Chapter 1

30 Days with you

Irene’s Pov

 

Pag tumalon kaya ako dito siguradong dedbol ako? Mukha namang matatalas ang mga bato at malalim. Magandang pwesto para pagtalunan pero hindi magandang spot para bagsakan. Well, para sa magsusuicide na tulad ko, magandang spot. Pero sigurado kahit nasa kabilang buhay na ako, hindi ako patatahimikin ni Jennie. Isinama niya lang ako sa lugar na ito para magbakasyon at para maaliw tapos magpapakamatay na ako. Bakit ko ba biglang naisip magpakamatay? Wala naman akong mabigat na problema kundi ang puso ko lang naman na nasaktan. Alangan namang itong puso ko lang ang ibato ko o patalunin ko out of my chest. Bakit kasi may putol na tulay dito, nakakapagisip tuloy akong magpakamatay.

 

“Magpapakamatay ka?” tinig ng isang babae ang nagpagising sa akin at ng lingunin ko, a pair of almond eyes is directly staring at me. Kahit nakatago ang kanyang ulo sa hood ng jumper niya. I was dumbfounded for seconds but I composed myself again.

 

“None of your business!” mataray kong sagot.

 

“Nanahimik itong tulay tapos bibigyan mo ng pangit na reputasyon. Sayang naman, wala ng maglalakas loob na umakyat dito at tingnan ang magandang tanawin ng dagat kasi takot na silang lumapit dahil lamang sa pangyayaring ikaw ang may gawa na kung hindi ako nagkakamali ay isang dayuhan pa.” deretso niyang sabi na hindi ako tiningnan but went straight to the edge of the bridge at umupo saka inayos ang gitara na dala dala niya.

 

“What do you care? And why are you here? Can’t you see I came here first.” Mataray kong sabi. “At bakit diyan ka umupo sa dulo baka mamya mahulog ka.” Habol ko, she’s practically swaying her legs pa, ang tapang naman ng babaeng ito. Mataas kaya itong tulay mula sa may dalampasigan paakyat at mula dito sa dulo pababa ay mga 20 feet din siguro o mahigit pa.

 

“Diba balak mong magpatiwakal, bakit natatakot ka sa pwesto ko? Pag mamay-ari mo ba ang tulay na ito para angkinin mo? Kung ayaw mo ng may kasama, tumalon ka na tutal yon naman talaga ang gagawin mo kung hindi ako dumating di ba?” deretsa niyang sabi. Sasagot na sana ako pero nakita ko siyang ngumiti and I saw her dimple, ang cute tingnan para akong na hypnotized at bigla akong natameme. Bumalik siya sa ayos at nag umpisa ng magtipa ng gitara niya.

 

“Can you please move back a little, natatakot ako sa pwesto mo. I’m not kidding, you’re freaking me out.” Pakiusap ko na sa kanya.

 

“Bakit mo ako pinauusod? Ganito talaga ang upo ko tuwing pumupunta ako dito.” Sagot niya, mas may sayad pa pala itong taong ito kesa sa akin eh. Then she removed her hood at lalo kong nakita ang nangungusap niyang mga mata.

 

“I’m serious, please move back a little” at umupo na ako sa bandang kanan niya pero malayo. “Dito ka na lang tabi tayo, hindi ko kayang umupo diyan. I’m afraid of heights.” Nasabi ko and I saw her laugh and her eyes that laughs too at ang cute niyang dimples. Mas malinaw ngayon dahil hindi na nakatago.

 

“Takot ka pala sa matataas na lugar pero gusto mong tumalon mula dito sa tulay.” She said and she started to move backwards hanggang magkatabi na kami. “Ayos na ba ito?” tanong niya and I just nod then I saw her smile again.

 

“Why are you smiling?” seryosong tanong ko.

 

“Bakit seryoso ang mukha mo?” tanong niya pabalik.

 

“Can’t you answer my question straight, why do you always asked me back?” inis ko ng sabi.

 

“Bakit masama ba?” tanong ulit niya.

 

“I’m serious.” Tingin ko ng tigre sa kanya pero napangiti lang siya

 

“Kanina ka pa nga mukhang seryoso eh.” Sagot niya sabay tingin sa dagat at inumpisahan nanamang magtipa ng gitara niya.

 

“Why are you here?” tanong ko muli.

 

“Ganitong oras ako lagi nagpupunta dito. Maganda kasing pagmasdan ang paglubog ng araw.” Sabi niya. “Ikaw bakit ka nandito? Magpapakamatay ka ba talaga?” balik niyang tanong sa akin.

 

“Balak lang kasi nakita ko mukhang magandang talunan ang lugar.” Pagsakay ko na lang sa kanya.

 

“Sa may mga utak na tulad mo, maari.”

 

“What?!”

 

“Nakita mo ba ang tanawin mula dito? Hindi ba maganda? Pero ang nakaagaw ng pansin mo ay tanawin sa baba. Maganda rin naman pero iba ang tingin mo dahil iba ang gusto mong mangyari.” Sabi niyang nagpawindang sa utak ko.

 

“You’re weird.”

 

“Ako ba ang tinutukoy mo o ang sarili mo?”

 

“How dare you talk to me like that?”

 

“Buti nga kinakausap pa kita kung hindi baka tumalon ka na.” hirit pa niya, inis na ako pero siya hindi ko man lang nakakitaan ng inis. Nakangiti pa kaya mas lalo akong naasar. Gusto ko ng umalis pero bakit hindi ko makuhang tumayo.

 

“Natutuwa kang makitang naiinis ako ano?” hasik kong tanong sa kanya.

 

“Naiinis kang natutuwa ako ano?” balik niya. At talaga namang inuubos nitong pasensiya ko. Biglang tayo ako at paalis na.

 

“Sigurado ka diyan ang daan mo hindi ba dito?” turo niya sa dulo ng putol na tulay. “Kala ko magpapakamatay ka?” dugtong pa niya. That really blew me off.

 

“Ang sama mo! Siguro pag tumalon ako diyan, titingnan mo lang ako ano?! Hindi mo lang ako tutulungan o isusugod sa hospital!” singhal ko sa kanya sa sobrang inis ko na.

 

“Bakit naman kita isusugod sa hospital eh gusto mo nga magpakamatay di ba? Siyempre titingnan lang kita at pag patay ka na isusugod kita sa punenarya.” Mahinahon niyang sagot.

 

“Damn you! You’re the worst person I’ve ever talked to! Nagsisisi ako na nagpunta ako dito! Aalis na ako baka mabugbog pa kita!” sabi ko ng patalikod at naiiyak na ako.

 

“Gawin mo.” Maikli niyang sagot.

 

“What?!” inis kong lingon pabalik.

 

“Gawin mo, bugbugin mo ako.”

 

“You’re crazy!” sigaw ko.

 

“Kung yon lang ang paraan para mabawasan ang galit mo. O baka mawala na rin sa isip mong magtangkang magpakamatay.” Sabi niya at natahimik ako.

 

“What do you mean?”

 

“Gusto ko lang malibang ka at mawala sa isip mong magpakamatay. Mas maganda ng mainis ka kesa suicidal ka.” Malungkot niyang ngiti. Tumalikod na ulit siya at umupo at kinuha muli ang gitara.

 

Matagal ako nakatayo lang hanggang naramdaman ko ang sarili kong tahimik na lumapit sa kanya ng dahan dahan. Umupo na ako muli sa tabi niya at nilingon niya akong nakangiti. Ramdam kong nag init ang pisngi ko.

 

“So sinasabi mo hindi na ako tatalon dito. Sige mag isip na lang ako ng ibang paraan. Blade na lang mas madali.” Bulong ko para matago ang naramdaman kong pag init ng pisngi ko.

 

“Pang ahit lang yon.”

 

“Kutsilyo na lang.” sabi ko.

 

“Pang hiwa lang yon ng karne, isda, gulay at prutas.”

 

“Tali na lang.”

 

“Pangbigkis yon hindi pangbigti.”

 

“Lason?”

 

“Para sa peste lang yon hindi ka naman peste di ba?” sagot niya, napangiti na ako. I’m amused with this girl.

 

“So overdose na lang ng gamot.” Huling hirit ko.

 

“Tinawag mo pang gamot tapos iinom ka ng labis, hindi gamot yon.” Sabi na niya.

 

“So anong paraan ang gagamitin ko?” tanong ko at tiningnan niya ako, matagal. Her eyes was so enchanting parang hindi nakakailang tingnan.

 

“Bakit kailangan mong tapusin ang buhay mo? May mga taong halos malagutan ng hininga at manganib ang buhay para lang mabuhay? May mga taong ginagapang ang kahirapan, sinusuong amg panganib may pang tawid gutom lamang? Gaano ba kasakit ang nadarama mo at kailangan mo ng isuko ang pag asang muli din maayos ang lahat?” tanong niya at hindi na ako nakaimik. Natahimik lang ako.

 

“Lagi na lang kasi akong nasasaktan.” Nasabi ko na lang at tiningnan niya ako, sinukat ako ng tingin.Saka muling tumingin sa dagat.

 

“Sabagay mas masakit talaga ang sugat sa damdamin kesa sa pisikal na sugat. Kung ganon pala dapat nagpatiwakal na rin ako dahil nasaktan din ako.” Sagot niya.

 

“You’re broken hearted, too?” tanong ko.

 

“Hindi ba halata?” tanong niya, hindi sagot ko lang sa isip ko dahil nakangiti siya.

 

“Maybe you’re not really in love. That’s why you’re not that affected.”

 

“Batayan ba ang pangangalumata, pag iyak, pag ngawa at pagpapakamatay para sabihin lubos kang nagmahal?” katwiran niya at hindi na ulit ako nakapgsalita. This girl’s really weird.

 

“So you really love him then.” Sambit ko.

 

“HER.” Diin niya “Oo minahal ko siya pero hindi niya ako kayang panindigan.” Mahina niyang sabi. I was silent for a moment. “Pwede mo na akong iwan kung naaasiwa ka. Pero eto ang pagkatao ko. Ngayon pa lang gusto ko ng malaman mo.” Ngiti niyang sabi.

 

“What makes you think na lalayo ako just because of what you just confessed?” tanong ko.

 

“Marami ang lumalayo sa akala nilang hindi normal na pagkatao, hindi ba?” tanong niya.

 

“I’m not one of them.” Sagot ko.

 

“Malawak naman pala ang pang unawa mo bakit kailangan mo pang magpatiwakal?”

 

“I don’t know, I just felt tired of everything.” Sagot ko na kung tutuusin ay pinanindigan ko na kung anong iniisip niya na gagawin ko.

 

“Huwag kang magpapatiwakal dahil lamang sa iisang tao na nanakit sa’yo, paano naman ang ibang nagmamahal sa’yo, hindi ba masasaktan din?” at muli akong natahimik.

 

“Guess you’re right.” Sabi ko sabay buntong hininga. “So can you sing me a song instead?” hindi namalayang nasabi ko. And I saw her bedimpled smile again.

 

“Sige.” At nag strum siya ng guitar niya. “Tong tong tong tong pakitong kitong alimango sa dagat malaki at masa---”

 

“Wait, wait, wait. Are you kidding me?” pigil ko sa pagkanta niya. “Seriously, yan talaga kakantahin mo para sa akin?” tanong ko.

 

“Anong gusto mo?” balik nanamang tanong niya. Ganito ba talaga itong sumagot, tanong din.

 

“Parang niloloko mo ako niyan eh.” Sabi ko ng may tonong inis.

 

“Bakit kita lolokohin? Malungkot ka na nga kakantahan pa kita ng makabagbag damdamin. Mamya niyan naglulupasay ka na diyan at umiiyak.” Sagot niya.

 

“What I mean is… Whatever.” Pagsuko ko ng sabi.

 

“Malapit ng dumilim, saan ka tumutuloy?” tanong niya.

 

“Diyan sa may private resort, siguro naman alam mo yon kasi tagarito ka. Nagiisang resort lang daw yon sabi ng bestfriend ko. Tindi rin ng may ari, dating governor daw pero ngayon nag Mayor na lang dito sa bayan para daw makasama ang pamilya niya. Bihira ang ganon, yong iba mas gugustuhin pang mas mataas na posisyon, ano sa tingin mong dahilan, pamilya ba talaga?” sunod sunod kong sabi.

 

“Hindi ka naman chismosa, ano?” tanong niya sa akin.

 

“Hindi kaya, nasabi lang ni Jennie kanina while we’re having lunch. Nakwento lang niya, this place daw is not yet discovered kaya magandang puntahan dahil napaka tahimik. Gusto daw ipromote ng Mayor dito para may kabuhayan din ang mga taga rito bukod sa pangingisda, magandang diving spots daw at snorkelling. I still have to see it for myself though.”

 

“Yon naman pala eh, kung nagpakamatay ka pala isa ka rin sa ang magiging pasyalan dito.” Balik niyang nakangiti pero tiningnan ko lang siya at tinaasan ng kilay. Pero walang epekto ang katarayan ko sa kanya dahil nginitian niya lang ako saka umiling. “Dumidilim na kailangan mo ng bumalik sa tinutuluyan mo.” Aya niya at tumayo na siya.

 

“Delikado ba dito pag gabi na?” may bahid pag aalala kong tanong.

 

“Hindi naman kasi lahat halos ng mga nakatira dito ay magkakakilala, maliit lang naman ang bayan namin. Ikaw nga ang mas kakatakutan nila dahil hindi ka nila kilala.” Sagot niya.

 

“Hindi nga?” paninigurado ko at mahina siyang tumawa at inilahad niya ang palad niya para alalayan akong tumayo. But when our hands touched, the second I felt her skin there was as if an electric current ran down my body, pareho kaming nagulat at nabitawan namin ang kamay ng isa’t isa. I felt it and I think she does too. Dahil natigil ang paghawak niya sa akin.

 

“Ayos ka lang?” tanong niya and I just nod then held her hand again, this time I felt the same yet wala ng gulat but I felt something strange. Hindi ko na lang pinansin at sabay na kaming bumaba at naglakad sa direksyon ng resort. Walang imikan, parehong nakikiramdam. Nang may maramdaman akong sumusunod sa likod namin at nagulat ako.

 

“Oh, ! What’s that?!” sigaw ko sabay kapit sa damit niya pero natawa lang siya at marahan akong hinawakan sa balikat ko.

 

“Huwag kang matakot, siya si Shadow. Kasa kasama ko siya pag namamasyal.” Pakilala niya sa itim na kabayong sumusunod sa amin. “Na trained na siya kaya hindi ko na siya tinatali, may distansiya siya at lumalapit sa akin kung kailangan. Matagal na rin siya.” Paliwanag niya.

 

“Well, from the look of your horse, he looks like a stallion. Mayaman ka siguro noh?” baling ko sa kanya. At parang namula siya.

 

“Bigay lang sa akin.” Matipid niyang sabi.

 

“Really?! You must have a rich benefactor then.” Sabay kindat ko sa kanya. Ngumiti lang siya saka muli kaming naglakad.

 

“Andito na tayo.” Sabi niya ng tumapat kami sa resort.

 

“So, see you when I see you?” tanong ko “By the way, I’m I.” Pakilala ko sa sarili ko.

 

“Kinagagalak kong makilala ka, ako pala si S.” pakilala niya at nagtaas muli ako ng kilay.

 

“Are you really kidding me? Kanina ka pa ah? S lang ba talaga pangalan mo?”

 

“Ikaw, I lang rin ba ang pangalan mo?” balik tanong nanaman niya sa akin.

 

“What the…” bago ko pa maituloy ay narinig ko ng boses ng best friend ko.

 

“B!” takbong lapit sa akin ni Jennie. “Kanina pa kita hinahanap ah. Saan ka nanamn nagsuot?” At nagulat siya ng makita ang kasama ko.

 

“Oh, hi S! glad to see you again.” Ngiti niyang bati.

 

“Hi J.” ngiting pabalik na bati ni S daw siya at nagbeso pa sila.

 

“So I think you already met my best friend Irene.” Nakangiti niyang banggit ng buong pangalan ko.

 

“Oo, pero ngayon ko lang nalaman ang buong pangalan niya.” Sagot nitong labas ang dimple nanaman.

 

“I see. Well S, this my best friend Irene Bae. B, this is Seulgi Kang, youngest daughter of this town’s Mayor and owner of this Resort, Mayor Felix Kang.”

 

“Oh no.” Mahina kong sabi and she just smiled back at me.

 

“Kinagagalak kong muli kang makilala, Binibining Irene Bae.”

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Eyli_Bae
Ito na ang dessert!

Tapos na siya!!! Thank you for reading this story, I hope I made you guys satisfy. kahit parang minadali na siya HAHAHAHAHA

BTW SEE YOU ON MY NEXT STORY "HER PROXY BRIDE" BASAHIN NIYO RIN!

Comments

You must be logged in to comment
xantheaverielle
#1
Chapter 33: Finished reading this alr 🥹 Definitely one of the best Tagalog Seulrene fics I've read so far. Salamat sa likha mong ito, author! Tinawid ako ng kwentong ito sa ilang araw at gabing pagod mula sa Univ. Will keep on reading and rereading your works! :)
xantheaverielle
#2
Chapter 20: I love reading about their arguments and how they resolve it. Sobrang pure ng relationship nila and naaappreciate ko 'yung pagiging vocal nila sa isa't-isa though it may be triggered by intense emotions of jealousy or anger at first. I think they're handling it pretty well naman at naaayos nila at thankful ako with the way this was written. Sobrang galing! Thanks author, hope I can still go back and read Chapter 17, if mapublish ulit. 🥹
xantheaverielle
#3
Wala na po bang Chapter 17? 🥺🥺🥺
xantheaverielle
#4
Chapter 16: Ang ganda ng angst grabe at bumalik pa si Sunmiii what will happen to them na kaya 🥹
xantheaverielle
#5
Chapter 13: Nag-I love you na si Irene ajhdkahdkajs kakilig huhu and ngayon na lang ulit ako nakabasa ng Seulrene Tagalog fic na super dama 'yung pagiging couple nila 🥹🥹🥹 I'm so glad that I took the time to read this
xantheaverielle
#6
Chapter 12: AAAA intense per chapter and I like Irene's spontaneity rin at times, it adds thrill sa story 😁
xantheaverielle
#7
Chapter 7: Ang bagal ko magbasa pero ang ganda-ganda ng storyline nito. I love how complex Seulgi and Irene's characters are lalo na't nababasa namin 'yung thoughts nila. 🥹 Will continue reading this! 🤍
xantheaverielle
#8
Just discovered this story!! Aaaa thank you po sa pagsusulat at nakahanap rin ako ng isa pang tagalog Seulrene fic. Will start reading now 🤍
_rtempest
1040 streak #9
Chapter 13: Jahahaha ang cute naman 😆
Mmjose #10
Chapter 33: Rastro?