I.

And then I didn't...

"Pack up na guys. Good job for today! Next year na ulit ang next taping natin. Don't forget yung dinner sa Wednesday. 9pm yun ha? Bye."

Last taping for this year, sa wakas natapos din. Next year na kami babalik at magre- resume. That is two weeks from now. Masaya sana yun eh kung nakasama lang ako sa US with my family para magcelebrate ng holidays. Kaso hindi. Tuloy tuloy dapat ang taping namin this year dahil hinahabol yung target showing ng movie. Kaso na cancel. Mutual decision ni direk at ng producer dahil may emergency sila bigla. So ngayon, ako ang namomroblema kung saan ako magcelebrate ng holidays. Two weeks din yon.

Saan kaya? Sa Luzon Visayas ba? O Mindanao kaya? Eme.

Or pwede naman akong sumunod sa US?

"Mikha, a word with you please. Rinig niyang tawag ng director.

Sabi ko na may comment na naman si direk. What's new?

"Paki lagay na po ng mga gamit ko sa car Ate." Baling ko kay Ate Irene, PA ko.

"Opo ma'am."

"Direk."

"Mikha, good job sayo."

"Thank you po."

"Pero meron akong konting gustong mangyari lang. This is a romcom movie. Gusto ko maging jolly pa yung character ni Sarah yung outgoing ba. Extrovert."

"Yes direk. Pag aaralan ko po."

"Alam kong tahimik kang tao so this is a challenge for you. Praktis lang ng mga scenes saka suggestion ko manood ka ng mga romcom movies then pagaralan mo yung kilos ng mga bidang babae. Okay?."

Three years pa lang ako sa showbiz industry, I mean sa acting and movie pero nagstart talaga ako first sa music industry. Sa BINI. The first ppop girl group ng Pinas. Nung time na yun na usong uso ang kpop kaya nagdecide ang management na magproduce din ng sarili nilang girl group. At ayun nga, nabuo kami, ang Bini. Eight kami lahat, nag-undergo ng training, workshop, etc. Nakipagsabayan talaga kami noon sa Kpop. Then after 5 years we got separate, sa industry lang naman. Ako I got casted noon sa movie first tapos sa mga serye at nagtuloy tuloy na. Some of us like Sheena, one of the member and the youngest, nasa ABS din siya as one of the dancer-choreographer. Kami ang madalas magkita.

I miss my girls.

"Mikha?"

"Ah direk. Okay po."

"Good. So see you sa dinner? Wait may dinner kayo ng family mo right? Nabanggit mo yun last week."

Meron sana kung hindi kayo nagcancel. Naiwan tuloy ako. Hays.

"Eer yes po? Hindi ko na lang siguro sabihin na cancel yung family dinner namin.

"Right. Magkita na lang tayo next week. Bye."

Hingang malalim. This is it. Dapat happy ako. Walang schedule for two weeks. Pero walang family dinner. Walang noche buena. Walang Christmas at New Year celebration. Walang kasama, in short. Hays.

Ayain ko na lang kaya isa sa mga girls.

Speaking of the girls, it's been like a decade nung nagkita-kita kami. I miss them. I think this is my chance na bumawi sa kanila. I kinda feel bad everytime na hindi ako nakakasama sa mga gatherings.

Check ko muna ang gc.

Staku ano na naman to? - Jhoana.

Natawa siya. Picture ni Jho na natutulog tapos may mga doodle ang mukha.

Shhh hahah. Ayaw mo? Cute mo kaya dyan. Haha. Happy holidays hahaha

Hahaha Kahit kailan talaga tong mga ito.

Huh.

Guys, enjoy kayo sa trip ha? Sana matuloy na talaga yan hahaha kasi me and my family to Hong Kong ay tuloy na tuloy na talaga haha." 

Ay ang sama mo

Naku Shee sinasabi ko sayo itikom mo yang bibig mo baka ma jinx

Hahahahhaha

Drawing kasi kayo minsan eh" - Colet

Three days ago pa itong reply ni Ate Colet.

Wait anong meron? 

Aah. May plano na namang get together. Actually maraming maraming beses ng nagplano pero bihira lang natutuloy, if matuloy man hindi naman kumpleto. Aminado naman ako na ako yung laging wala dahil madalas akong nasa taping. For the past three years, sunod sunod yung mga projects kaya wala talaga akong pahinga. Madalas sa van pa nga ako nnatutulog na if malayo talaga yung shooting place. Sabi nga nila strike the iron while it is hot.

Ingat all. Advance Happy Holidays.-Gwen

Seen 2 days ago. Hmm. Baka hindi sila natuloy?

Hirap mag back read eh parang antagal pa. Call ko na alng kaya si Ate Colet.

Bukod kay Sheena, si Ate Colet din ang madalas kong makita. Siya naman ay naging singer at official recording artist ng star music. Regular sa ASAP at dun kami madalas magkita pag nag guesting or ipromote ako.

"Ate?."

"Miksss?! I miss you."

I miss you.

Huh weird.

Parang deja vu.

"Same here, Ate."

"Napatawag ka. May problema ba?."

"Busy ka ba this week?."

"Uuwi akong Bohol this Thursday. Ngayon lang ako pinayagan magleave ng one week kaya nagplan akong umuwi ng probinsya."

"Oh, I see."

"Wala naman din kasi akong recording at guesting ngayon, next year pa kaya nag paalam ako sa management na kung pwede umuwi ako Bohol para dun magcelebrate ng holidays. Ikaw?."

"Ah ganun ba? Cancel yung taping ko. Biglaan kaya free ako this holidays."

"Wow. Good for you! I'm sure maeenjoy mo yung holiday ngayon with your family. Parang wala ka na atang pahinga this past three years. Need mo ito Miks, spend time sa family mo. Sabi mo may family dinner kayo diba? Go make bawi hahaha."

. Hindi ko pala nabanggit kay Ate Colet na nasa US na sila kahapon pa. Hays. At hindi ako nakasama. Hindi ko na lang sabihin baka mag alala pa sila.

"Thanks Ate. Ikaw din mag Ingat."

"Okay paki kamusta mo ako kay tita ha."

"Opo."

Well .

Wala pa pala nakakaalam na nasa US yung family ko this holiday. Sabihin ko na lang siguro kung may makausap ako sa kanila. Wait kila Sheena kaya? Lagi ako nun inaalok sakanila mag celebrate. Dati.

Try ko lang.

"Hello Shee?."

"Miks!!!!! Sorry nandito ako sa airport kaya maingay. Bakit napatawag ka? May problema ba?."

"San punta mo?."

"Ay di mo alam? Di ba nagchat ako sa gc na mag babakasyon kami ng fam sa Hong-Kong?."

"Ngayon ba yon?."

"Yeppp."

"Ay shocks, ingat kayo. Enjoy."

"Yes thank you miks ingat ka din happy holidays I miss you."

"Er happy holidays."

"Wait bakit ka nga napatawag?."

"Wala. Nangangamusta lang Hehe miss you too."

"Oy! Haha nakakapanibago yan ha? Haha miss you too, more, haha eme."

"Ay grabe ka. haha."

"Haha."

"Ay Miks sorry boarding na ako. Tawagan kita pagdating ko ng Hong-Kong kung hindi ka busy? The ever working girl. Haha."

"Sige sige. Ingat enjoy."

Ganun na ba talaga ako? Hindi na nagpaparamdam sa kanila? Bakit parang gulat na gulat sila na tumawag ako?

Grabi sila ah? Busy naman talaga ako.

Wait.

Si Staku kaya.

"Staks."

"Sino ito?."

"Ha? Si Mikha."

"Mikha? As in the Mikha Lim?! Wait---."

"...."

"Waaah!. Miksss! musta? Himala tumawag ka?."

See pati si Staku.

"Oh? Big deal ba na tawagan ko friends ko?."

"Hahahaha Oo te hello kelan ka huling tumawag samin? 2 or 3 years ago siguro. Madalas kami ang tumatawag sayo."

"Ay ganun ba?."

"Oo, anong meron hindi ba busy ka ngayon? May taping kayo di ba?."

"Oo kakatapos lang.... actually hmm. Saan ka parang maingay?."

"Ay airport be. Wait ang gulo ni Jho."

"Magkakasama kayo?."

"Si Jho pa lang. Tuloy na yung trip sa Japan. Di na drawing. Hahaha."

"Huh?."

"Sa GC hello. Nakita ko nag seen ka na."

So pati pala sila lahat may mga gala. Ako lang pala talaga ang wala. Hindi man lang ako na inform na matutuloy pala sila.

"Alam naming sobrang busy ka lalo na ngayong malapit ng matapos ang taping ng bago mong movie. Kaya hindi ka na rin namin iniistorbo pa. Sayang kung hindi ka lang busy. Saka lagi ka naman din kasing hindi napunta which is naiintindihan namin."

Ah, its my fault din pala. Lagi akong hindi nakakapunta sa mga gala at gatherings namin. Hindi ko din sila masisi.

"Pero wag kang mag-alala Miks, sa premier ng movie mo sure naman na pupunta kami."

"Sorry guys busy lang talaga..."

"Alam naman namin yun Mikss."

"Staks..."

"Oy oy wag kang iiyak. Strong girl ka diba?."

"Sira."

"Haha. Anyways, babanggitin ko sa girls na tumawag ka. Matutuwa yon sila." 

"Sa Japan kayo diba?."

"Oo. Sa malapit lang dahil busy din ang mga person. Saka hindi din makakasama si Ate Colet at Sheena. Okay lang naman sa dalawa dahil madalas naman nilang puntahan ang Japan sa mga gig nila."

"Sino sino kayo?."

"Actually dito na kami Naia, nagkita lang kami saglit nila Shee dahil mauuna ang flight niya. Ako, si Jho, Gwenny at si Ate Maloi."

"Ah..."

"Oh pati pala si Ate Aiah susunod na lang daw siya sa Japan. Manggaling pa kasi siyang Korea."

"Si Aiah?."

"Aiah na lang talaga, wala ng ate? Haha. Oo. Free daw kasi siya ng ilang days kaya go siya."

"Oh."

Aiah Arceta, isa sa mga naging close ko nung BiNi days pa. Actually, siya yung best friend ko ever since. Sanggang-dikit kami nung training days pa, given na din na siya ang ka roommate ko noon. Simula ng maghiwaly ang BINI at magkaroon kami ng kanya-kanya projects, ako sa movie at television, hindi na kami madalas magkita at mag-usap. Talagang nagfocus ako sa work.

"Miks?."

"Oh?."

"Bakit ka pala napatawag? Yung totoo?."

"Aah ano kasi..."

Sabihin ko ba? Kaso baka mag aalala sila, baka hindi matuloy yung gala nila today.

Knowing them alam kong pupuntahan agad nila ako.

Pero unfair naman if di matuloy, matalagal nilang plano yun. Lagi na lang sila nagaadjust sakin dahil ako yung pinaka-busy.

Saka hirap ng magbook kung sumunod ako sakanila.

"Okay ka lang?."

"Ah. Oo naman."

"So, bakit nga?."

"Ah wala. Mangangamusta lang. Saka batiin ko lang sana kayo ng happy holidays. Ingat kayo."

"Sure ka?."

"Sure na sure."

"Okay. Ingat ka din. Tawagan ka namin pag nasa Japan na kami. Or sendan na lang kita ng mga pics."

"Okay. Mag enjoy kayo."

"Miss you Miks. Sama ka na sa next gala ha?."

"Sure. Thank you."

"Ay, speaking of Ate Aiah, kinakamusta ka sakin. Sabi ko busy ka talaga this year dahil sa movie mo."

"Ahh."

"Laging nagtatampo yun. Actually matagal na siyang nagtatampo. Mga three years na. Haha. Kilala mo naman yon. Pero alam niyang busy ka kaya ayun. Hanggang kamusta na lang samin. Sabi ko nga sayo na dumiretso--oh andyan na sila. Bye na Miks, bilihan ka namin ng pasalubong pag-uwi."

"Okay. Bye. Ingat kayo."

 

 

Miss na daw ako? Hindi nga nagchachat or magtext or tumawag? Kelan ba last message niya? 

Oh.

"Happy Birthday Mikha." Sent a month ago.

Nung birthday ko last month.

Hindi ko pa pala na seen.

.

Kaya pala.

Teka kelan ako nakapagreply sa kanya.

Three years ago.

"Happy Birthday Mikha Lim. Alam kong busy ka naks hahah. Ingat ka lagi at wag magpaka working girl ng sobra ha. Haha

"Thank you. Ms Mariah Kwern. Haha. Bye na start na ng taping. Excited na ako. 😆😊😆😮

"Daming emoji ah haha

"Ay napindot lang yan haha sige na bye.

Three-ing-years ago huli akong nakapagreply. 

No wonder hindi siya nagchat or text or tawag sakin.

.

"Ang galing mo sa Born to Win the series. Nanood kami ng girls. Pati family ko pinapanood ko din. Haha. For support." Seen three years ago.

"Mikha! Lim! Happy birthday!! HAHAH 
Seen three years ago.

"Thankyou sa flowers Mikha Lim kahit hindi ikaw ang nagdala haha. Thankyou." Seen two years ago.

"Congrats sa movie Mikha Lim. Successful. Nanood kami ng girls. Ang galing mo. 
Seen two years ago.

"Mikha Lim! Birthday mo na. Happy Birthday! 
Seen two years ago.

"Hinatid ako ng girls sa airport. At alam kong busy ka kaya di ka nakasama. Ingat lagi ha." 
Seen two years ago.

"Merry Christmas Mikha Lim.  
Seen two years ago.

"Happy New Year, Mikha Lim.   
Seen two years ago.

"Merry Christmas Mikha
Seen a year ago.

"Happy New Year Mikha
Seen a year ago.

"Happy Birthday Mikha."
Seen a month ago.

 

 

***
Mikha Lim!

Po?

I missed you.

Ang oa Ate aiah ah magkasama lang tayo kanina sa rehearsal. Haha!.

Hmm basta namiss kita para kasing ang tahimik mo lately.

Naku pagod ka lang tulog mo na lang yan.

Hehe. I miss you, Labyu.

Sige na.

***

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
toncanan
#1
Chapter 3: ayyyy bitin ㅠㅠ
buhangin #2
Chapter 3: chapter 3 po ...
Ziana_zayne #3
Chapter 3: didn't expect a mikaiah au here😭😭2
thelost_soul
#4
Chapter 3: long coat 'tor */humiga sa riles
thelost_soul
#5
Chapter 1: relate so much kay miks ಥ⁠‿⁠ಥ HUHU MALUNGKOT BA TO 'TOR WAG AH PLS PLS thank u