

 

May kaya sa buhay ang pamilya nila Allison, engineer ang daddy nito at may sariling firm sa Makati, ang mommy naman nito ay accountant sa isang malaking kompanya. Bunso sa dalawang mag-kapatid, ang nakaka-tandang kapatid na babae naman nito ay nasa ibang bansa at nagtatrabaho bilang isang doktora.

 

 

Sa totoo lang, ay maraming beses na din na lumapit si Khio sa magulang ni Allison para patunayan sa mga ito na maayos ang intensyon nya sa kanyang nobya. Ngunit imbes na tanggapin, ay puro masasakit na salita lamang ang natanggap nya mula sa mga ito. 

 

 

Masakit para kay Khio na hamakin ang buong pagka-tao at pamilya nya dahil lang sa mahirap sila, ngunit may mas sasakit pa pala doon, dahil dumating din sa punto na, para lang pag-hiwalayin sila ay tinangka ng mga ito na dalhin si Allison sa ibang bansa. 

 

 

Ilang buwan din hindi nagkita sina Khio at Allison, wala ni isang komunikasyon na nangyari sa pagitan nilang dalawa. Lalo pa't, tila isang preso noon si Allison sa mga magulang nito. Sumakto pa ng mga panahong iyon ay malubha na ang kalagayan ng lolo ni Khio kaya hindi din nito malaman ang gagawin. 

 

 

Gulong-gulo si Khio, pakiramdam nya ay pinag-sakluban na sya ng langit at lupa sa mga nangyayari sa buhay nya. Mahal na mahal nila ni Allison ang isa't-isa, ngunit tila isang malaking pader ang kailangan nilang banggain sa ka-tauhan ng mga magulang nito, para mai-paglaban ang kanilang pagmamahalan.

 

 

Dahil maliban sa galit ang mga ito sa kanya, ay pinagbabantaan pa syang ipapa-tanggal sa munisipyo kung saan sya nagta-trabaho. 

 

 

Hindi sya pwedeng mawalan ng trabaho noon, dahil kailangan nya ng pera para sa pagpapa-gamot ng kanyang lolo na noon nga ay may malubhang karamdaman.

 

 

Ngunit isang araw ay may natanggap syang balita mula sa matalik na kaibigan ng kanyang nobya, ito ang tila nag-bura sa lahat ng takot ni Khio para muling makasama si Allison. Eto ay dahil nabalitaan nyang, nagda-dalang tao ito, at alam nyang sa kanya ang sanggol na ipinagbubuntis nito.

 

 

Dahil doon ay hindi na nag-dalawang isip pa si Khio, gumawa sya ng paraan para muling makausap ang kanyang nobya, at sa tulong nga ng kaibigan nito, ay muli silang nagkita ni Allison sa bahay ng kaibigan nito na tumulong sa kanila. Awang-awa sya dito ng makita nya ang kalagayan ng kanyang nobya, may kalakihan na din ang magli-limang buwan ng tiyan nito.

 

 

Masayang-masaya si Khio ng makita nyang muli si Allison, kahit pa sabihin na hindi planado ang pag-dating ng kanilang anghel, ay masaya sya dahil eto na ang matagal na nilang pina-pangarap. Ang magkaroon ng sariling pamilya. 

 

 

Halos humagulgol silang nag-yakap dalawa ng mga oras na iyon, at doon din nalaman ni Khio na sa araw na din pala na iyon, ay nakatakda ng umalis si Allison papuntang Amerika.

 

 

Halos magmaka-awa sa kanya noon ang dalaga na isama ito at lumayo na sila para takasan ang magulang nito bago pa mahuli ang lahat, kumbaga ay mag-tanan na sila. Hindi man gusto ni Khio na kunin sa ganoong paraan si Allison sa magulang nito, ay naisip nya na, sarado na ang isip ng mga ito kahit pa, luhuran at umiyak pa sya ng dugo sa harapan ng pamilya ng kanyang nobya. 

 

 

Dahil siguradong kapag inabutan sila ng mga ito, ay tuluyan ng ilalayo ang kanyang mag-ina sa kanya. Naisip nyang hindi nya kakayanin, lalo pa't nalaman nya na nagdadalang-tao si Allison, hindi nya hahayaang lumaki ang anak nila na wala ang isa sa kanila. Dahil alam nya mismo ang pakiramdam ng walang magulang. 

 

 

Kaya ng gabing iyon ay tumakas sila, dala ang ka-unting gamit at ipon na na-itabi ni Allison para makapang-dagdag sa pagsisimula nila.

 

 

Nang malaman ito ng mga magulang ng dalaga ay wala ng nagawa ang mga ito, kundi ang itinakwil ang sariling anak, at ang tanging nakaka-tandang kapatid na lamang ni Allison ang nakaka-usap nito. Wala din magawa ang kapatid ng dalaga, dahil kahit tanggap nito si Khio ay hawak din ito sa leeg ng kanilang mga magulang.

 

 

Kahit pa-paano ay naka-pagtapos naman ng pag-aaral si Allison, graduate ito sa kursong political science at mag-rereview na sana para sa bar exam. Ngunit sa hindi ina-asahang pagka-kataon nga ay nabuntis ito. 

 

 

Eto ay bunga ng pagmamahalan nila ng kanyang nobya na si Khio, halos pitong taon na din silang mag-kasintahan, highschool sweethearts kumbaga. Ngunit sa loob ng pitong taon na iyon ay hindi ito magawang matanggap ng kanyang pamilya dahil nga sa antas ng buhay ng kanyang kasintahan.

 

 

Kabaligtaran nga ng buhay ng kinalakihan ni Allison, ay hindi mayaman ang pamilya nila Khio, ulilang lubos sa magulang at tanging lolo na lamang nito ang syang nag-alaga sa dalaga. Sa kasamaang palad pa, noong nakaraang buwan lang ay tuluyan na itong ginapo ng karamdaman, at na-iwan ng mag-isa si Khio sa Maynila. 

 

 

Nangyari ito isang buwan, pagkatapos nilang ma-ikasal sa huwes at tumira kasama ng matanda sa bahay nito. Laking pasa-salamat pa din ni Allison, dahil ng mangyari ito ay nandoon na sya para damayan sa pagluluksa ang kanyang asawa. Hindi nya alam kung ano ang mangyayari kay Khio, kung pati silang mag-ina ay inilayo pa dito. 

 

 

Awang-awa sya kay Khio, lalo pa't ang lolo lang talaga nito ang kinalakihan at nag-alaga dito simula sanggol pa lang ito at nawalan ng magulang. 

 

 

"Babe? Pahinga ka na muna, ako na dito sa mga gamit natin, dito ka na lang sa loob, malayo ang biniyahe natin pagod ka malamang." ani Khio ng alalayan nyang umupo ang asawa sa isang upuan na gawa sa kawayan sa kusina.

 

 

"Are you sure? Kaya ko pa naman, hon eh, kahit yung mga pillows lang and kumot." paninigurado naman ni Allison. 

 

 

Na-awa din kasi sya kay Khio dahil halos limang oras mahigit itong nag-maneho, mula Maynila papuntang Nueva Vizcaya sa probinsya ng lolo Pedro nito. Dito nila napiling manirahan at mag-bagong buhay, dahil nga, kahit papaano ay may naiwang ari-arian ang matanda sa apo nito bago ito pumanaw. 

 

 

"Oo naman babe, ako na ang bahala, eto oh, mag-tubig ka na muna, relax ka lang dyan ha? Oh kaya, ikutin mo muna itong cute nating bahay kubo." biro ni Khio sa asawa. 

 

 

Natawa naman si Allison bago nito iginala ang paningin sa kabuuan ng simpleng kubo na magiging tahanan na nilang pamilya. Eto ang isa sa pamana ng lolo ni Khio dito, ang lumang kubo na dating tirahan ng pamilya nito at ang hindi naman kalakihang bakuran na pwede nilang taniman ng gulay at iba pang panananim. 

 

 

Kung susumahin, siguro ay may 25 square meters lang ang laki ng kanilang bahay. Gawa sa kawayan at sawali ang kabuuan nito, bago sila lumipat dito ay naipa-gawa na ng kanyang asawa ang bubong, kaya yari na ito sa yero at may kisame na din na flywood. Siguro ay, may apat na hallow blocks na patong ang paligid ng bahay na ginawang pundasyon nito, at ang kabuuan ay gawa na sa life materials. 

 

 

Pagka-pasok ng bahay ay makikita sa kaliwa, ang isang lamesang kahoy na may tatlong upuan na gawa sa kawayan, may bintana din sa tabi nito na tanaw ang malawak na kabukiran at mga puno. Sa kanan naman ay isang kwarto na sa palagay ni Allison, ay kasya ang isang queen size bed at aparador, ang laki, may pinto din ito na gawa sa sawali at kawayan, ganoon din ang bintana na may jalousie na at screen sa labas nito. 

 

 

Talagang pinag-handaan na ng kanyang asawa ang paglipat nila kaya naman maayos na ang bahay kahit pa kubo ito. Kumabaga safe sila sa loob, sinigurado talaga ni Khio na hindi ito mapa-pasukan ng lamok lalo pa't tatlong buwan na lang, ay isisilang na ang kanilang anak. 

 

 

Mula naman sa pinto ay kung dadaretsuhin, tanaw na ang lababo at lutuan, may dalawang dipa ang haba ng parang hallway sa pagitan ng kusina at kwarto, at nandoon ang palikuran na may bowl at poso na din sa loob nito. Maging ang sahig ng bahay ay nalagyan na din ng linoleum na kulay puti para maaliwalas tingnan. 

 

 

Napangiti si Allison ng muli nyang tingnan si Khio na nasa harapan nya at nakangiti din na nakatingin sa kanya. Hinawakan nya ito sa magkabilang pisngi at marahan nya itong binigyan ng matamis na halik sa labi nito bilang pasasalamat. 

 

 

"I am so happy hon, sobra-sobra!" tuwang-tuwa sabi pa ni Allison na para bang nakatanggap ito ng isang mamahalin na regalo. "Diba? I've told you before, kahit sa cave or kahit puro tuyo lang ang i-ulam natin, as long as magkasama tayo, sobrang okay sa akin, baby." 

 

 

Tila nabawasan ang alalahanin at hiya ni Khio ng dahil sa sinabi ng kanyang asawa, kaya naman hinalikan din nya ito sa noo, bago sya tumango bilang pagsang-ayon dito.

 

 

"I really love our new home hon, dito tayo bubuo ng family na pangarap natin diba? And lahat naman nagsisimula sa maliit muna, don't worry my love, ako ang bahala sa design ng bahay kubo natin." biro din ni Allison, alam nyang nag-aalala si Khio, dahil bago ang lahat ng ito sa kanya, ang manirahan sa probinsya. 

 

 

Pero para kay Allison, mas gugustuhin pa nya na mag-hirap, basta kasama nya si Khio at ang anak nila. Kesa naman magandang buhay nga, wala naman ang asawa nya at lalaki ang anak nila na hindi buo ang pamilya nila.

 

 

Ngayon ay hindi mabibili ng anumang yaman sa mundo kung gaano sya kasaya. Kina-kabahan pero excited sya sa mga nararanasan nila ngayong mag-asawa. Basta magkasama sila, ayon ang mahalaga para kay Allison. 

 

 

_____

 

 

Allison's Pov

 

 

"Babe? Dito ko na lang ba ilalagay itong cabinet ni baby?" 

 

 

Nilingon ko si Khio na kanina pa pa-ikot-ikot sa loob ng bahay namin. Sobrang kulit din kasi nitong asawa ko, pwede naman na bukas na kami mag-ayos ng gamit pero eto, tinapos nya lahat. Etong mga gamit na lang ni baby namin ang ina-ayos namin ngayon, dahil okay na nga sa living room and kitchen.

 

 

We bought some baby stuffs na din talaga bago kami pumunta dito, nadala ko din yung ibang gifts na binili ng friends ko noong nandoon pa ako sa bahay namin. Kaya ready na talaga ang lahat, si baby na lang ang kulang. 

 

 

"Yes please, hon and you need to take a rest na din, evethough you told me to just relax, nag-guilty ako kasi ikaw na yung tumapos mag-ayos dito lahat." 

 

 

I pouted pa para maniwala sya, kasi sasabihin lang nya na hindi ako pwedeng mapagod. Which is true naman kasi nga I'm pregnant, pero hindi naman ako baldado. Eto nga na pagtitiklop at maglagay lang ng damit namin mag-asawa at ni baby sa cabinet, muntik ko pa sya awayin, kasi gusto nya lang ako pa-upuin maghapon dito sa bed, tapos sya, nagpa-pagod magbuhat ng mga gamit namin. 

 

 

"Okay babe, pwede din hug mo para ma-charge na ako."

 

 

Napa-irap na lang ako kasi nagpa-cute na naman sakin ang asawa ako. 

 

 

Niyakap ko naman sya, pero sobrang careful lang nya kasi baka ma-ipit yung tummy ko, kawawa naman si baby namin. 

 

 

"My baby is tired na, do you want me to massage you ba, hon?" I asked her, but I already started massaging her head and nape na din talaga. I heard her sigh after that, kaya itinuloy ko yung ginagawa ko, kasi I know na she likes it when I do this to her, nare-relax sya. 

 

 

"Okay na ako sa ganito babe, hug mo lang malakas na ulit ako." 

 

 

"Corny mo." 

 

 

Natawa kami pareho at ilang minuto din kami sa ganoong posisyon, nasa lap ko na yung ulo nya habang mina-masaage ko sya doon, nang marinig ko syang magsalita ulit, akala ko pa naman naka-tulog na sya. 

 

 

"Babe? Nakita mo ba yung isang bag na color brown? Yung bag ni lolo na ibinigay nya sa akin?" tanong nya. 

 

 

Kumunot naman ang noo ko and I tried to remember where did I saw it last time, pero sure ako, dinala namin yon. Kasi sabi ni lolo Pedro, wag na wag namin iyon kakalimutan, lalo pa't plano namin na lumipat dito sa probinsya nila. 

 

 

"I think sa box ng mga tools and knives ko yun last na nakita, hon." sagot ko ng maalala ko ang pinag-lalagyan ng bag. 

 

 

Tumango naman si Khio, umupo na din sya ng ayos, nag-kiss pa sya sa cheek ko, bago sya nagpaalam na kukunin lang ito saglit. Kaya naman itinuloy ko na lang yung pag-aayos ng gamit ni baby. 

 

 

Hindi din naman sya nagtagal, katatapos ko lang ayusin yung mga baby essentials sa ibabaw ng orocan na cabinet ni baby ng pumasok ulit si Khio sa kwarto namin. Dala na nya yung bag ni lolo, at tsaka sya umupo sa kama namin. And yes, may kama kami, mumurahin lang pero comfortable naman, sakto lang sa bed namin na gawa sa kawayan. Para lang hindi ako mangalay, kasi nga malaki na ang tummy ko.

 

 

"Si lolo talaga, pati yata mga agimat nya gusto pa i-pamana sa akin, ang dami nito oh, ano ba gusto ni lolo? Maging albularyo na din ako dito sa Sitio Wawa?" natatawang biro ng asawa ko habang isa-isa nyang inilalabas yung laman ng bag ni lolo.

 

 

Lumapit naman ako, at umupo sa tabi ni Khio sa kama, habang pinapanuod ko na i-hilera nya yung mga gamit ni lolo. Na-curious kasi ako, ang daming laman nung bag.

 

 

I saw some small bottles pa nga na may laman na parang roots or dried flowers ba yon? I'm not really sure kasi parang may something na liquid din kasi na laman. Tapos may parang pang-whip din, sabi ni Khio, buntot ng pagi daw ang tawag doon.

 

 

Tinanong ko pa nga what is pagi, kasi hindi ko alam, stringray pala yon sa english.

 

 

Meron din yung malaking knife na curve ang shape, at yung isa naman eh itak daw ang tawag. Naka-lagay din sa bag, may maliit pa nga na box, pag-bukas ng asawa ko, may laman iyon na mali-liit na spikes na parang toothpick, galing din nga daw iyon sa stingray.

 

 

Basta, ang daming weird na abubot, pero nagulat ako ng ibigay sa akin ni Khio yung isang maliit na purse, parang malaki lang ng konti sa match box, pero gawa sa tela na color red. Nakita ko na inilagay nya doon yung maliit na bottle na may liquid and roots, at ilang piraso nung spikes... tapos...yung maliit na parang metal...

 

 

Napa-kunot ang noo ko, kasi nakita ko na bala iyon ng baril. Gamit na, dahil yung pinaka-dulo na lang ang natira.

 

 

"H-hon? Where did you get this bullet?" tanong ko, kinabahan ako pero kilala ko naman ang asawa ko. Hindi sya masamang tao o mag-mamay-ari ng baril ng hindi ko alam.

 

 

"Sa gamit ni lolo, wag ka matakot babe, eto, lagi mo itong itatago ha? Kahit saan, wag na wag mong i-hihiwalay ito sa katawan mo. Ilagay mo lang sa bulsa mo, or kung hindi kaya, gawin mong bigkis. Proteksyon nyo ni baby ang mga ito." 

 

 

Lalo lang kumunot ang noo ko, sobrang nagu-guluhan ako sa pinagsasabi ng asawa ko. And I know na napansin nya yon kaya sya na mismo ang nag-tali ng purse na iyon na nilagyan nya ng tela para ilagay sa bewang ko, sa tapat mismo ng pusod ko.

 

 

"Alam mo naman na dating albularyo si lolo dito sa Sitio Wawa diba? Nai-kwento ko na sayo dati?" tanong ni Khio sa akin.

 

 

Tumango ako, at tinulungan ko na syang itali yung tela sa bewang ko habang nagtuloy sya sa pagku-kwento.

 

 

"Tatapatin na kita babe, lahat ng ito, ay pangontra sa kulam, maligno, at aswang. Kaya iniwan ito sa akin ni lolo kasi nga alam nyang, dito natin napili manirahan." 

 

 

Parang gininaw ako bigla, kinilabutan ako, nakaramdam ako ng takot kaya napahawak ako sa tiyan ko na ngayon ay may nakatali ng proteksyon na sinasabi ng asawa ko. 

 

 

Alam ko naman na dating albularyo si lolo Pedro dito, at dati nga ay mahilig syang mag-kwento sa amin ng asawa ko about doon sa mga aswang at laman lupa daw. Eh syempre, laking Maynila ako kaya akala ko, biro-biro lang or sabi nga nila eh kwentong barbero lang lahat ng iyon. 

 

 

Pero

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Bibbibs #1
Miss ko na po yung mahinhin na Allison :((
Ardem_Joseph23
14 streak #2
Bakit horror tag.
ryujinie__
696 streak #3
Congrats pi! 🥳 Promoteed
ROYAL_LOCKSMITH #4
Chapter 2: May araw ka rin rosita. Mangyayari sayo kung ano man ang nangyari sa asawa mo.

Ingat kayo khio at Allison. Pati na rin sila Lola Perla at Lolo poldo.
ROYAL_LOCKSMITH #5
Chapter 1: Scarry naman. Sana maging safe si Allison at yung baby. Protect them at all cause khio.



Nakakamiss pala talaga yung bulol na khio. Yung "relax" talaga yung nag dala eh. Yeyax lang.
wintoool #6
Chapter 2: "PUTANG INA MO ROSITA! AKO ANG HARAPIN MONG DEMONYO KA! HUWAG MONG IDAMAY ANG WALANG MUANG NA BATA!TARANTADO KA PAPATAYIN KITA!" (2)
wintoool #7
hoooo grabe ang happenings
taytaysbetty
#8
Chapter 2: GUSTO PA NAMIN MAKILALA ANG APO (Kasi Titas kami ni Khio huhu!) NAMIN KAY KHIO, ROSITA! UMAYOS KA KUNG AYAW MONG DANASIN ANG NANGYARI SA ASAWA MO! 😤
kwinminjeong
#9
Chapter 2: Waaaahh may ud pa bertday gift sakin ni tor mwehehe eme! Pero gague talagang rosita ay fidel baliw baliwan dapat kayo nalang nagpatayan mag asawa eh, nandadamay pa amp sana mangyari rin kay rosita ang sinapit ng kanyang asawa pls 🤞🏻para ligtas na ang alli at khio, lolo poldo at lola perla pati narin ang baby nila 🙏🏻
_ManobanL
#10
Chapter 2: bonak na rosita yan budburan ko yan ng asin eh 😤😤😤