Peanut Little

Peanutventures
Please log in to read the full chapter

Kapag medyo matagal na kayo sa relasyon, sometimes it gets boring. 'Yung family day na inilalaan para lumabas, nagiging sleep all day date na lang o 'di kaya naman nagiging doing the household chores date hanggang sa makatulugan na lang isa't isa. Pero okay lang naman, happy pa rin naman ang mag-jusawa sa live in life nila, 'yun nga lang parang minsan may kulang.

 

Nakahilata lang naman si Irene sa sala, pagod na pagod kakalinis ng bahay samantalang si Wendy pa-upo pa lang at kakatapos lang magluto ng lunch nila.

"Hoy, natapos mo na ba linisin 'yung guest room?"

'Yung mga pet names na ubod ng tamis, nagiging hoy na lang kung minsan.

"'Wag na, wala naman natutulog don." Pagod na talaga si Irene, hindi niya naman maasahan si Wendy sa gawaing bahay dahil hindi marunong humawak ng walis at mop.

"Tsk, baka may biglang dumating na bisita ano gagawin natin?"

"Ugh, mamaya na okay? Sakit sakit na ng katawan ko. Hug mo naman ako pang-replenish energy." Itinaas ni Irene ang dalawang braso para lapitan siya ni Wendy.

"Ew, pawis na pawis ka kaya."

"Wow ha? Parang dati kung amuy-amuyin mo kili-kili ko ganon na lang."

"Noon 'yon, ew." Hinablot siya bigla ni Irene at tuluyang niyakap at pinaulanan ng mga halik, "Ireneeee! Kadiri! Ang lagkit mo!!"

Ayon, tawa-tawa lang sila sa sofa at pagtapos, napasandal na lang sila sa isa't isa dahil biglang tahimik.

"Kain na tayo?"

"Tara."

 

"Nachos, nachos kayo diyan." Ibinaba ni Seulgi ang platter ng chicha sa table nila. Nag-cheers pa ang magku-kumare dahil ngayon lang ulit sila nagkita-kita sa Seulaire. "Guys, I have an important announcement pala."

"Straight ka?" Banat ni Joy.

"Kung ikaw lang natitirang babae sa mundo, oo."

"Leche ka! Ano ba 'yan announcement mo?"

"Jowa ko na 'yung sinoft launch ko last week."

"Kaya pala laging busy, may pinagkaka-busyhan na." Sumubo si Yeri ng nachos na tumapon pa sa side ni Wendy, "Ano pangalan, 'Te Seul?"

"Sunmi."

"Congrats, Seul, baka naman pwedeng ikaw na ang mag-share ngayon? Lagi na lang pusa ko topic." Napabuntong hininga si Wendy habang umiinom ng cocktail.

"Mag-share sana ako, pero speaking of pusa, mauuna na pala ako umuwi. Kailangan ko nga pala dalhin sa vet 'yung mga pusa ko." 

"Ang cute 'no? Puro L kayo sa bahay niyo."

"Anong L?"

"Lulu, Lala at ang Libog na Lesbyana."

"Tangina mo talaga Joy, mawalan ka sana ng libog sa katawan." Tumayo na si Seulgi at nagpagpag ng kamay.

"Hindi mangyayari 'yon!"

"Gaga! Sige mga pokpok, ingat kayo sa pag-uwi."

 

Scroll scroll lang naman si Wendy sa cellphone niya at napahinto sa kaka-post lang ni Seulgi na picture kasama mga alaga niyang pusa. Nag-heart react pa siya at lumabas tuloy sa algorithm ng timeline niya mga post about sa pusa.

Kumapit si Irene sa bewang niya at hinimas ang balat niya sa ilalim ng t-shirt, "Bum, mamaya na 'yan."

"Wait lang." Naka-kunot pa noo ni Wendy dahil sobrang focused siya sa pinapanood na cat videos. Minsan naiisip niya: what if mag-alaga sila ng pet para naman magkaroon ng buhay 'yung bahay nila? Hindi naman sa nakakasawa presensya nilang mag-jusawa, pero iba kasi 'yung nagagawa ng pets sa buhay. Pinapapak na ni Irene leeg niya nang bigla siyang nagsalita, "Bunbun, gusto ko ng pusa."

Heto na naman si Irene, tuwing si Wendy ang may gusto umibabaw, kabado siya bente, "S-Sure." Bumangon siya nang bahagya sa kama para hubarin ang shorts, pero bigla siyang sinamaan ng tingin ni Wendy.

"Bunbun, anong ginagawa mo?"

"Sabi mo gusto mo ng pusa?"

"Pusang gala naman! Pusang literal kasi! Aish!"

Kamot ulo na naman si Irene, "Ayoko ng pusa, Bum."

"Huh? Bakit naman? Allergic ka ba?"

"We don't even have that much time para sa mga sarili natin tapos mag-aalaga ka pa ng pusa." And knowing Wendy, si Irene at si Irene lang ang mag-aalaga eventually dahil takaw tingin palagi 'yan jusawa niya tapos iiwan sa kanya responsibilidad.

Humaba na naman nguso ni Wendy, "Ehhhh sige na pleaseeeee."

"No." Desididong sabi ni Irene at bago niya pa mahalikan ulit si Wendy, tinalikuran siya nito sa kama para hindi na makipag-cooperate sa y time nila. "Bumbum naman."

"Heh! Balakajan."

 

Akala ni Irene end of conversation na 'yon, pero nagkakamali pala siya. Talagang 'di siya tinatantanan ni Wendy.

 

Exhibit A:

Tahimik lang si Irene na nagluluto ng turon at biglang gulat sa arangas ng cellphone ni Wendy habang naghihintay sa mesa. Nanonood ng cat videos ang jusawa niya at kabisadong-kabisado niya na 'tong galawan na 'to kaya pinatay niya na ang kalan, naghain ng pagkain ni Wendy at sinabayan niya ng alis para maligo.


Exhibit B:

Bihira sumama si Irene sa Seulaire dahil siyempre, time 'yon ni Wendy sa sarili at ayaw niya naman maging that nakakairitang jowa na nakabuntot palagi sa lakad ng girlfriend with her friends. Pero the one time na pinilit siya sumama ni Wendy, may hidden agenda pala.

Magkahawak sila ng kamay na naglalakad papunta sa table ng PPG. Ilang hakbang pa tsaka niya lang naaninag ang nangyayari at mukhang nagkamali siya sa pag-payag na sumama sa chismisan ng mga amiga ng jusawa niya.

"Hello hello!" Bati ni Yeri na kumakaway gamit ang paa ni Totori.

"Haetnim, say hi sa mga Ninang mong bading." Tumahol ang aso ni Joy.

'Yung mga pusa naman ni Seulgi nasa stroller, nakatitig lang sa kanila, "Oh ba't ngayon lang kayo?"

"Bagal ni Bunbun gumayak." Hinatak ni Wendy si Irene at umupo na sila.

"Anong meron bakit kayo may dalang pets?" Tanong ni Irene.

"It's 'Bring Your Pet Day' today." Sabi ni Seulgi at napatingin na lang si Irene sa jusawa niyang tahimik na umiinom ng cocktail habang n

Please log in to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
wwintersnowy
#1
❤️❤️❤️
SEEKER_
#2
Chapter 10: Naalala ko struggles ko nung ticketing. In my case naman kasi overconfident ako na makakakuha ako ng ticket since nakakuha ako nung sa NCT online kaya di na ko pumila sa r to v. Malay ko ba na ganon kabilis magsosold out tickets ng R to V. Sumali pa ko sa telegram nagbabakasakaling may magbenta. Turns out na makakabili ako sa mismong ticketing booth sa Moa. Ang agenda ko lang talaga nung araw na yon ay kumuha ng freebies since tanggap ko na di ko na sila mapapanuod. Ang epic lang yung kapatid ko naghanap ng way para makanuod ako. Anyway, can't relate sa jowa pero if ever ang saya siguro kasama bf/gf mo sa con no? Ikaw ba otornim kasama mo bf/gf mo nung r to v??? Tangina sana ol?

Ang sad lang na di ako nakakuha nung banner ni aqua mood ata yon non tapos karamihan ng Wendy and Irene freebies ubos na like akala ko ba konti lang seekers sa pinas???
mklarisse_ #3
Chapter 10: the title AHSHS unang basa palang gets ko na agad yung reference sobrang funny ng bakit may baklaan part 😭 ganda ng chap real na real sa ganap ng fangirls. timing ng update nito kasi sasama rin ako sa con like irene para happy ang bebe 😭😭 naiimagine ko na ang pagpalit sakin for 2 hrs AHSHDH THANKS SA UPDATE AUTHORNIMMM
hyehye29
#4
Chapter 10: uy na-miss ko 'tong magjusawang 'twoh hahahahaha natawa naman ako sa pa-ga na need bumili ng coffee ang haba ng pila don teh jusq stress na stress na ang barista at cashier chz
wenrene paawat naman kayo sa parking lot pa nga ng moa HAHAHAHAHA
SEEKER_
#5
Chapter 9: Napanuod ko yung video na yon and medyo nakakatawa na nakakakilig like girl ang haba naman ng buhok mo. Salamat sa mahabang buhok ni Wendy hahahaha. What if nakuhaan sila ng video tas nag viral wenrene eme hahaha. Ngatog sa kaharutan yang WR dito sa chapter na to
mklarisse_ #6
Chapter 9: ang cute 😭 naalala ko yung nag viral na clip na nagtatampong girl tas umuulan hinahabol siya nung jowa niya na nasa motor 😭 tas binuhat siya ni jowa tanggal toyo AHSHDH. super cute chap namiss ko ang mag jusawa na to 🥹 love the umbrella reference na dream ni wannie
Wanni_2921
#7
Chapter 9: Hahaha🤣
mklarisse_ #8
Chapter 7: Skit pala yung dulo 😭😭😭 DI KO KAYA DJDJD YOUR MINDDD
hyehye29
#9
Chapter 9: grabeng toyo naman yan wendy baka adobo na naman ulam niyo niyan ha chareng hahahahaha
hyehye29
#10
Chapter 9: uy may update 🤩