Strawberry Taho

Parallel Lines
Please Subscribe to read the full chapter

Chapter 24 | Strawberry Taho

Halos hindi na makatayo si Joy habang sinusubukang iapak ang kaliwa niyang paa. Hinabol niya pa kasi yung tira ng bola papunta sa kabilang side ng court kahit na alanganin na sa out of bounds line.

“TIME OUT!” Isang malakas na pito ang umalingawngaw sa kabuuhan ng court.

“Bae, can you still play?” Tanong ni coach sa kanya na mukhang nag-aalala ang tono. Sinagot niya lang ito ng simpleng iling habang hawak at iniinda kung napasama ba ang paa niya.

“Kupal na naman ni Lisa. Bida-bida sa pagpalo. Why is it that you’re always her target? Akala mo naman mauungusan eh practice lang naman ‘to.” Lumapit si Rosé at iniabot ang kamay ni Joy para tulungan. Inakay niya papunta kung saan nag-aantay si Wendy sa benches sa malapit na courtside.

Natawa na lang si Joy sa pinagsasasabi ng kakampi. “Well, you would agree with me though. Mas malakas na ang mga palo niya compared last season.” Sa isang taon na nilagi niya sa SMU Egrets Women’s Volleyball Varsity, she noticed how much the three of them, as the only ones that got in in their batch, na nag-iimprove. Para sa kanya, walang personalan pagdating sa court. Laro lang, ika nga.

“How the hell would I know that? Ikaw nga laging tinatamaan. Whether she’s working on her strength or control, I’m not buying it. Once is enough, pero yung buong set na sa ‘yo niya i-direct yung bola, there’s no way it’s not personal.” Paliwanag naman ni Rosé. Sa kanilang tatlo, the competition is on as well. Dahil nga may mga bagong freshies na pumasa sa tryouts, naghahabol na rin silang tatlo na mapunta sa season players lineup this year. “If I know, bida-bida na naman yan para mapansin ni coach.”

Hindi naman masisi ni Joy kung competitive man ngayon si Lisa. In fact, she was being way too competitive as well. Kaya nga kahit alam niyang malaki ang chance na out of bounds yung bola, ay hinabol niya pa rin ito ng tira. Hence, twisting her ankle in the process. “Wag ka nga. Laro lang ‘yan. We get injured all the time.”

“Are you alright, Joy?” Nakatayo na si Wendy na inaantay makarating sila Rose papunta sa kanya. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala at inalalayan din niya si Joy makaupo.

“Go and rest for the rest of the weekend, Bae. Make sure you ice that. Pacheck mo na rin kay Doc Bae ‘yan for further treatment. We cannot lose you this season. What you did there, was something we could use indefinitely for this coming season.” Sabi ni coach na sumunod kung nasaan sila.

“Thanks, coach. Papacheck ko kay dad later.” Sabay tango naman ni Joy nang umupo sa tabi niya si Wendy at inaayos ang mga gamit nila.

Humihingal namang tumakbo papunta sa kanila si Lisa. “Joy, okay ka lang? Napalakas ata palo ko.” Tanong niya sa kaibigan.

“Lumalakas na palo mo ha! Paturo niyan next time.” Joy took it the positive way. Hindi naman din kasalanan ni Lisa ‘yon. It was her choice na habulin ang bola and give it her all bago niya paluin ito papalayo sa kanya. Nasaktan man siya, she wouldn’t have done it any other way.

“Sorry talaga, Joy.” Halos maiiyak na si Lisa nang sabihin ito.

“Napaka-drama mo, Lisa! Balik na nga kayo doon, tapos na time out niyo.” Patulak na nakangiting sabi ni Joy sa dalawang volleyball player na naka-kumpol sa pwesto nila.

“Wendy, ikaw na bahala dyan ha.” Bilin ni Rosé sa katabi ni Joy at kinurugan si Lisa.

“Oo naman. Hatid ko na ‘to pauwi.” Fist bump ni Wendy sa dalawang higante.

“Ingat kayo.” Pahabol naman ni Lisa bago tumakbo muli papunta sa pwesto niya sa court.

“Tara na?” Tumayo naman si Wendy at kinuha yung mga gamit niya at yung gym bag ni Joy.

“Sige.” Tanong ni Joy bago umakay kay Wendy.

Sumakay na sila sa kotse. Mas maaga sila ngayong uuwi kesa sa mga nagdaang araw ngayong linggo. Hindi na rin mabilang ni Wendy kung ilang beses siya paulit-ulit na nahuhulog para kay Joy araw-araw. Siguro nga, ito na yung sinasabi nila. The more she sees a new side of Joy, she cannot help but fall deeper. Kahit kanina, nakita niya kung paano umasta si Joy kay Lisa despite the clarity na si Lisa talaga ang mali. It only proves that Joy is one hell of a mature person.

Binasa uli ni Joy yung message sa kanya ng ate niya. Isang malaking traydor talaga si Seulgi. Those impromptu trips anywhere, na akala niya para sa kanilang dalawa lang, ay hindi na.

“Joy,” Tawag ni Wendy sa katabi habang nag-aantay ng traffic light. Napansin niyang tulala ito. “Okay ka lang ba talaga?”

“Ah, sabi kasi ni ate, pinapasabi ni Seul na huwag mo na raw siya antayin mamayang gabi kasi late daw sila makakauwi.” Joy relayed exactly kung anong message ng ate niya. Hindi niya alam kung pinagseselos ba siya nito or ano. Bakit hindi na lang si Wendy yung ni-message?

“Oh? Saan daw sila?” Nilipat ni Wendy yung neutral gear to drive.

“Nasa Baguio daw.” Tipid na sagot ni Joy. Suddenly, hindi na niya maramdaman yung sakit ng sprain niya sa paa. Parang mas makirot yung puso niya. Literal, na masakit yung dibdib niya.

“Eh diba Thursd

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
j4mmybear
I hope you like the special chapter. Thank you for reading. Comment your thoughts kung gusto niyo ng Winrina as a sequel, pamagatan nating Tangent Lines. And upvote if you haven’t yet, I’d really appreciate it.

Comments

You must be logged in to comment
its_aaarrriii
42 streak #1
Chapter 33: 💛💗😍👉👈
its_aaarrriii
42 streak #2
Chapter 8: Pinagpalit sa mas maganda 😭😭😭😭😭😭😭
its_aaarrriii
42 streak #3
Chapter 33: cute, pwede na ko matulog magaan na loob ko hahahaha

i miss u author!
its_aaarrriii
42 streak #4
Chapter 32: good morning to me
its_aaarrriii
42 streak #5
Chapter 33: Bitin talaga😭😭😭😭😭
its_aaarrriii
42 streak #6
Chapter 32: ❤😭❤😭❤😭❤😭❤😭❤😭❤😭
its_aaarrriii
42 streak #7
Chapter 31: Na alala ko na po!! Ito yung hinahanap kong atty/senator si seulgi na aff huhu
its_aaarrriii
42 streak #8
Reread lezggooo
cytokinesis_ #9
Chapter 33: I remember reading this during the pandemic, lockdown era. The updates, pinakahihintay ko. Reading those updates, pahinga ko. Pero things happened and I got super busy and ngayon lang ako nagkaroon ng time na bumalik sa pagbabasa. After a year (?) ngayon ko lang natapos ‘to, but after rereading yung mga naunang chapters. Nandoon pa rin yung feels, very nostalgic yung feeling kasi I remember na every small details pinapansin ko noon. Inooveranalyze ko yung mga actions ng bawat character. I just think na dahil din ‘yon sa way ng pagkasulat, kasi makukuha talaga yung attention mo, and it would make you READ. Super worth it yung pagbalik dito. Thank you for sharing this with us, author! I missed your stories, late man pero congrats pa rin po for finishing this. I hope you’re doing great po!
000014
#10
Chapter 33: 🥰