Dalawang kilometro

Biglang Liko

"Wala."

 

Wewz. What a lie.

Sa isang salitang lumabas galing sa akin, hindi ko akalaing ako pa pala ang dudurog sa puso ko. Matagal ko na rin namang tanggap na "ah okay, gusto ko na pala talaga". Matagal na rin. Ang tagal ko nang nararamdaman 'to para kay Karina, pero ako pa pala ang magtataboy dito. Sakit.

Hindi ako karapat-dapat na masaktan, ngunit sa isang salita ko lamang ay nalunod ako. Amen.

Nang walang anu-ano ay ngumiti siya.

Kung anong kinalungkot ko, mukhang yun din ang kinasaya niya sa sinabi ko. Na hindi ko siya gusto.

At least may masaya sa aming dalawa.

Okay na rin siguro 'yon.

"Good," aniya, "because I only see you as a friend, Winter."

 

Ouch?

Bakit naman ganito?

Mukhang hindi pa yata kuntento ang universe sa sakit na nararamdaman ko dahil sa mga sinabi niya, kaya pinaulit-ulit pa sa utak ko.

Paulit-ulit.

"I only see you as a friend, Winter"

"I only see you as a friend, Winter"

Nang paulit-ulit.

"As a friend, Winter"

"Friend, Winter"

"Friend..."

"...Winter"

Ulit.

"Winter"

"Winter"

"Winter!"

"Winter!!!"

Nagising ako.

"PAULIT-ULIT!"

 

Toingks.

 

Panaginip lang pala.

Huhu ang cliche naman nito ses.

Pero maganda nang naging panaginip lang ang lahat.

Isang masamang panaginip, pero nakahinga ako nang maluwag. Ibig sabihin, hindi totoong Karina only sees me as a friend. Ibig sabihin, may pag-asa pa.

Napaismid ako nang si Ningning ang una kong nakita sa pagmulat ng aking mga mata. Sayang.

"Talagang paulit-ulit. Kanina ka pa nakahiga diyan, maggagabi na."

Umupo ako mula sa aking pagkakahiga ta tumingin-tingin sa paligid. Parehong nakatayo si Giselle at Karina malapit sa bungad ng pinanggalingan namin kanina at mukhang ready na silang bumalik sa gasolinahan.

Pano ako nakatulog?

"Kanina pa ako tulog?" tanong ko kay Ning at tumayo para mailigpit yung kumot na nakalatag.

"Oo, medyo matagal din. Nung nagsawa kami ni Gigi kanina magtampisaw, naabutan namin kayong nakahiga na. Ikaw tulog, pero si Karina naka-"

"Tama na chika! Andami nang lamok," sigaw ni Giselle.

Ito namang si atat!

Durog sakin Guinivere mo mamaya tamo.

Pero Giselle aside,  naitupi ko na rin naman yung kumot kaya naglakad na si Ningning ahead of me. Balak pa yatang tumakas.

Tinangka kong kulitin. "Anong ginagawa ni Karina?" tanong ko, quiet enough para siguradong  hindi rinig nung dalawang naghihintay sa amin.

Nilingon lang ako ni Ning at ngumiting nang-aasar. "Weh?"

At tumawa lang siya.

Ayos. Damot talaga ng tadhana.

Wala na rin akong nagawa at binilisan ang paglalakad papunta sa tatlo.

Kita ko ngang malapit nang gumabi, pero hindi pa madilim. May araw pa, pero alam kong saglit lang at wala na rin kaming makikita sa dadaanan namin.

Medyo kakaiba pa man din.

"You good?" tanong ni Karina nang makalapit ako sa kanila.

Sana walang kasunod 'yan na 'because I only see you as a friend, Winter' noh?

Tinignan ko siya. ("Ganda.")

Tinanguan ko lang at nilampasan. Naglalakad na ulit sila Ningning at Giselle sa harapan namin.

Hindi ko pa kayang harapin siya pagkatapos niya akong patayin sa panaginip.

Ay teka. Ako pala yung may kasalanan.

Ako pala yung may ganang hindian siya, when in fact ay patay na patay ako sa kaniya (slight crush lang talaga, swear). Kung alam ko lang na panaginip 'yon, sana sinabi ko na yung totoo. Maybe if I said the truth, magiging iba rin yung takbo ng kwento. And maybe... just maybe, sinabi rin niyang gusto niya ako.

Matagal na.

"Tingin ko rin nga. Mahimbing ang tulog mo kanina eh," rinig kong sabi niya sa likod ko.

Ba't ba kinakausap pa rin ako neto?

Kung alam niya lang yung nangyari sa panaginip ko, AY! Hindi niya masasabing masarap tulog ko.

Pait kaya.

"Ah oo. Di ko nga alam pano ako nakatulog eh," sagot ko.

"Nakatulog din ako. Napagod lang siguro tayo pareho."

"Siguro nga."

"Pero para akong nakapagpahinga habang minamasdan kang matulog," bulong niya.

"Ha?"

Hindi ko masyadong narinig noong una nang sabihin niya 'yon, pero nag-sink in din naman siya agad sa utak ko.

Does that mean what I think it means?

Pero hindi na siya umimik ulit.

Tahimik lang naming sinusundan yung dalawa habang nagdadaldalan sila. Deja vu.

Tahimik lang din sa kabuuan ang naging pagtahak namin pabalik sa gasolinahan nila Ning. Bukod sa minsanan nilang pagbubulungan ni Giselle, wala nang nag-uusap sa aming apat. Pagod na ang lahat. Parang energy is being out of us sa bawat paghakbang namin. At 'di tulad ng kaninang pagpunta namin, 'di hamak na mas matagal ang paglalakad dahil wala na rin kaming enerhiya para tumakbo ala-bampira.

Buti na lang at wala na akong nararamdamang kakaiba sa paligid kahit pakagat na ang dilim. At dahil pagabi na rin, masarap na sa pakiramdam ang hangin sa paligid. Kalmado. Pero not to the point na eerily calm. Chill lang. Banayad.

Hindi ko na rin iniinda ang kati ng mga kagat ng lamok sa braso't binti ko. Sigurado akong pinagpipiyestahan na rin ang tatlo kong kasama, pero wala akong naririnig na reklamo mula sa kanila. Maya't-maya ang paghampas ni Giselle sa binti niya, pati si Ningning, at rinig ko rin na mukhang ganoon din ang sitwasyon ni Karina sa likod.

Ganon lang kaming apat habang naglalakad pabalik.

Lakad lakad. Lingon lingon sa paligid. Hampas dito, hampas doon. Lakad lakad ulit. Tingin kay Karina kung okay pa ba siya. Iiwas ng tingin once na nangiti na siya. Lakad na naman. Hawi sa maingay na lamok na tumambay sa tabi ng tainga. Lakad. Lakad lakad. Lakad. Lakad...

Hanggang sa makarating na kami sa gasolinahan. Medyo madilim-dilim na.

Sinalubong agad kami ni Kuya Uno nang makita kami. "Neng! Andito na pala kayo. Tumawag ni Mamam, hatid ko na raw kayo kaagad pagdating niyo, 'eka."

"Sige po, Kuya. Pahinga lang kami saglit," sagot ni Ningning.

At nagpahinga muna kami sa room na pinagstay-an namin kaninang tanghali. Nawala na ulit si Ningning ngunit sa pagbalik niya'y may dala na namang pitsel. "Buko juice," alok niya.

Nagpatay malisya ako saglit at hinintay kung bibigyan ba ulit ako ni [redacted] ng buko juice.

Boom. Effective.

Inuna na naman akong bigyan bago niya lagyan yung sarili niyang baso. Kunwari nagulat pa ako at medyo pabebeng nagpasalamat sa kaniya. Mas matamis pa yung ngiti niya kaysa sa buko juice, sinasabi ko sa inyo.

Nang pahigop na ako sa buko juice, nahagilap ko ang judging face ni Ningning.

Nginitian ko siya nang pagkatamis-tamis.

"'Pag inggit, pikit."

Masaya akong uminom at nakadalawa pa ngang baso nang alukin ako ulit ni Karina nung nakita niyang binaba ko na ang baso ko. Sino ba naman ako para tumaggi, diba?

Bawing-bawi yung kapaitan sa panaginip ko ng walang kapantay na pagpapakilig sa akin ni Karina ngayon. Nalimutan ko kaagad.

Sabi nila, ang mga panaginip natin ay mga totoong pangyayari sa alternate universe. Kaya sa Winter na napanaginipan ko kanina? Kawawa naman siya. She can only dream of what I'm experiencing right now.

Mukhang hindi naman as a friend lang ang tingin sa akin ni Karina sa universe na ito.

Mukha lang.

Pero sana nga talaga hindi.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
13luvsfriday
#1
Chapter 3: Panaginip nga ba
lokonaba
#2
Chapter 3: anu ba talagaaaaa HAHAHAHA
gomtokkim
2181 streak #3
Chapter 2: Buti na lang panaginip lang yun😂 good luck Winter!!!!
EzraSeige
#4
Chapter 2: 😍😍😍💙❄
SkyeButterfly
#5
Chapter 1: THIS CLIFFHANGER?? Bitin po 😩
SkyeButterfly
#6
Ooo 👀
lokonaba
#7
Chapter 1: OMGGGGGG AWIT NA CLIFFHANGER
lokonaba
#8
Chapter 1: bakeettttttttttttt
Zellute
#9
Chapter 1: Oy penge naman karugtong jan otornimm
mywkskr #10
Chapter 1: SEQUEL PLEEK😭