Unexpected Love

Unexpected Love
Please Subscribe to read the full chapter

Hi

 

Ako nga pala si Winter. Hindi ‘yung season, ha? 

 

Ako’y nag ta-trabaho sa isang coffee shop. Hindi na pala ako pumapasok sa eskwela dahil wala talaga akong pera pambayad ng tuition. Ako nalang kasi ang bumubuhay sa sarili ko, wala na rin akong magulang simula noong bata pa ako.

 

Ang lungkot, nuh? 

 

Pero hindi ko ‘yan iniisip. Masaya naman ako sa buhay ko ngayon, kahit ako lang mag-isa at walang kaibigan na pwede kong malapitan at masabihin sa lahat ng mga problema ko.

 

Sabado ngayon, papasok na ako sa tinatrabahuan kong coffee shop. Tapos bukas naman sa bakery shop na naman ako papasok dahil close kasi itong coffee shop every Sunday.

 

Gusto ko mang magpahinga pero hindi ko magawa dahil kung magpapahinga ako, at hindi papasok sa trabaho, wala talaga akong makain. Dito ko rin kinuha ang pambayad ko ng bills, gaya ng kuryente tsaka tubig.

 

“Winter, timplahan mo nga ako ng kape.” utos sa akin ng kasamahan. 

 

Ganito naman sila palagi. Inuutusan nila ako na parang katulong lang nila. Gusto kong magreklamo pero hindi ko rin magawa. Tinitiis ko nalang talaga ‘yung mga pinapagawa nila sa akin, at ‘yung pag ta-trabaho ko rito.

 

“Ako rin, Winter.” sabi naman ni Beatrice.

 

Nag buntong hininga muna ako. Wala akong choice kung hindi ay sundin nalang. Nagsimula na akong magtimpla ng kape nila. 

 

Ginagawa ko ito palagi sa kanila dahil kung hindi ko sila sinusunod, gumagawa sila ng kwento tungkol sa akin. Iniiba nila ‘yung pangyayari hanggang sa mapagalitan ako ng amo namin.

 

Kahit anong pagtatanggol ang gawin ko sa aking sarili, walang naniniwala sa akin. Sobrang baba ng tingin nila sa akin. Kaya ngayon, ano man ang utos na meron sila, sinusunod ko talaga. Ayaw kong mawalan ng trabaho. Kahit na meron pa akong ibang trabaho na pinapasukan, hindi ko talaga kaya na umalis dito. 

 

Natapos na ako sa aking pagtimpla ng kape. Binigay ko na agad ito sa aking kasamahan. Kahit salamat o thank you man lang sa English, wala talaga akong natanggap. Hindi ko na lamang sila pinansin pa at nagsimula na akong maglinis dito. Mamayang eight a.m. pa naman magbubukas itong shop pero maaga kaming pumupunta rito.

 

Naglilinis lang ako ngayon dito sa loob. Ginagamit ko ang mop para linisin ang sahig at nagpunas din ako ng mga mesa dito. Inayos ko na rin ang mga upuan upang masiguradong maayos at malinis ang shop. 

 

Lumipas ang ilang oras nag-open na ang aming shop. Kakabukas palang, marami na agad kaming customer. Sobrang busy ngayon, pero ‘yung kasamahan ko rito, parang wala lang sa kanila. Nag chi-chismis lang sila ukol sa mga pangyayari nila sa buhay. Hindi man lang nila nakikita na sobrang dami ng customer. 

 

Kainizzz.

 

Buti nalang talaga at nakayanan ko ang dami ng customer. Hindi ko na rin sila dinisturbo pa, baka kasi ako pa ‘yung masama.

 

“Two caramel macchiato, please.” sabi ng babaeng kakapasok lang. 

 

“Anong size po, Ma’am?” tanong ko sa customer.

 

“Anong gusto mo?” tinignan ko siyang nagtataka. ”I’ll give you the other one.” sabi nito sabay ngiti sa akin. 

 

Sa araw-araw kong pag ta-trabaho rito, ngayon lang ito nangyari sa akin. 

 

“Huwag na po, Ma’am. Busog pa po kasi ako.” sagot ko naman. Nakakahiya rin kasi. 

 

“Are you sure?” tumango naman ako. “Okay, isang large nalang.” sabi nito sa akin at nag-abot na ito ng perang pambayad. 

 

“Keep the change.” mas nagulat pa ako sa kanyang sinabi ngayon. Isang libo kasi ang pera niya tapos sabi keep the change raw? 

 

“Ma’am” pagtawag ko sa kanya. Inabot ko na sa kanyang ang inorder niya. Aakma ko na sanang ibigay ang sukli nito pero agad naman siyang lumayo.

 

“Just take it.” sabi niya at tinalikuran na niya agad ako.

 

Kinuha ko nalang ang sukli niya saka ko nilagay sa aking pitaka. Hindi ko ito tatanggapin, ibabalik ko ito sa kanya sa oras na makita ko siya ulit. Or kapag bibili siya ulit dito, itong pera niya ang gagamitin kong pambayad. 

 

Hindi naman sa nag iinarte ako, ah. Basta ayoko talagang tanggapin ito.

 

Mabilis lang ang oras ngayon, mag c-close na rin kami. Gusto ko na rin makauwi sa munti kong bahay. Ay nga pala, pupunta pa pala akong palengke ngayon dahil bibili ako ng uulamin ko, siguro gulay pero hindi ko pa alam kung ano. Meron naman nagbebenta doon sa lugar namin pero ang mahal. 

 

“Winter, ikaw na mag close nitong shop, ha? Inaantok na kasi ako, gusto ko na matulog.” nginitian ko lang ang aking kasamahan. 

 

Sana lahat kaya sabihin ang salitang ‘yan sa kasamahan, nuh? Kasi ako nahihiya kapag maagang akong umuwi tapos ganyan pa reason ko. Minsan napapa-isip ako kung saan sila kumukuha ng kakapalan ng mukha, eh. 

 

Biro lang.

 

Naiwan na akong mag-isa rito sa shop. Hanggang sa umabot na ng alas kwarto, agad na akong nag close ng shop. Inayos ko ang pag-lock ng pintuan. Umalis na ako saka nagtungo na akong palengke. Gusto kong sumakay ng jeep papuntang palengke pero sakto lang kasi itong pera ko pambili ng gulay kaya maglalakad na lang ako. 

 

Bagama’t medyo malayo ito, hindi ko na lang ito inisip. Kunwari na lang nag eensayo ako, para hindi halata na wala akong pamasahe. Haha.

 

Siguro nasa kinse minutos din ‘yung paglalakad ko mula sa shop hanggang dito sa palengke. Agad na akong pumasok, tumitingin na rin ako sa mga sariwang gulay na nandito. Nahihirapan akong pumili kung ano ang bibilhin ko. 

 

“Ate, magkano po itong kalabasa?” tanong ko.

 

“Singkwenta, ineng.” napakamot naman ako sa balikat. 

 

Ang mahal naman.

 

“Itong ampalaya po, magkano?” 

 

“Sampu isa.” ang mahal na talaga ng bilihin ngayon. 

 

“Dalawa nga po,” sapat na siguro sa akin ito, ako lang din naman ang kakain. 

 

Bumili na rin pala ako ng bawang, sibuyas, kamatis, itlog, tsaka asin. Gaya ng gulay, mahal din benta ng mga ito doon sa kapitbahay namin. 

 

Pagkatapos kong makabili ay nagsimula na naman akong maglakad pero pauwi na sa tinitirahan ko. Malayo ito kumpara doon sa shop na pinapasukan ko. Wala akong choice kung hindi maglalakad ulit. 

 

Sa kalagitnaan na aking paglalakad, may napapansin akong sumusunod sa akin na sasakyan. Binilisan ko ang aking paglalakad dahil nakaramdam na rin ako ng kaba at takot. 

 

Sa hindi ko inaasahan, agad akong napatalon at napasigaw dahil sa malakas na pagbusina nito. Buti nalang talaga hindi ko nabitawan itong mga binili ko. 

 

“Aren’t you scared walking on this street?” narinig kong tanong ng isang babae. Tinignan ko ito at nakitang siya ‘yung babae kanina sa shop. Lumabas ito nang tuluyan sa kanyang sasakyan tsaka ako nilapitan.

 

“I’ll take you home, I insist.” sabi nito. Sasagot pa lamang ako pero agad niyang hinila ang aking kamay at pinapasok sa loob ng kanyang sasakyan.

 

“I don’t accept refusals.” wika niya, sabay close ng pintuan. Naglakad na ito at pumasok na rin ito sa driver’s seat. 

 

“Wear your seatbelt.” narinig kong sabi niya pero hindi ko alam kung paano ito. 

 

“Umh.. Ma’am, bababa nalang po ako.” nakakahiya man pero ‘yan ang sinabi ko.

 

“Why would I let you that?” sabi niya. Nagulat naman ako ng bigla itong lumapit sa akin at agad niyang pinasuot sa akin ang seatbelt.

 

“Where do you live?” hindi ako makahinga sa kalagayan ko ngayon. Hindi rin ako makapaniwala sa nangyari sa akin. 

 

Ngayon lang ako naka-encounter ng ganitong klaseng tao. 

 

“Are you okay?” tanong niya. Nahihiya akong tumango sa kanya. 

 

Sinabi ko sa kanya ang direksyon kung saan ako nanirahan. 

 

“So, kung hindi kita nakita, maglalakad ka lang talaga?” tumango ako sa kanyang sinabi.

 

“Bakit? Wala ka bang pera?” tanong nito sa akin.

 

“Sapat lang po ang pera ko sa pagbili nitong uulamin ko po ngayon.” paliwanag ko sa kanya.

 

“Yung sukli ko kanina?” ah, oo nga pala, ibabalik ko pala sa kanya itong sukli niya. Agad kong kinuha ang wallet kong sobrang tagal na pero hindi rin naman halata dahil inaalagaan ko ito nang maayos.

 

“Ito,” sabi ko sabay abot sa sukli niya. Tumingin lang siya sa akin. Tila hindi ito makapaniwala sa kanyang nakita.

 

“Didn’t I told you na sayo na ‘yan?” 

 

“Ma’am..”

 

“Karina, my name is Karina. Don’t call me anything else, just Karina. You got it?” sunod-sunod naman akong tumango sa kanyang sinabi. 

 

“O-okay po, Karina.” 

 

“Sa’yo na ‘yang pera.” narinig kong sabi nito sa akin. “Gusto mo bang kumain?” sunod niyang tanong sa akin.

 

“P-po?”

 

“Kumain tayo, nagutom na kasi ako. Gusto mo bang sumama?” umiling ako.

 

Nakakahiya na kasi. 

 

“Huwag na po, uuwi na rin po kasi ako tsaka doon na rin ako kakain sa bahay.” paliwanag ko sa kanya. Nasa loob pa rin kasi kami ng sasakyan niya. Hindi rin kasi basta-basta makakapasok ang sasakyan niya doon mismo sa labas ng tinitirahan ko. 

 

“So you bought that?” sabi nito sabay turo sa hawak-hawak kong eco bag. 

 

“Opo,” nahihiya kong sagot.

 

“Bukas mo nalang ‘yan lutuin, samahan mo ako ngayon.” aniya. 

 

Wala akong nagawa dahil hindi naman ako makakaalis dito sa loob ng sasakyan niya, eh hindi ko nga rin alam kung paano tanggalin itong seatbelt. Haha.

 

Napansin kong papalapit na kami ngayon sa Jollibee. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan eh kakain lang naman kami.

 

Nag park na ng sasakyan si Ma’am Karina, pagkatapos niyan ay lumabas na rin kami ng sasakyan. Naglakad na kami papasok at binati kami ng mga staff. Ang kanilang ngiti na puno ng init ay nagdagdag sa kahalagahan ng lugar. 

 

Bumulong sa akin si Ma’am Karina na maghanap daw ako ng mauupuan namin habang siya na ang bahalang pumila at umorder. Sumunod ako sa kanyang utos at nakita ko ang bakanteng upuan kaya agad akong umupo doon.

 

Tumingin-tingin lang ako sa mga taong kumakain dito ngayon. Sobrang saya nila tingnan tsaka, nakakainggit.

 

Hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon. Sobrang bait talaga sa akin ni Ma’am Karina, para siyang anghel na nahulog mula sa kalangitan.

 

Kung ako rin ang inyong tatanungin, maliban sa mabait itong si Ma’am Karina, maganda rin ang mukha niya. 

 

”Are you okay?” natauhan nalang ako nang may narinig akong nagsalita. 

 

“O-oo,”

 

“Gutom ka na ba?” umiling naman ako. “Let’s wait for a minute, okay?” tumango lang ako sa kanya. 

 

“So, what’s your name?” tanong nito, binigyan niya rin ako ng magandang ngiti. 

 

“Winter po,” nahihiya kong sagot sa kanya.

 

“Po? How old you are na ba?” tanong niya.

 

“21 po,” sagot ko naman sa kanya.

 

“Ah, you’re still studying?” umiling ako sa tanong niya.

 

Parang naman diyang nadismaya, “Bakit?” 

 

“Wala akong sapat na pera para makapag-aral po. Mahirap lang ako, at nag ta-trabaho lang ako para makakain ako sa loob ng isang araw. Wala na rin akong balak pumasok sa eskwela dahil hindi ko talaga abot ‘yung tuition, tsaka mas nag fo-focus ako sa pagtatrabaho ko ngayon.” mahabang paliwanag ko sa kanya.

 

“Where’s your parents ba?” 

 

“W-wala na po sila.” humingi naman siya ng paumanhin sa akin. ”Ayos lang po,” ang sabi ko na lamang.

 

Ilang minuto ang pag-uusap, dumating na rin ang pagkaing inorder ni Ma’am Karina. 

 

“Let’s eat.” sabi niya sa akin at nagsimula na itong kumain. 

 

Gaya niya, kumain na rin ako.

 

Ilang sandali, natapos na rin kaming kumain. 

 

“Let’s go? Hatid na kita sa inyo.” hindi ko talaga alam kung paano ko pasasalamat si Ma’am Karina. Kahit kakakilala lang namin, grabe talaga ‘yung trato niya sa akin. Hindi gaya nung iba na kahit ilang buwan o taon ko ng nakakasama, ang pangit ng trato nila sa akin at ang baba ng tingin nila sa aking sarili.

 

“Nako Ma’am, huwag na po.” sabi ko sa kanya. 

 

“I insist. Gabi na rin, delikado na maglakad ng ganitong oras.” nag-aalalang sabi nito sa akin. 

 

“Gagamitin ko nalang po itong pera na binigay niyo sa akin, Ma’am.” hindi niya ako pinakinggan at tumayo lang ito.

 

“No,” sabi niya, “Ihahatid kita sa inyo.” 

 

Hindi na ako nakikipagtalo pa tsaka tumayo na ako. Lumabas na kami ng Jollibee at nagtungo na kami sa parking lot. Pumasok na ako sa loob ng sasakyan, ganun din si Ma’am Karina. Nahihiya na talaga ako sa kanya. 

 

Tahimik lang ang byahi namin. Hindi siya nagsasalita habang ako naman ay nasa labas lang ng sasakyan nakatingin. Ngayon ko lang ko lang ito naranasan sa buong buhay ko. Kapag kasi ginabi na ako, nag co-commute lang ako pag-uwi. Minsan nga naglalakad dahil nga, wala akong pera. 

 

Masaya na ako kapag nakapag-commute ako. Mas inuuna ko kasi ‘yung pagkain ko, tsaka ‘yung mga gastusin sa bahay. Hindi ko na iniisip ‘yung pagod na nararamdaman ko sa tuwing naglalakad ako pauwi. Mas nakakatipid kasi ako kapag naglalakad, ayos na rin ‘yun pandagdag sa binabayaran kong tubig tsaka kuryente sa bahay. 

 

Nakarating na kami sa lugar namin. Bago ako lumabas huminga muna ako nang malalim. Hinanda ko ang sasabihin sa babaeng kasama ko ngayon. 

 

”You’re welcome.” nagulat ako sa aking narinig. Hindi pa nga ako nakakapagsalita, meron na siyang pa-you’re welcome.

 

“Alam ko naman na ‘yan ang sasabihin mo.” dugtong nito.

 

”Umh.. salamat po talaga.. Ma’am” yan ang lumabas sa aking bibig. “Hindi ko ito inaasahan na mangyari.” confess ko sa kanya.

 

“Ako rin naman.” natatawa niyang saad. ”But, yeah, wala ’yun.” aniya at ngumiti.

 

"By the way, nice meeting you , Winter," sabi niya habang inaabot ang kanyang kamay para makipag kamay.

 

"Nice meeting you, Karina," tugon ko naman habang mariing hinawakan ang kanyang kamay.

 

 

 

....

 

 

 

 

Kinaumagahan, maaga akong gumising dahil bisitahin ko sina Mama at Papa sa cemetery. Every Sunday ko sila binisita rito before ako papasok sa bakery shop. 

 

Naligo na ako para maaga akong maka-alis ng bahay. Natapos na rin akong kumain dahil mas inuuna ko talaga kumain, saka ang pagligo. 

 

Matapos na akong maligo at nagbihis na rin ako. Sinuklayan ko ang aking buhok at naglagay na rin ako ng konting pulbo sa aking mukha.

 

Umalis na ako ng bahay tsaka nagpunta na ng cemetery. Nakarating na rin ako at agad kong inilapag ang dala kong bulaklak. 

 

“Hi, Ma, Pa,” nakangiti kong sabi sa puntod nila. 

 

“Miss ko na kayo.” sabi ko, pinipilit kong hindi tumulo ang mga luha ko ngayon. Meron pa kasi akong work, baka mahalata na galing ako sa pag-iyak. 

 

“Nga pala, Ma, Pa, may na-meet akong tao.” pag kwe-kwento ko.

 

“Hindi nga po ako makapaniwala na nilibre niya ako kagabi, tsaka hinatid niya rin ako sa bahay.” pagpapatuloy ko. Sobrang saya ko talaga kahapon, at hanggang sa makauwi ako, nasa isipan ko pa rin ’yung ginawa sa akin ni Ma’am Karina.

 

“Sobrang bait niya po sa akin.” nakangiti kong sabi. 

 

Nagsimula na akong mag-kwento sa mga nangyari sa akin. Kapag dumadalaw ako rito, hindi talaga ako nauubusan ng kwento. Sila lang kasi ‘yung nakakausap ko, kahit wala na sila. Bagama’t alam ko naman na nakikinig sila, alam ko naman sa nandito lang sila sa tabi ko. 

 

Nang mansin na malapit na mag alas otso ay tumayo na rin ako at nagpaalam. Papasok na rin kasi ako ngayon sa bakery shop. Mabait naman ang kasama ko roon, hindi gaya sa coffee shop ang kaso lang eh, konti lang talaga ‘yung kinikita ko sa bakery hindi gaya sa coffee shop.

 

Nakarating na ako sa bakery shop at binati agad ako ng mga kasamahan ko. Nahihiya akong makipag-communicate kaya puro ngiti lang talaga ang binibigay ko sa kanila.

 

Hindi rin gaya sa coffee shop, konti lang talaga ang customer na meron kami sa isang araw dahil bagong bukas lang kasi ito. Hindi pa talaga siya known, kaya ayun. 

 

Natapos ang araw na ito na masaya ako.

 

Wala akong pagod na nararamdaman. Nasa bahay na ako ngayon at niluluto itong ampalaya na binili ko kahapon. Naalala ko tuloy si Ma’am Karina. Siya naman ang dahilan kung bakit hindi ko ito naluto kahapon dahil siya lang naman ang naglibre sa akin ng hapunan ko kahapon.

 

Bumili pala ako ng kalabasa kanina, nagpunta ulit ako sa palengke pero bukas ko na ito uulamin. Parang nag c-crave kasi ako ng ginisang ampalaya ngayon.

 

Pagkatapos kong magluto, nagsimula na rin akong kumain. Sarap na sarap ako sa kinain ko ngayon. 

 

Tapos na akong kumain at naghugas na ako ng plato. Natapos lang din naman agad ako. Nagtungo na ako sa aking kwarto para makapag pahinga na. Maaga pa kasi ako bukas, dahil may trabaho ako sa coffee shop.

 

 

 

 

 

 

Maaga akong gumising ngayon. Lunes na kasi, at kapag Lunes, maraming customer talaga sa coffee shop. 

 

Nagmamadali akong maligo dahil magluluto pa pala ako ng uulamin ko ngayon. Hindi ko alam kung bakit ako na-e-excite pumasok sa trabaho ko sa coffee shop, alam ko namang pahihirapan na naman ako ng dalawa kong kasamahan.

 

Hindi ko na lamang sila iniisip at lumabas na ako ng banyo. Pagkatapos kong magbihis ay nag prito na ako ng itlog para makakain na rin ako. Hindi naman nagtagal, natapos na akong mag prito. Nagsalin na ako para na rin makapag simula na akong kumain. 

 

Tahimik ng bahay ko. 

 

Minsan, napapaiyak na lang ako nang hindi ko namamalayan. Pinunasahan ko ang luhang tumulo at nagpatuloy na akong kumain. Nang matapos akong kumain, hinugasan ko muna ang platong ginamit. 

 

Hindi naman nagtagal natapos na rin akong maghugas. Pumasok na rin ako sa kwarto ko saka sinuot ang uniform ko sa trabaho. 

 

Alas sais palang naman pero kailangan ko na talagang umalis ng bahay. Syempre maglalakad lang ako para na rin makatipid.

 

Ilang minuto ang aking paglalakad nakarating na rin ako sa shop. Nasa akin naman ang susi kaya agad ko na itong binuksan at pumasok sa loob. Dahil hindi ako nakapag linis last time, naglinis muna ako ngayon. Medyo marumi na rin ito dahil nga maraming customer last time. 

 

Habang naglilinis ako, naalala ko na naman si Ma’am Karina. Ewan ko ba, simula nung nakilala ko siya, hindi na siya mawala sa aking isipan. 

 

Natapos na akong maglinis. Dahil maaga pa naman, umidlip muna ako. Kulang din kasi ang tulog ko kasi nga iniisip ko si Ma’am Karina kagabi palang. Hindi ko rin alam kung bakit, basta biglaan lang. 

 

Nagising naman ako at saktong 7:55 na pero wala pa rin ang dalawa kong kasamahan dito. Nagulat naman ako ng may nakita akong babaeng nakatayo sa labas ng shop namin. Hindi ko sana ito pupuntahan pero medyo familiar kasi siya para sa akin kaya nagtungo ako sa pintuan. 

 

Hindi nga ako nagkakamali, si Ma’am Karina.

 

“Hi?” nakangiti niyang bati sa akin. 

 

“Oh, Ma’am,” sabi ko sa kanya.

 

“Karina kasi.” sabi nito. 

 

“Pasensya na po.” paghingi ko naman ng paumanhin.

 

“Still closed? Gusto ko na bumili.” tumingin naman ako sa wall clock at nakitang 8 a.m. na. Pinapasok ko na si Karina dahil open na rin naman kami.

 

Tinanong ko kung anong o-orderin niya, gaya pa rin ng dati; Caramel Macchiato. Habang ginagawa ang kape ni Karina, nahuhuli ko naman itong nakatingin sa akin. Sa sobrang tagal kong nag ta-trabaho rito, ngayon ko lang talaga ito nakita. 

 

Nang matapos kong gawin ang kape niya ay agad ko na itong binigay sa akin. Bumalik na ulit ako at sakto namang may pumasok na mga customers. Hanggang ngayon, wala pa rin ang dalawa kong kasamahan. Hindi man lang sila nag iwan ng mensahe na hindi sila papasok ngayon, ang ending nito ako pa ‘yung mahihirapan at mapapagalitan.

 

Napansin ko naman na tumayo si Karina at nagtungo ito sa kinaroroonan ko ngayon.

 

”Ikaw lang mag-isa?” tanong niya sa akin, tumango ako. 

 

“Hindi man lang sila nagsabi sa akin na hindi sila papasok.” sabi ko at pekeng natawa.  

 

Nakakainis din kasi. 

 

Kung kailan maraming customer saka pa sila hindi pumasok. Ang mas malala pa roon ay sabay silang dalawa.

 

“Is it okay if I’ll help you?” 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
k_yuji
Thank you for reading, everyone. Sobrang na-appreciate ko talagaaaa. Luvlotssss. ><

Comments

You must be logged in to comment
Kannakobayashi09 #1
Chapter 1: Done reread di nakakasawa e <3
bltro_
#2
Chapter 1: 💙💙💙🥺💙
kwinterrr_
#3
Chapter 1: ❤️
swagie19 #4
ang cute 🥺
lenwr004
#5
Chapter 1: can we have Karina's pov? huhuhu ang cute cute nila 😭
lenwr004
#6
Chapter 1: ang cute lang 😭
TYTFshipper
266 streak #7
Chapter 1: 🥰🥹💕
Mys_na_kita #8
Chapter 1: Wow, ang softie <3
Fangirl1221
#9
Chapter 1: Cuteeee ahhhhh 😩🥹
piaexus #10
Chapter 1: loved this! please keep writing