10, 000 words: a story of a painter and an art

10, 000 words: a story of how it happened
Please Subscribe to read the full chapter

 

Kelan nga ba nagsimula ‘to? Siguro dun sa unang eksena, unang salita, at unang patak ng luha na hindi ko naman inasahang ganto pala ang kalalabasan. Parang sobrang ikli ng oras, o sadyang ganun lang talaga kapag hindi mo naman din inaasahan na mangyayari na lang ng bigla-bigla. Tipong iniisip mo na ayos lang, at kaya mong magbulag-bulagan pero siguro kahit na pumikit ako, at takpan ang mga mata ko, hindi na nun mababago ang realidad na meron ako.

 

Kahit ilang beses kong paniwalain ang sarili ko, walang mababago sa nangyayari sa paligid ko. Hanggang hindi ko kayang bitawan ang brotsa hindi titigil ang pagkalat ng sari-saring kulay sa malinis na telang hawak ko.

 

“Ganda ‘to ah… ‘to ba ‘yung puno dun sa field? Bakit may swing? Wala naman ‘yung swing—” Inagaw ko kaagad kay Spencer ang canvas na hawak nya. Pinapatuyo ko pa ‘to dito sa rooftop tapos pinakielaman na agad.

 

“‘Wag mo nga hawakan yan, ang prente-prente ng pwesto dito, ginugulo mo.” Ibinalik ko sa pagkakasandal sa hagdan ang canvas. Punong-puno pa ng pintura ang dalawang kamay ko at mukhang kailangan ko pang magpalit ng damit bago magsimula ang sunod na class.

 

“Una na ‘ko, Magui ah?” Nilingon ko lang si Kit at nginitian saka pinanood syang umalis. Doon pa lang bumuka ang bibig ni Spencer para magsalita.

 

“Hinahanap ka ni Ezra sa’kin, sabi ko nasa rooftop ka, tawagin daw kita…” Parang may kung anong kumiliti sa kaloob-looban ko sa sinabi na ‘yun ni Spencer.

 

“Oh ang gaga kinikilig na naman…” Inihampas ko sa kanya ang hawak kong tote bag na puno ng paint brush at mga pintura.

 

Napakaepal talaga ng hinayupak na ‘to. ‘Kala mo cute. Ulol, mukha kang tingting na may mukha!

 

“Wala kang pake, nasa’n siya?” Tanong ko kay Spencer na hawak ang braso nya.

 

“Hindi ko sasabihin, napaka-brutal mo!” Hahampasin ko na dapat sya ulit pero may humawak naman sa kamay ko. Kelan pa nagdadagan ang tao dito sa taas?!

 

“Tara na…” Si Ezra pala.

 

“Napaka-brutal mo Magnolia! Sana madapa ka!” Rinig ko pang sigaw ni Rubio galing sa taas.

 

“Asa namang may papatol sayo, epal ka!” Sigaw ko pabalik sa kanya.

 

Hila-hila lang ako ni Ezra pababa sa hagdan. Wow ha! ‘Kala mo ‘di tao ‘yung hinihila, porket mas matangkad sya sa’kin!

 

“Bakit mo ba ‘ko ipinahanap? Uso naman message na lang?” Tanong ko habang nagpapalit ako sa banyo. May uling, glitters, at paint pa yung damit ko dahil sa ginawa ko kanina.

 

“May papakita kasi ako sa’yo…”

 

Tiningnan ko lang sya nung makalabas ako sa cubicle at naghugas ng kamay.

 

“Ano?” Bago pa ako makapagtanong ulit, hinila na naman nya ako. Hindi ba sya napapagod humila na lang nang humila? Pwede naman maglakad na lang nang maayos, or sabihin na lang sa’kin sa’n kami pupunta?

 

“Sa’n ba kasi tayo pupunta—” Napatigil ako sa pagtatanong sa nakita ko. May table sa gym, tapos nagkalat ang petals sa sahig at may balloons pa. Pano nya ‘to nahiram sa school?

 

“A-Ano ‘to…?” Pumasok ako at lumapit sa table. Candlelit dinner ba ‘to? Pero hapon pa lang naman?

 

“Maganda ‘no?” Tumango ako habang nakatingala at tinitingnan ang balloons na nakalutang, ang colorful.

 

“Oo naman…” Ngumiti ako sa kanya.

 

“Sa tingin mo, magugustuhan ‘to ni Bianca?” Napakurap ako sa nadinig ko. Oo nga naman… syempre, ako tatanungin. Best friend nya ‘ko eh… best friend lang.

 

“O-Oo naman… tawagin ko na ba sya?” Kitang-kita ko kung paano lumawak ang ngiti nya sa tanong ko. Hindi man sya nakakapagsalita pa, lumabas na agad ako at tumakbo papunta sa ibang room.

 

Hindi naman masakit.

 

Slight lang.

 

Parang ano lang… kagat ng dinosaur.

 

Ampota.

 

Natawa na lang ako sa sarili ko at napailing. Ang kapal ko naman para isipin na para sa’kin ‘yung ipinakita nya sa’kin. Hindi naman ako jowa, ni hindi rin naman ako crush o kung ano man.

 

Best friend lang ako.

 

Huminga pa ako nang malalim bago kumatok sa room nina Bianca. Pero ilalapat ko pa lang kamay ko sa doorknob after kumatok, bumukas na yun at sumulpot si Bianca na nakangiti at may hawak na folders.

 

“Yes?” Na-blangko ako for a moment. Maganda naman nga sya, tapos sikat… at jowa ni Ezra.

 

“Ah ano… hinahanap ka ni Ezra.” Natawa lang sya at isinarado ang pinto.

 

“Tara? Saan ba?” Umakbay pa sya sa’kin habang hawak sa isang kamay yung folder na yakap nya kanina.

 

Mabait naman sya… I mean, mabait sya sa’kin, kay Spencer, lalo na kay Ezra. Hindi ko lang alam bakit parang may kakaiba sa kanya or baka paranoid lang ako.

 

Ewan ko ba, nakangiti naman sya palagi at very approachable. Siguro nagseselos lang ako… napaka-petty ko naman pala sa part na ‘yun. Pero natural naman na ‘yun ‘di ba? Kapag may mahal ka… na may mahal na iba, nagiging normal na ‘yung magselos kahit wala kang karapatan, kahit wala kang magagawa kundi panoorin sila at suportahan lalo na kung kaibigan mo.

 

Lalo na kung ‘yung taong ‘yun ‘yung pinakaayaw mong mawala sa buhay mo.

 

“Ganda nilang magjowa ‘no?” Muntikan na ‘ko mapatalon sa biglang pagsasalita ni Spencer sa tabihan ko.

 

“Manahimik ka…” Sagot ko lang at umirap.

 

“Ewan ko ba sa’yo… tigas ng ulo.” Nagegets ko naman kung anong ipinupunto ni Spencer pero ganun yata talaga.

 

Hindi mo pwedeng piliin sino mamahalin mo, at sinong hindi. Parang scratch card lang, di mo alam kung anong klaseng tao ba talaga ang mamahalin mo, kung sino, at kung bakit… lalo na kung bakit. Kasi ang dami namang tao dyan na nagmamahal at minamahal kahit na nananakit na sila.

 

“Kagaya ni Ezra ‘no?”

 

Napalingon ako ulit kay Spencer at saka ibinalik ang tingin ko sa dalawang taong nakaupo sa loob ng gym.

 

Napairap ako nung nakita kong ibinigay ni Bianca ‘yung folder na hawak nya kay Ezra. Sabi na nga ba, schoolworks ‘yun, at ngayon pa talaga nya ibinigay dun sa tao kung kelan malapit na finals. Kami ang mauuna mag-take ng exams dahil ng graduation at hindi ko alam kung bakit naisipan pa ni Bianca na ibigay ‘yun kay Ezra kahit free naman sya.

 

“Kung ano-anong sinasabi mo…” Hinampas ko lang ulit sya.

 

“Aray ko ha, ang lakas-lakas mo mag-isip. May pa-’hindi mo pwedeng pilin sino mamahalin mo’ ka pa dyan. As for you, si Ezra ‘yun…” Hinayaan ko lang magsalita si Spencer at tumitig lang sa nasa loob ng gym.

 

Bakit ko ba ginagawa muna ‘to?

 

Hindi ko rin alam, actually… basta gusto ko lang na happy sya, ganun. Kung ‘di man sa’kin at least natutulungan ko syang maging masaya sa mga pagtulong na ginagawa ko sa kanya. Hindi naman siguro maging masama ang pagiging helpful ‘di ba—-

 

“Break na kami.”

 

Ha?

 

Napalingon ako kay Ezra, suot pa nya toga nya at nakaupo lang dito sa harapan ng bahay nila.

 

“Prank ba ‘yan?” Tanong ko sa kanya at saka uminom sa hawak kong can ng San Mig.

 

“Hindi… may offer daw sa kanya ng modelling sa Europe eh…” Muntikan ko na mabuga ang alak sa bibig ko sa sinabi nya.

 

“Iniwan ka para magpunta sa Europe?” Hindi ko alam kung maniniwala ako o iisipin na nagdadahilan lang ‘yung jowa–ex ni Ezra.

 

Model nga naman sya, for some local brands, kilala sa school at sa iba’t ibang social media platforms kaya hindi mahirap makita kung ano bang ginagawa nya madalas.

 

“Madali mo naman sya makikita… nagkalat sya online.” Dagdag ko na lang, ma-console ko man lang ‘tong gagong ‘to. 

 

Wala ako sa mood makipag-dramahan sa kanya… mas masakit lang yata ‘yung madidinig ko kung gaano nya kamahal ‘yung babaeng ‘yun. Tama na muna ‘yung heartbreak ko for today. Dapat yata si Spencer kasama nya ngayon hindi ako kung gusto nya mag-drama tungkol sa ex nya.

 

“Tawagan ko ba si Spencer para sya kwentuhan mo?” Tanong ko lang sa kanya at tuloy sa pag-inom habang nagtatype sa phone ko.

 

Kitang-kita ko ang pagsulpot ng message ni Kit, asking kung free ba ako tomorrow. Nagyayaya kasi sya, may swimming kasi ang block namin tapos sabi nya hindi daw sya sasama if hindi ako kasama–

 

“Ikaw gusto kong kasama ngayon.” Napatigil ako saglit at tiningnan sya.

 

Ibinaba ko saglit ang hawak kong can at phone saka sya sinapok.

 

“Lasing ka na ‘no? Kung ano-anong sinasabi mo.” Ibinalik ko ang phone ko sa bulsa ko at tuloy lang sa pag-inom, kokonti na ‘to parang gusto ko pa ng isa.

 

“Sa’n ka ba mag-college?” Natawa lang naman siya sa sinabi ko at iniba ang usapan. Akala ko ba napag-usapan na namin ‘tong college na ‘to? Sabi nya pa, baka daw business i-take nya… sure naman na kami ni Spencer nung nag-Fine Arts kami ngayong college.

 

“Bakit mo tinatanong? ‘Kala ko Ateneo ka kasi business?” Akala ko nga kasama nya pa ex nya sa Ateneo kasi business din ite-take nung babaeng ‘yun—teka… parang…

 

Narinig kong tumawa sya at nagpunas ng luha. Ampota, wala sabi ako sa mood na i-console sya tungkol sa ex nya eh!

 

“Wala naman na ‘yung sasamahan ko sa Business school ng Ateneo so take ko na lang ‘yung gusto ko talagang college program…” Anak ka ng…

 

“Alam mo?” Tanong ko sa kanya.

 

“Ano?”

 

“Tanga mo…” Tinawanan nya lang ako at inakbayan.

 

“Masama bang magmahal?” Nakayakap lang sya sa’kin at dinig ko pa ang pagsinghot. Napalunok na lang ako at bumuntong-hininga.

 

“Hindi naman… maling tao lang siguro minahal mo…” Dapat kasi ako na lang… tanga mo naman pumili Serrano.

 

Hindi ko mabilang ilang beses ko nadinig ang pagsinghot nya nung gabing ‘yun. Napanood namin ‘yung sunset, pati sunrise naabutan namin sa pagsinghot nya sa tabi ko at nagmamaktol na iniwan sya ng ex nya. Gusto ko tape-an bibig nya kakakwento pero kawawa naman—

 

“So what do you think?”

 

Napakurap ako at nakatitig lang sa kanya. Hindi ko alam ang sasabihin. Dapat ba akong matuwa? Kiligin? Ngumiti?

 

“H-Ha…” Binato ako ni Spencer ng bote sa ulo sa sinabi kong ‘yun.

 

“Ayusin mo sagot mo, tumulong pa ‘kong ayusin ‘to!” Sigaw nya.

 

“Manahimik ka, epal!” Ibinato ko pabalik ‘yung bote at sapul sa bibig nya.

 

“So?” Nakangiti lang si Ezra sa’kin.

 

“So…?” Para saan ba kasi ‘tong daming-dami na flowers at mga balloons na ‘to? May pa-picnic pa ampota—

 

“I’m asking if you can be my girlfriend…” Nalaglag ang panga ko sa sinabi nya.

 

‘Yun pala ‘yung meaning nung mga litanya nya… akala ko sinasabi nya lang gaano ako kabait na kaibigan at deserve ko ng picnic sa pagiging best friend nya… hindi pala as a friend ‘yung i love you nya…

 

Or baka nag-expect lang ako ng sobra-sobra? I mean, freshman year pa lang naman sya? At may mga class kami na malapit rooms, tapos konting labas-labas with Spencer. Siguro nag-expect ako masyado at na-excite sya masyado kasi sa pagtagal… parang wala lang… walang nagbago.

 

“Bakit tayo nandito?” Tanong ko sa kanya habang nasa theater kami. Walang practice today, at bakit kami lang ang tao dito? Hindi naman nya ako ikukulong sa stock room ‘no? I mean, bakit kasi sa backstage kami dumaan kung pwede nmamang sa unahan?

 

“May papakita ako sa’yo.” Gasgas na ‘tong mga ipinapakita nyang ‘to.

 

“Ano?” Hinila nya ako papasok sa dressing room at bumungad sa’kin ang isang box na nakapwesto sa sahig.

 

“Bomba ba ‘to? Excited ka bang maka-graduate at papasabugin mo ang school?” Tinawanan nya lang ako at pinabuksan sa’kin ang box.

 

“Tingnan mo…” Isa pang box ang bumungad sa’kin.

 

“Niloloko mo ba ‘ko?” Tinawanan nya lang ako at umiling.

 

“Bakit naman kita lolokohin? Buksan mo na lang…” Sinunod ko na lang ang sinabi nya at binuksan ulit ang box—

 

“Gago ka ba?” Tanong ko pa sa kanya sa nakita ko sa loob ng box.

 

“Bakit naman?” Lumapit sya sa’kin at niyakap ako. Nakatitig lang ako sa hawak kong ring na ibinigay nya ngayon lang.

 

“Ay sorry, may tao pala…” Sabay kaming napalingon sa biglang nagsalita sa may stage, si Kit.

 

“Sige tuloy nyo na ‘yan, balik na lang ako mamaya…” Umalis din sya agad pagkatapos ngumiti sa aming dalawa ni Ezra.

 

“I was too dumb nung high school para ‘di mapansin lahat ng efforts mo… lingon ako nang lingon kung saan-saan kahit na nandun ka lang naman sa harapan ko, and now, wala na akong maforesee na makakasama ko maliban sa’yo.” Dama ko ang paglakas ng tibok ng puso ko sa sinabi nya.

 

“I love you… Magnolia.”

 

Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang nadama ko nung narinig ko galing sa kanya ang mga salitang ‘yun. Para akong sasabog na hindi, pakiramdam ko bumilis ang ikot ng mundo ko kasabay ng pagbilis ng bawat dampi ng brush ko sa canvas kakaisip sa mga sinabi nya.

 

Bawat lapat ng kulay, naalala ko ang mga salitang lumabas sa bibig nya… at sa tuwing pipikit ako, naaalala ko kung paano nya ibinulong sa tenga ko ang mga ‘yun. Dama ko bigla ang lamig na dala ng white gold band na nakalagay sa daliri ko.

 

Totoo ba ‘yung mga salitang ‘yun? O baka nasabi nya lang kasi wala ‘yung totoo…?

 

Huminga ako nang malalim at itinuloy ang ginagawa ko.

 

Hindi ko alam ang madadama… oo, mahal ko sya. Matagal na… pero hindi pa rin ako sigurado kung totoo ba ‘yung mga salitang ‘yun. Pero sa ngayon… dahil sya ang may sabi, maniniwala ako.

 

Papaniwalaan ko ang lahat ng mga salitang lumalabas sa bibig nya… basta galing sa kanya.

 

Ito ‘yung ginusto ko ‘di ba? Ito ‘yung matagal kong hiniling na mangyari… ang madinig na mahal nya ako, na mahal nya rin ako.

 

Hindi ko alam kung bakit parang may mali sa sistema ko, o napaparanoid lang ako. Parang bumabaliktad ang sikmura ko tuwing naalala ko ‘yung sinabi ni Ezra sa’kin. Lalo na kapag kaharap ko siya.

 

“Tulala ka dyan.” Tinampal ko agad ang kamay ni Spencer na dumampot ng isang brush at magdadagdag ng ibang kulay sa canvas sa harapan ko.

 

“Bawal ba makilagay ng konti?” Tanong lang nya at tiningnan ang Yellow na paint sa dulo ng brush.

 

“Gago ka ba? Kita mong black ‘tong kinukulayan ko tapos lalagyan mo ng yellow.”

 

“Gusto ko lang naman maki-try!”

 

“E’di kumuha ka ng canvas mo!”

 

“Nag-aaway na naman kayo…” Sabay lang kaming napalingon kay Ezra na may dalang kape.

 

“Bakit dalawa lang? Hindi ka iinom?” Tanong pa ni Spencer sa kanya.

 

“Hindi ‘to para sa’yo… bumili ka.” Doon na ako natawa sa sinabi ni Ezra at inasar lang si Spencer na nakatayo sa tabi ko.

 

Ayan kasi, napaka-assumera!

 

“Thanks…” Nginitian ko lang si Ezra at tinanggap ang kape. Agad din naman akong napalingon sa pinto ng theater nung bumukas ulit ‘yun, si Nataleigh.

 

Bali-balita sa iba naming mga kasama dito na crush daw nito si Spencer. Hindi ko alam kung anong nakita nya sa babaeng ‘to pero ganun yata talaga kapag ‘yung lagi mong kaaway ‘yung nagugustuhan ng iba.

 

At syempre, dahil mabuti akong kaibigan… at maganda na rin, pinatid ko agad si Spencer nung malapit na sa pwesto namin si Nataleigh, saktong-sakto nung may hawak na syang iced coffee.

 

“Ay sorry!” Tawang-tawa ako sa pamumula ni Spencer sa tindi ng titig nya kay Nataleigh. Paano ba naman… dun pa talaga sya nakatitig sa nabasang damit. Kitang-kita ‘yung red na corset sa ilalim ng damit nya.

 

“Hoy ang manyak mo naman, Rubio!” Sigaw ko pa.

 

“H-Ha?” Saka pa lang sya napaiwas ng tingin. Tingnan mo ‘tong gagong ‘to.

 

“Pati si Nataleigh minamanyak mo.”

 

Tawang-tawa ako sa itsura nilang dalawa pero kitang-kita ko rin naman kung paano ‘yung biglang pagbabago ng expression nilang dalawa. Tama nga sila siguro, I’ve been blessed na magkaroon ng matang kayang makakita beyond every expression… ‘yung kayang-kaya kong damhin kung ano man ang nakikita ko.

 

And I’d like to think na lahat ng tao ganun… lahat ng tao, pwedeng-pwede mong pakiramdaman. Kahit pa ‘yung mga taong mukhang walang pakiramdam.

 

Lahat ng tao, puno ng kulay na dala ng nadadama nila.

 

They said I have a pair of eyes na kayang-kayang ipinta ang emosyon behind every art… behind every person. As of now, lahat ng nakikita ko between Nat and Spencer… punong-puno ng yellow, and red.

 

Ang corny naman nila.

 

Kagaya lang ba ‘to nung usual na nagkakahiyaan sa simula tapos sila rin naman sa huli?

 

Hindi naman sa boring, pero… makakabawi na rin ako sa pang-aasar ni Spencer sa’kin kasi bakit hindi ako babawi? Pagkatapos nya akong asarin buong High School namin?

 

Hindi pwedeng hindi ako gaganti—-

 

“Kawawa na ‘yung cake sa’yo.” Napatingin ako kay Ezra.

 

Birthday celebration ni Nataleigh at pinapunta nya kaming lahat sa kanila… lahat ng members ng Org namin.

 

“Buo pa ang cake ko oh, kung gusto mo, sabihin mo lang…” Inirapan ko lang sya at iniabot ang plato ko.

 

Hindi naman ako mahirap kausap.

 

“Joke lang… kuha ba kita ng alak? Nag-seserve yata sila.” Hanggang ngayon hindi ko pa rin ma-pinpoint ‘yung kakaibang nadadama ko.

 

“‘Wag na…”

 

Pero siguro ito na nga ‘yun. 

 

Dahan-dahan kong ibinaba ang hawak kong tinidor at napatitig na lang sa screen ng phone nya na nakapatong sa mesa.

 

Bianca replied to you.

 

Hindi ko inakalang simpleng apat na salita ang sisira sa gabi ko… o inakala kong isang gabi lang ang maaapektuhan?

 

Wala namang masama ‘di ba?

 

Hindi naman ipinagbabawal na maging friends ang mag-ex. Wala akong dapat ipag-alala ‘di ba? Hindi ako dapat mangamba, o mag-isip ng kung ano.

 

After all, may pinagsamahan din naman sila… buong High School namin, magkasama sila. Hindi naman porque nag-uusap na ulit sila, iiwan na ako… ‘di ba?

 

Siguro dala lang ‘to ng sobrang sugar, masyado ko yatang na-enjoy ‘yung cake–ay, ibinigay ko nga pala kay Ezra.

 

Pero wala lang naman ‘to ‘di ba? Mawawala rin ‘to.

 

Hindi ko na siguro ‘to iisipin bukas o sa mga susunod pang araw. Hindi naman ganun katagal nag-stay ang thoughts sa utak ko. Makakalimutin nga ako ‘di ba? Mabilis ko lang ‘to maaalis sa isipan ko.

 

Siguro nga pagkatapos ng isang oras, or baka dalawa… tatlo pala. Hindi ko na maiisip ‘yung mga salitang nabasa ko sa screen ng phone ni Ezra. Wala akong dapat ipag-alala, wala akong dapat isipin na kakaiba, at lalong wala akong dapat isiksik sa utak ko maliban sa wala na sya, at nasa ibang bansa… ako na ang kasama ni Ezra.

 

Sabi nya pa nga papakasalan nya ‘ko.

 

Sabi nya ako ‘yung nakikita nyang kasama nya sa lahat ng plano nya.

 

At sabi nya ako daw ‘yung kaisa-isang tao na gusto nyang makitang nakangiti sa kanya sa tuwing lilingon sya.

 

Ano pa bang dapat kong ipag-alala kung ipinangako naman nya lahat ‘yun? Ano pang dapat kong problemahin kung ibinigay nya sa’kin ang mga salita nya, at ako ang kasama?

 

Dapat akong magtiwala ‘di ba? Maniniwala ako… sya ang nagsabi nun eh, at isa pa… sabi nya mahal nya ako… ‘di ba?

 

Ako lang.

 

Ako na ang nasa ngayon, sa oras na ito, sa panahong ‘to… ako na ‘yung hinahanap nya sa umaga, ako na ‘yung ginugusto nyang makasama, at ako na ‘yung kamay na hinahawakan nya sa tuwing nangangamba sya.

 

Nakaraan na sya… wala na syang role sa kwentong ‘to ‘di ba?

 

Amin na ‘to eh… ako at sya na. Ako at si Ezra… bakit ko pa iisipin ang existence ni Bianca—

 

“May nahanap ka bang freshman na pwede sa Org natin?”

 

Gusto ko lang naman makalimutan ang nag-iisang ala-alang ‘yun nung birthday ni Nataleigh.

 

“Huy, tinatanong kita…”

 

Pero nag-uusap pa yata sila. Normal naman ‘yun ‘di ba?

 

Naiwan ni Ezra phone nya sa’kin kahapon. Hindi ko naman intensyong makita ‘yung notifications sa phone nya eh, sadyang vibrate lang talaga nang vibrate ‘yung phone nya at nakita kong nagreply si Bianca sa ‘good morning’ message nya.

 

“Magnolia Arevalo!”

 

“Ano! Bakit ka ba sumisigaw?” Inihampas ko kay Spencer ang hawak kong bote ng tubig.

 

“Kanina pa kita tinatanong, hindi ka sumasagot… ang sakit.” Nakanguso lang sya habang tinitingnan ang namumula nyang braso.

 

“Ano bang tanong mo?”

 

“Kung may nahanap kang freshman para sa Org natin.”

 

Oo nga pala, meron akong nakita… unang pasok nya pa lang sa examination room, alam ko na agad.

 

Si Georgina Herrera. George for short.

 

Medyo kilala na sya sa mundo ng pag-arte. Nakita ko na sya sa ilang mga movie, short films, at pati sa ilang teleserye. Actually, ang daming nag-ooffer sa kanynag management companies pero mas gusto nya raw muna mag-explore as of now.

 

I like her for our team. Never ko nakitang pilit ang bawat expression nya sa harapan ng camera, tipong natural lang lahat ng flow ng emotion. Hindi sya umiiyak para sa isang scene just for the sake of crying, gusto ko ‘yung dinadama nya, at isinasabuhay ang bawat linya ng characters na nabigay sa kanya.

 

Hindi ko lang sure if she does theater too.

 

Sunod-sunod na tapik sa balikat ang nakapagpabalik sa’kin sa realidad.

 

“Ano?!” Irita pa akong napalingon kay Spencer.

 

“Si George papunta dito.” Ha? Hindi ko pa naman nanonotify ‘tong freshman na ‘to?

 

“Hi, Open na ba for auditions ang theater?” Napakurap pa ako at saka ibinuka ang bibig ko. Pero imbes na mga salita ang lumabas sa bibig ko, sunod-sunod na pagbahing ang nabigay kong sagot sa kanya.

 

“Ang baho ng pabango mo.”

 

Agad din naman tinakpan ni Spencer ang bibig ko. Amoy plastic ang kamay ng hayop!

 

“Sorry ah, may allergic rhinitis kasi ‘tong si Magnolia… pero mag-start ang auditions next week.” Nung nakaalis na si George saka pa lang inalis ni Spencer ang kamay nya sa mukha ko. Halos sakupin ang mukha ko ampota.

 

“Tangina ka, anong nilamas mo? Bakit amoy plastic kamay mo?” Nakakunot lang ang noo kong tanong sa kanya.

 

As far as I know, ‘di naman sya humawak ng plastic for the past few hours… kanina pa kami magkasama dito sa open area, kasi free cut.

 

“Kanina ko pa hawak ‘tong bote mo ng tubig, excuse me.” Inihampas ko lang sa kanya ‘yung hawak nyang bote nung inirapan nya ako.

 

“Nasa’n si Nataleigh?” Nag-chat sya kanina na wala na daw syang class sa GC namin pero ‘di ko pa rin sya nakikita around.

 

“Kasama ng blockmate nya, may project daw sila.” Nilingon ko naman agad si Spencer.

 

“Bakit mo alam?”

 

“Kasi nag-message sa’kin? Nahihiya daw sya mag-chat sa’yo… taray mo ba naman.” Napakahayop talaga ng hinayupak na ‘to.

 

“Putangina mo ba?”

 

“Eh ikaw? Nasa’n jowa mo?” Doon na ako napatahimik. Hindi naman sya nagmessage sa’kin kung nasa’n na ba sya or kung pumasok ba sya. Pero ‘di ko sya nakita kanina sa isang subject na same kami ng building.

 

“Hindi ko alam, actually…” Agad din naman nyang itinapat sa mukha ko ang phone nya, saktong-sakto sa isang IG story na ‘di ko inaasahang makikita ko sa oras na ‘to.

 

“IG story ni Bianca oh, ka-Facetime nya pala jowa mo…” Binawi rin naman nya ang phone nya bago ko pa mabasa ang caption sa picture. Ang tanging nakita ko lang ay ‘yung pulang puso na nakatapat sa tabi ni Ezra.

 

“Nag-uusap na pala sila ulit?”

 

“Oo…” Hindi ko mabasa ang expression sa mukha ni Spencer.

 

“Bakit ngayon mo lang sinabi? Bakit mo hinahayaan?” Magkasunod na tanong nya.

 

“Bawal na ba maging friends sa ex?” Napahampas na lang sya sa noo nya.

 

“Alam mo, honest ‘to ah, bilang kaibigan kita… tapos ka-close na rin. Feeling ko ‘di pa nakakamove-on ‘tong si Ezra sa ex nya.” Natawa na lang ako sa sinabi ni Spencer at niyakap ang bag ko.

 

Sapat na naman siguro ‘yung katahimikan ko para maging sagot sa sinabi nya.

 

Alam ko naman, alam na alam ko pero hindi ko gustong aminin. Hindi ko gustong kumpirmahin, kasi alam kong sa oras na madinig ko mismo ang mga salitang ‘yun sa bibig nya, sabay na ‘yun sa pagguho ng buong mundo ko.

 

Hindi ko rin alam kung bakit ganto na pumapayag ako sa gantong sitwasyon. Mas importante naman na nasa’kin ‘yung label ‘di ba? Ako pa rin ‘yung legal kahit saang anggulo tingnan. Ako ‘yung mas may karapatan… ako nga ba? Kahit saan naman tayo makarating, mas mahalaga pa rin ‘yung legal ‘di ba? Mas may laban? Mas may karapatan ‘yung may sadyang papel.

 

Sabi rin naman nya… mahal nya ako.

 

Totoo na

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
zeroris
@yeojaszero on twt! you can visit my profile to know about the next ones! 😝

Comments

You must be logged in to comment
jmj1117 #1
Chapter 2: Azelea 🤝 Ezra mga bobo mga tanga
Taengpoop #2
Chapter 2: GAgo ezra sa kanya ba nakabase si azaleang bobo
Elatedbliss #3
Chapter 2: Napamura nalng ako. Ang gago ni Ezra! Sinayang niya ung years na nasa tabi niya si Magui. Tapos kung saan masaya na si Magui and is with someone who deserve her ngayon ka babalik lol

Glad Magui woke up and realized her worth. She deserve someone who’ll love and take care of her.
BleuHyacinthJ
#4
Chapter 2: sino si kit? Si wendy? Gagu ni ezra ampotek , dasurb mo yan gagu ka.
buti na lang andyan mga friends ni magui, lalo na mag asawang herrera, may taga realtalk ( alex) tas may taga suntok (george) 🥺

hoy may anak na yung mag lagi? 😭😭😭 otor baka naman
BleuHyacinthJ
#5
Chapter 1: Hoy grabe si Alex at George 😭😭😭😭 naiiyak ako part 2 po parang awa 😭😭😭😭
Jiminez #6
Chapter 1: Ang sweet. Wala, wala ako masabi.
howdoyouknowmee
568 streak #7
Upvoted!