Chapter Six
Teach Me, Senpai
CHAPTER SIX
Pagkatapos magbihis ni Ning, pumunta na kami sa sala para doon tumambay. Nakasuot si Ning ng white tank top at black gym shorts na kinuha niya kanina sa cabinet ko. While I'm wearing a matching grey sports bra and gym shorts of the same color.
Nanonood kami ngayon ng anime. Nakahiga si Ning sa sofa habang ako naman ang nakaupo sa isang couch. We're both busy fanning ourselves dahil tinatamad kaming kunin ang electric fan sa kwarto ng kapatid ko.
"Ano Ning, di kana talaga babangon?" Sinilip ko siya, halatang pinagpapawisan na din siya.
"Kunin mo nalang kaya. Mang uutos ka pa eh." Sagot niya naman sakin, di na ako tinignan at patuloy lang siya sa panonood.
"Ikaw mas malapit sa room ni Kuya oh, kunin mo na" pag dahilan ko.
Lagkit na lagkit na ako sa pamamawis ng likod ko kaya I decided na kunin na talaga ang electric fan.
Papatayo na sana ako nang biglang nag vibrate ang phone ko, notifying a new email received.
I opened my Gmail app and saw a message from Mrs. Herera, informing us of the addition of another student that will join me and Karina sa talent show. Giselle Uchinaga. Sa last part ng email ay binanggit niya din na we can approach the following higher year students for assistance:
Wendy Shon- 2nd year, Major in Music
Solar Kim- 2nd year, Major in Music
Taeyeon Kim- 3rd year, Major in Music
Wait. WHAT?! Tama ba nakikita ko?
"Uhm… Ning?"
"Hmm?"
"Can you check this? Di ko alam kung namamalikmata ba ako o nasisiraan ng ulo."
Tumayo na si Ning mula sa pagkakahiga niya sa sofa at umupo sa katabing couch ng inuupuan ko. Agad niyang kinuha sa kamay ko ang phone at binasa ang email.
"Oh my god!" She exclaimed.
"I know!!" Binawi ko na sa kanya ang phone ko at ulit na binasa ang natanggap na mensahe.
"So, nakapag decide ka na ba kung kanino ka magpapa assist? Kay ate mo ba?" Tanong ni Ning na bumalik na sa dati niyang puwesto.
"Hell no! Never! Nakita mo naman ang mga kasama niya, Ate Wendy and Ate Solar are top students and they both excel in music and lyrics composition kaya nga kinuha sila ni Mrs. Herera to assist us. Pero si Ate? Jusko, patawarin."
For the third time, binasa ko ulit ang email.
Byul: Tita Corn, napatawag ka?
: Oo. Punta ka sa bahay ngayon. Isama mo si Solar
Byul: O_O ano meron?
Bakit kailangan ko isama si bebe ko?
Hoy! Tita Corn
Tita Corn!
Ano na? Di ka na sumagot.
Hello?
: Hello? Byul?
Byul: Ate Yul? Asan si Tita Corn?
: Kinuha pa ni Taeng yung car niya. ‘Sup?
Byul: Ahh… pinapapunta niya kasi ako sa bahay nila tapos isama ko daw si baba
: Ah, oo. Papunta na din kami ngayon. Kasama namin mga students ni Mrs. Herera
Byul: Ah, is this about the talent show?
: Yup. Teka andito na si Taeng.
Byul: Sige ate Yul, sunod nalang kami doon. Thanks!
: Okay. See yah!
“Sino yun?” agad na tanong ni Taeyeon nang makapasok sa passenger seat si Yuri na agad namang ibinalik sa kanya ang kanyang phone.
“Si Byul, gaga. Ikaw tong tumawag tapos ako tatanungin mo kung sino yun?”
Sinuot na ni Yuri ang kanyang seatbelt at sinilip ang mga nakaupo sa likod. Naka-upo sa gitna ni Karina at Giselle si Wendy. Bago pa sila pumasok ng sasakyan ay ilang dalawang beses din sila nagpalit ng puwesto dahil sa haba ng binti ng dalawang freshman.
“A
Comments