yakap

Yakap sa Dilim
Please Subscribe to read the full chapter
Np: Yakap sa Dilim- Orange and Lemons   Winter.

 

Malalim na ang gabi nang matapos namin ang aming final plate. Kung sa normal na sitwasyon baka hindi na kami matulog at magkwentuhan na lamang dahil sanay naman kami sa puyatan, isa yata ito sa requirement pagpasok mo sa architecture. 

 

Sa pagod at ngalay na rin sa ilang araw na pagguhit, paggupit, at pagkapit ng mga papel para mabuo itong scale model ay deserve namin ang tulog ngayong gabi. Pagkaligpit ng gamit at pagkatapos maglinis ng katawan ay isa-isa nang humanap nang puwesto sa higaan ang mga kagrupo ko.

 

Kakasya kaya kaming lahat? 

 

Hindi naman sobrang liit ng tutulugan namin, sadyang nagmukha lang itong masikip para sa walong katao sa loob. Tila magmumukha kaming sardinas ngayon. Kailangan ko na lang makahanap ng puwesto at mga unan para makatulog ako. Hindi talaga ako sanay sa masikip na higaan dahil mahilig akong humilata o kaya ay matulog na may kayakap na unan.

 

Iyon na nga, dalawa na lamang ang natitirang unan. Nilibot ko ang tingin sa buong kwarto. Tulog na ang karamihan at tanging natitira na lamang ay ako at si Kat — ang may- ari ng kwarto. Bumalik ang tingin ko sa mga unan na nakalagay sa maliit na espasyo sa gilid.

 

Hindi ko alam kung paano kami kakasya liit ng natirang lugar na hihigaan at kung paano ako makakatulog sa iisang unan na mayroon ako.

 

Wala naman siguro masama kung humingi pa ako ng extra unan. Pero nahihiya ako magtanong, hindi naman kami close nito.

 

Bahala na nga, kesa naman hindi ako makatulog. Bahagya akong lumapit sa lamesa na nililigpit niya.

 

“Uhh-”  Napalingon naman agad siya.

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
karomi1
i was thinking of making this a oneshot compilation, should i do it?

Comments

You must be logged in to comment
wintzkie #1
Chapter 1: Naol niyayakap kahit di close 😏
jysowee
#2
Aww bitinnn
beeyanca #3
Chapter 1: Cute and yes make it into a oneshot compilation and sana fluff fluff lang tayo
jimin_jeong_ #4
Chapter 1: Wow ang speed hahaha! Naol may kayakapan na classmate 😔