10, 000 words: a story of a writer and a muse

10, 000 words: a story of how it happened
Please Subscribe to read the full chapter

Sabi nila, marami ka raw taong makikilala sa buhay mo… either they give you some sort of a reminder or that person alone is yung lesson mismo. Tipong instead of growing with them, you grew and learnt na yung certain person na yun… sya pala yung mismong lesson na dapat mong tandaan—ay wait, mali pala… sya pala yung disaster kung saan ka matututo. So… everyone, lahat ng taong mamemeet mo, puro lesson sila… depende na lang kung yung pagiging disaster nila ay makakaya mo or it’ll ruin you.

 

Siguro may magnitude din sila kagaya ng lindol, at may signal number din kagaya ng bagyo… kaya yung mga bagyo sa tao nakapangalan… pati fault line, may pangalan.

 

Masyado na yata akong nasanay sa lindol at mga bagyo na tao… mas madalas ako makasalamuha nung mga tao na hindi ko masasabing buo. And feeling ko, that’s what makes them unique and interesting. Parang ang sarap lang nilang basahin at i-observe.

 

Para lang akong nagkakaroon ng madaming subject para sa isang study kada lilingon ako, tipong pwede ako mag-observe ng mga nasa paligid ko at makabuo ng paper—

 

“Alessandra, kanina pa kita hinahanap.” Muntikan ko na mabuga kay Magui yung iniinom kong iced coffee, parang deserve nya makutusan for this.

 

“Kung saan-saan ka sumusulpot…” Pinunasan ko pa ang bibig ko. Inirapan lang naman nya ako at ibinigay sakin ang isang papel.

 

“Ano to?” Sa pagkakaalala ko hindi naman ako nagpasa ng entry sa kahit anong contest.

 

“Ipinasa ko yung sinend mong file sakin.” Gusto ko bigla ihampas sa kanya yung hawak kong papel. Gago, ano raw?!

 

Sa pagkakaalala ko yun pa yung script na ginawa ko nung lutang na lutang ako; prompt na ginawa ko habang bored sa klase.

 

“Hanggang mini-plays lang ang skills ko gago, bakit mo naman isinubmit sa org ng school?” Alam ko to, tinitingnan ko lang yung poster at guidelines ng event kahapon, punyeta. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o mahihiya… hindi ako magagalit, I mean… medyo may balak din naman ako, kaso feeling ko hindi pa naman enough yung nasulat ko. Nakukulangan ako… parang hindi sapat yung buhay.

 

“Oo nga… mini-play lang naman to, dito lang to sa school.” Hindi ako kumbinsido. Pano naging mini-play kung mismong Arts organization ng school yung gagawa—pero sabagay, hindi pa naman sure na mananalo… at dun pa lang, nahihiya na agad ako.

 

“Bakit para kang constipated dyan?” Tiningnan ko lang sya, at ibinalik ang titig sa papel na nasa kamay ko.

 

May nakasulat pa na successful daw yung pagpapasa ng draft, at maghintay na lang ng e-mail if makakamove yung script sa iba pang judges… kinakabahan ako na nahihiya na hindi ko na alam kung ano pang salita ang gagamitin ko para i-explain kung bakit mukha akong hindi mapakali at parang hinuhukay ang tyan ko.

 

“Ipinasa mo kasi… dapat ikaw lang makakakita nun…” Pakiramdam ko para akong bata na nagtatantrums sa harapan nya ngayon.

 

“Gusto ko lang makita script mo on-stage…” Last year na nya ngayong year, gagraduate na sya… I kept my mouth shut for a good minute.

 

Wala naman siguro mawawala…?

 

Pero… kinakabahan ako, at natatakot… anong mangyayari sa script na sinulat ko?

 

“What if di naman manalo yun…” Tiningnan nya lang ako.

 

“At least we tried, saka for improvement na rin yun… isipin mo, there’ll be judges na mag-aassess ng ginawa mo. Tapos may comments sila, sa mga dapat mo pang iimprove… tutulungan naman kita, saka gago ‘di ako papayag na ‘di ko ‘yun makikita sa stage bago man lang ako maka-graduate.” Nakatitig lang ako sa kanya, what if—

 

“Tama na muna kaka-what if mo… kasama mo ‘ko, okay? Hindi kita papabayaan dyan.” Tumango na lang ako, ano pa bang magagawa ko ‘di ba? Nandun na ‘yung script, and graduation gift ko na siguro ‘to kay Magui… kahit may isa pa naman syang semester. Kaka-start pa nga lang nitong new one eh… 

 

At hindi ko rin alam pano ba kami naging close.

 

Ang alam ko lang nandun sya nung time na  nagtetake ako ng entrance exam, katabi sya nung nagbabantay samin tapos binabasa nya yung mga papel. Malay ko ba na senior pala sya tapos actress din sa Arts Org ng school… parang ‘yun ‘yung pinakamajor org na handle ng department namin as Fine Arts students. Hindi ko naman siya kilala… wala akong kaalam-alam sa papasukin kong school at course… gusto ko lang magkaroon ng degree… wala nang iba—parang ang panget pala pakinggan.

 

Pero ayun, akala ko stalker pa sya nung una… sundan ba naman ako buong time na nag-iikot ako sa school tapos saka lang ako in-approach nung palabas na ako sa main gate. Kape raw kami… hindi man lang sya nagpakilala, pero sumama na rin ako… bakit ko naman sya pagdududahan ‘di ba, pero ewan ko… feeling ko nabudol nya ako papunta sa coffee shop tapos magkaharap lang kaming umupo at hindi pa sya agad nagsalita.

 

Tinanong nya lang kung akin daw ba yung isang paper na blue pen ang gamit pansulat, nakalimutan ko kasi yung black pen ko sa bahay!

 

Swerte ko daw kasi bawal daw blue pen, pero katabi sya nung bantay kaya sabi nya tanggapin na. Parang utang na loob ko pa pala… charot joke, mabait naman sya… tinanong nya lang ako tungkol dun sa sinulat ko tapos inspirations and whatnots. May potential daw kasi yung sinulat ko… feeling ko ang sabaw-sabaw nun… kasi short script dapat yung gagawin pero monologue lang naman ng character yung sinulat ko.

 

“Tulala ka na naman dyan, tara magkape.” Sumunod lang ako sa kanya, hindi ko pa rin saulo yung campus… ang laki-laki ba naman kasi. Feeling ko kapag hindi ako sa main gate dumaan, kung saan-saan ako makakarating. 

 

Nagtingin-tingin ako sa dinadaanan namin, napatitig lang ako dun sa mga naglalandian sa tabi. Parang masarap silang buhusan ng tubig… wala lang, naiirita akong tingnan sila. Mukha silang mga linta.

 

“Nagpapaka-judger ka na naman oh.” Napalingon ako kay Magui sa sinabi nya.

 

“Ha?”

 

“Yung mata mo oh, parang ang laking kasalanan na naglalandian sila dun.” Sumimangot lang ako lalo. 

 

“Pwede naman in private sila maglampungan.” 

 

Hindi ko talaga alam anong sense nung landian in public kung pwedeng-pwede naman sa private, baka ma-take pa nila yun sa higher level kapag ganun… hindi ba better. Pero kahit naman hindi sila magandang pagmasdan, feeling ko okay lang din naman i-observe ang relasyon ng iba… para magkaroon ng inspiration sa mga isusulat ko. Ganun lang din. 

 

“Yung kunot ng noo mo… samahan mo ko sa theater.” Sumunod lang ako sa kanya, san pa ba ako pupunta? Halos memorized na yata ni Magui ang schedule ko, lagi na siyang nakaabang sa labas ng room ko after every class. Akala tuloy nung iba, chaperone ko sya.

 

“Ano gagawin ko dun?” Tanong pa ‘ko nang tanong pero tuloy lang din naman ako sa pagsunod sa kanya.

 

“Ime-meet mo mga makaka-work mo.” Nakatingin lang ako sa kanya, hindi ko alam kung maniniwala ako sa confidence nya sa isinulat ko. Para kasing hindi ko naman nabuhos ang best ko dun sa script na yun, sobrang dami pang dapat i-improve dun. Isa pa, ang bland kaya nun. Kulang na kulang pa.

 

“Hindi naman sure na—”

 

“Ang pinipili naman nila, hindi yung finished work na. Yung may potential ang ipu-push through nila, Alex… at sure akong merong potential yung sayo.” Hinila nya ako papasok sa loob ng theater, ang lakas pa ng sigaw nya sa mga co-actress nya sa loob. Medyo may mga namumukhaan ako, nakita ko na yata sila dun sa malaking tarpaulin sa labas pero di ko naman kilala sa mga name nila.

 

“Walang chichismis sa batang to, magpractice kayo.” Hinampas ko pa sya pagkatapos sabihin yung ‘bata’. E’di sya na senior!

 

“Bata daw…” Bulong ko pa.

 

“Hihingin lang nila number mo, dyan ka lang… magreview ka, practice lang kami.” Tinatalo nya pa Nanay ko madalas. Panget mo kabonding, Magnolia!

 

Hindi rin naman ako nag-review at pinanood ko lang sila. Meron silang last play this coming weekends, last play before ibigay sa kanila yung magiging script for their next one… yung mananalo sa playwriting contest.

 

Pero itinatype ko sa phone ko yung mga lines na nagugustuhan ko sa bawat sinasabi nila. This, ito yung pinakagusto ko pagdating sa pagsusulat… kapag may mga witty lines na alam mong maaapektuhan pati yung manonood or magbabasa nung piece. That’s the most satisfying part, watching people raise their eyebrows or nod a little as they go through that line.

 

Sa pagkakaalam ko may jowa tong si Magui, pero di ko pa namemeet. Madami rin syang friends sa ibang year level pero ako yung madalas nyang puntahan para isama kung saan-saan. Pero okay lang naman, hindi naman ako yung napapakamalang chaperone, kundi sya.

 

“Mag-audition ka ba?” Napalingon ako sa biglang nagsalita sa tabi ko.

 

“Hindi po, kasama lang po nung isa sa actresses.” Si Sir Facundo, favorite prof to ni Magui, lagi ba naman binabash kapag kami lang yung magkasama. Pero sya rin naman adviser ng Org na to.

 

“Sino sa kanila?”

 

“Si Magnolia Arevalo po.” Naupo lang sya sa tabi ko at nakinood sa nasa stage.

 

“Hindi madalas magsama dito ng kaibigan ang mga actress at actor namin, sure ka bang hindi ka paga-audition-in ni Magnolia?” Tumango lang ako sa tanong nya.

 

“Sir, tineterorista nyo na yata kasama ko.” Ganun na yata sila ka-close ni ‘Panotchi Facundo’ para ganunin nya na lang.

 

“Napaka-judger mong bata ka, tinatanong ko lang kung bakit sumama sayo…”

 

“Sya next na playwright natin Sir.” Nanlaki lang ang mata ko sa sinabi nya. Pahamak talaga oh!

 

“Kakatapos lang ng first screening ng scripts kanina, nagpasa ka ba dun, ija?” Hindi ko masabing si Magui ang may pakana ng lahat! Pero um-oo na lang ako.

 

“Pwede nyo na tingnan ang results, nasa may pinto lang nitong theater yung results… out of 100 na nagpasa, down to 25 lang yung tinanggap.” Bigla akong kinabahan, at kasalanan to ni Magui.

 

“Ano pangalan mo?” Tanong ni Sir at inilabas ang isang bond paper sa bag nya. 

 

“Alessandra Bernardo po.” Pakiramdam ko, nasa isang cliche na kwento agad ako nung narinig ko yung sunod na sinabi ni Sir.

 

“One of the top scripts.” Talaga ba, Sir…

 

Dama ko na agad ang titig ni Magui sa’kin. Parang ano, tipong pagbilang ko ng lima tatalon na sya sa stage at hahampasin na ako para sabihin na, “Sabi ko sa’yo, ayaw mo maniwala.”

 

Hindi naman sa pinapangunahan ko sya or kung sino man ‘yung mga judge pero, sure na ba talaga silang kasama sa sunod na line-up for screening ‘yung script ko. I mean, ano bang special dun? Monologue lang naman sya, as far as I know puro words—sa words naka-focus, sa dialogues naka-focus ang isang play.

 

Enough na ba ‘yun?

 

Pero sabagay, sabi nga ni Magui, ‘yung may potential ang pinipili, hindi ‘yung mga script na mukhang finish na. We’re here to learn, kineme—

 

“Pagzo-zone out talaga talent mo ‘no?” Napalingon lang ako kay Magui habang hawak ang script sa kamay ko.

 

Tiningnan ko lang ang front page ng nasa kamay ko. Napaka-cliche man isipin pero script ko nga ‘yung napili—medyo hindi ako thrilled kasi, porque ba kwento ko ‘to, lagi na lamang ako ‘yung blessed? Joke lang, baka bawiin ni Lord. Thanks po, paradise daddy.

 

“‘Di ba pwede na feeling cliche lang?” Tanong ko at tiningnan sya sandali.

 

“Alam mo, chaka mo kabonding. Tara na, practice… last play ko na ‘to before mag-graduate oh.” Nang-guilt trip pa nga oh.

 

“Oo na, eto na… ‘wag ka na magdrama, Direk.” Napangiti naman sya sa sinabi ko.

 

Direk. Nakipag-away—hindi naman sa away, parang ano lang. Nakipag-debate sya kay Sir Facundo kung bakit dapat sya ang mag-direct nitong script na isinulat ko. Hindi daw sya papayag na sa iba ibibigay ang work ko.

 

“Teka nga, bakit kasama ako sa practice, ‘di naman ako aacting?” Tanong ko habang naglalakad kami pabalik sa theater.

 

“Wala, crush ka daw kasi ni George, last month pa ‘ko kinukulit sa number mo.” Sinong George?

 

“George? Yung ano—”

 

“Crush mo rin ba?” Teka nga, bakit nya ba sinabi sa’kin na crush ako nung tao?

 

“Gaga, bakit mo naman sinabi sa’kin?”

 

“Tinutulungan ko na sya, napakabagal. Crush mo rin ba? Bibigay ko number mo.” Hindi ako makapagsalita. I mean, hindi naman sa ayoko sa tao, pero hindi ko rin naman crush… parang okay lang naman, I mean… ano ba yan!

 

“H-Ha…”

 

“Crush mo?” Kilala ko na agad ‘yung ngisi nya.

 

“Wala akong sinabi…” Nilampasan ko lang sya at pumasok na sa theater. Saktong-sakto na nakatayo sa stage si George, sya pala ‘yung isa dun sa model students na nakalagay sa tarpaulin sa labas ng school. Nakita ko na sya sa ilang indie films na napanood ko sa pagkabored. Hindi naman sya madalas din sa films sa industry, dinedecline nya ‘yung offers kapag masyadong maco-consume ang time nya—bakit ang dami kong alam sa kanya…

 

“Gago, crush mo yata si George.” Bulong pa sa’kin ni Magui at lumapit na sa stage. 

 

Hindi ako nagsalita, nakatayo lang ako doon at pinanood siya—sila. Binabasa ko ang script na hawak ko habang nakikinig sa mga sinasabi nila.

 

“Kape.” Hindi ko nilingon ang nagbigay at tinanggap na lang.

 

“Thanks.” Wala sa loob akong nagsalita. Pwede ko na rin siguro gawin ‘yung ilang papers ko na due soon. Hindi pa naman ako tinatawag ni Magui para magtanong tungkol sa susunod na scene.

 

“Iced black coffee ‘yan, walang creamer, kokonti ang sugar.” Napatigil ako saglit para tingnan kung sino nagbigay.

 

“Hoy Georgina, nasan na ‘yung kape!” Hindi pa ‘ko nakakapagsalita ulit, tinawag na sya ni Magui. Pero ano naman pala sasabihin ko… nakapag-thank you naman na ako sa kape.

 

Pinanood ko lang silang magpractice. Maayos naman, lalo na si George. Halata na sanay na sanay na sya pagdating sa mga gantong bagay. Kilala naman sya sa batch namin, pero parang wala naman syang pake sa kanila—don’t get me wrong, I meant it the other way. Hindi sya nadadala ng fame, parang normal at simpleng working student lang din sya. Except lang siguro sa fact na ‘yung work nya, ganun… hindi work sa very common na place.

 

“Tama na titig, crush mo talaga sya ‘no? Crush nyo each other, edi sana all.” Tiningnan ko lang si Magui sa sinabi niya.

 

“Jowa mo nga crush mo.” Lalo lang sya nang-asar sa sinabi ko. Mali pa yatang nasabi ko na jowa nya ‘yun. Crush ko lang daw kanina, tapos gusto ko na pala jowain—ano daw?

 

Isinubo ko na lang sa kanya yung hawak kong tinapay. Ang dami nyang sinasabi… gusto ko lang naman manood nang tahimik.

 

“Bigay ko number mo sa kanya. Nagsasabi ako, hindi nagpapaalam. Replyan mo ha? Hindi pwedeng hindi kayo magjowa bago kayo mag-graduate ng college.”

 

“Paano kapag nag-break?” Ibinato nya sa’kin ‘yung tinapay na nakasubo sa kanya kanina.

 

“Ang bastos-bastos mo, Arevalo!” Sigaw ko sa kanya. Nagtinginan sila sa’min pero bumalik din naman sa ginagawa nila. Kapag siya talaga ang kasama ko, parang hindi ako magkakaroon ng tahimik na buhay.

 

Pero okay lang naman din.

 

“Basta, sabihin ko… payag ka sa date, anytime and anywhere.” Pipigilan ko pa ba?

 

I mean… date lang naman…

 

“Kilala ko tingin na yan ha, gusto mo rin naman ‘no?” Hindi ako makasagot. Ano ba ‘to!

 

I mean, ‘di ko naman sya masyado napapansin before. Nakikita ko lang din naman sya kapag nandito ako sa theater, or ‘yung malaking tarpaulin nya sa labas. Minsan pala… sa hallway. Minsan din sa caf, or sa cafe sa labas… minsan din sa bookstore, or sa—-madalas ko pala sya makita?

 

Scratch that, palagi ko pala syang nakikita? Sa campus man or wala—-

 

“Are you enjoying ba?” Teka ano?

 

Mukha agad nya ang bumungad sa’kin paglingon ko. Gusto ko batuhin si Magui sa ngisi nya kanina bago siya umuwi. Sabihin ba naman kay George na ayain ako sa date kasi wala naman daw akong gagawin.

 

“Sorry if I bore you, I’m not really that talkative.” Bakit ba sya english nang english?

 

“Ayos lang naman…” Mukhang nagulat pa sya nung nagsalita ako.

 

“Sabi ni Magui, ‘di ka daw nagtatagalog sa iba.” Gusto kong matawa sa sinabi nya.

 

“Na-scam ka.” Natawa na ako nang tuluyan.

 

Hindi naman pala sya masamang kasama, don’t get me wrong! I mean, akala ko magiging awkward ‘to. Hindi naman kami close, at lalong hindi rin naman kami madalas magpansinan sa theater or sa labas.

 

Kapag nakikita ko sya somewhere, hindi ko naman nilalapitan. Hinahayaan ko lang sya, big deal ba ‘yun? Parang hindi naman.

 

Natahimik din naman agad kami, pero hindi na mabigat ang hangin sa paligid. Tinitingnan ko lang ang lumalabas at pumapasok dito sa loob ng cafe habang hawak ang kape ko. Nagbabasa naman si George sa harapan ko, habang nagkakape rin.

 

Mas gusto ko ‘to, hindi nauubos ang energy ko; hindi rin boring or maingay. Komportable lang kami sa pwesto namin.

 

Gusto ko syang panoorin magbasa, pero ayoko namang isipin nya na ang creepy kong tao. Sino ba naman kasi tititig sa taong nagbabasa ‘di ba? Ako siguro… pero hindi naman lahat ng nagbabasa tinititigan ko. Feeling ko lang, deserve nyang titigan kasi ang ganda ng view! Okay, maganda sya. Sobra.

 

Pero, parang medyo out of reach.

 

Hindi sa sinasabi kong gusto ko syang i-pursue pero… ‘yun. Parang untouchable lang sya, unreachable, out of my league—

“Tapos ka na ba torture-in ‘yung cake?” Napatigil ako sa pagtusok sa slice ng cake sa harapan ko at napalingon sa kanya. Nakangiti lang siya sa’kin.

 

Teka naman… hindi ako dapat ganito mag-react. Ang panget naman ka-bonding ng init sa pisngi ko.

 

“Akin na, I’ll eat it.” Ha? Murdered na ‘yung cake, mukha na syang nalamog na tinapay. Bakit kakainin niya pa?

 

Sumubo lang ako ng isa at ibinigay na sa kanya ‘yung cake, tatayo pa sana ako para kumuha ng new fork pero ginamit na niya ‘yung ginamit ko kanina. Nung sinabi ni Magui na ‘di maarte ‘tong si George, ito ba meaning nun? Feeling ko napaka-inosente ko bigla sa mga bagay-bagay.

 

Naglakad kami papunta sa labas, ihahatid niya daw ako sa’min. Pero ayokong ma-interrogate pa sya ng ama ko, jusko! Pero buti na lang siguro at wala pa sila, napapasok ko pa sya saglit sa bahay bago sya nagpaalam. Saktong-saktong pag-alis niya, dumating na sila.

 

“May bisita ka pala kanina.” Heto na naman tayo…

 

Buong gabi lang akong pinagdiskitahan at inasar, gusto ko na lang itakip sa mukha ko ‘yung plato habang nagdidinner kami.

 

Akala ko hanggang kinabukasan pa, at sa mga sumunod na araw ang pang-aasar nila… pero tumigil din naman pagkatapos ng ilang gabi. Paano ba naman, hindi ko na ulit isinama sa bahay… at hindi pa ulit nasundan ‘yung pagkikita namin.

 

Oo… ‘pa’.

 

Babawi daw siya, hindi ko alam kung anong klase ng bawi pero aasa na ba ako?

 

Hindi.

 

Bakit ako aasa, eh hindi ko naman siya gusto?

 

Parang ano lang, interesting? Gusto ko siyang makilala, ganun… pero the things that’ll happen after knowing her; everything is uncertain.

 

Wala pa sa plano ko ang maghanap ng kalandian habang nag-aaral. Wala pa sa plano kong lumandi habang nag-aaral. Pero not bad na rin ba?

 

Tanungin ko na lang siguro si Magui—

 

“So ano? Hindi ka pa ba inaaya sa date ulit?” Kanina niya pa ako kinukulit, kahapon—nung isang araw pa.

 

Magkasama kami halos araw-araw tapos itatanong niya pa sa’kin ‘yun… may nakikita ba syang hindi ko nakikita?

 

“Wala ka naman nakikitang lumalapit sa’kin ‘di ba? Kahit kapag nasa theater tayo.” Tumango-tango lang siya.

 

Hindi ko alam kung ano bang trip niya sa buhay pero wala naman akong planong makipaglokohan.

 

Anong bawi ba ‘yung sinasabi niya?

 

“Baka naman busy sa work, ‘di ba may shooting din siya after ng classes?” Hindi ko na inintindi. Wala naman akong karapatang makiusyoso sa work niya hanggang hindi niya voluntary sinasabi sa’kin—or dapat ba nagtatanong ako? Hindi ko alam.

 

Gusto ko syang mas makilala pa, pero parang ang chismosa ko naman kung tatanungin ko siya nang tatanungin sa mga bagay-bagay. Gusto kong ibigay sa kanya ‘yung time nya sa gabi para mag-chill.

 

Hindi ko nga rin alam kung bakit nagmemessage siya para sabihin sa’kin ang ginagawa niya. May ibig sabihin ba ‘yun?

 

“Sumusulat ka about sa mga ganyan pero parang ang clueless mo pagdating sa relasyon.” 

 

Pa’no ba kasi ang takbo ng ganyang bagay? May rules ba? Norms? May book of regulations ba na dapat sundin? 

 

Nagsusulat ako, base sa mga nakikita at nababasa ko lang.

 

Nagkaron na rin naman ako ng mga ka-M.U before, during my high school years. Pero parang pagdating kay George, nawala lahat ng experience na ‘yun. Iba kasi eh…

 

Teka nga, bakit ba kung makapagkwento ako eh parang jowa ko na siya?

 

Wala namang kami, hindi naman kami. Hindi ko alam kung ano ba kami? We went out once, and simula nun, araw-araw na niya akong ina-update sa buhay niya.

 

Kung kumain na ba siya, or natapos na siyang mag-review para sa quiz nila, pati ‘yung time ng pagligo niya sa gabi halos nasaulo ko na. Nirereplyan ko naman siya, kung anong ginagawa ko during that moment tapos magse-send sya ng meme after… at ayun, hindi ko alam ang isasagot.

 

Kapag nakatapos siyang maligo sa gabi, nakadapa na ‘ko sa kama at hinahanap ang antok ko.

 

Kapag naman kumakain siya ng agahan, tulog pa ako.

 

Sa tanghali, busy akong magkape habang siya may hawak na dalawang script at nagsasaulo.

 

Nagsesend din siya ng pictures; set, ‘yung kinain niya, ‘yung orasan, pati ‘yung script niya na may mga drawing niya. Ang cute lang nung nagdrawing siya ng pusa.

 

“Tama na pagpapantasya, lapitan mo kaya?” Ano bang sinasabi nitong si Magui?

 

Kumurap ako at dun ko lang napansin na magkatapat pala ang pwesto namin sa loob ng theater. Kumakain siya ng sandwich habang nagbabasa, nakakunot pa ang noo niya.

 

Parang ang sarap niya lang i-drawing.

 

Kaso hindi nga pala ako marunong nun… or medyo. Pero alam kong hindi sapat ‘yun. Hindi kayang i-justify ng mga linya at guhit ‘yung gandang meron siya—

 

“Grabe…” Tiningnan ko ang hawak kong sketchpad.

 

Kanina ko pa sinusubukang i-drawing ‘yung itsura niya, habang nagbabasa; nakayuko at nakafocus sa papel na hawak niya. Nakababa ‘yung mahaba niyang buhok at may hawak din na lapis.

 

Hindi talaga sapat.

 

Tinitigan ko ang papel, may kulang. Hindi ko alam kung ano pero alam kong may kulang. Parang napaka-imposible bigla na makumpleto ko siya, nabuo ko ang imahe… pero may kulang.

 

Saktong-sakto pa sa pagtunog ng phone ko, nag-message siya.

 

Nasa set pa sya, at kumakain ng dinner kasama ‘yung ibang mga artista. Sinend ko lang sa kanya ‘yung picture ng lapis sa ilalim ng desk lamp ko.

 

Bakit ko sasabihin na naka-drawing siya sa sketchpad ko? Hindi. Hindi niya malalaman ‘yun.

 

Hindi nya malalaman na sa tuwing titingin ako sa pader, naiisip ko ang pangalan niya. Merong kakaiba; may bagay na hindi ko maipaliwanag. Parang isang hindi tapos na kwento; walang kulay na outline sa canvas; kanta na kulang-kulang ang nota; at isang sculpture na hindi itinuloy—hindi siya kulang, but there’s something about her which keeps me up.

 

Parang kape, ganun… ganun ‘yung presensya niya. Gising ako, gising ang diwa ko; at tumatakbo ang mga ideya sa utak ko. Isa syang ganun…

 

Hindi ko pa alam kung ano siya, but it’s what makes me hooked; tied, and interested—not with who she was, nor who she will be, rather… her now, her present self. 

 

She’s like a mystery; full of threads, colors, and everything in-between.

 

Hindi ko ma-pinpoint kung paano ko ba siya idedescribe. Basta ang alam ko lang, sapat siya kahit parang may kulang sa bawat nasusulat at naguguhit ko nitong mga nakaraan—-

 

“Tulala ka na dyan, porque ‘di aattend si George sa practice ngayon.” Tiningnan ko lang si Magui. Wala naman nabanggit sa’kin ‘yung tao kagabi?

 

“Bakit daw?”

 

“‘Kala ko ba magkausap kayo?” Tumango ako. Pero parang mas pipiliin kong pagpahingahin na lang siya kesa guluhin pa sa pagtatanong. I try my best na hayaan siya at ‘wag maging clingy.

 

“Medyo… pero ‘di naman niya nasabi.” Hawak ko lang ang script na feeling ko nagrereklamo na kasi puro drawing ko na, aside sa small notes; ginawa ko na yatang canvas ‘yung likod kakatry i-drawing ‘yung view na nakita ko the other day. It’s something na hindi maalis sa isipan ko. Pero paano ko naman ido-drawing nang maayos?

 

“Hina mo naman…” Inihampas ko lang sa braso niya ‘yung script. Ako pa talaga ‘yung mahina…

 

“Ikaw nga eh…” Tiningnan niya lang ako.

 

“Hindi mo mapigilan jowa mong i-stalk ang ex niya–aray ko naman!” Hinila niya pababa ang laylayan ng buhok ko. Ang sakit ha!

 

“Ikaw na bata ka, masyadong madami alam mo. Sshh!” Hindi ko alam kung matatawa ba ako or anong iisipin sa nangyayari sa kaniya. Patapos na siya ng college, ilang taon na rin silang magjowa

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
zeroris
@yeojaszero on twt! you can visit my profile to know about the next ones! 😝

Comments

You must be logged in to comment
jmj1117 #1
Chapter 2: Azelea 🤝 Ezra mga bobo mga tanga
Taengpoop #2
Chapter 2: GAgo ezra sa kanya ba nakabase si azaleang bobo
Elatedbliss #3
Chapter 2: Napamura nalng ako. Ang gago ni Ezra! Sinayang niya ung years na nasa tabi niya si Magui. Tapos kung saan masaya na si Magui and is with someone who deserve her ngayon ka babalik lol

Glad Magui woke up and realized her worth. She deserve someone who’ll love and take care of her.
BleuHyacinthJ
#4
Chapter 2: sino si kit? Si wendy? Gagu ni ezra ampotek , dasurb mo yan gagu ka.
buti na lang andyan mga friends ni magui, lalo na mag asawang herrera, may taga realtalk ( alex) tas may taga suntok (george) 🥺

hoy may anak na yung mag lagi? 😭😭😭 otor baka naman
BleuHyacinthJ
#5
Chapter 1: Hoy grabe si Alex at George 😭😭😭😭 naiiyak ako part 2 po parang awa 😭😭😭😭
Jiminez #6
Chapter 1: Ang sweet. Wala, wala ako masabi.
howdoyouknowmee
568 streak #7
Upvoted!