II

And then I didn't...

Please take note:
Flashback memories
Internal monologue/thoughts

 

***
Mikha Lim?

Hey.

Maghapon ka lang dito sa kwarto mo?

Yeah, why?

Hindi ka nabored?

Hindi naman. I have my games here, kakalaro ko lang kanina.

Hehe. Tapos games naman sa phone?

Humarap siya bigla dito. Napatikom naman agad ng bibig si Aiah.

Why?

Uhm, Mikha Lim, need mo ng social life?

Why?

Ano'ng why? What if wala kami ng mga girls at gusto mo biglang shopping? Or mag gala? Wala kang makakasama!

Napangiti siya.

OA ha. May social life naman ako, andyan kayo diba? Saka may mga online shopping naman if ever may need ako.

Pero Mikha---

Hep Maraiah Queen! I'm fine saka imposible dumating yung time na wala akong makakasama. Andyan kaya kayo lagi. Ayaw niyo nga akong tantanan eh. Haha

Paano lang pag wala kami?

Impossibleng dumating yung time na wala kayo sa tabi ko. I mean di ko ma imagine. Especially you, no? See andito ka nga sa day off natin.

Hmmp...

Wait bakit ka nga pala nandito? Di ba may lakad kayo nila Staks?

Yes, tapos na. Bumili lang naman siya ng dress for her niece.

Sabi niya magdi-dinner din daw kayo ng girls after?

Yeah, but hindi ako sumama kasi hindi ka din sasama. Wala kang kasamang magdinner today.

What? Why? Okay lang naman ako magdinner mag-isa.

Yeah yeah. Actually bumili na ako ng dinner natin. Nilagay ko na sa fridge mo.

Pero nagpabili na ako ng takeout kay Staks?

I know. And I also know na hindi mo nabasa yung chat niya now lang na ako na ang bibili ng dinner mo, I mean natin, and dadaanan kita dito.

But---

No more buts. Ano ba kasi yang pinagkakaabalahan mong games?

COD. Turuan kita? Then 1v1 tayo?

Suuuurreee!

Download ka na dali. Hehe.

Humanda ka tatalunin kita!

Sure.

****

Day 2 ng pagtambay ko sa condo. Hindi pa din ako makagpdecide saan ako this holiday. Actually, hindi ko na masyadong dinadamdam yun. Mas na occupied ng isip ko yung mga naging realization ko kahapon.  Parang nagflashback lahat lahat ng mga nangyari sa buhay ko for the past three years. Simula ng tumanggap ako ng gig from showbiz or acting industry, hanggang ngayon. Na habang  unti unti palang natutupad yung pangarap ko, may mga tao naman akong nabalewala at nakalimutan nang hindi ko namamalayan. 

Mga taong importante sa buhay ko. 

My family. They've been very supportive sakin na tipong lahat ng family gatherings at dinner namin always excuse ako. Na they understand how busy I am. But not this time. Dahil sa pagkabusy ko sa work they decided to spend their holidays abroad.

Then my friends. I know they're understanding and forgiving but still I took them for granted. Like even once I think hindi ako nakasama sa mga set nilang bonding. I mean given na busy ako pero busy din sila at nagagawa pa din nilang mag a lot ng time sa barkada.

And lastly, how could I forget my own best friend? My midnight coffee break buddy. My soul mate. 

Aiah.

.

Wag kang iiyak.

 

***
Hey. Kanina pa kita hinahanap. Dito ka lang pala sa rooftop.

Hi. Nagpapahangin lang ako.

Di ka makatulog no?

Maybe.

Oh coffee, you want?

Really Aiah? This midnight? Madalas mo akong pagalitan if mag co-cofee ako ng gabi or madaling araw.

Di mo na ako ginagalang ha?

Hahaha. After ng iyak mo kagabi, no. Forever baby na tingin ko sayo. Hahaha.

Urgh, don't remind me. I was possessed by a 7 year old clingy girl yesterday. Hindi ako yon!

Haha! Kulang na lang punasan ko sipon mo eh. Haha!

Ew Mikha Lim! Anyways, wala naman tayong schedule bukas? Mamaya? So okay lang mag coffee. And don't say no. Parang need mo ng caffeine eh.

Yes.

Ha?

Hatdog. Haha! Sabi mo wag ako mag-no edi yes.

Dyan ka na nga. Wait mo ko ha?

Always.

Hmp!

Haha!

***

 

How could I do this to her?

How could I forget her?

Eversince trainee days namin siya yung kasama ko. Siya yung unang magchi-cheer sakin kapag malungkot ako. Siya din ang madalas kong kasama sa lahat ng mga lakad ko. Hindi ko namalayan na unti unti ko na pala siyang nabalewa. Kahit hindi ko naman iyon sinasadya.

. .

Don't cry. Don't cry.

"Hala, ma'am? Ma'am? Umiiyak kayo?."

Huh? Si Ate Irene lang pala.

Nakakahiya, nakita pa niya ako.

"H-Huh, h-hindi ah." Itatanggi ko na lang.

"Weh, ayan po oh, sobrang mugto ng mata niyo."

"H-Hindi nga. Bakit ka nga pala nandito?."

"Ma'am kasi kanina pa tunog ng tunog phone niyo. Baka emergency po."

"Ah, thanks. Sige ako na bahala ate."

"Okay po." 

Kinuha ko yung cellphone sa tabi ko at tiningnan kung sino yung tumatawag. Si Andrew lang pala, yung co star ko sa movie. May kailangan ito. Hindi usually tumatawag si Andrew  kung walang kailangan.

"Hello?."

"Mikha? San ka?."

"Condo why?."

"Okay. Sinend ko sayo yung address ng coffee shop."

"Anong gagawin ko dyan?."

"Di mo nabasa yung text ni direk?."

"Anong text? Wait."

Hays. Eto na naman tayo. Mukhang may pakulo na naman ang mga executive.

May text nga si Direk, two hours ago.

"Mikha. Flight ni Andrew tomorrow para sa holidays. Gusto ng mga boss na mag public appearance muna kayo bago siya umalis. Expect mo na magtext siya sayo. Ty." - Direk R.

"Andrew?."

"Ano nabasa mo?."

"Yeah. Anong oras?."

"Kahit mga 2pm na lang. Dun na lang tayo magkita sa sinend ko sa 'yong address. Bye."

Hindi man lang magpanggap na gentlemen. Pag nalaman ng fans niya yan turn off. Tsk tsk

10:52 am pa lang. I-idlip muna ako. Sumakit na naman bigla yung ulo ko.

 

***
Mikha Lim! Antagal mo sumagot ng phone! Haha! Bilisan mo ha?!

Oo na! Oo na! Wag ka ng sumigaw dyan. Magbibihis na lang ako. Kakaligo ko lang.

TMI!!!TMI!!!

Haha. Sira ka talaga.

Haha!

Nga pala. San ba banda yon? Send mo yung address.

Papunta na ako sa condo mo. Sunduin na lang kita. Baka maligaw ka pa. Hehe.

Naks. May pag ganun na. Haha!

Syempre ako nag aaya eh. Haha. Dont worry, okay dun promise. Nakita ko online, maganda yung mga reviews.

Oo na, tiwala naman ako sa taste mo.

Aba dapat lang.

Yung girls ayaw nila?

Eh????! Hindi ko sila inaya! HAHAHA!

Hahaa! Hala ka Ms Maraiah! Magtatampo yung mga yon hindi mo inaya! Haha!

Eh ayoko nga! Haha. Bakit ko sila aayain eh lagi lang naman nila akong inaasar. No way!

Hahaha napaghahalataang favorite mo ko noh?

Haha! Tatawagan na lang kita mamaya, drive na ako! Haha! Bye.

***

 

Clingggg-----

. Ano yun?

Ah, nag alarm pala ako.

Tanghali na.

May time pa naman ako bibilisan ko na lang pagkilos.

Saktong 1:49 pm ng makarating ako sa address ng coffee shop na sinend sakin ni Andrew. Infairness maaliwalas ang ambiance dito. Maraming mga halaman at medyo tago yung place. Halatang pangdate siya, saan kaya ito na discover ni Andrew. Hmm. Speaking of the devil, nakita ko siyang nakatayo malapit sa counter at kumaway sakin ng makita ako.

"Hey."

"Hello."

Nagulat ako ng bigla itong lumapit at bumulong sakin. 

"Smile. May nakita akong press na nakasunod satin."

"Oh."

"Dun tayo meron akong reservation."

"Okay."

"Halatang bagong gising ka lang ah?."

"Huh? Why?."

"Dont get offended ha. I mean hindi ka manlang nageffort magbihis."

Oh. 

Anong masama sa outfit ko?

Oversize t-shirt at plain black jogging pants.

Cute kaya.

"This is usually my outfit if pupunta ako ng coffee shop. Hindi naman pictorial ang pupuntahan ko dito diba?."

"Whatever."

Rude. 

 


Ang cute mo.

Weh, ayan ka na naman eh.

Hindi nga. Para kang fluffy na puppy. Hehe.

 

Huh?

​Bakit naalala ko yon bigla.

Weird lang.

 


Sa may pinakadulo ang table na nireserve ni  Andrew. Table for two lang at kita ang labas dahil naka-glass halos ang shop. Umupo na agad si Andrew kaya umupo na din ako kaharap niya. Konti lang ang tao dito sa loob ng cafe. 

Hindi ko maalalang may ganitong cafe dito.

Parang halos naikot ko na itong lugar dito kakahanap dati ng matatambayan pero hindi ko matandaan itong cafe.

Baka bagong bukas lang?

Napuntahan na kaya namin ito dati?

With Aiah, I mean.

Hays.

 

 

***

Here, coffee.

Thank you.

Trouble sleeping?

No.

Problem?

Not really. Nagiisip lang.

About what? 

You know, us girls, school and future. Parang it's scary.

Oh..

And I'm still thinking about what happen kanina sa cafe.

Oh, you mean about that little guy? 

Y-Yeah. 

Ah. Nalulungkot ka no?

Hmm.

You did help him though.

P-Paano kung... 

Kung?

K-Kung ano... I m-mean... w-what if mali tayo ng decision..? W-What if----

Sshh. Come here.

I-I d-dont  u-understand---

Sshhh, ...

...

Okay ka na? Ayan basa na yung damit ko oh.

Oh, sorry.

Joke lang.

Okay na ako.

Okay.

Bitawan mo na kaya ako.

Ayoko nga baka umiyak ka ulit eh.

Baliw.

Mikha Lim, puntahan natin bukas si Theo ha?

O-Okay.

After all ikaw ang second dad niya. Haha.

N-Nakakainis ka! Pinaalala mo pa!

Aray. Walang kurutan. Haha.

Ikaw kasi eh.

Eh kasi naman same daw kayo ng outfit ng papa niya as in. Wow. 

Ang plain lang kaya ng suot ko eh. Malay ko ba meron pala ako makakaparehong damit.

Ang cute kaya ng suot mo. Ang cute cute mo nga kanina. Actually ang cute lagi ng outfit mo kapag nag coffee-tea hopping tayo or naggagala ng biglaan. Hehe.

Talaga?

Oo. Especially kanina. Parang yung pormahan ng kuya ko nung nagbibinata siya! HAHAHA!

Ewan sayo. Di kita sasama bukas.

Joke lang naman, Mikha Lim. Ayan oh, naka smile ka na.

Che!!

Kidding aside, I know makikita ni Theo family niya.

I know.

Uh, huh.

Thank you.

***

 

"Earth to Mikha?."

"Huh? Oh, Andrew may sinasabi ka?."

"Sabi ko andyan na yung waiter, ano'ng order mo?."

"Ah, sorry I space out. Same na lang din ng sayo."

"Parang lutang ka ngayong araw ha?."

"Ah, sorry, marami lang iniisip."

"Hulaan ko, boyfriend?."

"Ha?! Wala nga akong bf no."

"Weh, wala namang makakarinig oh, sabihin mo na. Saka hindi ko naman ipagkakalat, kilala mo ako."

"I know. Pero sorry, wala talaga."

 

Natahimik si Andrew. Parang duda pa din ito sa sagot ko. I dont know.  Pati yung ilang katrabaho namin ngayon na naging malapit sakin kahit paano, madalas ito din ang tanong. At pag sinabi ko namang wala, ayaw nilang maniwala. I remember being asked about this three months ago, sa isang party din kasama sila Julia at Dannie, nakasama ko sa isang movie, at kasama din namin ngayon ni Andrew sa ginagawa namin pelikula. I told them na wala and they keep giving me drinks para mapaamin. Sa huli, sila din sumuko. Hello? Anong magagawa ko kung wala talaga. Walang kahit isang tao pa ang nakakuha ng interes ko. Ever. And if meron, isang tao lang pagsasabihan ko, okay?.

"Sabi mo eh."

Tinaasan ko ng kilay itong si Andrew. Minsan okay naman ito. Ilang beses na din kaming nagkasama sa movie at sa serye kaya medyo gamay ko na ugali niya. Minsan lang talaga may times na mas parang pa-main character ang ugali niya kaya naiinis ako.

"Ay, speaking of, bale wala ka palang date sa dinner next week diba?."

"Date? Ano'ng meron? Di ba dinner lang yon."

"Hala, hindi ka nagbabasa ng gc?."

"Anong meron?."

"Ang sabi pwede magdala ng date kasi sa may bar ata, rented nila so parang may party na din. Kaya pwede magdala ng date."

"Ahh. Okay."

"Sakto, kilala mo di ba si---."

"No."

"Hala, wala pa nga eh."

"Alam ko na yan. Kung sino sino na naman ang irereto mo sakin. Ayoko."

Andito na naman tayo.

Matagal ng nag aattempt itong si Andrew na hanapan ako ng jowa or date manlang dahil sobrang nagseselos ang gf nito sakin. Although nakilala ko na personally ang non showbiz gf, mukhang ilang pa din ito sa pagiging loveteam namin ni Andrew. Walang tiwala siguro sa jowa niya. Hay.

"Why? Wala ka naman bf saka date lang naman. At mabait yon si---."

"NO!."

"Okay, fine."

 

 

***
May tanong ako Mikha Lim.

Ano yon?

About sa love...

Ooh, juicy haha

Sira ikaw ang tatanungin ko.

What about me? You know naman na I don't have anyone right now. And it's not my priority no?!.

Wow! Chill ka lang Mikha Lim. Wag kang magalit sa akin. I'm sorry for asking. As in wow, medyo nag high pitch yung boses mo dun ha? First time ko atang nasungitan ng isang Mikha Lim. Wow!

Hoy ang OA ah! Haha! Hindi kaya ako galit. At hindi kita sinungitan no!

Woah. I mean first time ko. Ganun pala feeling ng mga sinusungitan mo--- aray!

Alam mo ikaw---

Okay! Shut up na lang ako.

Ano ba kasi yang tanong mo?!

See? Ang taray mo. Wala pa nga.  Aminin mo, may tinatago ka sakin na lover no?

Tinatago ka dyan! Saka anong lover?

Sabihin mo, saan kayo nagkikita behind my back?

Magkasama tayo lagi, 24hrs a day! Malalaman mo kung may mini-meet ako!

It's hurts Mihka Lim.

Baliw ka! Hahaha!

It really hurts ang magmahal ng ganito...

Hahaha. Hoy!

Seryoso Mikha Lim. Masakit.

Hahaha!

Charuut lang. Haha. So ano?

Ano'ng ano?

Wala. Ask ko lang naman na if ever na may makita ka dyan na magugustuhan mo. Crush or gusto mong dyowain, sabihin mo sakin ha? Kailangan makilatis namin ng girls yan! You know!

Haha! Hoy! Wala pa nga sa isip ko yan!

Really? I mean sa age natin ngayon nagiging curious na tayo. You know.. Baka ikaw meron ka na palang crush dyan ha?

Hahaha! Wala nga as in! I mean di ko pa maimagine sarili ko na magkaroon ng you know... Haha!

Puro ka tawa ah? Wala ka talagang interest? Kahit isa? Except yung mga character sa mga games mo ha?!

Haha! Seryoso wala. Bakit mo ba tinatanong?

Wala lang. Curious lang ako sa taste mo! Hahaha!

HAHA! Ah, gusto mong malaman mga type ko. Hmm

Ou, haha! 

Hmm... Haha.

Uy merong type. Haha.

Lets say, kung meron kang kambal na lalaki, baka meron. Hahaha!

EEEEh?! Anong sabi mo?

Eme! Hahaha! 

Di nga? Type mo kapatid ko? May asawa na yun!

HINDE! Haha. 

Eh ano? 

HAHA! What I mean is kung meron man akong magugustuhan, siguro yung kapareho ng ugali mo. Ganun. Gets mo naman diba? Haha! Maghahanap ako ng kambal mo, baka meron ka? Haha!

Aahh. Haha. Sira. Gets naman kita... Hmm, in the future dapat makilala ko yan ha?

At anong gagawin mo if ever may ipakilala ako sayo?

Hmm. Ipapakalmot ko kay Ling kapag red flag.

Hahaaha!

****

Huh.

Namiss ko tuloy si Ling.

Wala pa din akong ipapakilala sayo.

Hay.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
toncanan
#1
Chapter 3: ayyyy bitin ㅠㅠ
buhangin #2
Chapter 3: chapter 3 po ...
Ziana_zayne #3
Chapter 3: didn't expect a mikaiah au here😭😭2
thelost_soul
#4
Chapter 3: long coat 'tor */humiga sa riles
thelost_soul
#5
Chapter 1: relate so much kay miks ಥ⁠‿⁠ಥ HUHU MALUNGKOT BA TO 'TOR WAG AH PLS PLS thank u