Ang pinagmulan ng Kape
KopiKo to!Chapter 2
"Solomon, bakit ka ba nakatulala diyan? Kulang ka ba sa tulog?" napalingon naman ako kay ate Jisoo na naghahain ng pancakes sa lamesa. "Kelan ka pa dumating?" tanong ko at tumayo para kumuha ng syrup sa cupboard.
"Huh? Bangag amputek! Pinagising ka sakin ni Ate Taengoo kanina diba?" ay, oo nga 'no? Napatawa naman ako bigla nang malakas sa kabangagan. "Nababaliw ka na ba? Atsaka, bakit ang daming Kopiko Blanca sa may pantry?" napasimangot naman ako nang marinig na naman paulit-ulit na tanong na yan.
Bakit nga ba? Pano nga ba?
Teka, balik tayo sa nakaraan kung pano ako napunta sa sitwasyon na 'to.
Tanghaling tapat non at nakahilata na lang ako sa couch habang nakatulala sa kisame.
'Hayss amboring naman ngayong araw.'
banggit ko sa isip ko at binato ang cellphone sa couch dahil wala na akong mai-scroll sa FB na bagong feed. Badtrip pa ako kay Ryu, pano naman kasi ang bugok niya maglaro ng COD, ubos na agad bala niya bago pa siya makapatay. Kaya 'di ko na tinanggap yung invite niya pagtapos ng huling game.
Napalingon naman ako sa labas ng bintana nang marinig ang tibok ng puso ng kapit-bahay namin. Chariz. Tunog kasi ng doorbell 'yon. Kaya dali-dali na akong naglakad palabas ng bahay.
"Ma'am, ito po ba ang bahay ni Ms. Jennie Ruby Jane Kim?" tanong ng lalaking may hawak na ballpen at papel pagkalabas ko sa pintuan.
"Ah yes po, kuya. Bakit po?" tanong ko sabay sulyap sa Mitsubishi L300 van sa likuran niya. "Pakipirma na lang po dito, ma'am. Ito na po yung pinadeliver ni Ms. Kim na flatscreen tv." sabi nito at sinigawan na yung dalawang kasama na buhatin yung tv. Binuksan ko naman yung gate at sinamahan sila papasok sa bahay.
"Pakilagay na lang po diyan." turo ko sa tapat ng couch at umalis na din sila pagkatapos. Kumuha naman ako nang cutter at nilabas sa kahon yung tv. Wow. Ayos 'to ah, anlaki. Sinet up ko na lang yung tv para may magawa naman akong productive.
Binuksan ko na yung tv pagkatapos kong ikabit yung mga cable. Meron kayang GMA dito? Pagkalipat na pagkalipat ko sa channel ng GMA ay nagulantang ang buong pagkatao ko matapos kumindat sakin nung babaeng nasa tv. (a/n: sa commercial ni Jane De Leon naka-base itong commercial na ginagawa ni Karina)
'Ay amputcha! AI ba 'to? Parang mama Mary sa ganda!'
"Favorite ko? Kopiko Blanca." sabi ng magandang babae na may
Comments