Iguana

Peanutventures
Please log in to read the full chapter

Lahat naman siguro may hinahangaan at si Wendy 'yung tipo ng fangirl na kapag nabalitaan na magco-concert ang paborito niyang artist, talagang pupuntahan niya umulan man o umaraw.

 

Tahimik lang na umiidlip si Irene dahil katatapos niya lang linisin kotse niya, pero ang nasabing pahinga nabulabog dahil sa sigaw ng Bumbum niya mula sa second floor ng bahay nila.

"Ahhh!!! Oh my god!!!"

Bumukas mga mata ni Irene at agad tumakbo paakyat dahil sa panic na baka kung ano nangyari kay Wendy, "Bumbum, bakit? Ano nangyari?!"

"'Yung Cake Gurlz pupunta dito!!!"

Napa-hingang malalim si Irene, nag-panic pala siya para lang sa mga babae ni Wendy, "Ah okay."

"I need to see them!!! VIP dapat ako front row!!!"

Medyo naaalog eardrums ni Irene dahil ang ingay ng shrieks at kilig ng jusawa niya, "Okay, have fun."

"Hindi mo 'ko sasamahan?"

"I don't even listen to their music."

"Talagang 'di mo 'ko sasamahan?"

"Hatid na lang kita sa venue tapos hintayin kita." Wala naman kasi amor si Irene sa mga arti-artista na 'yan.

"Che! Edi 'wag."

 

Simula nung na-announce ang Cake Gurlz concert na 'yan, wala nang binukambibig si Wendy kundi sila kaya sobrang informed na informed si Irene kahit against her will, pero okay lang. Natutuwa na rin siya makitang sobrang saya ng Bumbum niya.

"Ticketing na bukas Bunbun."

"What time?"

"12 P.M."

"Ah okay. Tanghali pa naman pala."

"Anong tanghali pa? Aalis na 'ko ngayon para pumila sa mall. Pwede naman online pero I learned my lesson na."

"What?!" Kaya pala bihis na bihis ang Bumbum niya lalarga na, "It's only five in the afternoon at bukas pa ang ticketing."

"Oo nga. Tsk, talagang wala kang alam sa kalakaran ng fangirling."

"You're crazy. Para lang sa mga babae na 'yan?"

At nagsalubong kilay ni Wendy, "Just because hindi tayo pareho pwede mo na 'kong sabihan niyan. Ikaw nga kung gastusan at pag-aksayahan ng oras sila Lexi at Fuzzy ganon na lang, pero pinigilan ba kita?!"

Napakamot na lang sa ulo si Irene at yumakap sa Bumbum niyang umuusok tenga sa galit. Siya rin lesson learned, 'wag i-bash ang mga babae ni Wendy dahil mag-aaway sila. "Sorry na, sorry na. Sige na, sasamahan na kita sa mall. May bibilhin din naman ako."

"Kainis ka!"

 

Habang naghihintay sila sa pila ng naglilista, patingin-tingin si Irene sa mga dumarating. Talagang iba't ibang klase ng tao na hindi mo masasabi na nakikinig pala sa limang babae na kumakanta ng banana ang mga 'to.

"Next na po."

"Hello!" Bati ni Wendy sa babae saka sinulat pangalan niya sa papel at binigyan naman siya nito ng queuing number na 12. "Shocks tingnan mo pang-twelve na ako."

"C'mon, Bumbum. Dito na tayo kumain tsaka tayo umuwi."

"Hindi ako uuwi."

"What?" Ito na naman jusawa niyang hindi niya maintindihan.

"Magca-camping ako, ano ba? Hindi pwede umalis sa pila kasi mapupunta ako sa dulo." Kamot ulo na naman si Irene at walang na-react dahil pinandidilatan siya ng jusawa niya, "Oh ano? May sasabihin ka ba?"

"W-Wala, wala. Tara kumain na muna tayo."

 

"Maiiwan ka talaga dito?"

"Oo." Walang ano man na sabi ni Wendy habang sinisipsip ang milktea niya.

"Paano 'pag nagsara na 'tong mall? Saan na kayo pupunta?"

"Edi sa labas, duh." Weirdong-weirdo na talaga si Irene sa kalakaran na 'to, pero no comment na lang. Pero kahit no comment, kabisado na ni Wendy galaw ng jusawa niyang basher, "Umuwi ka na nga lang, naiirita 'ko sa'yo ngayon."

 

Kailangan din naman umuwi ni Irene para pakainin si Chanel kaya kahit medyo naaalangan siya na iwan si Wendy na nabubwisit sa kanya, nagpasiya siyang umuwi na.

"Okay ka lang ba talaga dito?" Alas-nuwebe na ng gabi at nagsasara na 'yung mall. 

"Oo nga, ang kulit mo naman eh. Tsaka may mga kasama akong group ng campers. Ayun oh palabas na sila."

Niyakap niya si Wendy at hinalikan sa noo, "Okay, update mo na lang ako."

"Oo na, oo na. Umuwi ka na." Tinulak niya pa palayo si Irene at naglakad na palayo.

 

Ang totoo kaya lang naman umiral ang pag-attitude ni Wendy kasi ayaw siya samahan ni Irene. Wala naman sa kanya kung isipin ni Irene na kesyo ang corny or whatever ang pagiging fangirl kasi hindi naman siya ganon, pero nai-inggit talaga siya sa ibang mag-jowa na kahit hindi naman kilala 'yung pupuntahan na con, sasamahan pa rin ng partner ang fangirl jowa nila out of love tapos itong jusawa niyang nanggigigil talaga siya, ni hindi man lang makaramdam. Buti pa si Rico Blanco sinamahan si Maris sa last con ng Cake Gurlz, malay ba ng hotdog na 'yon sino si Mama Mary. 

 

*Pak

Dahil nga nasa labas sila ng mall, nag-stay silang grupo sa labas ng malapit na convenience store. Nilalamok na si Wendy at 'yung edad niya medyo antukin na talaga 'di tulad ng ibang mas bata na kasama niya na tuloy-tuloy lang ang chika kahit alas dose na. Habang pumapatay ng mga lamok na dumadapo sa kanya, nakita niyang dumating ang kotse ni Irene at nag-park ito sa harap nila. Hindi niya inaasahan kaya napatayo siya bigla para lapitan ang jusawa niya.

"Anong ginagawa mo dito?"

"I can't sleep nang hindi ka kasama and I figured na dalhan ka ng food and clothes, baka kasi kailangan mo."

Ang sweet ng Bunbun niya, pero attitude pa rin siya, "Okay."

"Wala man lang kiss or thank you?"

Ngumingiti na si Wendy, pero pinigilan niya saka binuksan ang pinto, "Magpapalit muna ako sa loob."

Sumakay sila parehas sa backseat at sobrang miss na miss ng pwet ni Wendy ang umupo sa malambot. Habang nagbibihis, nagsalita si Irene, "I'm sorry." 

"Ba't ka nagso-sorry?"

"For being an sa fangirl stuff mo. Ngayon ko lang na-realize kung gaano ka...ka-willing to do all this dahil sa pagmamahal mo sa kanila, parang mas mahal mo pa nga sila kaysa sa'kin...anyway, I'm really sorry sa inaarte ko when you're talking about them."

"Apology accepted."

"So pwede na ba ako makatanggap ng kiss?"

"No." Nakangiting sabi ni Wendy kaya umirap naman si Irene na niyakap niya bigla, "Char lang. I love you."

 

Nag-kiss naman sila at dahil alas dose pa lang at mamaya pa roll

Please log in to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
wwintersnowy
#1
❤️❤️❤️
SEEKER_
#2
Chapter 10: Naalala ko struggles ko nung ticketing. In my case naman kasi overconfident ako na makakakuha ako ng ticket since nakakuha ako nung sa NCT online kaya di na ko pumila sa r to v. Malay ko ba na ganon kabilis magsosold out tickets ng R to V. Sumali pa ko sa telegram nagbabakasakaling may magbenta. Turns out na makakabili ako sa mismong ticketing booth sa Moa. Ang agenda ko lang talaga nung araw na yon ay kumuha ng freebies since tanggap ko na di ko na sila mapapanuod. Ang epic lang yung kapatid ko naghanap ng way para makanuod ako. Anyway, can't relate sa jowa pero if ever ang saya siguro kasama bf/gf mo sa con no? Ikaw ba otornim kasama mo bf/gf mo nung r to v??? Tangina sana ol?

Ang sad lang na di ako nakakuha nung banner ni aqua mood ata yon non tapos karamihan ng Wendy and Irene freebies ubos na like akala ko ba konti lang seekers sa pinas???
mklarisse_ #3
Chapter 10: the title AHSHS unang basa palang gets ko na agad yung reference sobrang funny ng bakit may baklaan part 😭 ganda ng chap real na real sa ganap ng fangirls. timing ng update nito kasi sasama rin ako sa con like irene para happy ang bebe 😭😭 naiimagine ko na ang pagpalit sakin for 2 hrs AHSHDH THANKS SA UPDATE AUTHORNIMMM
hyehye29
#4
Chapter 10: uy na-miss ko 'tong magjusawang 'twoh hahahahaha natawa naman ako sa pa-ga na need bumili ng coffee ang haba ng pila don teh jusq stress na stress na ang barista at cashier chz
wenrene paawat naman kayo sa parking lot pa nga ng moa HAHAHAHAHA
SEEKER_
#5
Chapter 9: Napanuod ko yung video na yon and medyo nakakatawa na nakakakilig like girl ang haba naman ng buhok mo. Salamat sa mahabang buhok ni Wendy hahahaha. What if nakuhaan sila ng video tas nag viral wenrene eme hahaha. Ngatog sa kaharutan yang WR dito sa chapter na to
mklarisse_ #6
Chapter 9: ang cute 😭 naalala ko yung nag viral na clip na nagtatampong girl tas umuulan hinahabol siya nung jowa niya na nasa motor 😭 tas binuhat siya ni jowa tanggal toyo AHSHDH. super cute chap namiss ko ang mag jusawa na to 🥹 love the umbrella reference na dream ni wannie
Wanni_2921
#7
Chapter 9: Hahaha🤣
mklarisse_ #8
Chapter 7: Skit pala yung dulo 😭😭😭 DI KO KAYA DJDJD YOUR MINDDD
hyehye29
#9
Chapter 9: grabeng toyo naman yan wendy baka adobo na naman ulam niyo niyan ha chareng hahahahaha
hyehye29
#10
Chapter 9: uy may update 🤩