Cornsilog na Mahangin (Windy)

Maligaya & Maningning's Kitchen
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

Hindi alam ni Joy kung anong gayuma ang pinalaklak ni Wendy sa mga magulang niya pero sobrang tapang yata. Pinagmamasdan niya nang may pagkasuklam si Imaw girl version habang masayang nakikipagkwentuhan sa mga magulang niya. Ibang klase magpalakas. Itong mga magulang niya naman nagpapadala sa paandar ng manliligaw niyang mukhang kakatungtong pa lang ng grade 3.

 

First of all, hindi nagmana sa mga magulang niya itong si Joy. Noong kapapanganak ni Joy ay kasama nilang nakatira sa bahay ang lola ng daddy niya, dating katipunera. Nang nabubuhay pa ito ay panay ang buntot ni Joy sa matanda. Lahat ng ginagawa nito ay ginagaya niya. Simula sa pagkain hanggang sa pananalita y ginagaya ng bata. Kay Joy lang lumalambot ang puso ng matanda. Lagi itong nakatungayaw kapag kausap ang mga magulang niya at nakikipagtalo sa kung paano palakihin ang anak nila.

 

Spoiled si Joy ng lola niya sa tuhod. Sa tuwing tumatanggap ito ng pensyon ay may nakalaan parating isa o dalawang libo para sa bata. Wala tiwala ang lola sa mag-asawa kaya kay Joy mismo dumederetso ang pera. Laking gulat ng mag-asawa nang makakita nang kulang-kulang kinse mil sa tokador ng panganay nila. Nang ipanganak si Ningning ay hindi na sila nagulat nang may walong libo naman ang natagpuan sa damitan ng bunso. Inabot pa ng lola ang ika pitong kaarawan ni Joy bago pumanaw. Kaya hindi na nagtaka ang mga magulang niya kung bakit ganiyan kasungit ang panganay nila. Yun nga lang, pati ang matungayaw  na bunganga ng lola ay namana niya.

 

Sinilip ulit ni Joy ang tatlo. Halos kargahin na ng nanay niya si Wendy. 

 

"Mga uto-uto," bulong niya.

 

Sino nga ba ang hindi magiging boto kay Mahal gayong may dala siyang mga panuhol. Halaman para sa plantita niyang ina at signed jersey naman ni jaworksi para sa pba fan niyang ama. Napapa-iling nalang si Joy. Nag-ngingitngit sa kanyang pwesto habang pinupuri ng mga magulang niya si Stewart litte.

 

"Naku, salamat talaga dito sa dala mong halaman, iha. Kung saan-saan na kami lumibot ng asawa ko para humanap ng ganiyan," pasasalamat ni Jasmine. Tuwang-tuwa ito sa dalaga. Tutol siya sa mga pakulay ng buhok at hindi papayagan na mag-bleach ang mga anak niya habang nasa poder niya pero para siyang ineenganyo ng buhok ni Wendy. Parang gusto niyang bumili ng pangkulay at iregalo sa mga anak.

"Salamat din dito sa jersey. Paano mo nalaman na fan ako ni Jaworksi?" tanong ni Fred. Para itong bata na nakatanggap ng regalo sa noche buena. 

"You're welcome po, Ma'am, Sir," magalang na sagot ni Wendy saka ngumit nang maamo. "Nabanggit po ng daughter nyo po. Si Ningning. She said na you almost become a professional basketball player when you were younger. My dad was also a fan po and three po yung ganyan niya kaya I asked po kung pwedeng kunin yung isa and he said yes naman po.'

"Tita and tito na lang ang itawag mo sa amin, Wendy," pagtatama ni Jasmine.

"Oo nga, pasasaan pa at nililigawan mo raw yung panganay namin sabi ni Jason," sang ayon naman ni Fred. Si Jason ay ang helper nila na pumagitna sa magkapatid noong magbangayan ito sa harap ni Wendy. 

"Oh, about that po..." 

"Sigurado ka ba na yung panganay namin ang gusto mo? Baka nalilito ka lang!" biro ng nanay ni Joy. Sigurado ba ang magandang bata na ito na ang panganay nilang nagmana sa lola niyang katipunera ang gusto niyang ligaywan?

"Okay lang po sa inyo? Kahit na... I'm a girl?" tumawa ang mag-asawa.

"Hay naku, iha. Wala na sa amin yang mga gender gender na ganyan. Basta mahal ninyo ang isa't-isa ayos lang sa amin," wika ni Jasmine.

"Pero, isang beses na saktan mo ang anak namin, wala ring gender-gender sa amin. Saktan mo ang anak ko, simulan mo nang magtago," babala naman ni Fred. Naiilang na tumawa si Wendy. May kumalikot yata ng aircon. Lumamig bigla.

"I really like her po e. When I first saw her po nabighani po ako agad," nahihiyang paliwanag ni Wendy. "You guys have beautiful children."

"Sinabi mo pa! Noong nasa probinsya pa ako, habulin ako ng mga dilag sa bayan namin," pagmamayabang ng tatay. Pinalo naman siya sa braso ng asawa. "Ikaw talaga. Napakayabang mo pa rin," reklamo ng nanay.

"Hindi nga ba't iyon ang nagustuhan mo sa akin," panunukso nito. Hindi na siya pinansin ng asawa.

"O siya, mauuna na muna kami at birthday ng kumpare namin," paalam ni Jasmine saka tinawag

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
tealundertones
2024 update! See you sa 2025

Comments

You must be logged in to comment
germsrocket #1
Chapter 8: OMAYYYGADDDH OTOR-NIM!!!!
AYAN na nafalll na din si Ligaya hahaha
sobrang Tsundere lang ng character nya hahahaha
I freaking love the story sana maupdate ASAP kasi grabeh ung bitin ko hahaha
germsrocket #2
Chapter 1: Wahahaha ang dami kong tawa dito
1st chapter pa lang 🤣🤣
di ko mapigilan tawa ko pinagtitinginan na ko d2 sa office 🤣🤣🤣
niceuuu 👍👍
honeyblood17
#3
Chapter 8: ay shuta ang daming OA moments ni joy pero ihhhhhhh yung huling part 🤭🤭
redsummer0801
#4
Chapter 8: Salamat otornim di ko kagad nabasa dahil may sakit ako (til now) pero I feel better reading poo. DBest talaga wenjoy fics mooo
redsummer0801
#5
Chapter 8: Walang kiss!!
_flcty #6
Chapter 8: GRABE NA NGA WALA KANG KUPAS 🥹 Kilig na kilig ako huhu. Mukhang malapit nang sagutin ni Maligaya yung manok ko 🥰 SANA MASARAP LAGI ULAM MO OTORNIM! SALAMAT SA UPDATE 🫶
parkjaeyoung801 #7
Chapter 8: yun oh may pa new year si author!! nag bgc ka po ba?? hehehe
EzraSeige
#8
Chapter 8: Chapter 8: Welcome back otornim. Arigathanks sa ayuda po 🙇😍💚💙
Minjeonglabz #9
Chapter 8: Nahanap din kita ulit shshdkdhsjdgdggdks. YEHEY MAY UPDATE🥳🥳🥳 ANG CUTE CUTE TALAGA NITO😍
iamriou_
1170 streak #10
Chapter 8: Welcome back otor! 😂