Welcome To Hell!

Hindi ako katoliko pero salamat sa'yo, Sto Niño!
Please Subscribe to read the full chapter

Kumusta?

 

Ako nga pala si Winter Kim. Hobby ko ang mag monologue sa utak ko tuwing free time ko... gaya na lang ngayon.

 

Ha? Ano 'yon? Tinatanong mo kung kumusta ako? Haha, medyo lutang. Alas singko na ngayon ng umaga at wala pa 'kong tulog ni limang minuto. Parang umiikot na yung mundo ko pero hindi naman — I mean umiikot naman talaga yung Earth pero kasi — yung pakiramdam ko dinedescribe ko. Gets ba? Sana yes.

 

May tanong ka ulit? Bakit wala pa kong tulog? Nag volunteer kasi ako na magbantay habang tinatransfer yung sikat na version ng rebulto ng Sto. Niño sa simbahan malapit sa'min. 

 

Sa totoo lang, agnostic ako, pero lahat gagawin ko para lang umalis sa bahay. Kahit pa mapuyat, matulak, at mapawisan ako! Isa pa, nasa simbahan yung happy crush ko. Violinist siya. Sigurado na kung maghihintay ako pagkatapos ng misa, masisilayan ko siya.

 

Kasalukuyan pala na'ming binabagtas ng tropa ko yung mataong daan na puno ng mga deboto. Papunta kami ng Jollibee ngayon dahil nagpapasundo yung kaklase na'min para sama-sama kami. Actually, feel ko, kami lang 'rin talagang tatlo natuloy sa traslacion from our section aside sa mga scouts at CAT officers naming kaklase. Sa edad naming 'to, sino ba naman ang gugustuhing gumising ng madaling araw para magprusisyon at magsimba?

 

"Jaems, malayo pa ba tayo? Gusto ko na umupo." Para nang manhid yung katawan ko, gusto ko na lang humiga sa daan.

"Kayanin mo, malapit na tayo."

 

Pagdating na'min ng Jollibee, nagbatian na muna sila Jaemin at Yeji, syempre small talk para hindi awkward. Props lang talaga 'ko, ewan ko 'rin ba't ako sumama.

 

"Yeji, picturan mo ko kasama si Jollibee.” Nag peace sign ako next to Jollibee. Syempre dumayo na ko rito, dapat may makuha ako. Alam kong mukha akong sabog sa picture pero wala akong pake.

 

~


Uneventful yung nangyari sa'kin nung nakaraan. Napuyat at napagod lang ako pero hindi ko naman naka interact yung crush ko. Likod nga lang niya nakita ko e. Hindi siguro ako pinagpapala ng

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
gomtokkim
2165 streak #1
Chapter 2: Ang cuteeeee, sana whipped/simp si Karina kay Winter XD
Mys_na_kita #2
Chapter 2: Cutie nila booooth!!
cleofierayne 14 streak #3
Chapter 2: WAHAHAHAAH LUHH PARANGG GUSTO NI KARINA SI WINN HAHAHAAH UUTAL UTAL PAAA YIEEEE SIMULA PALNG MAY GUSTO NA TO. DENSE LNG SI WIN HAHAH baka mas malala pa si Karina grabe maka tingin ehh hihihi
howdoyouknowmee
552 streak #4
Chapter 1: Bet pa nga hahaha