UU • i.

Unti-Unti
Please log in to read the full chapter

Ika-14 ng Agosto, taong 2018.

Kaarawan ko at napag-pasyahan kong gumala mag-isa; kakain, mamimili ng kung ano-ano, dadaan sa NBS para tumingin ng mga bagong libro, maglalakad lakad sa kahabaan ng SM, maglalaro sa Quantum. Mga bagay na dati ko pang ginagawa; mga bagay na nakasanayan ko nang gawin ng mag-isa.

"Ate ilag!"

Bago pa ako makalingon sa pinanggalingan ng pagsigaw ay biglaan na lamang akong nakaramdam ng pamamanhid sa aking mukha gawa ng bolang lumipad papunta sa'kin.

"Sabi sayo ate umilag ka eh! Ayos ka lang ba?" tanong nung babae sa'kin.

Ni hindi ako makatingin sa kaniya dahil napapikit talaga ako sa sakit. Inihilamos ko muna ang aking mga kamay sa aking mukha at saka ako humarap kung nasaan siya. Napairap pa ako ng wala sa oras.

"Ayos. Ayos lang ako. Ayos na ayos ako. Kita mo naman, 'di b—" hindi ko na natapos 'yung sinasabi ko pagkasulyap na pagkasulyap sa kanya. Napaawang ang bibig ko, dahilan ng pagtawa niya.

"Sorry na." sambit niya habang nakangiti.

Ano ba naman 'to?! Napakaganda. Pakiramdam ko nawala na 'yung inis ko sa kanya.

"Sige lang. Hayaan mo na." Tugon ko habang nakasimangot. Pero sa loob-loob ko, ngingiti-ngiti ako.

"Mag-isa ka lang ba? Kanina pa kita napapansin dito sa loob ng Quantum, paikot-ikot ka lang."

Napataas ako ng isang kilay, dahilan n

Please log in to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Angel_rangel #1
Great work, author! I hope you'll continue to write.
Nyasken #2
Chapter 7: I hope this isn't the end. Continue this fan fiction, it's really very good