Admissions Test

Hindi ako katoliko pero salamat sa'yo, Sto Niño!
Please Subscribe to read the full chapter

Isang linggo na ‘rin pala simula nung nagpunta kami nila Mark at Giselle sa KwangSci. Well... technically, sila one week at ako six days, may kinailangan kasi akong balikan na requirement. Nung nagpunta nga ako d'on nakita ko ulit si Ate Karina pero saktong nadaanan ko lang talaga yung kung nasaan siya kaya hindi na ako bumati, masabihan pa kong feeling close.

 

Sa totoo lang, hindi naman ako ganoon ka-confident na papasa sa KwangSci kasi nga ‘di ba? Kapag sinabi mong science high, matic lugar siya ng mga matatalino. Bukod sa grades may need pang ipasang admissions test at interview. Sino ba naman ako para tanggapin nila, e I’m just a lowkey – chz!

 

Anyway... wala namang bago at amusing sa life ko ngayon. Ganoon pa 'rin ang buhay. Papasok sa school para mag space out habang may nag l-lecture, makikipagdaldalan sa katabi kong si Ning, mag t-thirdwheel kila Mark at Giselle every lunch at uwian, tas aasang makasabay ko sa paglakad yung crush ko tuwing uwian. Yung sabay pala na tinutukoy ko is hindi kami nag i-interact, like 10 meters apart ganon, pero para sa'kin we are next to each other!

 

Maulan din ang panahon ngayon, ganoon naman yata talaga kapag first quarter ng taon. Ang dalas nga na puro half day lang klase na'min dahil sa suspension e. Ma-chika ko lang ulit si Ate Karina, nakita ko ulit siya kasama schoolmates niya na naglalakad nung nag suspend yung klase tas mukha pa silang mga basang sisiw. Pangalawang banggit ko na 'to kay Ate Karina, sorry ang ganda niya kasi.

 

Alam niyo ba na biglang ipinakita ni Yeji sa'kin yung IG page ni Ate Karina kasi bet niya raw yung aesthetic ng page niya—pangatlong banggit na 'to pero kasi nasa kanya na tayo ngayon kaya sinabi ko na. Naging avid reactor ko na 'rin siya sa shared posts ko at stories sa FB, minsan nga nag r-reply pa e. Lately, feel ko, sinasabi sa'kin nang universe na, "Ito nga pala si Karina Yoo," nang paulit-ulit. May epeks siya.

 

[1 new notification] Karina Yoo sent a message.

 

Speaking off…

 

Karina Yoo: Hi Win! Pwede mo ba tong sagutan? Pls

Karina Yoo: [sent an attachment]

Karina Yoo: Thanks in advance!

 

I clicked on the google form link na sinend niya at mukhang para ito sa research nila. As a super mabuting tao, sinagutan ko siyempre. Nakakita ako ng minor errors sa questionnaires nila here and there at pinoint out ko para makatulong. Pagkatapos no’n, akala ko tapos na ‘rin.

 

Pero hindi…

 

Inextend niya pa yung chika time na’min. Out of nowhere tinanong niya ako about sa bet kong genre ng music, tas nagka exchange pa ng song recommendations, and hindi ko 'rin talaga alam kung paano pero umabot kami sa chikahan tungkol sa mga ex-crush na’min na hindi ko na ilalagay rito kasi hahaba pa ‘to ‘no. Ate anong meaning nito? R u interested in me kasi bakit mo inextend ang conversation na'tin— KIMMY! Assumera lang e.

 

~

 

Today yung scheduled entrance exam na’min sa KwangSci pati na ‘rin ng research defense na’min sa English. At ang tanong ko lang ay bakit naman may research defense sa junior high?!

 

Sabi ko sa aking besties na sabay sabay kaming pumunta ng school pero guess what? Naiwan ako. Kanina pa pala silang 7:00 A.M. d’on, at time check, mag a-alas otso na! Sino ba naman ako para i-inform, #hurt #heartbroken #betrayed.

 

<
Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
gomtokkim
2161 streak #1
Chapter 2: Ang cuteeeee, sana whipped/simp si Karina kay Winter XD
Mys_na_kita #2
Chapter 2: Cutie nila booooth!!
cleofierayne 12 streak #3
Chapter 2: WAHAHAHAAH LUHH PARANGG GUSTO NI KARINA SI WINN HAHAHAAH UUTAL UTAL PAAA YIEEEE SIMULA PALNG MAY GUSTO NA TO. DENSE LNG SI WIN HAHAH baka mas malala pa si Karina grabe maka tingin ehh hihihi
howdoyouknowmee
549 streak #4
Chapter 1: Bet pa nga hahaha