Chapter 3

Lights Above
Please Subscribe to read the full chapter

Hindi madali ang magbukas ng pinid na pinto.

Ngunit sa bawat pag-unawa na kaakibat ng panahon ay maaaring magtungo sa paghilom

Lumapit at tuklasin ang hinahanap na sagot.

 

  

 

Alliana

 

“Good bye, class. See you at our next meeting.”

 

Paglabas ng professor namin, most of the class followed suit while others remained and fixed their stuff. I put my binder notebook in my bag and tried to get my training bag before standing up.

 

I felt my phone vibrate from my pocket so I took it and checked my notifications.

 

New messages

2hrs ago

PX Yuwell to PX group chat: Guys, training later at 5:30pm ah. Please punta kayo.

 

1hr ago

Reminder: Training at Q Park, Today at 5:30pm

Reminder: Study for quiz tomorrow

Reminder: Business report deadline

 

10mins ago

X: Hey, A. Can we meet this week about that report? LMK when ka free. I’ll go to you.

PX EJ to PX group chat: Setting up. Dito kami sa may tapat ng grad school.

 

I stared at my phone. Ang daming nangyayari at slightly drained na ‘ko. Maybe the training later will help me get my mind off of things for a while.

 

“Oh, bakit nakasimangot ka naman dyan sa phone mo? Sinong kaaway mo?”

 

I glanced at Bree who was about to finish fixing her things. I heaved a sigh.

 

“Wala. Nagmessage lang si Axl if kailan daw kami magkikita.”

 

Dinala na niya ang bag niya and gestured for us to exit the room. “‘Di ba kakakita niyo lang last week? Doon sa business dinner niyo?”

 

“Yeah. Gusto niya kami magmeet for the previous month’s business report.”

 

“Ang weird naman ng bonding niyong magkapatid. Para na talaga kayong nagwowork.” 

 

“Not really. Inaaral lang namin then we submit it for Mom’s review. It’s not like we manage anything right now but we do attend the important events.”

 

Bree nodded while listening, as if she was in deep thought. “Ang busy mo naman. Gusto mo mag part-time assistant ako sayo?”

 

I grinned. “Bree, you’re busier than I am. Ang dami mong extra-curricular activities.”

 

“Ano lang ba yung isa pang work under you, lalo na kung may bayad galing sayo?”

 

Magkasunod kaming lumabas ng building at dahan dahang tumawid sa kabilang side, kasalubong ang mga students na pauwi na. Patuloy kaming naglakad sa sidewalk along the field papunta sa Q Park.

 

“Ano namang ibabayad ko sayo? Hindi ba pwedeng free na since you thought of it?” I teased.

 

“May part time job bang libre? Tsaka sure akong afford mo na bayaran ako.”

 

“Anong payment ba gusto mo?”

 

Since maraming pauwi na from work and class, marami na rin ang dumadaan na sasakyan sa loob ng campus kaya inalalayan ko siya tumawid kasi ang dami niya ring dala. We decided to walk together after class dahil magkalapit lang ang pupuntahan namin— me at Q Park for my dance training while she goes to TYK for her org activities.

 

After crossing, we walked along the sidewalk beside the Main Building. Hindi na siya masyadong iwas ngayon sa Q Park kapag magkasabay kami. After last year’s Paskuhan, nakapagreunite na siya with her other friends after the long iwasan at waiting game. Though they met up that time, bihira pa rin siya makipagkita sa kanila so she’s still mostly with me.

 

“Gusto ko? Date!”

 

“Date? Tayo? Lagi na tayong magkasama kaya?” Natatawa kong sagot sa kanya. I watched how her expressions turned from excited to frowning, then to a soft one.

 

“Date na no work or school related. Parang pause sa lahat. Kain or pasyal tayo sa labas! Para makapagrelax at makalayo saglit.” She stopped which made me stop as well, and smiled at me.

 

I think I get what she means. 

 

Nagsisimula pa lang ang semester pero halos tangayin na kami kung saan saan sa dami ng ganap. We’re always together and we always talk— small talk, kind of. Halos hindi na kami maka-keep up sa ganap ng isa’t isa sa dami.

 

Maybe this is her way of pulling us both outside the pace of pressure. Keeping ourselves grounded as a reminder to take a breather.

 

“Pero kahit hindi agad kasi alam ko mej packed tayo both this week. Whenever you want. Basta sabihan mo lang ako. Hindi naman one time thing lang yung offer ko.”

 

“Parang SOS for us both ba?”

 

“Oo, ganon. Parang Alli SOS… for anything.”

 

I glanced at her while we continued to walk, and she did the same.

 

“Like you would drop everything you’re doing pag tinext ko yan?” I said, amusedly— to which she nodded fervently. “Really? Para na pala akong si—”

 

“Annoying mo.” Bree playfully slapped my arm, making us both laugh.

 

But thinking about it, there’s no doubt she’d lie about that. Ganoon talaga siya.

 

“Okay then. I’d like that date to happen— more often.”

 

Mas lumaki ang ngiti ni Bree, like she was both relieved and happy to hear that from me. “Okay.”

 

Since we are both doing our best to make sense of things and trusting our own processes, mas okay na rin siguro if we trust each other to be more open. It’s still a process but better than nothing.

 

Our chat was cut when another person came into view. 

 

“Uy, nandito pala kayo. Hi!” EJ greeted us both, and we hugged her back. We arrived at the park already for a while at ngayon lang din namin napansin na malapit kami sa area kung saan ang dance training ko.

 

I noticed Bree checking around to see who else was present. I guess some are still on their way from their classes by the looks of it. Si Yuwell, EJ at Ten pa lang ang nakikita ko.

 

“Aga mo, EJ.” Bree mused, still glancing around. “Wala pa sila?”

 

Umiling si EJ. “Maaga kasi natapos class ko so ako na nag volunteer mag setup. Sali ka sa training, Bree?”

 

“Show us your moves daw, B.” Tinulak niya ako nang mahina. Parang gulat na gulat na pinapasayaw siya.

 

“Ay hindi! May org duties ako today. Hinatid ko lang talaga si Alli.”

 

“Sweet naman… Ganyan din best friend ko… kayo rin?” EJ was obviously teasing at masyado namang affected yung kasama ko kaya I joined in.

 

“‘Di pa siya umaamin… pero lagi siyang nakadikit sa akin and maeffort naman siya so I let her.” I said with a shrug, dahilan para tumawa si EJ at manlaki ang mata ni Bree.

 

“Napaka mo!” She poked my side, which I immediately reacted to. 

 

“Anyway, alis na ako. Baka may naghahanap na sa akin… Joke! Hanap na ko ng mga ka-meeting ko. Bye.” Nagbeso sila ni EJ, then she went to me. “Bye, A. Mwa.”

 

Napailing na lang ako sa sinabi niya. Hindi na siya masyadong dramatic about what happened with her lovelife or straying away from the topic. Nagjojoke na siya about it and I don’t know if that’s better or worse. 

 

Naglakad na siya papuntang TYK habang sinamahan naman ako ni EJ maglapag ng gamit. Bago pa makalayo si Bree, I called out to her.

 

“Hey, B!”

 

Lumingon si Bree and looked at me.

 

“The SOS applies to you too.”

 

She nodded and smiled, waving me goodbye before walking again.

 

I took my training bag and went to the nearest restroom to change into my training clothes.


 

 

 

 

 

Allister

 

Medyo maaga natapos ang klase namin ngayong araw. Umuwi na si Jas kanina kasi ayaw niya raw abutan ng traffic pag mamaya pa siya umalis.

 

Dahil wala naman akong magawa at ayoko pang umuwi, sumama na lang ako kay Gia. Medyo napaisip ako kung tama ba yung ginawa ko kasi nawala sa isip ko na social butterfly nga pala siya.

 

Pagkatapos namin sa klase kanina, sinamahan ko siyang magpaprint ng mga pubmat sa Noval. Konting posters lang para sa mga bulletin boards around the building dahil mostly raw ng mga promotions nila, online na ginagawa.

 

Bawat lugar ata na pinupuntahan namin, may kakilala siya. Biruin mo, doon lang sa printing shop, nagawa niya pang makipagchikahan doon sa ibang architecture students habang nakatayo lang ako sa gilid at naghihintay matapos yung pinapaprint niya.

 

Hindi naman ako antisocial. Hindi ko lang alam ang sasabihin sa mga taong hindi ko kilala. Kaya the whole time na naghihintay ako, nakikinig lang ako sa mga pinag uusapan nila tapos minimal reactions lang. 

 

Yung pubmat kasi na pinapaprint namin is in line sa events for Architecture Week. Kanina pa siya kinukulit ng mga kausap niya tungkol sa mga events or guests pero di talaga nagpatinag ang kasama ko. Surprise na lang daw.

 

Hello? Ako ngang laging nagtatanong, hindi binibigyan ng hint. Sila pa kaya?

 

Pero malalaman ko rin ‘yan. ‘Di lang sila ang may pagka-chismosa!

 

Habang pabalik kami sa Beato para pumunta sa org room, tinanong ko si Gia. Narinig ko kanina sa usapan na naghahanap sila ng extra staff volunteers para sa execution ng different events held by different committees.

 

“Bakit pa kayo naghahanap ng volunteers? Hindi ba yung orgs naman ang hahawak ng ibang events?”

 

“Nahahati kasi yung ibang staff kasi part din sila doon sa ibang orgs so parang doble yung ina-assist. Parang si Jas— sabi niya pwede siya maghelp sa council pero priority niya maghelp doon sa org nila.”

 

“Ah sabagay…” 

 

Napapaisip ako— ang daming time ng ibang tao para sumali sa maraming orgs. Hindi ko rin alam bakit hindi ko nakuha yung ganon. Siguro hindi ko lang naging priority nung first year kasi busy pa ako sa pagmeet sa cut-off grade tapos hindi pa ako naka-dorm non…

 

Pero kasi kapag wala naman akong interes o kakilala, hindi pa rin ako sasali.

 

“Ikaw ba, gusto mo mag volunteer?”

 

“Eh…” Iniisip ko kung kaya kong magcommit… Wow, commit. “Pwede ako maghelp pero  kung ikaw lang iaassist ko ganon. Pag need mo lang ng tulong.”

 

“Wow, I feel special.”

 

Hinampas ko siya ng nakarolyong pubmat posters. “Sira. Hindi ko pa kasi kaya yung level mo of being social. Paunti-unti lang.”

 

“Ano ka ba! Okay lang naman! I appreciate any help.”

 

“Tsaka ang daming active sa block natin sa mga orgs. Baka wala na matirang tumulong sa block pagdating ng competition per block.”

 

“Hindi naman siguro! Required at graded naman kasi yung sa block kaya tutulong lahat.”

 

“Dapat lang ‘no. Kawawa naman si Demi kapag ‘di sila tumulong.”

 

“Hmm…” Gia hummed at nang mapatingin ako sa kanya, parang may pahiwatig ang mga tingin niya.

 

“Lumalaki butas ng ilong mo. Ano na naman ‘yan?”

 

“Wala! May narinig ka ba? Wala naman akong sinabi ah.”

 

Hinayaan ko na lang siya at sumunod na lang ako sa kanya sa pagpapa-approve ng posters at pagpapaskil nito sa mga bulletin boards.

 

Nang makarating kami sa 6th floor kung nasaan ang org room at ang huling bulletin board na pupuntahan namin, may ilang mga students ang pumapasok sa org room.

 

Pinanood ko si Gia na busy magpantay ng poster sa board at inabot ang board pins.

 

“Bakit ang daming pumapasok sa org room?”

 

Bago pa ako masagot ni Gia, may biglang sumulpot sa kabilang gilid ni Gia.

 

“Hi Gia, Allister.”

 

“Uy Demi, nandito ka na.” Tiningnan ni Gia ang relo niya, “Almost time na pala para sa meeting.”

 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
deloctrl
Work's been really hectic lately kaya pasensya na kung hindi ko agad na-post ito last week. Naging busy din ang aking beta reader eh minsan need ko rin ng assurance kung may sense yung sinulat ko hahaha shems. Kind of looking for beta reader so hmu siguro... (paano ba to)

Thank you! Lablab!

Comments

You must be logged in to comment
EllaKwon #1
Chapter 5: looking forward for an update!
keep writing awesome stories ~~
Rinasmole
#2
Chapter 5: needed the update huhu
julieqqq #3
Chapter 5: author ano na po😔😔😔😔
redlighton #4
i was rereading alab kasi namiss ko, kaso nag priv account ni author ☹️ so i couldn’t finish it. i will start this now na lang.
iilwueee
#5
Chapter 5: amg kilig ko WHAHSHAHAHHAAHAHAHA. I just reread alab and this, same feels pa rin talaga siya. ang cute ng progress.
applepasta #6
Chapter 5: eto na po ang assurance na hinihintay mo author: ur work is really good pero mamatay na ata aq sa sobrang slowburn 😆😆
stillintoyu
200 streak #7
Chapter 5: paamoy din ng pawis mo iani 😭
irenechan #8
Chapter 5: miss na miss ko na ang arkiani. my comfort au talaga
chevystruggles #9
Chapter 5: sabi ko pa na hihintayin kong maka-10 chapters to kahit papaano para mahaba ANO NA
fanficethusiast #10
Chapter 5: cant wait for your next update, author!!!! sana masarap lagi ulam mo