Isang kilometro

Biglang Liko

Ning, saan nga banda sa Maligaya ulit yung inyo?”

Medyo may pagkalakas na nagtanong si Giselle sa tabi ko habang umaarangkada ang maingay na tricycle na sinasakyan namin.

“Dun sa gasolinahan namin tayo tatambay, yung malapit sa crossing.” sagot ni Ningning na nakaupo sa baby seat.

Napagkasunduan naming apat na magkakaibigan na gumala muna pagkatapos mag-announce ng school kanina na half day ngayon dahil may biglaang meeting daw yung mga teachers. At dahil biyernes din naman ngayon, susulitin na lang namin yung ootd namin para pumunta sa bahay nila Ningning, na ang ending ay sa gasolinahan naman pala nila.

Sa SM sana talaga kami dapat pupunta para kumain at maglaro sa arcade after pero nag-offer bigla si Ningning na dun na lang sa bahay nila. Sa buong high school naming apat, sa kanila pa lang kami hindi nakakapunta kasi malayo rin mula sa bahay naming tatlo nina Giselle at Karina. Kaya naman nung siya na mismo ang nag-aya, payag agad kaming lahat.

Nang makababa kami ng tricycle, siya na rin nagbayad ng pamasahe naming lahat dahil nga raw ay siya ang nag-aya. Hindi na rin kami umangal at sinundan na lang siyang maglakad papunta sa kanilang gasolinahan.

Rich kid ‘tong kaibigan kong ‘to kaya naman nang pumasok kami sa isang room na nasa tabi ng shop nila, hindi na lang ako nabigla nang bumungad sa’ming apat ang malamig na hanging malamang ay galing sa aircon ng room. Sabi ni Ningning ay dito sila pumupunta ng pamilya niya every time na bibisitahin nila ‘tong gasolinahan kaya yung “room” na sinasabi niya ay parang isang bahay na.

“Upo lang kayo diyan, kuha akong buko juice saglit.” sabi ni Ningning habang ino-open yung TV.

Binaba ko naman sa single seater sofa yung bag ko at lumampasak dito. “Ang layo pala talaga rito, noh?”

Tumango naman si Karina na nakaupo na rin sa couch. “True, pero ang ganda at calming. Ang fresh nung simoy ng hangin sa likod ng tric kanina.”

“Ayos ba mga mars?” tanong ni Ningning na kakabalik lang na may dala nang dalawang pitsel at isang plato ng patupat. “Nagdala na rin pala ako ng lambanog, baka gusto niyo.”

“Lambanog? Inuman naman pala inaya mo rito eh.” sambit ni Giselle at tumawa.

“Oy hindi naman ‘yan nakakalasing. Tested and proven.” depensa ni Ningning at tumabi kay Karina na naglalagay na ng buko juice sa baso niya.

Na inabot niya sa akin pagkatapos.

Sakin pala ‘yon.

Kumain na lang din ako ng patupat at tinry later on yung lambanog.

Nagkwentuhan lang kami as usual habang inuubos yung mga nakahain. Kapag ganitong magkakasama kami, lumalabas lahat ng chika. Bawat isa may ambag kahit ba hindi naman talaga ako nakikipag-usap sa iba pa naming classmates para makasagap.

Nang maubos namin yung mga dalang pagkain ni Ningning at kakatapos lang namin pag-usapan yung gintong fried chicken sa canteen na kakaunti lang naman yung laman, nagrest muna kami for a while bago mag-ayang maglaro si Giselle.

“Tara ML.” panimula niya.

“Wala akong data.” sagot ko agad.

 

Makiconnect ka diyan kay Karina oh.”

Napatingin naman si Karina sa kaniyang phone at nag-pout. “Malapit na ma-lowbatt phone ko, gawa tayong iba. Ning, anong mga pasabog mo diyan?”

“Gusto niyong pumunta sa sapa? Maglalakad nga lang tayo.”

Pumayag naman din ako at si Karina, pero nagpapilit pa si Giselle. Kailangan pang makipag-bargain ng all-night game ng ML para lang pumayag.

Pagkalabas namin, hindi na masyadong nakakapaso yung init ng araw unlike kanina. Saka inassure naman kami ni Ningning na maraming puno on our way papuntang sapa kaya hindi na hassle yung pagdadala ng payong dahil sa araw.

“Kuya Uno, punta kaming sapa. Sinabihan ko na rin sila Mama ngayon-ngayon lang.” paalam ni Ningning sa lalaking nakaupo sa harap ng shop.

Kinawayan niya lang kaming apat at nagtungo na kami sa likod ng gasolinahan na puro bukid pala. Kakatapos lang ng season ng pag-aani kaya matigas na lahat ng tambak na tatahakin namin.

Sa kabilang side ng mga bukid ay puro puno nga ng mangga at makikita rin ang mangilan-ngilan na saging, kawayan, at kamatsili. Dun daw kami pupunta dahil nandoon yung sapa.

Saglit lang nang makarating kami dun sa part na mapuno na at nandoon nga makikita yung trail na papunta sigurong sapa.

“Katakot naman dito, parang any time may makikita akong engkanto.” saad ni Giselle na nasa pinakaunahan.

Nagpintig yung tenga ko dun na sinabayan pa ng biglang pagsipol ng hangin. Hindi naman humahangin kanina pero bigla-bigla na lang nag-rustle yung mga dahon sa puno pagkasabi na pagkasabi ni Giselle ng “engkanto”.

“H-huy wag ka nga.” medyo takot kong sabi kasi para nga namang puno ng engkanto rito, lalo na’t may pagkadilim at pagka-eerie yung buong paligid.

“Loh takot ka na niyan?” dagdag niya pa at tumawa. “Uwi ka na.”

Nagtawanan naman silang tatlo at naiinis man ay nakitawa na lang din ako. Hirap ding magpadala sa takot ano. Sakyan ko na lang trip ni Giselle.

Pagkatapos nun ay tahimik na kaming naglakad sa makitid na daanan dahil sa gilid namin ay maraming matitigas na damo. Meron din yung halaman na parang ampalaya yung mga dahon tapos may dumidikit na parang paminta sa pantalon ko.

Sa paglalakad namin, si Giselle yung nauuna na parang alam talaga niya yung pupuntahan (ayaw niya pang pumayag kanina ha), si Ningning after, tapos ako. Nasa likod ko naman si Karina kaya nung lumingon ako sa kaniya, natawa na lang ako kasi hindi pala namin alam na naghahawi siya ng mga damo sa gilid-gilid gamit ang stick na napulot niya siguro sa daan. Eh nadaanan na naming tatlo, bakit niya pa hahawiin?

“What?” tanong niya nang tinawanan ko.

“Cute mo diyan, para kang girl scout.” saad ko.

Naka-dark green kasi siya na blouse with black patterns tas naka-ponytail. Baka nga may bimpo pa sa likod ‘to. Atsaka cute naman talaga-

“Kahit naman ‘di parang girl scout, cute pa rin sa’yo.”

Anak ng-

Yung bibig ni Giselle talaga, walang filter.

Hindi ko na lang pinansin yung pagtawa nilang dalawa ni Ningning sa harap ko.

 

Yung buong focus ko ay nasa dinadaanan lang namin na parang sobrang interesting naman. ‘Ano ‘to, sahig?’

Teka, mag-ooverthink lang ako. Wala naman sanang ibang meaning na isipin kong cute si Karina kasi cute naman talaga siya at normal lang naman sa magkakaibigan yung pagcocompliment. Pero kasi, alam nila Giselle at Ningning na may slight crush ako kay Karina since grade 7 pa tapos ganon sasabihin ni Giselle. Baka kung anong isipin ni Karina, na may ibang meaning yung mga gano’ng galawan ko, tapos malalaman niyang bakla ako na may slight crush – oo, slight lang talaga – sa kaniya. Tapos after nito baka layuan ako nung tao. Ayaw ko naman ng ganon-

“Psst. Winter!”

Ay.

Biglang may nagtawag sa harapan ko pero di ko nilingon. Mas importante ang lupa kaysa sa traydor na kaibigan.

“Psst!”

Mas malakas na ngayon yung sitsit at mas lumakas din ang paninindigan kong wag pansinin ang dalawa sa harap ko.

Patuloy pa rin ako sa paglakad nang bigla kong marinig sa kaliwa kong tenga ang malakas na “Psst!”

Bigla akong napalingon sa aking kaliwa pero walang tao. Nagsitayuan yung mga balahibo ko dahil inexpect kong may mukha na tatambad sa akin sa paglingon kong ‘yon.

Tinignan ko na rin yung dalawa sa harap ko pero mga limang hakbang na ang layo nila sa akin at parang hindi naman ako pinapansin.

Bumilis ang pagtibok ng puso ko at ramdam ko na rin ang paglamig ng magkabila kong tenga.

“Winter.”

Karina.

“Ayos ka lang?” Humarap ako sa kaniya at dumapo ang kaniyang mga kamay sa braso ko. “What’s wrong?”

“May narinig ka bang sumisitsit? Tinatawag ba ako nila Ningning at Giselle?”

“Wala…?” lito niyang sagot. “Nasa likod ako the whole time and they’re minding their own businesses naman sa harap. Bakit ba?”

Hala.

“Ayun ang what’s wrong.”

Bahagyang napalaki ang mata ni Karina nang ma-gets niya ang sinabi ko at naramdaman ko rin ang paghigpit ng hawak niya sa braso ko. Natakot na rin yata siya kaya kinabahan na ako.

“Winter, Karina, bilisan niyo. Malapit na raw tayo sabi ni Ning.”

Buti naman.

Nagpatuloy na ulit kami sa paglalakad pagkatapos no’n at ngayon ay magkatabi na kami ni Karina. Maiikli at malalambot na lang yung mga damo sa part na ‘to kaya napagkasya naming dalawa ang sarili namin sa daan.

Walang clue ang dalawa sa harap namin sa kung anong nangyari o hindi nangyari sa akin kanina kaya every now and then ang kanilang pagbungisngis. Inggit lang ako sa saya nila.

“Alam mo bang merong mythical creature na laging bumubungisngis?” tanong ng katabi ko. “May malaking mata-“

Napasigaw ako nang wala sa oras nang lumitaw sa imagination ko yung description ni Karina. Napasigaw rin siya sa gulat at narinig ko na rin yung tiling dolphin ni Giselle.

Kumaripas kaming apat ng takbo habang sumisigaw. Nag-ala bampira kami sa bilis ng pagtakbo namin, dinaig pa si Edward Cullen.

Sa bigat ng aking pagtakbo, iisa lang ang nasa isip ko. Patawarin nawa ako sa sasabihin ko pero...

 

Putangina.

 

 

Sa tagal ng aming paglalakad kanina at sa pagod naming nagsitakbong parang baliw, na-refresh kaming lahat nang makita yung sapa.

In fairness, maganda at malinis yung tubig. Ang sarap din sa pandinig nung sound na nanggagaling dito habang tumatakbo yung tubig patungo sa mas malaki pang body of water.

Ang tagal ko na rito pero ngayon ko lang nalamang may ganito palang hidden treasure sa bayan na ‘to.

“Ang ganda dito, Ning! Wala talagang titibag sa barangay Maligaya.” tawa ni Giselle at umupo sa inilatag naming tela sa madamong lupa. Lagi naming pingatitripan ‘tong pangalan ng barangay nila Ningning kaya kapag may mga araw na malungkot ang aming friend, lagi lang naming inaasar na galing siya sa barangay na ‘to. Sanay naman na siya kaya napatawa na lang din at tumabi kay Giselle si Ningning.

“Uy bakit umuupo ka na? Tara magtampisaw sa tubig?” aya ko.

“Hindi ka ba pagod? Pagpahingahin mo naman kami, ikaw ‘tong nananakot kanina.” sagot ni Ningning na napahiga na lang. “Kala mong nakakita ng multo.”

Narinig ko ang pagtawa ni Karina na nandun na pala sa gitna ng sapa nakatayo sa isang malaking bato. Mahina na yung pandinig ko dahil sa ingay na nanggagaling sa agos ng tubig kaya nagtaka ako kung pa’no niya narinig yung sinabi ni Ningning at tinawanan pa ako.

Iba pala tinatawanan niya.

“Winter look, may maliliit na palaka.” tawag niya sa akin at patalon-talon sa mga bato na nakalitaw sa tubig.

Ang cute talaga, parang girl scout, parang gusto kong alagaan habangbuhay at lagyan ng pulbo sa likod. Kung hindi ko lang siya kaibigan slash crush, gagawin kong anak ‘to.

Pwede ring gawing baby.

Hinayaan ko na yung dalawang nagpapahinga lang at dahan-dahan akong naglakad papunta kay Karina dahil hindi ko na suot yung tsinelas na pinahiram ni Ningning kanina. Mabato pa man din at hindi ako sanay na naglalakad nang naka-paa lang kapag ganito, kumakati kapag tumagal.

Pagkarating ko sa kung nasaan siya, may dalawang maliit na palaka sa mga palad niya at pinakita sa’kin nang naka-eye smile. “Cute 'no?”

Lord help, ang cute nung sumisilip na dimple sa left cheek niya.

“Oo,” sagot kong sa kaniya nakatingin at hindi sa kaniyang hawak.

Naging soft ang kaniyang ngiti at tumayo na mula sa kaniyang pagkakaupo at pagpapakawala sa dalawang palaka. “I meant the frogs, but thanks.”

May maliit na ngiti pa rin sa mga labi niya bago niya ako talikuran at nagstone hopping ulit. Napangiti na lang din ako at sinabayan siyang tumalon-talon from one stone to another. We were having fun at tawa lang kami nang tawa nung nagsimula kaming maghabulan.

Buti na lang at hindi madulas yung mga bato kaya nakaraos naman kaming walang nangyayaring masama o aksidente.

Medyo nawawalan ako ng hininga every now and then dahil sa pagod at kakatawa pero ayos lang dahil nakikita ko namang sobra rin yung saya ni Karina, abot langit kamo pa.

Para akong bata na nakikipaglaro sa kaniya, masaya, carefree, parang walang pakialam sa mundo na nakapaligid sa’ming dalawa.

 

Sa tuwing mapapahawak siya sa’kin bigla dahil maa-out of balance siya, nararamdaman ko ang pag-init ng aking mukha, kahit ba sa kamay ko dumadampi ang init galing sa kamay niya. Tumatambling yung mga kalamnan ko and the moment na babawiin niya na yung kamay niya, nandun pa rin yung feeling.

Ayokong isipin na beyond the ‘crush phase’ na ‘tong nararamdaman ko at baka may nararamdaman na rin siyang iba para sa’kin, kasi feelingera naman na ako nun. Gusto ko lang naman malaman kung anong feeling ba ‘to.

Pero… hindi naman masamang mangarap, diba?

Hindi nga masama, pero mahirap na nangangarap lang ako.

Lalo na kapag mahuhuli ko minsan yung tingin sa’kin ni Karina. Hindi ko rin siya maintindihan.

Minsan may ginagawa siyang gestures and acts na hindi naman niya ginagawa kila Ningning at Giselle. Ngayong araw pa nga lang, marami na rin. Siya na yung nagpaubayang maupo sa likod ng tricycle kanina noong nag-aaway kami sa seating arrangement at pinagdiskitahan ako nung dalawa, sinerve-an ako ng buko juice bago yung sarili niya, tapos nagpahuli pa siya sa paglalakad naming apat kanina at hoy, kitang-kita yung concern sa mukha niya nung tinanong niya ako kung anong meron.

Romantic feelings. Yun ang meron ako sa kaniya.

Sa dinami-dami nang nabanggit ko, nagmukha akong assumera.

Gano’n lang ba talaga kahirap intindihin yung totoong nararamdaman sa’kin ng kaibigan kong ‘to o masyado ko lang binibigyan ng ibang meaning yung mga ginagawa niya sa’kin?

Andami ko nang tanong, kailangan ko na ng sagot mula sa kaniya.

“Balik na tayo?” bigla niyang tanong.

‘Sagot ang hinahanap ko Karina, hindi isang tanong pa mula sa’yo’, isip-isip ko.

Nagstay pa kami saglit na nagbabad sa sapa pagkatapos kong sabihin na gusto ko munang magpalamig, with my hidden agenda na makasama pa siya habang pilit kong kinakalimutan pansamantala ang aking mga agam-agam tungkol sa nararamdaman ko.

Pagkatapos ng ilang minuto, bumalik na kami ni Karina sa kung nasaan ang dalawa naming kaibigan na nakahiga at nakikinig ng kanta mula sa phone ni Giselle.

Nang mapansin nila kaming paparating, umusog silang dalawa at naglaan ng espasyo para sa aming dalawa ni Karina.

“Malamig yung tubig?” tanong ni Giselle.

“Oo, punta ka rin.” sagot ko pagkatapos tumango lang ni Karina. Inaayos niya yung pants niyang medyo nabasa kanina.

Pumunta nga si Giselle at pinilit pang hilain si Ningning na ayaw sumama, kesyo tinatamad daw siya dahil sa antok. Nagrason naman si Giselle na baka magising siya sa lamig ng tubig kaya wala na rin siyang nagawa kundi sumama.

Habang pinagmamasdan ko yung dalawa na nagsisigawan at nagtatawanan, naramdaman ko ang pagharap sa’kin ni Karina.

Nilingon ko siya at saglit na nagtama ang aming mga mata bago ako naglihis ng tingin sa ngiti niyang kakaiba.

Ganito.

Ganito yung mga ngiti niyang nagpapaisip sa’kin minsan kung may iba rin ba siyang nararamdaman.

“Winter…”

Nagtataka at kinakabahan ko siyang nginitian pabalik. “Bakit?” tanong ko.

Ilang segundo rin siyang tahimik lang at nang magsalita siya, biglang nawala ang kaniyang ngiti.

 

“May gusto ka ba sa’kin?”

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
13luvsfriday
#1
Chapter 3: Panaginip nga ba
lokonaba
#2
Chapter 3: anu ba talagaaaaa HAHAHAHA
gomtokkim
2181 streak #3
Chapter 2: Buti na lang panaginip lang yun😂 good luck Winter!!!!
EzraSeige
#4
Chapter 2: 😍😍😍💙❄
SkyeButterfly
#5
Chapter 1: THIS CLIFFHANGER?? Bitin po 😩
SkyeButterfly
#6
Ooo 👀
lokonaba
#7
Chapter 1: OMGGGGGG AWIT NA CLIFFHANGER
lokonaba
#8
Chapter 1: bakeettttttttttttt
Zellute
#9
Chapter 1: Oy penge naman karugtong jan otornimm
mywkskr #10
Chapter 1: SEQUEL PLEEK😭