Celebrate

Slambook the NJSB Series
Please Subscribe to read the full chapter

Winter

 

Lahat ng close friends namin ay nagprisintang sunduin kami. Which is usually nakakatouch pero sa situation namin, nakakaasar. Lahat sila may mga nakakalokong ngiti nang makita kami.

 

“Hello, Mrs. and Mrs. Yu” bati ni Ryujjn

 

For some reasons, kinuha namin yung last name ni Rina. 

 

“So much for taking it slow” comment naman ni Giselle

 

After nung araw na nalaman namin na kasal na kami, nagpanic kami pareho ni Rina. Buong araw hindi kami masyado nag-usap kung mag-usap man ay sobrang awkward. Hanggang ngayon, hindi namin alam iaasta namin pareho sa isa’t-isa.

 

“Stop it guys” saway ni Rina sa kanila

 

“Nung college tayo, sigurado kami na kayo unang ikakasal pero happens kaya akala namin kayo naman huling ikakasal pero look at this?” natatawang sabi ni Yeji

 

“I said stop it, I’m not in the mood” 

 

Hinawakan ko naman yung kamay ni Rina dahilan para mag-‘ayie’ ang lahat.

 

Tangenang buhay ‘to, sinundo kami para asarin.

 

“Hindi kayo titigil? Gusto niyo mag-spill ako ng tea ha? Ning? Ryu?” pambablackmail ko sa dalawa para tigilan nila kami at ng mga partners nila.

 

“Bamb, tama na. Baka magalit na talaga”

 

“Babu, shatap na tayo”

 

Ngumiti lang sa akin si Rina at sinamahan na nila kami sa sasakyan para ihatid sa condo namin. Buong ride ay kinukulit nila Yeji at Giselle ang mga jowa nila sa mga “tea”. Kaya nung makarating na kami sa condo ay agad ko silang pinaalis.

 

“Uhm, so baby? Technically, valid yung marriage natin dito so I think we also need to register din dito?”

 

“Ugh, Kainis” pasinghap ko, hindi kasi ganito yung nasa plano ko para yayain siya magpakasal at hindi ganun yung klaseng kasal na gusto kong ibigay sa kanya.

 

“Woah, you mad? Are you mad kasi we got married? We can have it annul naman if you want” tumingin ako sa kanya at namumugto yung mata niya. , feel niya ata na ayaw kong ikasal sa kanya.

 

Sa totoo lang, ngayon lang namin pinagusapan yung kasal namin sa Vegas kaya medyo nag-aadjust pa kami sa magiging reaction ng isa’t-isa.

 

“Hey, bakit ka umiiyak?” sabi ko habang nakahawak sa pisngi niya.

 

“It’s just, I don’t want you to be unhappy because of this marriage. Sorry for being irresponsible”

 

“Baby, I’m not unhappy and you’re not irresponsible”

 

“Then why are you mad when I ask about it?”

 

Napa-sigh ako, “I’m sorry if nagreact ako ng ganon. It’s just, hindi yun ang kasal na pinangarap ko para satin”

 

“Neither am I? Pero what can we do? We’re already here”

 

“Do you hate it?” 

 

“What?”

 

“I mean, hindi mo ba gusto?”

 

“Gusto ang what?”

 

“Na kasal ka sa akin?”

 

“What do you mean? Of course, I love it”

 

“Bakit ganito yung feeling? Pinakasalan ko naman ‘yung taong mahal ko pero bakit parang may mali satin?”

 

“I think it’s because it’s too soon. We don’t know what to do in this kind of situation kasi we’re both not prepared. I mean it’s really a big deal for us.”

 

“For now, let’s just figure things out together. Kahit anong decision mo, let me know and we will try to compromise okay?”

 

“Ofcourse, baby. Ofcourse” niyakap niya ako and with that, alam kong magiging okay din kami sa situation namin.

 

“I love you Rina, so much” 

 

“I love you too Winter, much much more”

 

“Ayaw patalo” natatawa kong sabi

 

Pareho kaming napatingin sa cellphone ko na biglang nagring.

 

“Si Ate Taeyeon”

 

“Answer it” she smiled at me bago siya nag-ayos ng mga gamit namin.

 

“Oh Ate?”

 

“Kamusta ang bagong kasal? HAHAHAHAHA!” anak ng, magkasama sila ni Ate Seulgi?

 

“Hoy Seulgi, wag mo harangan yung likod” comment naman ni Ate Taeyeon sa background

 

“Congrats Minjeong!” natatawang bati ni Ate Irene

 

“Congrats bata, you better treat Karina right” si Ate Sica naman ang bumati nang sapilitan niyang kinuha yung phone sa kamay ni Ate Seulgi.

 

“Ah-opo Ates, thank you po”

 

“Where’s Karina, Bata?”

 

“Ay nasa kwarto po, nag-uunpack”

 

“Sakto, papunta kami jan! Lanjo ka bunso inunahan mo pa kami ni Ate”

 

“H-ha? Teka? Papunta kayo dito?”

 

“Yes, so I can see if you’re treating Karina right”

 

Lakas talaga manakot nitong si Ate Sica, alam ko na san nagmana ‘tong si Giselle na kasupladahan. 

 

“Wait, pagpahingahin niyo muna kami”

 

“You sleep all day sa plane, so?” walang panalo talaga dito sa matandang ‘to.

 

Oo matanda tawag ko sa kanya sa isipan ko kasi nakakainis siya ng konti pero lamang takot kasi tinatakot niya ako which is effective.

 

“Celebrate tayo ng kasal niyo bunso HAHAHAH!”

 

Sakto naman lumabas si Rina sa kwarto at naupo sa sofa katabi ko.

 

“Hi Ate Tae- oh Ate Irene, Ate Sica, Ate Seul?”

 

“Hi Karina! Kamusta naman kayo ng misis mo?” pang-aasar ni Ate Seulgi

 

Halata naman yung pula sa mukha ni Rina habang nakangiti. Come to think of it, nakakakilig tawagin na misis ko siya at misis niya ako.

 

“Karina, blink if you need help” ito talagang matandang ‘to.

 

“We’re coming over Jimin” malambing na sabi ni Ate Irene kay Rina.

 

“Ah-ah, okay po. Be careful on your way Ates” maging siya ay nagulantang sa plano ng mga Ate.

 

“Oh siya, hintayin niyo na lang kami jan. See you Mrs and Mrs Yu!”

 

Nang nakapagpaalam na kami ng maayos ay binaba nanamin ‘yung tawag para na din makapag-ayos na kaming dalawa. Sabay na kami nagshower para makatipid ng time. Wala kaming ginawa, gusto ko man baka matagalan kami sa CR. Hehe.

 

Saktong 5:30pm sila nakarating sa condo namin. Jusme ang lalakas mang-asar kaya gusto ko na sila paalisin. Kaso may mga dalang foods, kaya keri na.

 

Habang pineprepare nung mga partners namin nila Ate yung food ay pinagitnaan nila ako sa sofa.

 

“Kayong dalawang Mrs. Yu, anong plano niyo sa buhay mag-asawa?”

 

“Di pa kami sure Ate Taeyeon, wag mo naman kami pressure-in”

 

“Baliw ka, pressure pressure. Yung vinideocall mo kami tuwang-tuwa ka maging Mrs. Yu. Meron ka pang ‘Mga Ate! Kasal na ako sa pinakamagandang babae sa mundo!’. Sus”

 

“A-ate Seul! Ano ba!” 

 

“Aba nahihiya si bunsoooo~”  

 

“Pero bunso, di biro pinasok niyo ah? Hindi na pwede yung mga desisyon niyo dati as magjowa. Ngayon, need niyo na magdecide as mag-asawa” 

 

“Alam ko naman yun Ate Taeyeon, sadyang di pa din talaga kami sure sa next step”

 

“Hayaan mo na jan sila Ate Taeyeon, malalaki na yang mga yan. Tsaka marital status lang naman nag-iba sa kanila” sabi naman ni Ate Seul

 

“Hindi nakakatuwa yung ginawa niyo, sa totoo lang. Hindi sapat na mahal niyo lang isa’t-isa. Given na stable na kayo both pero shempre andami niyo need ayusin. Hindi biro yan Minjeong. Siguraduhin mong magwowork na relationship niyo this time” natakot naman ako nang biglang nagseryoso ‘tong si Ate Taeyeon.

 

“Patawa-tawa lang kami bunso pero sa susunod, kapag ganito kalaki decision ginawa niyo and under the influence of alcohol pa; hindi niyo na pwede isisi sa alcohol kapag m

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
pwipwi
Dapat tatapusin ko na talaga ‘to eh, kaso andaming ideas pumasok sa utak ko hahah! So habaan natin ng konti 😆

Comments

You must be logged in to comment
Wemon_ #1
Chapter 9: can i go with them😭😭😭
Wemon_ #2
Chapter 3: hahahahahaha potek kahit ilang beses ko na to na re-read tawang tawa pa rin ako sa pwede pa-kiss😭😭 ang lutang ni accla
klaygalaxyzero
#3
This is one of the best!!! 🥹💙🥰
la_jung27
#4
Chapter 106: Ang ganda 😭🥰 sobrang roller coaster yung story ❤️❤️❤️
Kianlimyyy #5
Chapter 106: Subrang ganda 😭❤️
cht1bdiputsz69 #6
ang ganda authornim😭😭😭💖
kwinterrr_
#7
Chapter 9: 😭
iamriou_
1166 streak #8
Congrats on feature otor!!!
pwipwi
#9
Thank you everyone for all your support! 🥲✨🥹
ROYAL_LOCKSMITH #10
Chapter 7: Kasalanan talaga nung charger yun eh.haha.

Kalma win, walang nangyaring masama. 😅