- 4 -

Bahaghari (editing)
Please Subscribe to read the full chapter

Sa wakas uwian na! Last day ngayon ng exams namin at sobrang sakit ng ulo ko. Tinignan ko sila Heejin at mukhang ganun din nga nararamdaman nila. Tahimik kaming naglalakad palabas ng gate nang biglang nagtanong si Ryujin kay Heejin.

 

"Kumusta? Nakakatext mo parin si Ate Karina?"

 

Lumingon ako kay Heejin dahil interesado ako sa isasagot nito. Nakita ko naman yung pag-iling-iling niya.

 

"Bagal mag-reply e. Sobrang busy ata sa school. Tapos minsan hindi na talaga nakakareply." Napakamot ito sa ulo sabay buntong-hininga. "Papaubaya ko na kay Minjeong yun."

 

Naalarma naman ako nung binanggit niya ako. "Gago ano ibig mong sabihin?"

 

"Hindi ba may number ka rin niya? 'Wag mong sabihing hindi mo tinetext? Dagdag textmate din yun noh."

 

"Ah, namali akong send sakanya nung isang araw. Tapos yun lang naman. Nakakahiya rin kaya." 

 

"Eh kayo ni Jaemin, kumusta?" Biglang tanong sakin ni Ningning.

 

"Ewan e. Nahiligan kasi magdota kaya di na rin kami nakakapag-usap." 

 

Sabay-sabay naman silang kumanta ng Dota o Ako kaya tawang-tawa ako. 

 

Pagkatapos namin kumain saglit ay hinatid na nila ako sa bahay. Nagbihis ako agad at eto nakahiga ako ngayon sa kama at nag-iisip ng gagawin sa sembreak. 

 

Okay, nag-iisip din ako kung kukumustahin ko ba si Ate Karina. Gusto ko rin kasi siyang maka-close. Hindi ko alam pero kapag mga higher year parang ang saya nila makausap. Siguro kasi gusto ko rin malaman plans nila pagkagraduate para may idea ako kung ano naman gagawin ko kapag ako na gagraduate.

 

Minjeong: hello po

 

Binaba ko na agad yung cellphone ko dahil sabi nga ni Heejin matagal talaga magreply si Ate Karina. Ready na akong pumikit para umidlip sana kaso biglang nagvibrate yung phone ko.

 

Ateng Maganda: Hi, Winter! 

 

Mukhang hindi ata siya busy ngayon ah?

 

Minjeong: Kumusta po?

 

Ateng Maganda: I'm fine :) Still at school huhu >< 

 

Minjeong: ayyy, bkit po?

 

Ateng Maganda: We have choir practice pa kasi and I still have some things to do.

 

Minjeong: grbe katatapos lng po exams ah. musta po pala exams? Hehe

 

Ateng Maganda: Oo nga e. I think I did well naman :) ikaw ba?

 

Minjeong: wag na po ntin pag-usapan X(((

 

Ateng Maganda: Hahahaha, nahirapan ka ba? 

 

Minjeong: medyo po...? sa iba, pero nkasgot nman po ^-^ hindi ko lang po alam kung tama hahahahaha XD

 

Ateng Maganda: You're funny, hahahaha. Let's hope you did great. Hehe :))

 

Minjeong: nagreview nmn po ako kahit papaano hehehe X)

 

Ateng Maganda: That's good to know! Winter sorry ha? Start na ng practice e. Ttyl ;))

 

Minjeong: okay po!! ingat po pag-uwi ^-^

 

Totoo nga yung sinabi ni Heejin na busy si Ate Karina. Grabe buti napagsasabay niya yung studies at extra-curricular activities niya. Kung ako yun baka sumuko na ako sa simula palang.

 

Ngayong wala akong magawa naisipan kong manuod nalang sa sala ng Galema. Nasaktuhan ko naman itong part na binubully siya. Grabe yung pang-aapi nung mga kaklase ni Galema sakanya, lagyan ba naman ng mighty bond yung upuan? Ako, aaminin ko naisip ko yun gawin kela Ryujin pero hindi ko naman ginawa. Nilagyan ko nalang ng bato yung bag nila. Hehe. Anyway, kung ako kay Galema babawi talaga ako. Buti nalang natulungan agad siya ni Morgan. Natapos na yung Galema kaya naghahanap ako sa ibang channel ng mapapanuod, itong sa Maria Mercedes kasi nagkita na si Maria tsaka yung leading man niya na si Luis. Medyo hindi ko trip yung story. Nakailang palipat-lipat ako kaso wala talaga akong magustuhan panuorin kaya pinatay ko na yung T.V. namin. 

 

Umakyat ako sa kwarto ko para magwalis at mag-ayos saglit. Maya't-maya ay napapatingin ako sa cellphone ko baka kasi may nagtext. Mga kaibigan ko kasi hindi na masyado nagpapaload dahil puro chat nalang sa facebook. Tinatamad naman ako magbukas ng computer tapos sa cellphone ko naman ang hirap magfacebook, medyo luma na rin kasi.

 

Pagkatapos ko ay humiga na muna ako. Hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako. Nagising nalang ako nung may tumatawag sa cellphone ko. Nakapikit kong kinakapa sa bed yung cellphone ko pero wala dun kaya patuloy parin ang pag-ring. Dumilat na ako at nakita kong nasa bedside table ko pala. Mabilis kong inabot at pinatay ito. Babalik na sana ako sa pagtulog pero biglang tumunog ulit. Hindi ko na sana papansinin kaso nawala na yung antok ko kaya binasa ko nalang.

 

Ateng Maganda: Hello, Winter. Sorry, napindot ko lang yung call! 

 

"Eh bakit ang tagal na nag-riring" sa isip-isip ko.

 

Minjeong: ok lng po buti nga po ginising mko hahahahaha. nkauwi kna po?

 

Ateng Maganda: Yes, kakauwi ko lang. Sorry talaga nagising pa pala kita! 

 

Minjeong: ok lng po bsta ikw. char. Kain na po kayo dinner!! Dont skip, bad yon. Hehehe.

 

Ateng Maganda: Hahahaha, you're cute! Okay po di ako magskip ;) ikaw din kain na! 

 

Hindi ko na nireplyan si Ate Karina kasi nakailang sigaw na nanay ko kaya bumaba na ako agad para kumain. 

 

"Win, bakit ka namumula?" tanong agad ni Kuya Yugyeom.

 

"Hindi naman." pagdeny ko at sumandok na ako ng kanin. Sinigang ulam namin kaya mukhang mapapalaban ako ah. Si Ate Karina kaya anong ulam? 

 

"Namumula kana naman. Okay ka lang ba?" si Ate Taeyeon naman yung nagtanong.

 

Tumango-tango naman ako kaso biglang nagsalita si Mama.

 

"May boyfriend ka na ba bunso?" 

 

Umiling-iling ako agad dahil wala naman talaga. Sumubo na ako at grabe napakasarap talaga magluto ni Mama!

 

"Eh girlfriend?" 

 

At nasamid na nga ako sa tanong ni Mama. Akala ko ba kakain lang pero bakit may kasamang hotseat? Uminom ako agad ng tubig at huminahon dahil sumakit ung lalamunan ko kakaubo.

 

"So, bunso, meron nga?" pag-uusisa ni Ate Taeyeon. 

 

Nakatingin lang s

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
crossjmj
Just wanna tell you guys na i'm currently working on chapter 7 :D coz i jgh frm work hehe and idk if tulog na kayo so, post ko nalang siguro mga 8am PHT? ((: (if matapos ko) HAHAHAHA vale~!

Comments

You must be logged in to comment
kgsbjh #1
Chapter 14: yung echos ni minjoo mukhang may totoo eh HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA
Kklavs #2
Chapter 6: si sis umayos ang typings ng si ate ganda ang kausap
taglamig_lang
#3
Chapter 13: Karina sabi mo mmessage mo?
yujinergetic_ #4
Chapter 12: KARTOP 🔛🔝
taglamig_lang
#5
Chapter 12: ay may assurance, shet go winter e discover mo na ng tudo ang iyong self!! please kartop
cleofierayne 14 streak #6
Chapter 12: WHAAHAHAHAHA AYAN KAKASELPON MO YAN! Gagi kinorrect ni Kars na friendly date lang yun hahahahaah grabeng amats talaga yan sayo Win. 😭🤣🤣
Psykotato 14 streak #7
Chapter 11: Owemji kartop nga fkfjdkssjsnsn
Psykotato 14 streak #8
Chapter 9: Dear mga hatdog,
Please lang wag kayo panira sa love story ng mga baby accla namin
kwinterrr_
#9
❤️
Psykotato 14 streak #10
Chapter 7: Lola, what if sumunod ka na kay lolo asap