ch.02

Sagutan
Please Subscribe to read the full chapter
02 - Unlucky Yu

 

 

 

Winter Minjeong Kim, Last year ko na sa STEM at feel ko katapusan ko na rin. Wala na atang magandang nangyari sa buhay ko, puro kamalasan nalang ata. Lord pahinging plot twist kasi kung wala baka magulat ka pag ako gumawa ng plot twist sa buhay ko. kimi no yawa.

 

 

Another day, another kamalasan encounter. Dadaigin ko 'yang entries sa Manila encounter sa kababalaghan sa buhay ko. Nagsimula ang umaga ko na dumadagungdong ang pader at puro ingay ng construction sa katabing unit ko. Ano bang trip ng land lord namin at Linggo talagang naisipang magkumpuni nang kung anu-ano. Wala na rin naman akong nagawa at kahit puyat ako from advance studying para sa nalalapit na pasukan, bumangon nalang din ako. 

 

 

Nagawi ang aking tingin sa orasan at bugtong hininga na lamang. 6:00 pa lang ng umaga. Balak ko pa naman matulog buong araw. Final na ba Aling Marites, hindi ba pwedeng mamaya mo nalang pagbayuhin ng pader yang mga alagad mo? 

 

 

Makapag hilamos nga muna

 

 

Maga nanaman...

 

 

Mabilis lang din akong naghilamos at nagpalit muna ng damit. Since wala naman talaga akong Agenda for today, maglalakad lakad nalang muna ako sa labas. Maganda sana 'yung araw kung hindi lang bayo nang bayo mga alagad ni Aling Marites sa dingding eh. 

 

 

Habang nila-lock ko ang pintuan sa unit ko, napansin kong palapit nang palapit si Aling Marites sa akin.

 

 

Nako talaga Aling Mars, nagdidilim ang surroundings ko nako ka talaga wala ka man lang notice na babayo ka diyan.

 

 

"Uy ne, pasensya ka na ha at hindi kita nasabihan na may mag-aayos nitong kabilang unit. Sa Lunes pa sana magkukumpuni kaso nagpasabi 'yung bagong lilipat na ngayong umaga ang dating niya" Ay kasalanan naman pala nung lilipat. Sorry Aling Marites, Mag Mars na ulit tayo. Go, go, go bayo lang nang bayo mga kuya.

 

 

"Okay lang ho Aling Mars, maaga rin  naman ho ako nagising. Sino ho ba ang bagong lilipat diyan?" More like sinong hayop ang lilipat diyan at hindi man lang nirespeto ang oras ng ibang tao.

 

 

"Ikaw ha, may pagka-marites ka rin ha" Nako Aling Mars nagdidilim ulit  paningin ko sayo. Pero yes cure use ako bakit ba, baka mamaya masamang loob ang lumipat diyan agrabyado pa ako. Dulong unit kasi ang nakuha ko, malaking space at medyo isolated ayun nga lang isolated katabi 'tong unit na kinukumpuni. Kaya hindi ko rin maiwasang magtanong, ayaw ko ng problema sa future no, super stressedt ang girly niyo sa acads.

 

 

Pilit nalang akong napangiti kay Aling Mars nang muling bumuka ang bibig niya,

 

 

"Ang pagkakaalam ko ay taga probinsya ang lilipat at kaninang madaling araw pa raw nakaalis, 'yung nanay kasi 'yung kausap ko sa telepono. Kasing edaran mo ata neng, huwag ka mag-alala at hindi naman ako kukuha ng tenant na makakadisgrasya rito sa atin. At balita ko kapareho mo ata ng Unibersidad." Excited na pagkakasabi ni Aling Mars, Nako aling Mars baka aswang 'yan sinasabi ko talaga sa'yo. Hindi ba't nakakatakot bumyahe nang sobrang dilim sa probinsya...

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
httpaikie
Next Wednesday na ulit ang update mga bakla! Enjoy reading ʕ·ᴥ·ʔ/

Comments

You must be logged in to comment
cherrynuts #1
Chapter 4: nakakatawa yung mga hanash ni Karina 😭😭
shiro11 #2
Chapter 3: Yung internal monologues 😭😭😭 ang benta hahahahah
taytaysbetty
#3
Chapter 3: Hoy, bet! Ang funny nila, especially yung mga internal monologues. 😭
abcde_fghijk #4
Chapter 3: HAHAHAHAHAHAH ang funny ni karina dito jusko pero
abcde_fghijk #5
Chapter 2: Nyahahajahja gagu ang funny bat naman ginanon so ante winter 😭
Misakmj
#6
Chapter 2: Sinampal ba naman 😭
Jaeeeeee_
207 streak #7
Chapter 2: Huy hahahahaha 🤣 bat nanakit 🤣 ang lala ng overthinkings mo mare haha
cleofierayne 12 streak #8
Chapter 2: WAHAHAHAHAHGAGI WIN NASAMPAL MO SI KARINAAAAAAAA BARDAGULAN NAAAAA
AhnWony
#9
Chapter 2: ang kulit HAHAH mukang mag gagaguhan lang silang dalawa e. looking forward sa next chapter
crimson_snow #10
Chapter 1: Looks interesting and I love yung dynamics ng family ni K. I have a feeling though na hindi iyak yung naririnig ni K sa foreword 👀