POV no.2

Ang Classmate Kong Author.
Please Subscribe to read the full chapter

               Sinisisi ko si Kuya.

               Kung hindi ako na-distract sa katok niya, tama sana yung mapipindot ko sa phone. Pero syempre joke lang, kasalanan ko naman talaga.

               Umalis tuloy ako bigla sa space ni author. Ayoko ngang kumanta! Baka pakantahin talaga nila ako. Huwag sila! Theme song talaga ng Superbook yung kakantahin ko.

               Nag-join ulit ako sa space maya-maya. Buti na lang, iba na yung pinag-uusapan nila author.

              

               G: Madali lang siya kung talagang nag-aaral kayo.

               K: Para sa akin ha, may mga certain subjects na nahirapan talaga ako pero yung iba kaya naman.

               G: I enjoyed MLSP the most.

               K: Really? That’s the subject na ayaw ko na ulitin. Puro essay pinapagawa ng professor natin ‘don eh.

               G: I love essays, oh my god.

               K: Oh no! His essays are evil. With a what? Like a minimum of two thousand words? That professor is so… so mean. Ayoko na siyang maging prof ulit.

               G: Girl, pinahirapan siguro siya ng professor niya dati kaya sa atin niya binubuhos lahat ng galit niya.

               K: Kaya tama lang na hindi natin siya prof this sem.

               G: Right.

 

               Natawa ako bigla.

               Si Kuya rin kasi nagrereklamo sa dami ng essays na pinapagawa sa kanila ng professor nila sa MLSP. Minsan nga same day pa yung pasahan. Nung nag-eenlist ako ng mga subjects ko, talagang sinamahan ako ni Kuya kasi para raw maiwasan ko yung mga terror na prof. Pero sa totoo lang, parang galit si Kuya sa lahat ng mga naging professors niya. Tuwing itatanong ko kung okay ba si ma’am ganito or si sir ganyan, lagi siyang meron hinanakit sa professor na ‘yon.

               Ganon ba talaga nagagawa ng college sa Kuya ko?! Ganon din ba mangyayari sa akin? Gabayan mo ako, Panginoon!

               Pero amazing lang ha, saan kaya nag-aaral sila author? Grabeng coincidence naman kung may professor din sila na mahilig magpa-essay. And mas lalong grabeng coincidence naman siguro kung nasa iisang school lang pala kami. Pero ang lawak naman kasi ng Metro Manila kaya parang ang labo rin. Mula Batanes hanggang Jolo, sobrang dami ng colleges at universities na pwedeng maging school nila author.

               Pero what if lang naman nasa iisang school pala kami?

 

               G: Kaya kung may mga listeners man dito na medtech ang course or incoming medtech students, mag-aral kayo ng mabuti. We just finished our first year sa course na ‘to pero halos gumapang na kami sa sobrang hirap. Ang dami kasing inaaral. Ang stupid lang namin sa part na hindi pa namin in-enroll yung mga minor subjects like Purposive Communication, STAS, uhm what else…basta ‘yon, we only enrolled the major subjects kaya halos puro minor subjects yung kukunin namin this sem.

               K: But our professor told us na wala pa raw yung hirap na we encountered sa mga first year major subjects. Mas mahirap pa raw yung mga upcoming subjects so… malabong masimulan namin kaagad yung next story.

               G: Sisimulan namin siya guys don’t worry, one hundred words per day.

               K: You should do it.

               G: Alam niyo ba guys, ngayon lang ako nakakita ng writer na ayaw sa essays.

               K: Iba naman kasi kapag nagsusulat ka ng story compared sa nagsusulat ka about venipuncture with two thousand words.

               G: Pero you always update your story with six to nine thousand words per chapter.

               K: Again, iba nga kapag you are writing a story.

               G: Ilang chapter ‘yon? One hundred three chapters? So, sabihin nating nine thousand times one hundred three is equal to what?

               G: Equal to what?

               G: K!

               G: I swear to God, sasabihin ko full name mo dito.

               K: Wala ka bang calculator sa phone mo?

               G: Kat!

               K: You b- tumambay ka sa tag! Ang dami na kayang sumagot sa tanong mo!

 

               So, Kat yung name ni author? Kaya K yung dn niya!

               After ng sagutan nila author at semi-author, madami pa silang napag-usapan. Na-open din nila yung about sa reader na dapat kakanta raw kanina.

               Ako na naman! Ako na lang lagi! Tapos kaloka, ipapahanap daw nila ako! I have my rights to remain hidden po! Huwag niyo pong gawin ‘yan!

               Hindi na rin naman sila tumagal sa space kasi aalis pa raw sila bukas. Baka matagalan pa raw ulit bago mag-space sila author kasi yung next story raw nila, hindi pa kayang i-publish soon. Pero makakaasa raw kaming mga readers na may next story sila. And yung special chapters pa, antayin na lang daw namin.

               Napatingin ulit ako sa pinto nang marinig kong kumatok na naman si Kuya. “Bunso…”

               “Kuya? Hindi naka-lock ‘yan, pasok ka lang…”

               Sumilip muna si Kuya sa pinto bago siya pumasok. Baka ipapaalala niya ulit sa akin yung about sa lakad namin bukas. “Pupunta muna akong school bukas kasi may orientation nga pala kami ng umaga. Text na lang kita pagkatapos namin? Or, gusto mong sumama sa school?”

               “Wala naman ako gagawin ‘don…” kausap ko ulit yung mga kaibigan ko sa stan account. “Mag-text ka na lang kapag pupunta na ako sa SM.”

               “May schedule na ba kayo for orientation?” Tumango lang ako kay Kuya habang sinusundan siya ng tingin. Dumiretso siya sa study table ko at inayos niya yung mga libro na nakapatong. Nagsisimula na kasi akong mag-advance study sa mga first sem subjects gamit yung mga lumang books ni Kuya.

               “Pupunta pa tayong Recto bukas. May kailangan akong bilhin na libro,” naupo siya sa tabi ko. “Matulog ka na ah, tama na kakabasa ng kung ano-ano sa cellphone.”

               “Tapos na kaya yung binabasa kong story…”

               “Kunwari ka pa, babasahin mo rin naman ‘yan ulit.”

               “Kung sabagay,” sobrang kilala talaga ako ni Kuya. Natutuwa lang ako kasi wala naman siyang nasasabing masama at hindi rin naman siya against sa pagbabasa ko ng mga fanfictions sa phone. “Si Mama?”

               “Nanonood na naman siya ng K-drama niya…” napapasinghal na lang lagi si Kuya tuwing binabanggit niya yung panonood ni Mama ng K-drama. Wala naman daw problema sa kanya na manood si Mama ng ganon pero minsan kasi, inaabot siya ng umaga sa kakanood. Pagising na kami ni Kuya para pumasok sa school, hindi pa rin siya nakakatulog.

               Gustong-gusto ni Mama si Jang Keun Suk. Halos lahat na ata ng mga dramas at movies na nandon si Jang Keun Suk, napanood na niya. Sa ngayon, ang pagkakaalam ko Love Rain na yung pinapanood niya. Kakatapos niya lang nung isang araw sa You’re beautiful eh. Aba’y nagagalit sa amin ni Kuya kapag humihinto yung site na pinapanooran niya. Gusto namin siyang sagutin ni Kuya na wala naman sa pwet namin yung router tsaka signal. Sinabihan din siya ni Kuya na bumili ng premium account sa Viu o kaya iQiyi para hindi nahihinto yung pinapanood niya. Libre lang naman daw sa kissasian.sh, bakit pa raw kailangang magbayad? Sa huli, napilit naman namin siyang kumuha ng premium account… sa Netflix. Sa kissasian.sh pa rin tuloy siya nanonood at kami lang yung nakikinabang sa Netflix premium account, hay Mama.

               Ito pa pala, minsan naaabutan ko siyang nanonood ng mga airport previews ni Jang Keun Suk sa Facebook. Grabe ka na Mader! Hindi ka na namin ma-reach! Pati departure at arrival ni Jang Keun Suk oppa sa kung saang bansa alam na alam mo! Pero I am glad na may ganong libangan s

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
jysowee
#1
Chapter 3: Hi otor where na u po 🥺
howdoyouknowmee
570 streak #2
Uyy san na kaya
TakuyaKen
#3
Chapter 3: woah hahahaha ang interesting na agad, hanep n G yan crush agad si Kuya eh
YuJiministheStandard
#4
Chapter 1: Sabi ko na nga ba, kayanin mo ang hamon ni Lord, Winter! HAHAHAHA This is interesting! May bago na naman akong aabangan. <3
howdoyouknowmee
570 streak #5
Naiimagine ko na silaaaa
howdoyouknowmee
570 streak #6
HAHAHAHA ang cutie naman netoooo
kang_ddeul
#7
Chapter 3: yieee, ikaw mareng gi ha! hahahaha
jmjslrn #8
Chapter 2: nice story
sigmamoriarty
#9
Chapter 2: may bago nanaman akong aabangan 😭🥰🥰
Akemi38 #10
Chapter 2: Ang cute HAHAAHA same course kami ng characters