More Than Friends

More Than Friends

Pocholo Robles sent you a message

Open | Ignore

Pocholo: hey, tim. did you get home safely?

Pocholo: wala kang umbrella kanina 'di ba?

Pocholo: naulanan ka?

Pocholo: take a shower before you catch a cold.

Pocholo: sorry. i couldn't take you home earlier, may emergency kasi sa bahay.

Pocholo: see you tomorrow.

Pocholo: good night, sungit.

His concern and affections confuses me big time. Is he really just nice or have some sort of feelings towards me? I don't want to assume things, but I'm starting to doubt our friendship.

"Tim, give me your bag. Ba't ba kasi dala-dala mo buong bahay niyo." Wika ni Poch na mukhang seryoso pa. Lagi nila akong inaasar dahil sa dami ng laman ng bag ko kapag pumapasok sa school. "Hold this envelope na lang" Sabi pa niya at ibinigay sa akin 'yung brown envelope na kanina niya pa hawak.

I gave him my backpack, earning a smile. Stop that, Pocholo!

"Yosef, wala na bang mas ibabagal 'yang paglalakad mo?" Tanong ni Poch nang may sarcasm na tono kaya naman napakunot ang noo ko, lalo na si Yosef na masama ang tingin kay Poch ngayon. Then na-realize ko na nasa likod pala ako nila Yosef at Gino, kaya naman pala. Sabagay, I hate slow walkers rin.

"The hell, dude? Wala na ba akong right to walk ng matino?" Tugon agad ni Yosef na parang gusto pa makipag-away.

"Tama na 'yan. Let's go na, uhaw na uhaw na 'ko." Mabuti na lamang at naintindihan agad ni Gino ang sitwasyon. Inakbayan niya si Yosef at pinilit itong maglakad ng mabilis.

Thankfully, nasa loob na kami ng The North Cafe at saka naupo. Kaharap ko naman ngayon ang iPD ko at wala pang nakaupo sa seat na available sa harap ko.

"Sungit, what are you doing?" Medyo nagpintig ang mga tenga ko nang marinig ang tanong ni Poch. Lagi niya akong tinatawag na sungit, grr. Nilapag niya ang kanyang bag sa ilalim ng table at saka naupo sa harap ko.

Bakit ba lagi siyang sumusulpot sa tuwing natutulala at may kailangan ako?

"Hmm? Maglalaro sana ako ng genshin." Sagot ko habang abala ang mga mata ko na iwasan ang mga malalalim niyang tingin. Pinindot ko ang assistive touch ng iPad ko at hinanap sa app library ang lintik na genshin na 'yan.

"I sent you a message kanina, check it out." Sabi niya pa kaya napa-open ako ng messenger.

Pocholo: nag-breakfast ka na ba? kung hindi pa, sabay na tayo later.

Hindi ko na kaya, iniangat ko na ang tingin ko at nakita kung pa'no siya ngumiti. " Napansin ko kanina nung physics class natin, ang tamlay mo at saka panay hawak sa tiyan." Wika niya kaya naman natawa ako nang bahagya. Lumipat pa kasi ng upuan si Roxy, kaya kitang-kita niya tuloy ako.

"At talagang napansin mo pa 'yan. But yes, hindi pa ako nag-breakfast." Sagot ko na bahagyang nangingiti pa. Pigilan mo sarili mo please, Timothy huhu. Ngunit napalingon nanaman ako sa kanya nang bigla siyang tumayo at lumapit sa counter. At tagang oorderan nanaman ako ng food.

Ano ba, Pocholo Robles. Hindi na kita kaya.

"Billiards later!" Rinig ko namang sigaw ni Archie na kagabi pa nag-aaya. Hindi niya kasi matanggap na tinalo siya ni Gino last week. Nilingon ko ang iba pa namin na mga kaibigan na nasa isang malaking table, katabi lang ng table namin ni Poch.

Ano bang mga pisngi 'to, bigla-biglang namumula. Ano ngayon kung solo namin ni Poch ang isang table?

"Billiards nanaman? Hindi ba kayo nagsasawa diyan?" Reklamo naman ni Roxy. Ayan nagsisimula nanaman sila. Itong babaeng 'to, kada may sinasabi si Archie, palaging may nasasabi.

"Eh ano ngayon, Roxanne Fatima? May sinabi ba ako nung napanood kitang maglaro ng mobile legends tapos layla na mid-laner ang gamit? Naka-tank build pa ampucha. Kung nag-angela ka na lang para samahan ako, eh 'di sana nanalo tayo kahapon?" Tugon naman ni Archie kaya agad kaming nagtawanan. Hinawaan ko na rin kasi si Roxy, sabi ko maglaro na lang din siya ng mobile legends. Si Sky magaling na ngayon, laging kasama maglaro sila Obet at Gino.

"Nagt-TP pa nga 'yan, daig pa freestyle ni chou." Natatawang sabi pa ni Obet kaya nahampas siya ni Roxy. Hindi ko na rin napigilan at saka nagsalita, "Nakikipag-away pa sa kalaban kaya na-mute na siya ni montoon kagabi." Grabe pagwawala ni Roxy nung na-mute siya for six hours. Siyempre si Archie ang pinakamasaya that time, sabi pa sa chatbox, hahaha pucha may deprived from liberty.

"Ang sasama niyo talaga sa 'kin, lalo ka na Archimedes!!" sigaw pa ni Roxy at binato ng suklay si Archie na ngayon ay tinatawanan siya. Hindi na nga makahinga sa kakatawa. Nandiyan happy pill eh.

"Billiards na lang later. Ayaw ko pa umuwi, life is too boring at home." Rinig ko namang sabi ni Zyra. Sa totoo lang, nakaka-relate ako sa sinabi niya. Napapansin ko na rin sa sarili ko na grabe pagod ko palagi at drained kapag umuuwi. I rarely talk to my friends rin sa messenger. I don't even have someone to exchange messages from dusk to dawn. Oo na, gusto ko ng late night talks. Mabuti na lamang at nandiyan si Poch na sobrang daldal at consistent ang messages sa akin. Kahit papaano'y nagkakaroon ako ng dahilan para gumising ng maaga para lang may basahin na message.

Bumalik naman si Poch sa upuan niya na may hawak na maliit na papel. "Wi-Fi password." Sabi niya at saka binigay ito sa akin. Pinapalitan palagi ng crews ang password eh. "Thank you." Nahihiyang tugon ko pa at napangiti ko nanaman ang taong 'to.

"Cholo, billiards tayo mamaya. Sama ka?" Tanong ni Yosef na ngayon ay ginugulo ni Gino. Kanina pa 'yan lapit nang lapit kay Yosef. Nung una halos magsapakan 'yang dalawa dahil parehong may pagtingin kay Sky. Pero ngayon halos hindi na mapag-hiwalay. Nagtatampo na nga si Archie eh, hindi na raw sila besties ni Gino.

"Kung sasama si sungit, then sasama rin ako."

"Kayong dalawa ha! Napapansin ko na mga kinikilos niyo! Mukha kayong mag-boyfriends, you know." Wika naman ni Kenjie kaya medyo nataranta ako. Sinubukan ko na alng ituon ang mga mata ko sa iPad para pigilan nanaman ang sarili ko na mapahiya sa harap ni Poch.

Mabuti pa si Kenjie, napaka-observant, mala-human CCTV talaga. Pero itong si Poch hindi man lang napapansin mga sariling ikinikilos kaya ako overthink nang overthink eh.

"Ito na ba ang simula ng timpoch!?" Pang-aasar naman ni Gino kaya sinungalngal siya ni Yosef.

"Ha? Akala ko ba type ni Cholo ang kapatid ko?" Nagtatakang tanong ni Archie kaya naman nahampas siya ni Zyra. Pa-confirm naman kung joke lang.

"What the hell are you talking about, kuya!?" Iritang tanong ni Zyra kaya pinakalma naman siya ni Yosef.

'Tigil mo na nga 'yan, Arch." Suway naman ni Poch kaya umirap na lang si Archie. Sabagay, ayaw rin naman ni Poch at Archie maging bayaw ang isa't-isa. Disaster talaga kapag nangyari 'yan.

Magsasalita na sana si Gino nang biglang dumating orders namin.

"Gino, bili tayo sa labas. I'm hungry, and I'm craving for ramen." Wika ni Zyra, kahapon pa siya nagki-crave ng ramen.

"Mainit sa labas. You don't want to get burned to hell, don't you?" Tugon naman ni Yosef na nakakunot pa ang noo.

"I'm not taking to you, weirdo." Iritableng wika naman ni Zyra.

"Gosh, I'm starving." Zyra complains again.

"Kung kumain ka na lang sana sa house niyo kanina, you wouldn't be this hungry." Ginagalit niyo si Yosef ha.

"Seriously, Yosef? Ayaw kong kumain kapag bagong gising, I feel nauseous. I can only drink water." Zyra replied, lagi na lang siyang may debate with Yosef.

"Oh, shut up, ers." WIka naman ni Sanya na kanina pa naiirita sa ingay nila.

Habang abala ang lahat sa pakikipag-bangayan sa isa't-isa, nagsalita naman si Poch.

"Tim, can we talk later? I have something to say." Biglang tanong ni Poch kaya agad bumilis tibok ng puso ko. Bakit parang kinakabahan ako?

"Whoa! Lovebirds are going to talk!" Sigaw naman ni Gino kaya sinampal nanaman ni Yosef ang bibig niya.

"Siguro pagpasok natin bukas, kalat na sa buong Northford na boyfriends sila." Pang-aasar naman ni Kenjie kaya nagtilian ang mga stupid (insert yosef's voice).

"Roxy, I also have something to tell you." Sabat naman ni Archie kaya lahat kami napalingon.

"Pucha ano nanaman 'yan, Archimedes Aguerro!?"

"Crush kita."

"Ang aga-aga tapos lasing ka? Tigilan mo 'ko, sasampalin talaga kita." Inis na tugon ni Roxy kaya nagtawanan sila.

"High ka nanaman, dude." Wika pa ni Gino at agad na tinakpan ang bibig, baka kasi sungalngalin nanaman siya ni Yosef eh.

"I'm being honest! you, morons. Anyway. Palagi ko lang naman sinasabi sa inyo na set me up on blind dates to make her jealous. I really like you, Roxanne. Kaya dapat crush mo rin ako." Sabi pa ni Archie, mukha naman siyang sincere sa sinabi niya pero nakatanggap agad siya ng sipa sa ilalim ng lalem galing kay Roxy.

"I don't even know kung you're just fooling around or gusto mo talaga eh." Komento naman ni Poch. Ako rin, Poch. Pero sa'yo.

"Hoy, Roxy. Hindi mo ba 'ko type?" Kapal naman ng mukha magtanong.

"Kahit lumuha ka pa ng dugo, hinding-hindi kita magugustuhan!" Sigaw ni Roxy at nagtaas pa ng middle finger. Kaya type na type siya ni Archie eh.

"Why don't you like me? You don't really like me? Why?" Siyempre nag-dadrama na si Archie kaya namana gad siyang kinomfort nila Gino at Yosef.

Halos dalawang oras kami sa The North Cafe, at puro daldalan lang naman ginawa namin. Dami ngang baon na chika ni Kenjie at Obet. Ngayon naman ay papunta na kami sa bilyaran. With every step I take, my heart skips a beat.

Pagkapasok namin ay agad kaming kumuha ng cue sticks at saka tinawag ang crew para mag-rent ng billiard tables.

"Tara dito, Acosta. Magtutuos tayo." Wika ni Archie at siyempre hindi umatras si Gino.

"Tim, come here. Let's play!" Sigaw naman ni Poch kaya lahat kami napalingon.

"Yun oh! Gustong solohin si sungit!" Pang-aasar pa ni Obet kaya naman sinamaan ko siya ng ti

Nahihiya nanaman akong lumapit sa kanya habang hawak ang cue stick ko. "Film me first." Sabi pa niya at saka tumawa. Ang sarap talaga marinig mga tawa niya. Kinuha ko na ang phone niya and started to capture my favorite film. Pumunta siya sa dulo ng table at saka sinimulang sumargo sa white ball para sa break.

Nagsimula na kaming dalawa maglaro. Hindi naman talaaga ako magaling maglaro nito, buti na lang at mahaba ang pasensiya niya sa 'kin para magturo. Poch naman eh.

I can't even hide my tiny blushes every time he would lowkey envelop me into a backhug just to teach me the proper position and movement to score a point.

After playing a round, he looked at me and let out a sigh. "Maybe this is the right time to tell you this." he started, grabbing my hand, gently caressing it. He pulled me outside the area and took a deep sigh.

"Tell me." Sabi ko at sobrang bilis na ng tibok ng puso ko.

Bumuntong hininga siya at saka tiningnan ako sa mata.

"The DNA results finally arrived. Both of our mothers wanted the truth, that's why ginawa nila 'yung DNA test. And...and the results says that we're half...half-brothers. Your late father was married to my mom before maghiwalay parents ko. And yes, they had me. But your father got into an accident before my mom could even tell that she was pregnant. Then they found out that your father had as secret affair before he died, and I'm sorry, it was your mother. Another revelation broke my mother's heart. Buntis na si mama mo that time, and ikaw 'yung dinadala. I don;t even know what to feel about this. But, I'm really sorry for not letting you know agad. Natutunugan ko na 'to three weeks ago pa. Sobrang nag-aalala sila na baka you'll hate us, your late father, your mom, my mom, and even me. Kaya naman I'm trying my best to take care of yoy lately. Gusto kong iparamdam sa'yo kung paano ang isang kuya. Sana matanggap mo lahat, maging ako."

Pag-amin ni Poch na dahilan para madurog ang puso ko. The pain really stabs me straight to my heart. Hindi ako makapag-salita dahil it wrecked me to the core.

I was already one step ahead to figure out my feelings towards him. I was already one step ahead to finally call him love instead of poch.

Pero tangina.

I really hoped our relationship will be more than friends sooner or later.

haha tangina...

We were good friends. And now, we're actually more than friends.

He's my half-brother. For 's sake!

"Uh...this...this hurts me so bad. I can't even imagine this. I can't believe it." I finally said. I'm trying my best to not break down into tears. I don't want him to know the other reason why I'm in pain. He'll find me weird, why would someone like their half-brother!?

"Will you accept me...as your kuya?" Tanong ni Poch while holding my cheeks, wiping my tears away. I closed my eyes for a moment and gave him a painful nod. Ngumiti siya pero hindi gaya ng mga nakikita ko palagi, nalulungkot rin ba siya?

Hinila niya ako at saka niyakap ng mahigpit dahilan para umiyak na ako sa balikat niya.

"I loved you. Not only as a friend or brother. I hope you know that." He whispers, and I heard his shaky breath. Tangina, sobrang ed up.

Sobrang lapit na namin sa happily ever after, pero fate wants him to be my half brother.

Poch, I love you too. I hope these words will find you someday.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet