UU • iv.

Unti-Unti
Please log in to read the full chapter

Oktubre taong 2021.

Hindi na tayo nagkita pa pagkatapos ng mga nangyari nakaraang taon. Hindi kita kinausap, hindi na ako nagparamdam pa. Alam kong sa isang taon na iyon, maraming beses kang nagtangka na makipag-ayos sa akin ngunit hindi kita pinayagan—bagay na pinagsisisihan ko ngayon. Maraming beses kang kumuntsaba ng mga kaibigan ko para lang magkaroon ka ng pagkakataon na makausap ako, pero naging matigas ako. Maraming beses kang nagpunta dito sa bahay, ngunit ang idinadahilan ko ay umaalis ako para maiwasan ka. Nagpalit din ako ng numero para hindi mo ako matawagan. Kung hindi lang sana masyadong naging mataas ang pride ko, kung sana lang hinayaan ko pa rin ang sarili ko na magtiwala sa'yo.

Huli na ba ang lahat?

Inaamin ko lahat ng pagkakamali ko. Kung sana lang naging matapang ako na harapin ka, hindi sana ako araw-araw mumultuhin ng nakaraan nating dalawa. Namimiss na kita. Miss na miss na kita.

Dumating ang araw ng pagtatapos ko nitong Hunyo. Hope, alam mo ba? Hinintay kita. Sinabi ko sa sarili ko noong mga panahon na 'yan na handa na akong patawarin ka— sa mga bagay na alam kong wala ka namang ginawang mali. Masyado akong naging bulag  sa mga nakita ko noon at hindi maamin sa sarili na sobra akong hindi naging patas sa'yo. Hindi man lang kita nabigyan ng pagkakataon na magpaliwanag. Hindi ko man lang nabigyan ng panibagong tiyansa 'yung sa'ting dalawa.

Pangako natin

Please log in to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Angel_rangel #1
Great work, author! I hope you'll continue to write.
Nyasken #2
Chapter 7: I hope this isn't the end. Continue this fan fiction, it's really very good