Kaba
Slambook the NJSB SeriesWinter
Di ko malaman ang nadarama
Sa tuwing ika'y aking nakikita
May kung ano sa damdamin
At abot-abot ang kaba
Tamang tama tong kanta na ito sa nararamdaman ko ngayon. Kunware lang akong chill dito sa upuan ko habang nakasalaksak ang airpods ko kahit nagkaklase si Prof. Chichay, professor namin sa humanities.
Na-late kasi si Karina ngayon sa class namin dahil sa pagpapractice ata ng volleyball, tapos ayun may umupo sa pwesto ni Karina. At dahil sinungitan ko ung katabi ko kanina, hindi na siya tumabi saken dahilan kung bakit maiwang bakante ung upuan sa tabi ko.
Eto na din kasi ung pinaka-malapit sa white board kaya dito na umupo si Karina. Normally naman, nakikinig ako sa klase pero kasi katabi ko ngayon si Karina kaya need ko ng distraction. Kasi totoo, kabang kaba ako at hindi ko alam kung pano papakalmahin ung kaba.
Tumabi lang sa akin si Karina, ganito agad reaction ko? Grabe Winter, maghinustili ka naman.
Maya maya pa ay nakita ko naman si Karina na inaabot ung libro at parang shineshare sa akin. Huh? Nagtaka naman ako, pinause ko ung music at napatingin sa kanya.
Nakangiti naman niyang nilapit ung book sa akin at naglean na din siya pakanan kung nasan ung arm rest ko.
Okay Winter, kalma kalma kalma.
"Anong meron?" tanong ko kay Karina, buti buo ung boses ko at hindi pumiyok
"Sabi ni Maam, may seatwork. It seems that you don't have a textbook yet kaya I'm sharing mine before ko sagutan. Pwede daw muna sa yellow paper for those students na hindi pa nakakabili ng book" pagpapaliwanag niya
NAPAKABAIT NG CRUSH KO HOY! Gusto ko tanggihan si Karina kasi meron naman talaga akong textbook, di ko lang nilabas. Hindi ko alam sasabihin ko, kaya nakatitig lang ako sa kanya.
"Uhm? Are you okay?" tanong niya at bumali
Comments