POV no.1

Ang Classmate Kong Author.
Please Subscribe to read the full chapter

               “I love you, Seul…”

               “I love you too, Doc Rene. Don’t you ever think na bibitaw ako sa kung ano mang meron sa atin…”

               Niyakap ko siya, niyakap ko siya nang sobrang higpit. Kakatapos lang ng rounds ko, pahinga sa rounds with my pahinga. Hindi ko alam yung gagawin ko kapag wala si Seul sa buhay ko. She’s the needle to my syringe, joke! Pero she told me na…

               She wants me as her first and last, pero ako? Gusto ko siya, not only as my first and last…

               Gusto kita… hanggang saan nga ba, Seul?

               Gusto kita hangga’t humihinga ako sa mundong ‘to.

               Gusto kita hanggang sa malaman ng lahat kung anong meron tayo.

               Gusto kita hanggang sa malaman nila kung paano naging tayo.

               Gusto kita hanggang sa malaman nila ang alamat ng tayo.

 

 

 

 

               Naiiyak ako!

               Naiiyak ako author YuWrites!

               Pinapaiyak mo ako lagi author YuWrites!

               Umiiyak ako lagi sa mga stories mo author YuWrites!

               Natapos ko na basahin yung ‘Alamat ng Tayo’. Eto talaga yung pinakafavorite kong fanfic sa lahat ng nabasa ko dito sa AFF.

               Actually, halos lahat ng favorite kong fanfics are written by YuWrites.

               Marami na siyang nasulat sa AFF. Lahat ng mga stories niya dati ay one-shot lang. Pero itong ‘Alamat ng Tayo’, this was her first story na mahaba at mas pinahaba pa. Char.

               Maraming nagr-request na gumawa siya ng long story since puro one-shot stories lang talaga yung mga sinusulat niya. This is her first try na magsulat ng hindi lang one-shot story.

               103 chapters.

               103 chapters of kilig, inggit, inis at kilig ulit. Yung naramdaman ko sa story na ‘to, halo-halo. Chowking at Razon’s baka naman.

               This story is yung masasabi ko na comfort fic ko. Araw-araw akong nagbabasa, kung anong chapter mapindot ko go lang. Wala kasing tapon na chapters sa fic na ‘to. As in lahat ng chapters, sobrang ganda. Yung flow ng story, chef’s kiss. If nasa theater ‘tong story na ‘to, wala siyang dead air.

               She’s planning to make another two special chapters para maging 105. Yung isang chapter, POV ni Seul at yung isa pang chapter, POV naman ni Rene.

               May space si author mamaya. Syempre, makikinig ako. Lagi siyang nags-space after niyang mag-update eh. Same time as always, 8 pm. Minsan kasama pa niya yung kaibigan niya sa space, si semi-author G. Si semi-author G minsan yung nags-suggest ng mga ganap sa story ni author YuWrites. Sinabi nila ‘yon sa space nung nakaraan. Pasalamat daw kami kay semi-author G kasi sa kanya raw galing yung idea kung paano nagkaaminan sila Seul at Rene. Isa pa naman ‘yon sa mga pinakagusto kong chapter ng ANT. Yung nagkaaminan sila, omg yung kilig ko!

               Hindi ko ma-contain yung kilig habang binabasa ko yung chapter na ‘yon.

               Okay going back sa lumikha ng ANT.

               Ang cute din nilang magkaibigan kasi parehas na one letter lang yung display name nila sa Twitter.

               Si semi-author G, syempre ‘G’.

               Si author YuWrites, ‘K’.

               Stan account nila author YuWrites and semi-author G yung gamit nila sa space. At katulad ko, fan din sila ng Red Velvet since debut. Full-time bading ba ako? Syempre! Bading 24/7, bading forevah!

               Hindi pa pala ako nagpapakilala. I’m Winter… Winter Andrea Kim. Omg, bigla kong naalala yung isang scene sa ANT. Ganyan din kasi kung paano nagpakilala si Rene kay Seul.

               I’m Irene… Irene Bae. Just call me Doc Rene.

               Nakakaloka lang kasi Doctrine yung tawag sa kanya ni Seulgi nung first day niya as an intern. Miss ko na sila agad huhu!

               Anyway, back to my self-introduction.

               Winter sa umaga, Andeng sa gabi. Charot!

               Andeng kasi tawag sa akin ng mga kasama ko sa bahay at Winter naman yung tawag ng mga kaklase ko dati.

               Ngayon, incoming first year college student na ako. I wouldn’t say na excited ako, more like kinakabahan ako?

               Kasi syempre, panibagong environment na naman. Hindi ko alam kung anong klaseng mga estudyante yung makakasalamuha ko. Lagi pa namang sinasabi sa akin ni Mama na piliin ko raw yung mga nagiging kaibigan ko. Dapat daw samahan ko yung grupo na alam kong makakabuti sa akin at makakabuti sa pag-aaral ko.

               So far, wala namang naging problema si Mama sa akin nung junior high at senior high ako. Kasi wala naman akong permanenteng grupo na sinasamahan.

               Pagkatapos ng class, diretso uwi ako. Sumasama lang ako sa mga kaklase ko tuwing may project at research na kailangang gawin at ipasa. Minsan inaaya ako ni Minju, yung seatmate ko dati nung senior high ako. Mabait naman siya at tulad ko, wala rin siyang sinasamahan na friend group. Dahilan niya…

               Ang bida-bida naman kasi ng iba, hindi na lang sila manahimik sa pwesto nila.

               Kapag nag-aya siyang mag-milktea, sumasama lang ako. Tapos minsan sabay rin kaming gumawa ng mga reviewers and notes. Pero sa pagkakaalam ko, wala na siya dito sa bansa. Pumunta siya ng Canada kinabukasan after ng graduation namin. Wala na rin akong contact sa kanya.

               Sa totoo lang, hindi ako sobrang familiar sa magiging school ko. Medyo malayo siya sa amin at kailangan kong umalis ng medyo maaga dito sa bahay. Pero parehas naman kami ni Kuya ng school kaya baka sumabay ako sa kanya kapag same yung oras ng klase namin.

               Oo nga pala, may Kuya ako.  

               Incoming second year student na siya sa pasukan.

               Madalas siyang sabihan ni Mama na huwag magpakastress nang sobra sa studies. I-enjoy niya muna habang freshie siya kaso itong si Kuya, makulit. Madalas napupuyat dati sa kakaaral. Sobrang dami raw kasi ng kinakabisado. Inorganic and Organic Chemistry tapos yung Anaphypatho. Meron pa siyang binabanggit na MLSP, balita ko badtrip siya sa professor nila ‘don kasi madalas magpa-essay.

               Nung nalaman ko dati na sobrang nahihirapan si Kuya, I would be lying if I say na hindi ako kinabahan. Bakit? Kasi parehas kami ng course ni Kuya.

               Kasalanan ‘to ng Grey’s Anatomy, charot! Dahil kasi sa series na ‘yon, nagkaroon ako ng interest sa larangan ng medisina.

               At syempre, dahil din sa mga stories ni author YuWrites. Yung mga characters kasi sa mga stories niya, puro medical-related yung courses or medical-related yung profession. Yung sa ANT, omg lang! Resident doctor na si Irene nung pumasok as intern si Seulgi.

               I want what they have!

               Alam kong imposible pero gusto ko rin ng ganon! Yung kagaya sa love story ng SeulRene sa ANT.

               Makakahanap kaya ako? Or… may dadating kaya sa akin?

               Magiging classmate ko ba siya? Or, groupmate? Or, nasa ibang section siya? Or, ahead siya ng year sa akin? Ang dami kong tanong! Pero this college, I decided to try na i-explore ang pagiging bakla. Wala talaga akong balak nung junior high school pa lang kasi tinitignan ko pa dati kung ano yung gusto ko. Then boom! Boom bading, boom bakla! Boom tarat tarat! Boom boom boom malala!

               Before ako mag-senior high, alam ko na kung anong gusto ko. Girls!

               Madaming nagtangka na pumorma sa akin nung senior high school pero tinataasan ko na agad sila ng kilay. Puro kasi sila boys! Hello? Ako si Winter Kim na naniniwala sa kasabihang, “Boys will be boys!” Pero seryoso, for sure hindi lang naman ako yung natatakot sa mga lalaki.

               There’s something sa mga boys that gives me an ‘ick’ moment. Naranasan niyo na rin ba ‘yon? When you talk to them tapos bigla kang makakaramdam ng ‘eh?’ moment?

               Oo na, yes may Kuya ako. Oo, malamang lalaki si Kuya kasi Kuya nga eh? Pero iba naman kasi si Kuya. Hindi sa pinagtatanggol ko siya ha pero parang ganon na nga. Or baka dahil na rin siguro na siya lang yung nag-iisang lalaki dito sa bahay kaya ko siya pinagtatanggol? Hiwalay kasi yung parents namin, nagpapadala lang tuwing kinsenas at katapusan si Papa.

               Simula nung gabing ‘yon, hindi na nagpakita sa amin si Papa… miski text or tawag sa amin ni Kuya, wala.

               Basta! Yung Kuya ko, hindi siya kabilang sa mga ‘typical BOYS’ at ‘papampam BOYS’.

               Kung yung mga Kuya niyo ay puro Valorant, CODM at ML, yung Kuya ko? Wordscapes Search ang madalas na nilalaro.

               Kung yung mga Kuya niyo ay puro Basketball tuwing hapon, yung Kuya ko? Maaaring tulog o kaya naman ay nagp-paint lang sa kwarto niya.

               Kung yung mga Kuya niyo ay puro panliligaw at jowa ang inaatupag, yung Kuya ko? Walang kwenta lumandi. Naalala ko nung high school pa lang kami, ako yung kausap ng crush niya. Ako rin yung nag-abot sa crush niya ng teddy bear na nakalata, sa Bear Cuddler ata namin ‘yon nabili.

               After ng crush niya na ‘yon, wala na siyang ibang nagustuhan ulit kasi nilibang niya na lang ang sarili niya sa pagbabasa ng mga libro.

               Minsan kapag nakatambay ako sa kwarto niya, tinatanong ko siya kung may maganda ba sa classroom nila. Sabi niya…

               Meron, may dalawang babae sa class na hindi mapaghiwalay. Pero, I think hindi sila interesado sa mga lalaki naming classmate. Lagi lang nilang tinatanggihan tuwing aayain nilang kumain or sumama sa kanila sa groupings.

               Biniro ko pa na baka isa rin siya sa mga nag-aya ‘don sa dalawang babae na sinasabi niya. Sagot niya…

               Hindi ah! Hindi ko type yung mga ganon… ikaw baka type mo. Baka makita mo naman sila sa pasukan and baka malay mo maging kaklase mo sila sa mga gen ed subjects.

               Alam ni Kuya, yes alam ni Kuya ang lukso ng kabaklaan na meron sa sistema ko. Siya yung una kong napagsabihan about sa uality ko. Ewan ko… sobrang komportable akong mag-open kay Kuya. One year lang kasi agwat namin.

               “Andeng…!” narinig kong sigaw ni Mama sa baba. Baka kakain na kami ng dinner. “Bumaba ka na d’yan at tayo’y kakain na!”

               “Opo!” Pagtingin ko sa phone, may text si Kuya.

 

[Text Message]

               Kuya Ren (6:34 pm): Kapatid, maaari ka na bang bumaba dyan? Malapit ng mag-super Saiyan si inay.      

               Kuya Ren (6:35 pm): Inuutusan akong umakyat para tawagin ka, kapatid. Tinatamad ako eh kaya halina’t kakain na ang pamilyang Kim.

 

               Natawa ako sa way ng pagkakatype ni Kuya.

               Hay nako, Juan Renjun Kim!

              

 

 

 

               Simpleng dinner lang naman ang naganap sa amin, simpleng pamilya lang din naman kasi kami dito sa Pilipinas. Ulam namin? Like, subscribe and comment down below! Charot. Pero seryoso, tingin niyo anong ulam namin? Clue, mahaba tapos madulas! Iba-iba yung sizes tapos masarap!

               “Ma,” tumingin naman agad sa akin si Mama. Halata sa mga mata niya na gusto na niyang umakyat sa kwarto at magpahinga. May inaayos pa siya sa sala, yung mga figurines na kakabili niya lang. “Ako na po maghuhugas. Ako na rin po mag-aayos dyan, akyat na kayo sa taas.”

               Tinignan lang ako ni Mama. Natagalan siya bago makasagot sa mga sinabi ko. Sa totoo lang, na-eenjoy ko namang mag-ayos ng mga kung ano-ano sa bahay. Kagaya niyan, yung pag-aayos ng mga display sa cabinet, yung pagd-decorate tuwing pasko, yung paglalagay ng mga pinamili sa kitchen after mag-grocery ni Mama at yung routine na paglilinis ko ng kwarto. Syempre kwarto ko lang! “Sigurado ka ba? Tinakot ka ba ng Kuya mo na ikaw ang maghugas?”

               Nakita kong napatingin si Kuya kay Mama habang nagpupunas ng mga placemats. “Ma…!”

               Nanibago siguro si Mama sa akin, bihira lang kasi akong mag-volunteer na maghugas ng pinagkainan kapag wala namang kailangang gawin si Kuya.

               Si Kuya kasi talaga yung naghuhugas ng mga pinggan tuwing dinner. Sa lunch kasi ako naka-assign.

               Pero kapag nakikita ko na talagang busy at maraming ginagawa si Kuya, ako na mismo nagsasabi sa kanya na umakyat na siya at tapusin na niya kung ano mang kailangan niyang gawin para sa school.

               Yes, I know. Gusto niyo rin akong maging kapatid ‘no? Shhh, I know. Kalma lang kayo dyan! Relax lang!

               Tumayo na ako sa tapat ng lababo. Tinignan ko yung mga hugasin.

               Baso.

               Pinggan.

               Mga kutsara at tinidor.

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
jysowee
#1
Chapter 3: Hi otor where na u po 🥺
howdoyouknowmee
570 streak #2
Uyy san na kaya
TakuyaKen
#3
Chapter 3: woah hahahaha ang interesting na agad, hanep n G yan crush agad si Kuya eh
YuJiministheStandard
#4
Chapter 1: Sabi ko na nga ba, kayanin mo ang hamon ni Lord, Winter! HAHAHAHA This is interesting! May bago na naman akong aabangan. <3
howdoyouknowmee
570 streak #5
Naiimagine ko na silaaaa
howdoyouknowmee
570 streak #6
HAHAHAHA ang cutie naman netoooo
kang_ddeul
#7
Chapter 3: yieee, ikaw mareng gi ha! hahahaha
jmjslrn #8
Chapter 2: nice story
sigmamoriarty
#9
Chapter 2: may bago nanaman akong aabangan 😭🥰🥰
Akemi38 #10
Chapter 2: Ang cute HAHAAHA same course kami ng characters