01. Final

Couldn't get over Yoo
Please Subscribe to read the full chapter

Ning Yi Zhou.

 

Nandito kami ngayon sa isang club sa Taguig, Hinigit na ako ng jowa ko papasok sa loob para sunduin ang magaling naming kaibigan na si Winter. Ang gaga natripan mag inom magisa eh wala pa ngang tatlong shot shenglot na 'yon.

 

"Babe, gusto mo ba maghiwalay tayo para makita agad natin si Winter? Weekend ngayon kaya madaming tao." sabi ng pinakamamahal kong jowa, si Giselle.

 

Umiling na lang ako dahil alam ko naman kung saan ang paboritong pwesto ni Winter. Sa may dulong couch sa may corner. Doon kami laging pumepwesto kaya panigurado nandun 'yon.

 

At hindi nga ako nagkamali, pagdating namin sa usual spot namin nandun ang gaga nakadukdok na sa lamesa.

 

"Hoy babae gising na! Hindi 'to motel." sabi ko pero hindi siya nag taas ng tingin kaya tinaas ko ang ulo niya.

 

"Ning? Ikaw ba 'yan?" tanong ni Winter at halatang nahihilo na.

 

"Ay beh hindi, isa lang akong dyosang napadpad dito para sunduin ka." 

 

Nag snort naman siya at akmang tutungo ulit pero pinigilan ko siya. "Mukhang dyosa amputa, mas mukha ka ngang anak ng kadiliman."

 

Aba aba ang gaso nito ah. Akma ko siyang babatukan ng pigilan ako ng girlfriend ko.

 

"Babe, hayaan mo na lasing na at baka lalong mahilo." saad ni Gi sakin. Hay kung hindi ko lang ako masunuring jowa baka tanggalin ko pa ulo nitong Winter na 'to.

 

Nag make face na lang ako sa jowa ko na tinawanan niya lang. Mahinhin na tinapik ni Giselle ang pisngi ni Winter dahil mukhang nakatulog ulit ang loko.

 

Nag groan lang si Winter.

 

"Winter, tara na uwi na tayo. Lasing ka na." sambit ni jowa.

 

Nag groan lang ulit si Winter at nagpalit ng pwesto ng ulo. Kung kanina nakaharap siya sa may east ngayon naman ay nakaharap siya sa west sa may bandang stage. Unti unti niyang minulat ang mata niya hanggang sa hindi na nawala ang tingin niya sa stage.

 

Ilang segundo niya pa 'to tinitigan atsaka biglang tumayo at pumunta sa gilid para kausapin ang staff. Wala akong idea kung bakit…

 

"Please tell me it's not what I think it is." sambit ko sa jowa ko.

 

"It's clearly what you think it is." sagot niya naman sakin at mahina pang natawa. Wala naman akong magawa kundi masapo ang noo ng makitang inabutan ng isang staff ng mic si Winter.

 

"Hello sa inyong lahat!" masiglang bati ni Winter na akala mo hindi nakakaramdam ng hilo. Yung audience naman nag cheer pa, hindi ko naman ipagkakaila na may itsura 'tong bespren ko. Ang masaklap lang pinagpalit sa may hotdog.


 

Winter Kim.

 

"Hello sa inyong lahat!" masigla kong bati sa madla. Hindi ko alam kung anong nasa isip ko at pumunta ako dito sa harapan para mag alay ng isang awit sa isang taong minsang bumuo ng buhay ko. 

 

Sa totoo lang meron akong stage fright kaya hindi ko alam kung saan ako humatak ng lakas ng loob para tumayo dito sa harapan. Siguro dahil na din sa matinding emosyon na nararamdaman ko at dahil na rin sa alak.

 

"Nandito ako ngayon sa harapan niyo para umawit ng isang awiting inaalay ko sa babaeng nagsilbing ilaw ng buhay ko."

 

Narinig ko namang nag cheer ang mga tao kaya lalo akong ginanahan. Inikot ko ang tingin ko sa madla hanggang sa dumapo ang mga mata ko sa isang pamilyar na babae, si Karina. Ang nagsilbing suka ng chicharon ko, ang icing sa ibabaw ng cupcake ko at ang nagiisang pugo sa kwek kwek ko. Ang Karina Yoo ng buhay ko.

 

Napangiti ako ng makita siya na mataimtim siyang nakatingin sakin at halatang interesado makinig kahit na wala akong nakikitang emosyon sa mata at mukha niya pero agad ding napawi ang ngiti ko ng makita ang kasama niya. 

 

Pinagpalit niya sakin na mukha namang sugo.

 

Si Jongin.

 

Kahit kailan talaga epal saming magkapatid  yang Jongin na 'yan. Yung jowa kasi ng kapatid ko ex yan si Jongin. Ang kwento sakin ni Ate Jisoo, nung naghiwalay sila ni Ate Jennie, bigla daw kabuteng sumulpot si Jongin tapos kinomfort si Ate Jennie. Nung tinanggihan ni Ate Jennie nagpaka sadboi daw ampupu. 

 

Ngayon naman kay Karina siya nalapit. Lamang lang naman siya ng isa't kalahating ligo dahil laking shower siya at ako naman timba at tabo lang, kung siya laking dove ako laking safeguard na pink lang.

 

Pinikit ko na ang mata ko at humingang malalim.

 

Wag ka munang magalit

Ako sana'y pakinggan

Di ko balak ang ika'y saktan

 

Hindi ikaw ang problema

Wala akong iba

Di tulad ng iyong hinala

 

Sa intro pa lang ng kanta ay mabilis na bumalik sakin ang mga alaala naming sabay binuo ni Karina. 

 

Sarili ay di maintindihan

Hindi ko malaman, ano ba ang dahilan

Ng pansamantalang paghingi ko ng kalayaan

Minamahal kita, pero kailangan ko lang mag-isa

 

Ang hiningi ko lang naman ay cool off pero bakit break up binigay? Nakakapagod na din kasi pero gusto ko lang naman magpahinga saglit pero naghanap kaagad siya ng iba.

 

Wag mong isipin na hindi ka na mahal

Sarili ko'y hahanapin ko lang

At ang panahon at oras ng aking pagkawala

Ay para rin sa atin dalawa

 

Para din naman saming dalawa 'to dahil sobra na kaming nagiging independent sa isa't isa. Syempre kailangan din namin ng oras para sa sarili namin, mali ba 'yon?

 

Wag ka sanang lumuha

Sana'y intindihin

Ito ang dapat nating gawin

Upang magkakilala pa

At malaman kung tayo

Ay para sa isa't isa

 

Wag mong pigilin ang damdamin

Sa aking pagkawala, makahanap ka bigla ng iba

Ngunit pakakatandaan

Na mahal pa rin kita, pero kelangan ko lang mag-isa

 

Mahal ko si Karina hindi magbabago 'yon. 

 

Wag mong isipin na hindi ka na mahal

Sarili ko'y hahanapin ko lang

At ang panahon at oras ng aking pagkawala

Ay para rin sa atin dalawa

 

Gusto ko lang naman mapag isa ng konting panahon perp bakit nag hanap kaagad ng iba? 

 

Sarili ay di maintindihan

Hindi ko malaman, ano ba ang dahilan

Ng pansatamantalang paghingi ko ng kalayaan

Minamahal kita, pero kelangan ko lang mag-isa

 

Nagsabi naman ako na gusto ko ng space, gusto ko mapag isa pero nung araw na handa akong lumaban ulit makikita ko siya may kayakap na iba? 

 

Wag mong isipin na hindi ka na mahal

Sarili ko'y hahanapin ko lang

At ang panahon at oras ng aking pagkawala

Ay para rin sa atin dalawa…

 

Dahan dahan kong binuksan ang aking mata para tingnan siyang muli, nakatingin lang siya sakin at katulad kanina, wala pa ding emosyon ang kanyang mga mata.

 

Bumaba na ako ng entablado para puntahan sila Ning sa table kung saan ako nakapwesto kanina. Sinalubong naman nila ako ng puri at ngiti, ngumiti lang ako pabalik at umupo na sa pwesto ko kanin. 

 

"Ang ganda pala ng boses mo Winter." sabi ni Gi. Nahihiya naman akong ngumiti at napakamot sa batok.

 

"Hindi naman, marunong lang." 

 

Mahina naman binunggo ni Ning ang balikat ko gamit din ang balikat niya. Magkatabi kasi kami habang nasa harapan namin ang jowa niya.

 

"Aysus, ang hambol naman ng tropapits ko."

 

Natawa naman ako ng mahina at pabiro siyang sinapak sa braso. "Gago tigilan mo ko, nararamdaman ko ulit hilo ko."

 

"Buti nga kinaya mo pa isang bote eh. Weak ka pa naman."

 

Hindi ko na sinagot si Ning at ininom na lang ang cocktail na inorder nila para sakin habang nakanta ako kanina. Hinanap muli ng mata ko si Karina pero hindi na siya nakatingin sakin at busy na makipag usap kay Kai at sa iba pa nilang kasama.

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
TakuyaKen
#1
Chapter 1: ay gago hahaha dahil s balat ng chicken joy
Jhino30 #2
Chapter 1: yawaaa, dahil lng sa balat nang chicken Joy 🤣🤣🤣
bacclaforaespa
#3
Chapter 1: HAHAHAHAHA POTANGINAAAA BALAT NG MANOK AMPOTA
Gab_17
#4
Chapter 1: Rereading thus hahahaham potangna ka Winter, baliw. HAHAHA
Gab_17
#5
Chapter 1: Rereading thus hahahaham potangna ka Winter, baliw. HAHAHA
BamBamOnce #6
Chapter 1: HAYOP KA WIN BALAT LANG PLA NG MANOK HAHAHAHAHAHAHAHHAAHHA
Fanytastic09 #7
Chapter 1: Abnormal naman winter HHAHAHAHAH
Maatt_booii #8
Chapter 1: Ng dahil sa balat ng chicken joy ahahahaha gaga ka wintot
kang_ddeul
#9
Chapter 1: HAHAHAHAHA lods win talaga ang cute mo! HAHAHA
KingSeul
#10
Chapter 1: Goshhh HAHSHAHAGAHAHAHHA