caught you through my lens

thoughts in a whim
Please Subscribe to read the full chapter

First time makapasok ni Karina sa Photo Studio ng College of Fine Arts and Design. Probably will be the last since hindi naman siya CFAD Student. May mga ilang tao sa loob noong pumasok sila ni Ning. Medyo napatungo pa nga ng ulo si Karina pagpasok dahil sa hiya sa make-up nito. Hinila siya ni Ning sa dulo ng room. Pinatong ni Ning ang camera bag niya sa table na nasa harap nila.

“Huy Ning,” tawag ni Karina sa kaibigan na nakatalikod at busy ilabas ang camera mula sa bag. “Ba’t ang daming tao?”

“Mga nagc-cram din ‘yan like me sa exam namin sa Photog,” Ning chuckles as she replied. Humarap na siya kay Karina at nakasukbit ang camera. “Huli naman tayong dumating so mamaya aalis din ‘yang mga ‘yan.”

“Wait… so nakapila ‘yan silang lahat?” Tinuro ni Karina ang buong room.

Tumawa si Ning bago sumagot. “Karamihan diyan nakatambay lang kasi malamig dito tsaka walang pake sa mga nagsshoot. Tsaka naka-reserve tayo. After tayo ng friend ko. Gi!” Ning waved her hand sa may area kung saan nagaganap yung shoot, lumingon yung babae na isa sa nanonood sa nag-s-shoot. The girl beamed a smile and walked palapit sa kanila.

“Ito yung friend kong from CBA. Si Karina.” Pakilala ni Ning.

“Hala! Smokey make-up. Bet!” compliment ni Giselle at tinuro ang mukha ni Karina. “And you’re so pretty too! Giselle nga pala. Gi na lang.”

Tumango na lang si Karina at kinuha ang phone niya para magpalipas oras.

“Paalis na rin naman mga ‘yan. Bawal na tao dito ‘pag 5pm na.”

“Ha?” Napaangat ng tingin si Karina from her phone. “Eh ba’t ngayon lang tayo mags-shoot?”

“Pinaalam namin yung studio until 8.” Ning proudly said and it made Karina relieved.

Silang tatlo lang yung maiiwan sa studio until 8. Sasama pa nga raw dapat yung model ni Giselle para sana maging mentor niya for modeling poses kaso may biglaang lakad. Magsesend na lang daw ito ng Pinterest board link para maging reference nila tas magtutulungan na lang daw yung dalawa.

Karina will put her full trust sa duo since this will be her ever first time being a subject for a photoshoot.

“Oh? First time mo?”

Fast forward, it’s 7. Tatlo na lang sila. Giselle’s laptop was on speaker na siyang nagpapaingay sa studio, and also Ning’s camera clicks and Gi’s attempts to make Karina less nervous by asking questions.

“Hindi naman ‘yan interesado sa mga ganito, napilit ko lang.” Ning answered instead, her other eye was on the viewfinder, then she clicks. She looks at the monitor na nagpapakita ng live photos. Tinitigan for a while before giving Karina few instructions for her next pose. “Hirap nga, eh. Inabot ako linggo diyan, kaloka… Karina, side view ka then chin up. Like this.” Ning demonstrated the pose by doing it herself.

Karina hesitates, but carefully walks para makapagside view at inangat ang ulo. “Ganito ba?”

“Stiff.” Ning commented atsaka tumingin kay Giselle. “Ikaw nga, Gi.”

Hinawakan ni Giselle si Karina, the latter felt like a puppet the way Giselle holds her hands, waist, even her chin. Nang lumayo si Giselle at tinignan siya saglit, she smiled atsaka umalis sa frame.

“Yan. That’s pretty. Omg, Ning, ayusan mo yung shot. She looks really pretty at that angle!”

“Damihan ko na ‘to ah. One two three… stay lang, Karina. Don’t smile.”

Tinry ni Karina bilangin sa utak niya kung ilang clicks yung narinig niya from Ning’s camera but she lost count dahil sunod-sunod ito. Parang fansite. Iisang pose lang naman at walang nagbago.

When Ning told her that she can move at magpahinga muna, nag-inat si Karina at napa-stretch sa ngawit, earning Giselle a laugh.

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Genniee #1
Chapter 1: your oneshots are well-written and intriguing!
TYTFshipper
271 streak #2
Chapter 2: bat naman kasi ang lakas ng chemistry eh 😭🤭
gomtokkim
2165 streak #3
Chapter 2: pati ako kinikilig sa chemistry nila
GreasyNamIdiot
#4
Chapter 1: Omggggggg bakit naman ganyan mang bitinnnnnn
howdoyouknowmee
551 streak #5
Chapter 1: Upvoted