- 2 -

Bahaghari (editing)
Please Subscribe to read the full chapter

Jaemin: go0d morning! sunduin kta sainyo ah. otw nko

 

Minjeong: oks! txt k pag andyan kna. Wag ka kakatok!!

 

Text agad ni Jaemin ang bumungad sa umaga ko. Napangiti naman ako. Walang palya kasi yung good morning messages niya. Sabi nga sakin ni Ryujin feeling niya magkaM.U. na raw kami. Last, last month iniisip ko lang kung sagutin ko na ba pero may M.U. stage pa pala. Ang daming termino sa pag-iibigan na hindi ko alam. Tanungin ko na nga lang si Jaemin pagdating niya dito. 

 

Hindi naman nagtagal at nagtext na siya na nasa baba na. Mabuti ako palang ang gising dito. Kinuha ko na yung tinapay na pinalamanan ko para breakfast namin. Medyo madilim pa sa labas pagkasilip ko. Pagkabukas ko ng pinto, ang nakangiting si Jaemin ang bumungad sakin. Iniabot niya agad yung dala niyang chocolates. Medyo nadisappoint ako kasi Ferrero. Ampota ko, choosy pa. Binigay ko naman sakanya yung tinapay na may peanut butter at strawberry jam. 

 

Tinignan niya ung palaman at mukhang 'di niya gusto. 

 

"Hindi mo trip?" Tanong ko. Kumagat na ako sa tinapay ko. Hay. Ang sarap talaga! 

 

Umiling-iling siya. "Ayoko kasi ng strawberry e."

 

Gulat akong napatinging sakanya. "Favorite ko strawberry! Di ko akalaing may taong ayaw dun." Kinuha ko na sa kamay niya yung tinapay. More for me!!

 

Naglalakad na kami at napapansin kong panay ang lingon sakin nito. Hinintay kong lumingon ulit siya kaya lumingon narin ako. Akala ko babalik niya ang tingin sa harap pero nanatili siyang nakatingin sakin. 

 

"Ang ganda mo talaga noh?" Sambit niya habang nakangiti.

 

Tinulak ko yung mukha niya at naramdaman ko yung makinis niyang kutis. Daig pa mukha ko? Sobrang lambot tapos sobrang smooth. Nainggit ako dun ah. Nagpatuloy na kami sa paglalakad at naalala kong may itatanong nga pala ako sakanya.

 

"Jaemin, magkaM.U. ba tayo?" Naramdaman kong tumigil siya sa paglalakad kaya tumigil din ako. Tinignan ko naman siya. Hala, bakit namumula to? Lumapit ako agad sakanya at agad na hinawakan ang noo.

 

"Huy, okay ka lang ba? Namumula ka. Pero 'di ka naman ganun kainit." Nagulat ako ng bigla niyang hinawakan yung kamay kong nasa noo niya. Hindi ko napansin na sobrang napalapit pala ako sakanya. Bakit niya ako tinitignan ng ganito? Mama, help.

 

"Minjeong, anong ginagawa mo sakin?" Seryoso niyang tanong.

 

"H-ha? A-nong sinasabi mo dyan?" Mabilis akong kumawala sakanya. Masyadong malapit. Masyado siyang gwapo. Bakit ang init? 

 

"Wala. M.U. na tayo ah? Sabayan kita lagi pagpasok tsaka pag-uwi." Nauna na siyang naglakad sakin pagkasabi niya nun. Ang bilis ng mga pangyayare. Pero hindi ko alam bakit mas nanaig yung kaba sa akin kesa sa kilig.

 

---

"Si Minjeong pumapag-ibig." Pang-aasar sakin ni Ningning. Nakita pala nila kami ni Jaemin nung hinawakan ko yung noo nito. Talagang pinanuod nila yung nangyari at kilig na kilig daw sila. Proud na proud daw sila sakin.

 

"Minjeong, may sakit ata ako." Biglang saad ni Heejin. Nag-alala ako kaya kinapa ko naman ang noo nito. Huli ko na narealize na pagtitripan ako dahil bigla niyang hinawakan yung kamay ko at nilapit ang mukha niya sa mukha ko. Naghagalpakan naman yung tatlo sa pagtawa. Bakit ba ang gago ng mga kaibigan ko?

 

"Ewan ko sainyo!" Napayuko nalang ako sa hiya. 

 

Dumating na yung math teacher namin at nagdiscuss na agad. Lumilipad yung isip ko. Simula palang ng October pero ang dami na agad nangyari. Narinig kong nagpalabas si Ma'am ng 1/4. May quiz na naman jusko. Nakakainis talaga kasi first subject namin Math. Yung tipong antok na antok ka pa tapos magpapaquiz ng sobrang hirap. Gusto mo nalang sumuko. Nakakasagot naman ako pero minsan talaga lutang ako. 

 

Nasulat na ni Ma'am sa blackboard yung sasagutan nang biglang may kumatok. Nakita ko si Soobin na may hawak na papel. Pinagkrus ko ang aking daliri at hiniling na sana excused kami. Please lang talaga Soobin. Lumingon ulit ako dito at nginitian niya ako sabay angat ng kilay. Biglang nagsalita si Ma'am na sobrang sarap sa tenga.

 

"Ms. Kim and Ms. Jeon, excused kayo." Nagkatinginan kami ni Heejin at napangiti. Naririnig ko naman ung mga naiinggit naming kaklase.

 

"Sige na labas na bago pa magbago isip ko. Bring your things with you." Dagdag ni Ma'am. Nagmadali na kaming ayusin ni Heejin ang mga gamit at lumabas na ng room. 

 

"Hulog ka ng langit, Soobin." Sabi ni Heejin. 

 

Natawa si Soobin dito at agad naman niyang inexplain samin kung anong gagawin namin.

 

"Pupunta tayo sa kabilang High School, invited kasi clubs ng piling mga school sa City natin. May mangyayari kasing contest. Prepared na naman yung pambato natin. Need lang din ng officers at members para may taga support." 

 

Pota napatalon-talon kami ni Heejin sa saya! Hanggang hapon daw kasi yung contest. Naexcuse na rin kami sa lahat ng teachers namin ngayon kaso 'di namin alam kung exempted kami sa quizzes. Pero ang masaya talaga merong libreng pagkain! 

 

 

---

Nandito na kami sa AVR ng JPHS. Isa sa malaking school sa City namin. Sobrang spacious dito. Tapos ung grounds nila maraming matatambayan, nakakainggit! Nagpalinga-linga ako at napansin ko yung mga students sa ibang school parang medyo nakakaintimidate sila. Yung mga schools kasi na nandito yung mga kilala kasi nageexcel sa something. Kami kasi walang mga ganon kumbaga simpleng school lang talaga. 

 

"Minjeong, anong contest daw ba ulit 'to?" Tanong sak

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
crossjmj
Just wanna tell you guys na i'm currently working on chapter 7 :D coz i jgh frm work hehe and idk if tulog na kayo so, post ko nalang siguro mga 8am PHT? ((: (if matapos ko) HAHAHAHA vale~!

Comments

You must be logged in to comment
kgsbjh #1
Chapter 14: yung echos ni minjoo mukhang may totoo eh HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA
Kklavs #2
Chapter 6: si sis umayos ang typings ng si ate ganda ang kausap
taglamig_lang
#3
Chapter 13: Karina sabi mo mmessage mo?
yujinergetic_ #4
Chapter 12: KARTOP 🔛🔝
taglamig_lang
#5
Chapter 12: ay may assurance, shet go winter e discover mo na ng tudo ang iyong self!! please kartop
cleofierayne 12 streak #6
Chapter 12: WHAAHAHAHAHA AYAN KAKASELPON MO YAN! Gagi kinorrect ni Kars na friendly date lang yun hahahahaah grabeng amats talaga yan sayo Win. 😭🤣🤣
Psykotato 11 streak #7
Chapter 11: Owemji kartop nga fkfjdkssjsnsn
Psykotato 11 streak #8
Chapter 9: Dear mga hatdog,
Please lang wag kayo panira sa love story ng mga baby accla namin
kwinterrr_
#9
❤️
Psykotato 11 streak #10
Chapter 7: Lola, what if sumunod ka na kay lolo asap