Chapter 23

Beyond First Impressions
Please Subscribe to read the full chapter


 

“Meron pa akong tanong.”

 

“Ang layo na ng nalakad natin tapos ngayon ka pa magtatanong.”

 

“Sige hindi ko na tatanungin,” sagot ni Winter at mas binilisan maglakad.

 

“Joke lang naman pikon ka na naman,” natatawang saad ni Karina. “Hintayin mo ‘ko kundi iuuwi ko ‘tong mga grocery mo,” banta pa niya habang tinataas ang bitbit na supot. Hindi naman ‘yon pinansin ni Winter kasi alam niya sa sarili niya na hindi ‘yon gagawin ni Karina. Takot na lang talaga niya kapag inuwi talaga ‘yon ni Karina.

 

“Sige iuwi mo.”

 

“Joke lang nga!” sabi niya sabay habol ng lakad kay Winter. “Ano ba naman ‘tong mga binili mo ang bigat,” reklamo niya pa.

 

“Alam mo...” binagalan ni Winter ang lakad at saka lumingon kay Karina. “Curious talaga ako kung bakit kita nagustuhan.”

 

“Compliment ba ‘yan? Syempre ang ganda ko. Second, ang ganda ko. Third, ang ganda ko. Fourth angmmphh—” Tinakpan ni Winter ang bunganga ni Karina para patahimikin.

 

“Shut down ka na lang.”

 

“When we pull up you know it’s a shutdown~”

 

“Waley mo naman.”

 

“Parang ikaw,” tinuro siya ni Karina. “Welay.”

 

Winter faked a laugh habang tuwang-tuwa naman si Karina sa nasabi niya. Napapaisip na lang talaga si Winter kung anong pumapasok sa utak ni Karina at nakakapagsabi ito ng mga corny na jokes.

 

“Ewan ko sayo.”

 

“Ito na seryoso na,” Karina stopped laughing and maintained a serious face. “Ano ba itatanong mo?”

 

In-observe muna ni Winter kung biglang magjojoke itong si Karina pero mukhang seryoso naman na ito kaya tinuloy na niya yung itatanong niya sana kanina. Matagal na rin kasi niyang gusto itong malaman.

 

“Ang sudden lang kasi na biglang gusto mo na ako. Hindi naman sa ayoko pero curious lang ako. Do you have a certain standard when liking someone tapos pasok ako doon?”

 

“Hmm.” Karina started thinking. “Oo meron.”

 

“What is it?”

 

“Ako. I’m the standard,” she proudly stated.

 

“Seryoso nga kasi!”

 

Tuwang-tuwa lang naman si Karina sa naiinis nitong kasama.

 

“Cute mo.”

 

“Alam ko.”

 

“Grabe Welay tumatapang ka na.”

 

“Kanino ko kaya nakuha ‘yon?” Hamon ni Winter at tiningnan si Karina. Siguro nga nahawa na siya dito sa isa. Totoo nga talaga siguro na maa-adopt mo yung ugali ng isang tao kapag palagi kayong magkasama.

 

Naramdaman ni Winter na hinawakan ni Karina ang kamay niya. Karina held the plastic bags in her left hand while her right hand was holding Winter's.

 

“My standards are simple. Yung tao na kaya akong pangitiin, yung tao na kaya kong ipakita yung tunay kong sarili. Someone like you, Winter.”

 

“Okay.”

 

“How about you?”

 

“Secret.”

 

“Hoy sinabi ko na yung akin. Sabihin mo rin sa’yo!”

 

“Sabihin mo muna please master,” asar ni Winter.

 

“No way.”

 

“E ‘di hindi ko sasabihin.”

 

“Welay!”

 

“Ayoko nga kasi, Marie!” Nagsimula nang tumakbo si Winter habang sumunod ng habol sa kanya si Karina habang natatawa.




 

***




 

“Tapos na ba kayo kumain? Kunin ko na yung plato niyo.”

 

Agad namang inabot ni Winter kay Rosé ang plato niya. Sakto naman kasing tapos na rin siyang kumain. Umalis naman na sa pagkakaupo sa lamesa si Jennie at dumiretso ng upo sa sala. Sumunod rin sa kanya si Minju habang nagpaalam naman si Ryujin na babalik na raw sa kabilang bahay dahil inaantok na ito.

 

It was only the four of them.

 

Nanatili lang naman ng upo si Winter sa harap ng lamesa at nakatulalang pinapanood si Rosé na maghugas. 

 

Doon niya napansin yung tirang pagkain nila nang itinabi ito ni Rosé sa gilid ng lababo. Mukhang matatagalan pa si Rosé sa paghuhugas kaya tumayo na si Winter para kunin yung tirang pagkain. 

 

“Ate ipapakain mo ba ‘yan sa pusa?” tanong ni Winter pagkalapit niya.

 

“Ay oo para kay Precious ‘yan. Win, pwedeng ikaw na lang magbigay?”

 

“Okay.” Kinuha ni Winter yung plato at lumabas na para tawagin yung pusa.

 

As usual ay nakita na niyang naghihintay doon si Precious. Gusto pa sana niya itong lapitan pero masungit pa rin talaga ito hanggang ngayon. Wala man lang character development.

 

Kaya imbes na subukan ulit niyang lapitan ito ay kinuha na lang niya yung tupperware na nagsisilbing pagkainan nito at doon nilagay yung pagkain.

 

Lumayo ng konti si Winter kaya dahan-dahang lumapit yung pusa para kumain. Pero laking gulat na lang niya nang biglang may mga nagsilabasang pusa at nakikain rin kay Precious.

 

“Hala ano ‘yan, bakit may mga recruit kang pusa?” natatawa ngunit kinakabahang tanong ni Winter sa walang kamalay-malay na pusa. 

 

Kinakabahan siya kasi isang pusa lang naman ang pinapakain nila tapos ngayon, naging lima na. Baka next time maging isang barangay na.

 

"Ate Jennie, alam mo ba na marami na tayong pusa?" Sumilip si Winter mula sa pintuan.

 

"Bakit?" nagtatakang tanong ni Jennie at saka tumayo para tumingin sa labas. 

 

"Tingnan mo." Tinuro ni Winter yung mga pusang pinapakain niya.

 

"Oo nga ang dami na nila." Tapos lumingon siya kung nasaan si Rosé. "Sé ang dami mo nang pusa!"

 

"Shems ganito talaga siguro kapag ulirang ina ka, maraming maiinggit sa anak mo. Pati anak ng kapitbahay, makiki-nanay na sa'yo."

 

Confused looks were thrown at Rosé's direction nang sumagot ito. Halos wala naman siyang pakialam sa reaksyon ng mga kasama niya sa bahay at patuloy pa rin ang paghuhugas ng plato. Pakanta-kanta pa nga ito.

 

"Kapag nasanay yung mga pusa, ikaw yung magpapakain sa kanila ha."

 

"Go!"




 

***




 

Maaga pa lang pero gising na si Winter. Siya na naman ulit ang naunang magising sa mga ate niya. Nakaligo na siya nang nakita niyang lumabas ng kwarto si Jennie.

 

"Good morning," Jennie greeted in her morning voice, halatang kagigising pa lang. "May pasok ka?"

 

Napailing naman si Winter. "Wala po ate."

 

"Ah okay. May date?" Jennie asked and Winter almost immediately turned red.

 

"Wala po!"

 

Natawa naman si Jennie sa inasal ng housemate nila. Parang nawala na agad ang antok niya.

 

"Okay."

 

"May practice po kasi kami ngayon para sa P.E."

 

"Okay."

 

"Ire-record daw po kasi kaya need na namin i-polish."

 

Jennie giggled. "Okay."

 

Napasimangot si Winter. Inaasar ata siya ng ate Jennie niya. Hindi pa naman niya 'to nasasabi sa kanila pero baka nga nakwento na 'yon ng ate Rosé niya sa kaibigan niya. 

 

Buti na lang at hindi na ni Jennie tiuloy ang pang-aasar kay Winter at dumiretso na agad sa kusina. Narinig pa nga ni Winter ang mga kalabog ng kaldero. Parang may nahulog pa nga ata.

 

“Sorry!” Narinig niyang sinabi ni Jennie. 

 

Winter was just left there standing, at nakatingin sa direksyon kung nasaan si Jennie. 

 

Kapagkuwan ay nakita na siya ni Winter na bumalik ng kwarto at lumabas rin agad habang hawak ang isang supot ng pancit canton.

 

“Kumain ka na ba, Winter?”

 

Tumango si Winter. “Opo ate.”

 

“Sige, magluluto na lang ako ng pancit canton.”

 

Winter opened her phone to check the time. 

 

7:45 A.M.

 

Binuksan niya ulit yung GC nila.



 

P.E. Grp 4

 

Yunjin:

@everyone walang malelate bukas

8am sa centro

sent: Friday, 11:39 pm.

 

Haechan:

Dala kayo extra shirt kasi whole day tayo magpapractice

sent. Friday, 11:42 pm.

 

Yunjin:

padala po gunting @everyone

sent 7:35 am.



 

Nakakapanibago pa rin talaga ‘tong change na ‘to para kay Winter. Ginagawa na talaga nila Yunijn mga responsibilities nila before deadline. 

 

Anong nakain nila?

 

Dapat na bang kabahan si Winter?

 

Tiningnan ulit ni Winter ang oras. Ilang minuto na lang at eight o’clock na pero hindi pa rin siya nakakaalis sa kanila pero hindi naman siya nababahala.

 

Malapit lang kasi ang meeting place nila sa boarding house kaya hindi na niya kailangang umalis agad.

 

At isa pa ay napapaisip rin siya kung masusunod ba talaga yung oras na ‘yan. 

 

Winter has known some of her classmates' behavior since last semester dahil naka-block na niya yung iba rito. 

 

P.E. rin ang subject noon at per section ang performance na gagawin nila. Maaga si Winter na dumating noon dahil ang sabi sa GC nila ay maaga raw dapat para matapos agad pero walang sumunod sa call time. Ang naalala lang ni Winter na maaga rin katulad niya ay si Giselle.

 

So as much as Winter wants to go out now, baka siya pa lang yung unang dumating doon. 

 

“Hindi ka pa ba aalis, Winter?”

 

“Po?”

 

Naamoy na ni Winter yung familiar na aroma ng pancit canton and she saw Jennie walking with a plate in hand at dumiretso sa mesa. 

 

Pinili na lang ni Winter na maupo muna sa sofa nila. Maghihintay na lang siguro siya ng ilang minuto.

 

“Hindi pa ate. Wala pa kasi mga ka-group ko.”

 

“Aalis rin pala ako ngayon pero babalik rin ako mamayang tanghali. Ikaw ba?”

 

Winter shrugged. Hindi rin niya sure kung babalik pa ba siya rito mamaya para kumain o bumili na lang ng pagkain sa labas. 

 

“Hindi ko pa sure ate. Chat na lang ako mamaya.”

 

“Sige, yung tinola iluluto natin ‘di ba?”

 

“Oo ate.”

 

Binuksan ni Winter ang pinto sa bahay nila kanina kaya hindi na nagulat si Winter nang tuloy-tuloy nang pumasok dito si Minju.

 

“Hi, Winter,” bati nito sa kanya. May hawak itong isang kaldero.

 

“Ano ‘yan?” takang tanong ni Winter. Ngayon lang niya nakitang nagdala ng kaldero si Minju. Kadalasan kasi ay puro mangkok at plato lang ang buhat nito. What’s the meaning of this?

 

“Minju nandyan ka pala!” Maging si Jennie ay nagulat nang bigla inilapag ni Minju sa mesa yung bitbit niya. Winter chuckled at the scene before her.

 

“Gusto niyo ba ng bilo-bilo?” tanong ni Minju sa kanila.

 

Tumayo na rin si Winter para lumapit doon sa mesa. Binuksan ni Jennie yung kaldero kaya nakisilip rin si Winter. 

 

Meron ngang bilo-bilo doon.

 

“Nagluto kayo, Minju?” tanong ni Winter.

 

“Hindi, kagagaling lang ni mama dito tapos pinadalhan niya kami ni baks eh ang dami nito kaya ibibigay na lang namin sa inyo yung iba kaysa naman masayang. Gusto niyo ba ate?”

 

“Minju, hindi kami tumatanggi sa grasya,” pabirong sabi ni Jennie at saka kumuha na ng malinis na plato. Sumunod rin sa kanya si Winter. Nagutom rin kasi siya eh.

 

“What’s the commotion, everyone?”

 

Lumabas si Rosé mula sa kwarto nila. Gising na rin ito.

 

“OMG kayo guys. Hindi ko pa naman birthday pero nagprepare na agad kayo ng handa ko,” madramang sabi nito habang nakikisandok rin ng pagkain na dinala ng kapitbahay nila.

 

“Nasaan na pala ang magaling kong kapatid?” tanong pa niya.

 

“Nandyan sa kabilang bahay ate, kumakain. Tinatamad daw siyang pu

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Niceeuu
i think malapit na rin to matapos

Comments

You must be logged in to comment
calandeean #1
Chapter 25: finally!
Wemon_ #2
Chapter 25: naks may basbas😩😩
Wemon_ #3
Chapter 24: HAHAHAHAHAHA namitas ng dahon ng malunggay😭😭
Wemon_ #4
Chapter 22: hahahahaha gagi hinabol pa nga ng aso
Wemon_ #5
Chapter 21: awwww:(((
Wemon_ #6
Chapter 20: aye naway lahat
Wemon_ #7
Chapter 18: oms, pass sa friends lang
Wemon_ #8
Chapter 17: 😩😩😩
jushshhh #9
Chapter 25: wow naman 🥦🟩🌲♻️🟢🟩☘️
jushshhh #10
Chapter 24: (pwede nang sagutin) real