Chapter 9

Beyond First Impressions
Please Subscribe to read the full chapter

 

Gusto na agad ni Winter matapos ang linggong ‘to. Wala pa kasi siyang matinong tulog simula pa nung lunes. At times like this, lagi na lang siyang napapaisip kung bakit ito pa ang kinuha niyang course pero everytime na maiisip niya ‘yon ay bigla niyang nakikita sa isip niya ang ate Rosé niya na mas kulang ang tulog kaysa sa kanya. 

 

Nandoon kasi nakapwesto sa sala yung mga study tables nila kaya kapag may gagawin silang school works ay doon na sila sa sala gumagawa. Kaya kapag medyo hindi na ni Winter kinakaya ang antok ay umiidlip muna siya saglit sa kwarto at naiiwan sa sala si Rosé. Hanggang sa gumising na naman si Winter para ituloy ang pagrereview ay nandoon pa rin si Rosé. Minsan ay nilulutuan na ito ni Jennie ng pagkain dahil nalilimutan na nito pati kumain. 

 

“Two days na lang, malapit na rin ‘tong matapos,” pagod na pagod na sabi ni Giselle at ibinagsak ang ulo sa armchair. Kakatapos lang nila mag-exam para sa isang minor subject.

 

Katulad ng ginawa ni Giselle ay iginaya rin ni Winter ang ulo niya sa upuan at pumikit. Pagod na rin siya pero may isa pa silang subject mamayang hapon. Hindi pa rin tapos ni Winter i-review yung next subject pero meron pa naman silang 4 hours para magpahinga ng mga utak.

 

“After talaga nito dapat kumain tayo sa labas kasi deserve natin,” mahina pa niyang dagdag. “Nakapagreview ka na ba Winter para mamaya?”

 

Umiling si Winter. “Hindi ko pa tapos yung last two lessons.”

 

“Ako nga wala pang nasisimulan.”

 

Nakaupo lang silang dalawa ngayon sa loob ng classroom habang hinihintay nilang makalabas yung iba nilang mga blockmates. Wala naman na kasi silang gagawin ngayong umaga after ng last na exam nila kaya umaalis na yung iba at saka na lang sila babalik mamayang hapon. 

 

Wala namang balak umalis ni Winter ng campus kaya nandito muna siya sa loob ng classroom at nagpapalamig sa aircon bago sila palabasin mamaya. May mga ibang blocks rin kasi na gagamit ng room na ‘to dahil sa exams. 

 

“Gusto niyo itlog?”

 

Lumapit si Karina sa kanila habang may hawak na supot ng itlog-pugo.

 

Tiningnan ‘yon ni Winter.

 

“Walang lason ‘yan,” tawa ni Karina at saka inilapit yung hawak kay Giselle na bumangon na ngayon. Nauna na siyang kumuha kay Winter. 

 

Bumalik naman si Karina sa harap niya at inalok yung hawak niyang itlog pugo kaya kumuha na rin si Winter. 

 

“Thanks.”

 

“Samgy daw po tayo sabi ni Yunjin! Libre niya!”

 

Nagawi ang tingin ni Winter doon sa harap kung saan galing yung nagsalita. Hinampas nung isang babae yung babae na nag-announce. 

 

“Si Kazuha daw po yung manlilibre,” sabi ni Yunjin. 

 

Winter looked at the both of them. Nakakumpol kasi sila sa mga upuan. Sila yung mga kaibigan ni Karina. Mula sa mga upuan nila ay nakapatong doon yung mga pagkain. May nakita rin si Winter na itlog pugo doon. So that’s why may hawak na ganon kanina si Karina. Galing siguro sa kanila. 

 

“Haechan ano ba?!” 

 

Napalingon si Winter sa isa na namang nagsalita. Mula sa katabing upuan nila Yunjin ay nandoon si Haechan at tinatago yung phone na hawak ni Sakura kaya pinanood ni Winter kung paano nito sabunutan yung lalaki. 

 

Sa kabilang gilid naman ay extended pa rin yung squad nila sa mga nagfi-film ng tiktok video sa may bintana. Doon ni Winter nakita si Karina kasama nung dalawa pa nilang blockmates. Sa pagkakatanda ni Winter ay ito si Gaeul at Jisung.

 

Ang chill lang nilang tingnan kung ico-compare kay Winter at Giselle na akala mo nakipaglaban sa digmaan ang itsura. Hindi naman si Winter mali doon dahil nakikita niya yung mga magkakaibigan kanina na pasimpleng tumitingin sa papel ng isa’t isa habang on-going ang exam. Napaka-unfair lang kung tutuusin compared sa mga estudyanteng sinakripisyo yung tulog para makapagreview. Isa sa mga estudyanteng ‘yon si Winter. 

 

Napatingin si Winter kay Karina na masayang sumasayaw kasama nila. Hindi ni Karina katabi yung mga kaibigan niya kaninang nageexam sila dahil si Giselle ang katabi nito so Winter knows hindi siya kasama doon sa mga nangongopya. Alam naman ng mga blockmates niya kung paano nagwowork yung squad na ‘yon. Ang hindi lang niya alam ay kung bakit hindi pa ito nakakarating sa mga prof. Siuro dahil na rin sa sila yung parang nagte-take over sa section 1C. Galing kasi sa kanilang magkakaibigan yung mayor at vice mayor nila eh.

 

Hindi namalayan ni Winter na napapatagal na pala ang tingin niya sa kanila nang may lumapit sa kanya na dalawang babae. Tumingala si Winter dahil nakaupo siya at nakatayo yung dalawa. Maging si Giselle rin ay napansin yung dalawa.

 

“Hi Winter,” bati nung dalawa sa kanya.

 

“Hello..?”

 

“Winter pwede pakopya mamaya,” sabi nung isa.

 

Ay ang taray.

 

Iniisip pa nga lang ni Winter yung pagiging unfair ng pangongopya tapos may biglang lalapit sa kanya na nagfi-feeling close sa kanya na pakopyahin sila. Palibhasa kasi alam nila na masipag na estudyante si Winter.

 

Pilit na ngumiti si Winter kasi parang walang balak umalis yung dalawa kapag hindi siya nagsalita. “Ay, hindi ko pa ‘yun nare-review eh.”

 

“Ikaw pa ba? Baka Winter ‘yan.”

 

“May four hours pa naman tayo kaya natin ‘yon reviewhin,” sabi na lang niya. Buti na lang at umalis na rin sila. Meron ring mangilan-ngilan na nakarinig ng usapan nila kaya may mga sumunod ang tingin sa kanila nung umalis sila. 

 

“Teh akala ko ba konti na lang hindi mo nare-review do’n?” tanong sa kanya ni Giselle nung nakaalis na sila. Halatang nang-aasar yung tono.

 

“Shh,” itinaas ni Winter ang hintuturo sa kanyang labi na tinawanan ni Giselle. 

 

Giselle sighed. “Buti na lang tinakwil na nila Kazuha yung dalawang ‘yon.”

 

“Tinakwil talaga yung word?”

 

“Same thought na rin ‘yon. Mas malala yung dalawang ‘yon kaysa sa squad nila eh.”

 

“Sabagay.”

 

May mga usap-usapan kasi dati na nagplagiarize yung dalawang ‘yon ng mga sagot sa essay. There was also a time na nahuli sila ni Winter nung 1st sem na nagpapalit ng sagot habang chine-check na nila yung exam papers so they can get a high score. Napakagaling. Buti na lang at nalaman rin ‘yon ng prof nila kaya nalaman ‘yon ng buong klase dahil pinagsabihan sila.

 

“It’s a good thing hindi pa nahahawa sa kanila si Karina,” sabi ni Winter. 

 

“She won’t do that,” mahinang sabi ni Giselle. Lumingon sa kanya si Winter habang nakatingin si Giselle kung nasaan sila Karina. “Kahit naman maging close si Karina sa kanila, I know for sure she wouldn’t do those things. Alam naman niya kung ano ang tama at mali.”

 

“What if she did?”

 

“Edi friendship over na kami,” tumawa si Giselle. “Buti nga pinagalitan mo siya tungkol sa pag-neglect niya sa pairings niyo noon. If you only knew how much work I put into convincing her na ayusin naman niya yung pag-aaral niya kasi hindi naman siya ganyan dati. Deans lister pa nga si teh.”

 

“What made her change ba?” Winter asked. She glanced at Karina across the room at saktong napatingin naman sa pwesto nila si Ka

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Niceeuu
i think malapit na rin to matapos

Comments

You must be logged in to comment
calandeean #1
Chapter 25: finally!
Wemon_ #2
Chapter 25: naks may basbas😩😩
Wemon_ #3
Chapter 24: HAHAHAHAHAHA namitas ng dahon ng malunggay😭😭
Wemon_ #4
Chapter 22: hahahahaha gagi hinabol pa nga ng aso
Wemon_ #5
Chapter 21: awwww:(((
Wemon_ #6
Chapter 20: aye naway lahat
Wemon_ #7
Chapter 18: oms, pass sa friends lang
Wemon_ #8
Chapter 17: 😩😩😩
jushshhh #9
Chapter 25: wow naman 🥦🟩🌲♻️🟢🟩☘️
jushshhh #10
Chapter 24: (pwede nang sagutin) real